Wednesday, December 9, 2009

Gymnastic

Try JibJab Sendables® eCards today!





karirir na natin to nene...pang international pala ang talent natin...astig ang split..wahahaha.....nagawa ko to sa panahong wala akong matinong magawa sa kasaysayan ng blogging....lols


Friday, December 4, 2009

Paalala sa Pasko


alam nating lahat na ilang araw na lang ay magpapasko na. maraming party na magaganap. party sa bahay, sa kabilang bahay, sa tropa, sa kabilang bayan at kung saan saan pang party na yan. at siyempre kung may party, may pagkain at ang walang kamatayan na inuman. mula sa patikim tikim hanggan sa tuluyan ka nang malasing. kaya paalala lang sa mga kapwa tungero jan, na sana ang mga tips na ito ay makatulong sa inyo. isipin nating may bukas pa.


1. Don’t be “suwapang” in an inuman session. You’ll have your own turn to drink so don’t go grabbing someone else’s shot. Remember that you’re there to share the drink and you’re not drinking alone. Give your drinking buddies a chance to gulp.

2. Don’t eat the pulutan as if you’re in an eat-all-you-can resto.
An inuman session is half-fun without the pulutan. However, that doesn’t give you a valid reason to be a glutton. Get a spoonful of pulutan once every shot. Try to control your appetite or else go to the nearby carinderia. lols. Don’t wait for your deed get into their nerves and yell, “Wag mong gawing kanin ang pulutan” at you.

3. Don’t drink too slowly. Your thirsty drinking buddies are waiting on queue. Don’t keep on holding your shot for a long time. Keeping a good conversation is good but you should know when to stop yakking and drink your shot.

4. Drinking treats are fine but know when to chip in. If you have a few bucks in your wallet, spend some. It won’t hurt to spend when you’re having fun. Bring out the “galante” in you and give something back. It’s a sort of give and take.lols.

5. Try to control your “amats”. In other words, “ilagay mo sa tiyan at wag sa ulo”. Other people talk too much nonsense and act insensitively when they’re drunk. Don’t get nasty and talk about things which don’t interest your drinking buddies at all. Be a good listener and try to remain sober.

6. Inform your drinking buddies if you’re going home. Though it’s better to stay until the inuman session ends, it would help if you just go home when you know it’s the righ time. But you must inform the dudes where you’re going. It would give them peace of mind somehow. Don’t leave them guessing.

7. Set aside your pamasahe. Don’t go overspending, dude. If you have your full-tank wheels, then there’s no need to worry. If you’d still have to travel a few miles, then save something if you don’t want to be in serious trouble. It would be such a hassle to go walking when your head seems spinning and you can’t even walk through a straight path.

8. Don’t sleep in front of your drinking buddies. Like you, they’re also drunk. And drunk people can never be trusted. They’ll play you around and do silly things. They might make you a human canvass and paint everything they want on you. The worst is that they might pull your pants and brief down and take a pic of your naked body, which I’m sure you won’t like.

9. Make sure you enter the right door when you go home. Drunk people sometimes have a poor sense of direction. You might mistake your unit to your neighbor’s who’s a girl-next-door type that you fancy for a long time. Good thing if she favors the intrusion. If not, you’re more likely to wake up in prison the next day.

10. Don’t puke (don’t think of something else, please) on the dude beside you. It’s too gross to puke on someone. As much as possible, go out and rush to the nearest comfort room. You’re lucky if the victim is Mr. Patience who’s willing to accept your apologies.

11. Drink moderately and know when to say “ayoko na”. It’s pretty hard for drinkers to say that they can’t drink anymore. You know pretty well your drinking abilities. Thus, you should decide for yourself if you can still swallow your shot or not. Don’t fake your sobriety ’cause you’ll end up crawling on the ground. If you feel you’ll fall at any moment, sit still and avoid unnecessary movements. Don’t even dare to dive into a pool without your buddies around.

12. Keep your personal stuffs safe.
Believe me when I say that drunk dudes become inattentive of their personal things. They seem numb and don’t pay attention to their possessions. You can never blame your buddies if you lose them. And you’d surely be in drinking hiatus to save and buy those things again.


Pano ba yan? INUMAN NA!


Thursday, November 19, 2009

eraser



halos maghapon din akong tumunganga sa trabaho ngayon araw na ito. sunod sunod na araw na din kaming nawawalan ng supply ng kuryente. “maintenance” ang madalas nilang dahilan o di kaya ang kable ay naputol dahil nasagi na naman ito ng mga sasakyan na dumadaan. hindi pa kasi masyadong develop ang industrial area na kinatitirikan ng aming opisina. ang mga kable ng kuryente ay parang pinas parin na pwedeng sampayan ng damit dahil mababa lang nito. hindi kagaya ng ibang area na underground cable na.

kung wala ng kuryente tigil narin kami sa trabaho. ito ang simula ng pagtunganga sa loob ng opisina at pag-abang sa tagaktak ng pawis na dulot ng init dahil sa kawalan na a/c. kelangan din ihanda ang ilong sa amoy ng mga kasamahan sa trabaho dahil habang tumatagal lalong umaamoy (hindi sumasarap) ang debolyong amoy. kung may pawis, may power! san ka pa? dito lang yan.

gusto ko sanang ayusin ang aking magulong upang para mabawasan ang kalat kahit wanport lang ngunit bigla akong tinamaan ng katamaran. lumabas ako sa opisina upang magpahangin pero bamalik din ako kaagad dahil maalikabok…mdyo may sandstorm kasi. bumalik sa aking upuan. sinalpak ang headphone ng mp4 sabay patong ang isang paa sa aking lames….soundtrip na.

habang busy ang aking teanga, busy rin ang aking mga mata sa katititig sa mga bagay bagay na nakakalat sa saking lamesa. imbes na itoy aking ayusin, mas lalo ko pa itong ginulo. bawat bagay na aking nakikita at nahahawakan ay aking pinaglalaruan. bato dito, bato doon hanggang sa mahawakan ko ang isang eraser.

pinaglaruan ko ang eraser. ginawang micropono habang napapakanta sa musika. kinagat kagat na parang chocolate, ginawang bola, truck-truckan at kung anu-ano pa. nang wala na akong maisip na gawin sa kanya, naisipan ko itong i-ugnay sa king buhay. na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…







Thursday, November 12, 2009

Pahinga


"pagod ako"

Sunday, November 1, 2009

to dos los emos



mahigit isang buwan na rin akong walang communication sa aking pamilya sa pinas. walang tawag, walang text, walang sulat..kahit anong balita wala na akong masyadong balita tungkol sa kanila. kung apektado ba sila ng mga nagdaang bagyo? nasa mabuting kalagayang ba silang lahat? panalangin ko lang kay Big Bro. na nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.

hindi naman ibig sabihin na kinalimutan o pinabayaan ko na ang aking pamilya. sa katunayan, buwanan parin naman akong nagpapadala ng pera na pambili ng mga kailangan nila sa bahay. pero sapat kaya sa kanila iyon? masaya ba sila sa ganong bagay na lamang?

may pangako sa aking pamilya. isang pangako na nakatatak na sa kanilang isipan. tuwing tumatawg ako sa amin, hindi nawawala ang katanungan na nasaan na? kailan ito uumpisahan? kadalasan dinadaan ko na lang sa pabirong salita o kaya binabaling sa ibang usapan upang maka-iwas sa usaping ito. hindi ko pa ito kaya.

ayaw ko silang biguin kaya akoy nagsusumikap sa pagtratrabaho at naghahangad na din ng mas magandang trabaho. minsan dumarating yung punto na gusto ko ng bumitaw sa aking pangako pero wala na akong magagawa, kailangan ko itong tuparin. mahirap naman bawiin yun lalot nat para sa sariling pamilya ko ito.

kaya ngayon, mas pinili ko munang manahimik para mapag-isipan ng mabuti ang mga gagawin kong hakbang tungo sa katuparan ng pangakong iyon. ayaw ko munang makarinig ng mga katanungan mula sa kanila at ayaw ko munang magbitiw ng salita. wish ko lang na sana sa pagbuka ng aking bibig ay may masasabi na ako sa kanila na magandang balita.

bahala na si batman……….

Friday, October 23, 2009

Para Kay Nanay



Mula pagkabata ikaw ang aking gabay
Naging inspirasyon upang maging matibay
Sa pagkakaroon ng sariling buhay
Mga pagsisikap ay nagkaroon ng saysay

Bawa’t araw aking binabalikan
Ang mga pangaral moý laging tinatandaan
At laging nakatatak sa aking isipan
Ang pagmamahal mo ay di kayang kayang pantayan

Buhay natiý mahirap lamang
Ngunit ikaý gumawa ng paraan
Maitaguyod lang ang aking pagaaral
Maraming salamat sa sakripisyong iyong ibinigay

Dakila ka aking INA
Maraming bagyo ang dumating sa aking buhay
Andyan ka na laging naka-alalay
Ang iyong pagmamahal, sakripisyo at pang-unawa ay tunay

Sa ‘yong kaarawan
Hangad ko ang iyong kaligayahan
Sanay bigyan ka pa ni Big Bro ng mas mahabang buhay
Maligayang kaarawan sa iyo aking nanay..



Monday, October 5, 2009

in pain!


"wag ka sanang bumalik ulit, dahil masakit"


Thursday, October 1, 2009

Oktober Na!



“Dear Customer, Your Wasel account renewal is due in 12 days. Kindly renew your account on or before 12-Oct-09”

October na!

unang araw ng buwan, nagparamdam sa akin ang isang pinakamayan na kompanya dito sa uae, si etisalat. nagpapaalala na kailangan ko na namang i-renew ang aking simcard upang tuloy tuloy parin ang aking pakikibagbulahan at pakikipaglampongan sa aking jelfon gamit ang kanilang network. 100 dirhams pa rin ang renewal fee, medyo masakit sa bulsa pero ayus lang magagamit ko naman ito ng isang taon ulit.

nagulat din ako ng wanport dahil oktobre na naman! ang bilis ata ng takbo ng araw sa kalendaryo naming mga pogi. ganun cgro kapag busy ka lagi sa buhay…sa trabaho at sa lablayf..nyaw!. hindi mo namamalayan ang paglipas ng mga araw..lolz….nadagdagan na naman ng isang taon ang aking pakikibaka dito sa mainit na lupain. maraming tenchu kay kay Big Bro dahil nakaka survive ako araw araw. binigyan niya ako ng maraming powers para amuyin ang kili-kili powers ng mga kasama sa trabaho at sa mga tao na aking nakakabanggaan sa araw araw na pakikibaka. infernes hindi nila ako napatumba…2 years na ako dito..whew!

dahil oktobre na naman, marami akong iseselebreyt ngayong buwan na ito. kelangan ko pa bang isa-isahin? ok fine! eto sila: bagong renew ang simcard ko, first beerday ng aking taptap, buwan ng una kong pagsakay sa erpleyn, 2 years old na ako dito, pista sa aming bayan at xempre beerday din ng aking nanay (di ko alam kung ilang taon na siya ). natatakot kasi akong tanungin kung gaano na siya katanda baka sapakin lang ako..hehehe

kung may selebrasyon xempre hindi mawawala ang handaan. lalong lalo ng ang mahabahabang inuman…apir tayo jan! 24 hours kaya mo? magpapa-inom ako.

October fest na, kaya inuman na to the 10th power.

PS..

happy beerday din pala kay batang kulot. beerday niya sa seven..magpapa-inum ka rin ba?hehe…happy 2nd monthsary din kina ano…more mansary to kam…and of kors golp kors, sa amin din na naka level four na..lolz







Wednesday, September 23, 2009

Magkano Ang Pangarap Mo?



Narinig mo na ba ito: “Libre lang ang mangarap.”

Pag mukhang walang direksyon ang buhay mo, sasabihin nila,“wala ka man lang kaambi-ambisyon!”

Pag andami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila,“ambisyoso ka!”
Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya’y pumunta sa Dubai , Qatar at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa bandang Libis o Ortigas? O kaya yung teller ng banko sa Makati . Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang hindi nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!

Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito – freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy, bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay? Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.

May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang kabuhayan. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way, nawala ang focus niya.

Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila, “black sheep” ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at pamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. Saan na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa bahay.” Sagot niya, “Ubingak pay! (bata pa ako).” Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!

Ano, hihirit ka pa?

Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, “Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari sa buhay ko!” Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun ah! I got scared. Sabi ko, “Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na puedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan.” Ang kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, “Busy ako sa work eh!” She was practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, “Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa susunod na mga taon?” Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing, “Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?”

The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where you want to be. It is owning it. ‘Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa halagang Php10,000 tapos ibebenta ka sa halagang Php100,000. Yan ang harap harapang prostitusyon!

Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon. Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko, kaya security guard na din ako. Sabi ko, “Ayaw mong maging chief of police?” But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and say, “Eto ang kapalaran ko.”

Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, “Sama-sama na lang tayo dito!” This one really scares me! O nagsasabing, “Ambisyoso ka!” ‘Tol, at the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong utangan sila. It’ not about lacking in resources, it is about resourcefulness.

I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, “Bat di mo ako kinakausap?” Sagot ko naman, “There is nothing good to say!” Lagi akong nagtatanong, “Is this person going to make a good influence sa buhay ko?” Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.

Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And you can’t go to the same school as the duck’s school.

Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is your life accelerating? Pareho ba max up credit card niyo? Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together? There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends, you better run away from them!

Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new canvass. Choose the colors! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa. Dapat may internal change muna. You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo. Everyday decision yan.

Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.

Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break you. Don’t let anyone live your life and drive you where they please. Like a boss with a stick and a carrot dangling at the other end. The only person who can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not between you and the other person. It’s the devil inside you that doesn’t want you to grow.

Make a decision to change wherever you are. Don’t wait for someday. Someday, someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!

Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I’ll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?

You already know everything you need to know about success. All you have to do is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from the couch and do something!

(nabasa ko lang to sa fs bulletin ....share ko din sa inyo para mabasa niyo rin..hehehe..kita kits na lang ulit tayo sa sunday mga ka-bloggers. medyo bc kc si pogi sa kanyang karir eh..wink)

Saturday, September 12, 2009

It's all about the right attitude

Here are some tips to increase your chances of being viewed as a valuable employee:

Do's
• Bring a positive attitude to work with you and be the friendly and considerate kind of person that people like to be around without overdoing it.
• Be a good listener, endeavoring to understand what your supervisor really wants you to do.
• Ask questions to make sure you understand what is expected of you.
• Prioritize your work, and ask your supervisor if you are not sure or if you have conflicting priorities.
• Show a willingness to take additional tasks over and above your job description (within reason).
• Be punctual and stay late if necessary in order to meet a deadline.
• Turn off your personal mobile phone while you are at work.
• Show respect to your boss and colleagues.

Don’ts
• Don’t be negative, overbearing and a “high maintenance” person (difficult to manage).
• Don’t get caught up in petty office politics and gossip.
• Don’t criticize the way the company does things.
• Don’t bring your personal life into the office.
• Don’t take or make personal phone calls at work.
• Don’t check your personal e-mail, surf the net.


When the cutbacks happen managers will naturally try to keep the best employees; those that have demonstrated respect and commitment to the company and that can do the job. They also look to keep those that they enjoy having around; employees who have a positive approach. My advice is to go out of your way to be that kind of employee.

(akala ko plane ticket ang pinamimigay kanina ni bosing sa opis. yun pala papel lang na ewan......no chance parin akong makauwi...tsk...tsk...)

happi mansari pala sa aking bebe...




Wednesday, September 2, 2009

i miss u



ala una y medya ng hapon kanina nang ako’y lumayas sa trabaho. diretso sa bahay tulugan... kumain ng patago.. nagbukas ng taptap. pindot dito, pindot doon hanggang sa ako’y dalawin ng antok at nakatulog…nag ring ang aking celfon. tumawag ang isang mabaho…hindi na ako ulit nakatulog pa….bumalik sa harap ng taptap..binasa ang isang pm ng isang umiibig mula sa sharjah heheeh.(offline na xa)…binuksan ang online radio..genre, lab songs..ayus db?..walang makakulitan sa chat, sa fezbuk at sa plurk…hanggang sa akoy humiga ulit….tinitigan ang kisame..napapangiwi at napapangiti sa bawat musica na naririnig dahil narin sa mensahe na ipinapahiwatig nito…may tama!..lolz….napunta ang aking kaluluwa pabalik sa pinas…sapul! nakaramdam ako ng homesick.....magdadalawang taon na ako dito sa ibang bansa... hindi pa ako nagbabakasyon. umuwi na ako isang beses pero hindi naman iyun bakasyon (emergency leave)…marami na akong na mi-miss sa pinas..mga tao, bagay at hayop..lolz..hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapag desisyon kung uuwi ba ako sa buwan ng ?????? upang magbakasyon ng bongga?…maraming mga tanong at dahilan na pumipigil sa akin….dahil walang pamasahe?...pinapa-uwi ba ako ng aking pamilya?.....o sadyang may hindi maiwanan lalo nat magpapasko na?...nyahahahaha…..ramadan…ramadan…..sana matapos ka na at makapasyal na ako(kami ng bebe ko)……para matanggal na rin ang pagka boring at pagka abnoy ko….

Dahil sa labis na pag-iisip sa pinas…namiss ko sila….

TABO – dati tabo ang ganagamit ko sa paliligo at paghugas ng pwet na may tae. dito buksan ko lang ang gripo makakaligo at mahuhugasan na pwet ko. walang kachalens chalens. ba!....iba parin kasi ang tabo. sa tabo pwede kang tumae, eh sa gripo pwede ka bang tumae?

LAMESA - sa sobrang sikip ng aking kwarto, ang lamesa ay walang pwesto. tuwing ako kakain, sa sahig lang at diyaryo lang ang sapin sabay tapon pagkatapos kumain. iba parin pag sa lamesa kakain. pwedeng magtago ng ulam sa ilalim.

ALAK – bihira lang akong makatikim ng alak ngayon. kung nakakatikim man, ito’y patago at linibre lang din ako. mahal at mahirap bumili ng alak dito.

ELECTRIC FAN – sa trabaho at sa bahay maghapon/magdamag nakabukas ang a/c. hindi kasi kaya ng power ni EF ang init dito sa disyerto. pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako pumuputi kahit laging nakakulong sa malamig ng kwarto?hehe..sa elctric fan, mas mababa ang konsumo ng kuryente kumpara sa a/c.

TV – wala akong tv dito. sa taptap lang ako nanood. kung minsan dumadayo pa ako sa kabilang bakod makapanood lang ng may bukas pa at only you sa tfc.lolz…(crush ko kasi si dimples romana pero hindi ko parin ipagpapalit si b2..hehehe)..yung tv may remote, pero yung taptap wala! (kaya wag kang magtaka kung napapansin mong hindi ako marunong gumamit ng remote ng tv niyo...hahaha)

mahigit isang taon na ako dito sa uae. ilang beses narin akong umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera (dapat lang), bumili ng pagkain at mga gamit. kung hindi sana ako umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera at bumili ng pagkain at mga gamit, malapit na sana akong maging...................…toinkz..hehehe.lolz....







Tuesday, August 25, 2009

buhay hangang grade 6


ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)

taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….

“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”

kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya

“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”

ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.

kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..

dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.

mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.

pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.



Friday, August 21, 2009

piso

nakapulot ako ng.......

PISO!



Wednesday, August 12, 2009

B1 and B2 @ 2



Second monthsary na natin ngayon. Dalawang buwan na din tayong nagkukulitan at nagbobolahan este nagmamahalan pala..hehe. Dalawang buwan pa lang tayo pero feleling ko 2 milyon years na tayong magkasama at magkakilala. I never tired looking at your pictures, reading messages you've sent to my china fon na binili natin sa Rolla, asaran and kulitan sa chat na kung minsan nauuwi sa tampuhan. All of these things keep me so happy and blessed (exclude tampuhan). Parang kaadikan pero totoo. My life is now full of promise, lahat ay may halaga and its all because of you. You made me become a better person now. My life would never be the same without you.

Our life togehter is amazing, and together it will only get better and better. Alam kong maraming pagsubok pa na darating. Kaya natin tong lampasan lahat na magkasama at di rin tayo pababayaan ni Big Bro. Kapit lang tayo B2. I will forever be greatful that you came into my life. Together we are perfect and i will enjoy enjoying spending the rest of my life with you.

in you...
i have found the greatest happiness in my life

and in you...
i have truly found the one person that i want to spend for the rest of my life


happy second monthsary B2. hay yab yu ng dami dami!


Wednesday, August 5, 2009

supalpal



sa trabaho, hindi natin maiiwasan na makasama yung mga taong nagmamagaling. yung tipong akala nila sa kanilang sarili eh alam na nila lahat ng bagay, sila ang boss, sila ang nasusunod, sila lang ang marunong pero kung tutuusin sila naman pala ang mga taong walang laman ng utak

tahimik akong tao pero hindi lahat ng panahon ay tatahimik na lang ako sa isang tabi at basta na lang magpapaapi sa mga taong walang masyadong alam sa trabaho. marunong din akong lumaban. kaya kong ipagtanggaol ang aking sarili lalo na’t alam ko na tama ang aking mga ginagawa at sila ang mali.

pinoy ako! palaban!


kaya ano ang napala mo? supalpal ka kay amo!

Monday, August 3, 2009

pang load!






"Kung may dagdag,
may pang-load" - BATMAN








Wednesday, July 22, 2009

walang taytol



ilang linggo na akong windang na windang sa trabaho. minsan pati pag-inum ng tubig at paglalaro ng demonstar sa ofis nakakalimutan narin dahil sa sobrang dami ng trabaho na pinasa sa akin ngayon. mula sa paggawa ng mga memo, work order ng mga na-break down na mga sasakyan hanggang sa distribution ng lintik na gasolinang yan. isama ko narin pati mga pasaway at mahirap umintinding mga diesel attendants at mga foreman sa sites na wala nang ginawa kundi umangal ng umangal dahil sa delayed na pagsusuply. dagdag trabaho, dagdag sakit ulo. Okey lang sanang dinadagdagan ang aking trabaho kung may dagdag din sa sweldo para matuwa naman ako kahit wanport at mabawasan din ang sakit sa ulo. nung nakaraang araw, kinailangan ko rin mag extend ng oras sa trabaho hanggang madaling araw dahil na rin sa kakulangan ng aming attendants na matagal na naming hinaing sa kinauukulan pero hanggang ngayon hindi pa kami binibigyan.

kaninang umaga, nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap ng aking visor. ang naging sentro ng aming usapan ay ang dagdag umento sa sweldo ng aming mga attendants at sa aking side na din. matagal na siyang may ginawang sulat tungkol sa aking dagdag na sahod at change of employment status pero hanggang ngayon wala parin balita kung ano na ang nangyari sa papel na yun. kung ginawa na nilang eroplanong papel at pinalipad sa labas ng opisina ng kinauukulan hanggang sa tangayin ng malakas na sandstom patungo sa boarder ng saudi at aue kaya tuluyan ng nawala sa kanilang paningin at ala-ala. napalitan na ang dating manager, naka hanap na rin ng bagong trabaho ang aking dating visor, samantalang kami, naghihintay parin sa mundo ng ka-dieselan. naghihintay sa wala!

“Your talented, hardworking and still young. You have a bright future. subukan mong mag-apply sa ibang kompanya na magbibigay ng mas magandang sweldo at benefits. Kung dito ka lang, walang mangyayari sa’yo. baka maghihintay lang tayo sa wala. ako nga, naka ilang taon at sulat na rin ako, wala pang increase sa aking sweldo. kaya kung may mas magandang oportunidad, grab it. I will call my friend if there is any available vacancy in their company". - VISOR

kaya next week, maglalaho ako ng isang araw sa aking trabaho. susubukan kong magpasa ng cv sa kabilang station. nandun yung kaibigan ni visor (dati kong visor). kaya goodluck sa cv ko. bahala na rin si batman.



Wednesday, July 15, 2009

Mga Tauhan

SV – isang itik. manager ng aming dept. may panahon na hindi mo matindihan ang kanyang super amoy. ang kanyang taptap ay may mga bold na pictures. laging kinakamot ang kanyang bayag. code name “kamot” o “amo”

CHERI – isang itik. supervisor. isang kristianyo. mataas magbigay ng overtime kaya medyo maganda ang ngiti ni pogi. mabilis magsalita. minsan mabaho ang kanyang hininga. bansag na pangalan “Bigote”

JID – isang itik. tagasagot ng telepono. secretaryo ni amo. minsan may putok, minsan wala. laging fitted ang suot. bansag na pangalan “vic sotto”.

ELLI – isang pinoy. accountant ng aming dept. ang asawa ay nasa UK. may isang anak pero nasa pinas taga-bansag ng mga pangalan. mabango

ROD – isang pinoy. data entry operator. may dalawang anak. masipag magtrabaho. minsan sa opisina siya natutulog matapos lang ang kanyang report. CK ang pabango. hindi umiinon ng whisky, beer lang.

BASH – isang itik. PO clerk ng diesel at oil. sipsip na kupal. medyo bading. mabaho ang paa at may putok. walang hilig magpalit ng damit. code name "bad1"

EHSAN – isang itik. bagong ama. laging nangungutang ng 50 dirhams sa mga pinoy. taga benta ng used oil at taga gawa ng timesheet. may putok sa kilikili at paa. medyo bading din katulad ni bash. code name "bad2".

POGI (ako) – isang poging pinoy. laging pinagkakamalan na nepali. taga punas ng sahig at lamesa sa opisina. masaya sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. bonggang bongga ang bango.

VIN – isang pinoy. data entry operator. pinabakata sa lahat. mahilig magdownlaod ng movies sa torrent. lagi din sa pinoyunderground na website. laking Mindanao pero ilocano ang salita. ayaw niyang sabihin ang kanyang pabango pero mabango siya.

HANI – taga Jordan. data entry operator. malakas manigarilyo at magkape. makapal ang mukha. madalas matulog sa kanyang upuan kahit oras ng trabaho. kapag may bagong damit, isang linggo niya itong sinusuot pero naliligo naman daw siya. code name “kulit.

MARC – isang pinoy. data entry operator. taga luto pag wala ang mga amo. lagi sa bahay ng kanynang siyota. mabango.

SHAK – isang itik. katabi ni pogi sa opis. super lakas ang putok. marami siyang posistion sa trabaho. kulang na lang sabihin niya na siya ang manager. code name “tangkad”

SHOFI – isang bangali. tea boy. mas masahol ang kanyang amoy kumpara kay sv.

Buod:

6 na itik
5 na pinoy
1 na Jordan
1 bangali

________________
13 – mga tauhan


Konklosyun:

ang mga itik sa opisina ay mababaho
ang mga pinoy sa opisina ay mababango
mas marami ang mga itik kaysa sa pinoy
kaya ang aming opisina ay "super BAHO"…lolz


Saturday, July 11, 2009

Kalendaryo


Narito ang aking pambato
Hindi ko hangad ang manalo
Nais ko lamang manggulo
Pagdamutan nyo na lamang po ang nakayanan kong ito.


Nawa'y inyo itong magustuhan
Pagkat ang pitak na ito ay aking pinaghirapan
Ako ngayon ay lumalapit
Sa mga tao sa likod ng PEBA at ang logo na ito dito ay aking isasabit.



kung nagustuhan mo ang kalendaryo ko, ano pa ang hinintay mo pareko? pindot na dito at ako'y iyong iboto. si batman na ang bahala sa regalo mo bilang pasasalamat ni poging(ilo)cano sa oras at boto n ibinigay mo...lolz... :)




Wednesday, July 8, 2009

Surpresa



kasarapan ng aking paghigop ng mainit na tea kaninang umaga nang bigla akong tinawag ni manager sa kanyang opisina. kadalasan 9:00am ang kanyang dating pero ngayon 7:00am pa lang dumating na si loko. nakapagtataka! delayed tuloy ang pagtawag ko kay aling dionisia kanina..toinkz

nagtanong si loko kung ano daw ang aking gagawin ngayon? sabi ko sa kanya “sir, bakit may ipapagawa ka? tapos na ako sa aking monthly report tsaka updated na rin ang files ko, may problema ba? astig ang sagot db?.. ngumiti lang si loko sa akin habang binubuksan niya ang kanyang taptap na maraming sexy pictures sa loob.

pogi, I have a surprise for you. (shock! sana salary increase surpresa niya) “what sir? ok, simula ngayon, in charge ka na sa daily planning of deliveries ng diesel natin from depot to site fuel stations entire uae! dagdagdagan ko ang trabaho mo.

takte! kala ko dagdag sahod, yun pala dagdag sakit ulo. hirap talaga pag may extra powers ka, laging napapansin. feeling ko tuloy ako na si spiderman…hehehe..... wala akong masyadong alam sa binibay niyang bagong trabaho. wala din briefing na binigay sa akin yung dating in-charge dahil biglaan din ang pagpapalit niya sa kanyang schedule kaya goodluck nalang sa sarili ko. kakapahin ko na lang ng todo ang bagong hamon sa trabaho para matutunan ko ng mabilis, kasing bilis ng high speed pump sa depot at sasakyan ni batman. kaya ko naman cgro to…bahala na si batman……

boss, kelan ang increase? sawa na kasi ako sa very good mo! penge na din NOC…lolz.

Monday, July 6, 2009

Pen Pen De Sarapen



Bakla Version ng Pen Pen De Sarapen

Pen pen de chorvaloo
ekemerloo de eklavoo
hao hao de chenelyn
de big yuten
sfriti dapat iipit
goldness-filak
chumuchorva
sa tabi ng chenes

Shoyang fula
talong na fula
shoyang fute
talong na mafute
chuk chak chenes
namo uz ek







(bigay sa akin to ni pareng gogel...kantahin niyo daw..hehehe..lolz.)


Friday, July 3, 2009

Tanong ng OFW



Para sa atin na nandito sa abroad, hanggang kailan ba talaga tayo dito? Ano ano ba ang mga target natin sa buhay? Tungkol sa pag iipon, marami ba talaga sa atin ang nakakaipon ng sapat? O ito ay nagagamit ng pamilya natin sa pang araw araw na gastos at halos wala ng natitira pag uwi natin? Paano ba talaga tayo makakaipon kung kaliwat kanan ang gastos sa Pinas. Hindi pa kasama dito ang luho ng kamag-anak (pasalubong, malling i-pod, PS3, celfon at tsokolate na galing tsina, etc) na dati rati'y okay lang pag wala. Bukod sa pang araw araw na gastos, may sapat bang kakayahan ang pamilya natin para maka pagtabi at maging matipid para magkaroon ng sapat na ipon doon?

Hanggang kailan ba talaga tayo dito sa abroad? At pag uwi sa Pinas, ano na ang susunod na mangyayari? O baka ang naipon ay ma uuwi lang ulit sa pag aapply at pang placement at ayun, balik uli sa abroad.


Saturday, June 27, 2009

Dalawang Kamay


Whenever your lonely,
just look at the spaces between your fingers
and remember that's where my fingers
fit perfectly.

Wednesday, June 24, 2009

Si Housemate





si ahmed, mula sa bansang egypt. isang mechanic assistant. siya ang aking pangatlong housemate kung isasama ko sa bilang sina sorut at ipis. almost 2 yeas na rin kaming magkasama ni kupal sa flat pero hindi parin kami close sa isat isa. hindi kami masyado nagkukwentuhan dahil hindi naman kami magkaintindihan ng salita. Arabic ang kanyang salita, tagalog at ilocano naman sa akin. hindi talaga kami magkaintidihan kaya minsan dinadaan na lang namin sa sinyanas. hindi rin kasi siya marunong magsalita ng English. kapag tinatanong ko siya ng how are you, ang lagi niyang sagot “sure” kaya ang lagi ko na lang itinatonong sa kanya, ahmed pogi ba ako? sagot niya sure . at dun tamang tama ang kanyang sagot.

malinis sa katawan si kupal. araw araw naliligo, araw araw din nagbibihis ng damit pero ni minsan hindi ko nakitang nagsampay ng brief sa labas o sa loob man ng aming kwarto. nahihiya naman akong itanong sa kanya kung nagpapalit siya nagsusuot ng brief baka siyay mainsulto at sasapakin lang ako.

si kupal walang masyadong alam sa mga makabagong teknolohiya. isang araw bumili ako ng portable dvd player. nakita niya ito. nagpaturo siya akin kung paano ito gagamitin. tinuruan ko naman siya hanggang siyay natuto. nang natuto, pambihira! akalo mo sa kanya na ang gamit na yun. kapag ginagamit ko, gusto niya siya daw muna ang gagamit bago ako kasi papanoorin daw niya ang kanyan bagong dalang cd. taena! dahil sa inis ko, nasigawan ko ang gago. isang buwan din kaming hindi nag-imikan. diyan nagsimula ang bansag ko sa kanyang kupal at kumag na daga.

nagpakabit ako ng internet. nakikita niya ako na laging may kausap online. nainggit siya sa akin. buti pa daw ako nakakausap at nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay araw araw. samantalang siya matagal na daw niyang hindi nakikita ang kanyang mahal sa buhay lalo na ang kanyang bunsong anak. nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanyang sinabi. alam kong nangungulila rin siya sa kanyang pamliya. kinausap ko siya sa utal utal kong Arabic na salita. sinabihan ko siya na sabihan ang kanyang asawa na gumawa ng email account sa kanilang bansa at ako na lang ang bahala sa kanya dito. nagkaroon ng e-mail ang kanyang asawa. nagkita at nagka-usap silang pamilya online. bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ganun din ang kanyang asawa at anak. halos halikan ni kupal ang screen ng aking computer nang makita niya ang kanyang anak. pinaayagan ko siyang makigamit ng libre sa aking pc kapag itoy bukas kahit hindi siya marunong. once or twice a week ko siya pinapagamit at tinuturuan. ngunit inabuso na naman ni kupal ang aking kabaitan. ginigising niya ako ng wala sa oras dahil online daw ang kanyang misis at gusto niya itong makausap at makita. nung una pinagbigyan ko siya. pangalawa okey lang. pangatlo, jablo! somosobra na si kumag. nawiwili na siya masyado sa kabaitan ko kaya jumbo rin siya sa pagbalibag ko ng unan sa kanyang mukha dahil sinisira niya lagi ang aking wet dreams este sweet dreams pala..lolz. hindi ulit kami nag iimikan for the second time.

si kupal hindi lang siya tao. isa rin siyang bagay. isa siyang malaking relo. siya ang nagsisilbing alarm clock ko na wala naman sa tamang oras pag nanggising. tuwing nasa kasarapan ang aking pagtulog, nagigising ako sa super lakas niyang hilik kaya pati mga ipis at surot nabubulabog ang kanilang mahimbing na tulog at ang nakakainis ako ang kinakagat nila at hindi ang kupal kong housemate na dambuhala.
matakaw din sa pagkain si kupal kaya malaki ang kanyang katawan at ito rin siguro ang dahilan kaya madalas siyang bangongotin. dumating din yong punto sa sigaw na siya ng sigaw sa pagkabangongot. dala ng aking pagkatakot, tumakbo ako palabas ng flat upang tawagin ang gwardiya para siya ang gigising sa aking kasama. kina-umagahan, nagising si kumag ng maaga. hang kapal ng apog ni kumag, ako pa ang sinisi sa nagyari kagabi bakit hindi ko daw siya ginising…anak ng teteng! buti nga ginising ka nila kung hindi lang tigok ka na.

ilang araw na lang magbabakasyon na si kupal sa kanilang bansa. marami siyang dala dala at gudlak na lang sa kanya kung hindi siya mag over baggage. bagong washing machine, isang maliit sa freezer, mga boteng walang laman, isang picnic payong na butas pero inayos niya, isang cpu ng computer windows 98 (tinanong niya sa akin kung maganda, sabi ko good quality mafi muskil ada). dalawang maleta na damit ang laman at marami pang iba na galing sa ewan. cgro kasama din sa kanyang iuuwi yung nawala kung jelfon na N80, 1 week ko lang ginamit yun bago siya nag invisible saka yung aking digicam na nawala din last week lang. wala tuloy akong ginamit na pangkuha sa lugar na mala milan ang itsura (Al Qasba Park). ala-ala sana sa lugar na kung saan ako sinagot ni B2. (feeling naman namin kami ang bida sa pelikulang MILAN ni piolo at Claudine) hehehe. sa mga pipol na nandun sa memory ng cam ko gudlak na lang sa inyo kung kakalat yun. malaking skandalu yan pag nagkataon.

simula 27, araw ng paglipad ni kupal. solong solo ko na ang kwarto. araw araw akoy magpaparty. inuman dito inuman dun. gagawin naming pulutan si ipis at surot. wala na rin istorbo at sagabal na kupal kaya pwede na akong mag jaging araw araw sa loob ng kwarto o kaya maglaro ng jackston na hindi nagtatago..lolz..




habang ginagawa ko to, nginingitian ako ni kupal. nagpapaalam. magbabakasyon daw siya kaya mawawala sya
ng dalawang buwan.


"ok, see you INSHALLAH".






Sunday, June 21, 2009

walang taytol b2

Nais kong ipinta
Ang ganda ng iyong mukha
Ngunit hindi sapat
Ang aba kong talento

Nais kong isulat
Ang nilalaman ng puso
Ngunit hindi sapat
Ang limitadong bokabularyo


Nais kong isigaw
Ang silakbo ng pag-ibig
Ngunit hindi sapat
Ang lakas ng aking boses

Hindi man maipinta
Hindi man maisulat
Hindi man maisigaw

Nawa'y sapat na ang halik
At yakap na mahigpit
Kasama ang pangakong
Habang-buhay kang iibigin

Wednesday, June 17, 2009

bloggers to lovers




dalawang stranghero sa disyerto
nagkakilala at nagtagpo dito sa mundo ng blogosperyo.
nagkulitan, nagtawanan, nag-asaran, nagbolahan
nagsimula ng kanilang pagkakaibigan.








lumipas ang araw, linggo at buwan
naging mas malalim pa ang kanilang samahan.
dumating si kupido, pinana niya ang kanilang puso
sapol! isang pag-iibigan ang nabuo dito sa loob at labas ng blogosperyo.





"misadventures of poging(ilo)cano"




Ikaw lamang ang buhay ko

Sana giliw pakinggan mo

Ang puso ko na mayroong sinisabing

Ikaw lamang....





Saturday, June 13, 2009

Munting Tinig






"oo na"

pagbitiw niya sa salitang iyan. bahagyang nanahimik ang paligid. nagsitigil ang mga batang naglalaro at naliligo sa may water fountain ng parke. tumugtog ang sound system, naghiyawan ang mga tao sa tuwa habang pinapanood ang magandang sayaw ng fountain na sumasabay din sa indak ng musika. sa kabilang banda, tuwang tuwa naman ang puso ng binata nang marinig ang matamis na “oo” mula sa dalaga na kausap niya.

Tuesday, June 9, 2009

Kahapon, Ngayon at Bukas

kahapon....




Ngayon.....











Bukas.....











"ang sugat naghihilom sa tulong ng isang band aid at awit ng pagmamahal pero masakit masaktan"..pag (ong)

Saturday, June 6, 2009

Kuya, Bakit?

Nakilala ko si kuya Celso (hindi tunay na pangalan) sa dati kong pinapasokan na kompanya sa pinas. Isa siyang janitor-messenger doon. Isa siyang mabait, matulungin, masipag at makapakakatiwalaan na tao at ama. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. May apat na anak. Ang kanyang asawa ay dating ofw pero hindi siya nagtagal sa abroad dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya ng kanyang dating amo. Hindi pinapakain at hindi rin binibigay ang kanyang sweldo kaya napilitang umuwi sa pinas pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis at paghihirap.

Dahil sa kanyang kabaitan, naging malapit ako sa kanya at sa kanyang pamilya. At ganun din naman sila sa akin. Welcome na welcome ako sa kanilang tahanan. Si kuya Celso ang nagsilbing kaibigan, kapatid, kuya, tito at ama habang ako ay nasa maynila naghahanap buhay. Kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at humihingi ng mga payo. Buong buo ang tiwala ko sa kanya.

Bago ako umalis ng bansa, may isang bagay akong nilalakad na hindi ko natapos dahil na rin sa aking biglaang pag-alis at hindi ko na maaiskaso pa. Ito ay ang aking pagkuha ng bahay sa pamamagitan ng pag-ibig housing loan. Nagpagawa ako ng SPA (Special Power of Attorney) upang siya na lang ang mag-aasikaso at bahala sa paglalakad ng mga papeles habang wala ako sa pinas samantalang ako naman ang bahala sa usaping financial. Walang alam ang aking pamilya tungkol sa aking pagkuha ng bahay kaya sa ibang tao ko ipinagkatiwala ang pag-aayus nito.

Pagkaraan ng limang buwan, nakatanggap ko ang magandang balita mula sa kanya. Na turn over na sa akin ang bahay. Sa madaling salita may munting bahay na ako…wow!.lolz..hehe..pinaalam ko na rin sa family ko na may munting bahay na ako at ibabahay na lang ang kulang...oh! dba na surprise sila!.hehe..

March 2008 ng magstart akong magbayad ng monthly amotization sa pag-ibig. Ang pera na pambayad sa amortization ay apinapadala ko kay kuya Celso buwan buwan through bank + pamasahe niya and keep the change pa. Buwan buwan akong nagpapadala ng pambayad kaya buwan buwan din akong tumatawag sa kanya upang alamin kung may problema sa aking ibinabayad. Kung ibinabayad ba o hindi? Ang kanyang laging sinasabi, wag daw akong mag-alala dahil updated naman daw ang aking account at sa katunayan advance pa nga daw ako ng 1 month which is true naman base na rin sa aking pinapadala. Kaya panatag ako na ayus ang lahat at walang problema.

Ngunit noong nakaraang lingo, isang txt msg ang aking natanggap mula sa pag-ibig. Isang mensahe na nakakagulat at tila magpapawalang saysay sa aking paghihirap at sa aking pangarap. Sinabi sa akin na ang aking account ay malapit nang macancell dahil hindi raw ako nagpapabayad. Nakakabigla ang pangyayari. Tumawag ako kay kuya Celso upang alamin ang katotohanan. Ngunit sa malas ni kulas hindi ko makontak ang kanyang celfon.

Agad kong pinaalam sa aking kapatid ang aking problema. Pinuntahan niya si kuya Celso sa kanilang bahay upang alamin kung ano talaga ang kaotohanan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa aking binabayaran. Sa kanilang paghaharap, napatunayan nga na hindi niya ibinabayad ang aking pinapadala. Base sa huling resibo na kanyang ipinakita, lumalabas na siyam na buwan siyang hindi nakabayad kaya siyam na buwan narin pala niya akong niloloko na walang kamalay malay. Magkahalong lungkot, galit, pagkaawa, ang aking naramdaman kay kuya Celso. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin iyon. Muntik na niyang sirain ang pangarap ko. Paano na ang pinaghirapan ko? Kuya,bakit?

Nagkausap na kami ni kuya Celso. Pinakinggan ko ang kanyang mga paliwanag at nakinig naman ako sa kanyang mga paliwanag. May galit akong naramdaman pero mas nangibabaw parin ang aking pagkamaunawain at pagkamatulungin. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at magkano lang ang kanyang kinikita? Hindi yun sapat para buhayin ang kanyang pamilya. Kung ikaw ang ama, gusto mo bang nakikitang gutom ang iyong mga anak? Hindi importante sa akin ang nawalang pera, ang kanyang mga paliwanag sa akin ay sapat na.


Hindi ko siya inobliga na bayaran ang nawalang pera, pero siya mismo ang nagsabi na papalitan din niya yun. Kung magbibigay siya,maraming salamat, kung hindi, ayus lang. marunong naman akong umunawa at umintidi eh saka alam ko kung anong klase ng buhay meron sila. Yung huli kong padala nong nakaraang buwan, hindi niya ibinayad dahil pinambili daw pala ng skul supplies. Ready to skul na mga anak..

Sa ngayon, medyo ayos na ang lahat. Nakapag apply na rin ako ng condonation program ng pag-ibig sa tulong na aking kapatid. Tuloy tuloy parin ang aking pagpapadala ng pambayad buwan buwan pero hindi na kay kuya Celso, sa kapatid ko na......






"maraming namamatay sa maling akala"



Friday, June 5, 2009

The Manifesto


On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’
poging(ilo)CANO MANIFESTO
So that the bloggerworld and everyone may know....

We believe in the right to freedom of speech as a human right.

We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice.

We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information.

We believe that blogging is an expression of one’s opinions, personal experiences, hobbies, commentaries, diaries and we further believe that every blogger has the right to publish his personal expressions and opinions.

We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.

We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home.

We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work.

We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs.

We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect.

We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!

With these guiding beliefs:

We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.

We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.

We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.

We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.

We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.

We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger.

Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.

We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue.

We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.

We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!

We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!



Friday, May 29, 2009

Sabi ni KH

Magandang hapon po sa inyong lahat. Sa lahat po ng mga nandirito. Sa ating mga kagalang galang na senador at mga bisita, salamat po ulit sa inyong pagdalo. Sa pagbibigay po niyo ng importansiya sa aking naging karansan, pakarimdam ko po napakaraming nagmamahal sa akin. Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay halaga sa akin. Malaking bagay ang tulong niyo upang makatayo muli ako sa aking pagkakamali. Upang maintindik ang aking sarili mula sa ginawa ni Heyden Kho na pambababoy sa aking pagkatao.

Opo, artista po ako, tabaho ko po ang maghahtid ng tuwa, pantasya ng telebisyon at pelikula pero tulad ng iba may mga pribadong buhay din po ako gaya ng lahat. Sa pagkakatoan pong ito, danagal ko at dangal ng pamilya ko ang pinag-usapan dito. Minahal ko po si Heyden. Bata po ako kaya nga po madali akong nalagyan ng piring ang aking mga mata para isiping ako lang ang nagmamay-ari ng puso niya pero gaya lahat ng relasyon na nagsimula sa kasinungalingan, wala po itong patututunguhan. Wala po akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong buo kung binigay ang puso at kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sarili niyang pelikula. Ang tanga ako, imbes na doctor, dierektor pala.

Nagkamali po ako, inaamin ko, ang pagkakamali ko po ay minahal ko siya at naniwala po ako na minahal niya rin ako ng lubusan. Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako, madali niya po akog napaniwala. Ako po ang biktima dito, araw araw biktima po ako habang pinapanood ko ang nsasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit habang buhay ko pong dadalhin ang ginawa niya sa akin. Patay na po ako pero may video padin at may internet.

Dalawa lang pong kaso ang sinampa ko sa pang-aabuso at pambabbaboy na ginawa sa akin, sa pagkatao ko. Gusto ko po siyang matanggalan ng lisensiya bilang doctor. Wala po siyang karapatang maging doctor. Gusto ko din po siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin. Pero ano pong iginanti nila? kasama po ni Heyden ang kanyang ina . Sari sari pong paninira ang ibninato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy, ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video, inaabuso po akong muli sa publiko. Ang isyu po dito ay pang aabuso sa kababaihan ang pambababoy sa aikin at sa iba pang bikitima ni Heyden .

Sa kultura po natin, habang buhay nalatay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ayo at may ina din po ako na nasasaktan, araw araw nadurusa. May kapatip o anak din po kayong babae, ayaw din po ninyong mangyari sa kanila ang sinapit ko. Sana po ay ipagpatuloy ng senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layunin itaguyod ang karapatan at proteksion para sa aming kababiahan dahil iba na po ang ginaganit na panggagahasa at pambababoy sa karaptan ng kababaihan. Sa internet, sa blogs, sa dvds at iba pa.

Opo nabiktima ako, isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Heyden kho pero may hangganan po ang katangahan at sa araw na ito, buong loob kopong humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sking sarili. Ilalaban ko po ang aking karapatan na mabuhay ng marangal, ng wlang takot at malaya sa karahansang dinanas ko dahil sa sex video

Sana po sa publiko, ititgil na po natin ang pagtangkilik ng mga sex vidoes at malalaswang panoorin . Pag wala pong tumatangkilik wala din pong gumagawa ng sex videos. Ssana po ang pangalang Katrina Halili na lamang ang huling sa mga sex video. Sana po walang nang susunod pa.


Maraming maraming salamt po.

Wednesday, May 27, 2009

ipis

humihinga ka, humihinga rin ako
pareho tayong nabubuhay dito sa mundo.
maliit ako pero mas maliit ka
kaya wag kang magtangka na labanan ako.

lagi akong nakikiusap na huwag pasaway
minsan nakikinig ka pero kadalasan ikay sumusuway
ano ba ang meron ako na wala sila?
at laging ikaw ay nakabantay.

pagod na ako sa pakikipag patintero sayo
masakit ka na rin sa paningin ko
kung dati magkaibigan tayo
ngayon magkaaway na tayo.

masakit man sa aking kalooban na ikay saktan
ngunit kailingan ko itong gawin para sa aking kalusugan
magdasal kana sa ‘yong mga santo
dahil sa baygon ko tigok ka na pareko…lolz….





(bukod sa surot ay ipis din ang ka bonding ko dito..lolz..)

Sunday, May 24, 2009

tuwing....

tuwing malungkot ako, papapsin ka lagi sa harapan ko
tuwing malungkot ako, pinapanood ko ang bawat galaw mo
tuwing malungkot ako, dinadamayan mo ako
tuwing malungkot ako, nan jan ka lagi sa tabi ko
tuwing malungkot ako, pinapatawa mo ako
tuwing malungkot ako, nakakalimutan ko ang problema ko

tuwing tulog ako, tinatabihan mo ako
tuwing tulog ako, kinikiliti mo ako
tuwing tulog ako, minsan ginigising mo ako
tuwing tulog ako, hinaharas mo ako
tuwing tulog ako, sinisipsipan mo ako
tuwing tulog ako, ninanakaw mo ang pagkatao ko.



hindi ko kagustuhan na ika’y masaktan kaya mag-iingat ka minsan. malikot ako pag natutulog kaya hindi ko maiiwasan na ika’y aking madaganan na sanhi ng iyong pagkamatay…

(ito ay para sa mga surot na aking kabonding sa loob ng aking kwarto)

Tuesday, May 19, 2009

galit kay tito

wag mong pakialaman ang pamilya ko dahil ni minsan hindi namin pinakialaman ang pamilya mo! Huwag mo kaming tawagin na mayabang na magkaptid. Malaki ang pangarap naming magkapatid para sa aming pamilya kaya wag mo kaming lait laitin. Kahit ganun ang itsura ng aming bahay kung ang nakatira naman ay tao at hindi mga kwago kagaya ninyo. Hindi sa bahay nasusukat ang pagiging tao

Huwag mo nang pangarapin na mapupunta sa 'yo ang bagay na hindi talaga para sa’yo. Makontento ka naman sana sa mga bagay na meron ka na at wag mo nang kunin kung ano man meron ang iba…isa kang sakim na tao..sarili mo lang iniisip mo..matuto ka sanang lumingon sa iyong pinangalingan…


Bakit ganito ang buhay, pag may naabot ka na, pilit namang hininila pababa ng iba….ang masakit lang ay sariling kamag anak pa..

Friday, May 15, 2009

Yosi!

Tok..tok…tok…alas siyete ng umaga (Friday) nang makarining ako ng malakas na katok sa aming pintuan. day off naming mga kasambahay sa araw na ito kaya dapat lang na matulog kami ng bonggang bongga at babangon lang kung gugustuhin. hindi sana ako babangon para buksan ang pinto pero nang marinig ko ng parang nagsasalita sa tagalog ang tao na nasa labas, agad akong bumangon at binuksan ang pintuan at yun nga! sila nga! ang aking mga kaibigan. napadaan daw sila sa area namin kaya naisipan daw nila na akoy bisitahin at kumustahin.

Ilang araw na rin akong nabubugnot, nalulungkot at wala sa mood kaya dapat sa araw na ito ay may naka schedule akong lakad. Nais ko sanang libanging ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-iikot sa siyudad na kahit may kalayuan at may kainitian ang panahon (39’C kanina) ay aking pupuntahan para makapag unwind at para mabawasan narin ang aking nararamdaman na kalungkutan. pero nang dumating sila, hindi na ako tumuloy pa sa aking plano at nanatili nalang dito upang susulitin ang oras na samahan ko sila at para samahan din ako. Naging maganda naman ang takbo ng aming mga kwentuhan, tawanan, kulitan at may kunting kainan (sila bumili…dapat lang..hehehe…) Pagkaraan ng walong oras na pagtambay nila dito, sila ay nagpaalam na sa akin dahil kailangan na nilang bumalik sa lugar kung saan silay nanggaling.lolz.. Sa mga sandaling iyan, naging masaya rin naman ako. Ang lungkot na aking nararamdaman ay napalitan ng tuwa na hanggang ngayon ay damang dama ko parin.


Wala pang isang oras ang nakalipas ng may kumatok na naman sa pintuan. hanep, may panibangong batch na naman akong bisita. Parang birthday ko ngayon ah. Inuulan ng bisita. At may kasama pang itik…hehehe….kamustahan, kwentuhan, tawanan din ang mga eksena….hmmmm may napansin ata ako, wala pang nagpaparamdam na magpapamerienda, wala pang bumubunot sa kanila..hindi sila bigtime gaya ng nauna sa kanila..hehehehe..joke..kaya nag may I go out muna ako at bumili ng makakain sa sari-sari store ng mga pato. Pagbalik ko sa kwarto, agad kung binaba ang aking dalang pagkain, at yun! surprised! Linamotak ang aking dala. Guton na gutom na pala ang mga kumag…hahahaha..pero ayus lang, masaya naman…bitin nga lang…lolz…next time na pupunta kayo, magsabi kayo para makapaghanda naman ako…

Naging masaya ang araw kong ito. Hindi ko inexpect na magkakaroon ng mga bisita na magpapasaya sa akin kahit isang araw lang. Sarap ng pakiramdam. Hindi talaga ako nag-iisa. Maraming palang nagmamahal sa akin…salamat sa inyo!

Dahil masaya ako, mag YOYOSI ako…lolz…..

Monday, May 11, 2009

magulo

magulo ang isipan ko ngayon. sinumpong na naman ako ng ewan… maraming bagay ang gusto kong gawin pero hindi ko alam kung paano ito gagawin at kung kailan ko ito uumpisahan... ang mga nakaraan pilit bumabalik sa aking alaala na hindi ko alam ang dahilan. gusto ko siyang kausapin pero bakit pa? kung mahal niya ako bakit niya ako niloko, iniwan at hindi na binalikan…wag ka nang umasa pa....... sana dalawa na lang ang puso ko, kung masira o breakdown ang isa, may nakahandang reserba. hindi na ako bata pa, ilang taon na lang malapit na akong mawala sa kalendaryo at baka pati dito sa mundo magbye bye na rin ako..... wag naman sana dahil may mga pangarap pa akong gustong matupad…. saan ba talaga ako papunta? sa kaliwa, sa kanan o sa biglang liko na lang.? bakit hindi na lang diretso lahat ng daan? malaki ang expectation sa akin ng aking ina. pero paano kung hindi ko yun maabot o matupad? magiging masaya ba ako at siya? masaya ako sa tingin ng karamihan pero sa loob ng maskara ay lungkot ang nadarama…….mahirap mapalayo……. maraming sakripisyo….. pagod na pagod na ako…………kung wala lang akong pangarap………susuko na ako….

bakit ang buhay ko sadyang napakagulo? magulo ang makitid kong utak…..windang…tuliro…..ek ek ako ngayon…kasi naman………..takte nauso pa!

Thursday, May 7, 2009

sulat para kay moon

Dear Moon,

hello moon! kumusta ka na? alam kong okey ka lang diyan kasi hindi ka naman apektado ng global crisis at swine flu na nagsimula daw sa mexico. hindi nga ako sure kung talagang sa mexico nanggaling yung flu, hindi naman kasi ako nagbabasa ng diyaryo o tabloid. kahit saan nanggaling at ano pa man yan, hindi yan hadlang sa aking paglalakbay kahit hindi ko alam kong ano yung swine? kumusta na din pala sina stars at asteroids ngayon? naglalaro pa rin ba kayo araw araw? saya naman ninyo! sana nandiyan ako lagi at makipaglaro din sa inyo , para kahit papaano sasaya naman ako kahit panandalian lang, kaya lang hindi pwede kasi busy ako lagi sa aking trabaho eh. pero kapag nagkaroon ako ng oras, dadalawin din kita diyan kaya huwag kang mag-alala.

siguro nagtataka kung bakit ako nakapagsulat sa’yo ngayon at hindi ako personal na nakipag-usap sayo? nahihiya kasi ako eh, baka pag makita mo akong umiyak papagalitan mo na naman ako. alam mo, ang dami kong gustong sabihin sayo. mga pangyayari sa aking buhay na sa’yo ko lang pwedeng sabihin at ipagyabang. panatag kasi ang kalooban ko pag ikaw ang aking kasama at kausap hindi gaya ng mga ibang tao na pagtatawanan lang nila ako pag nagsabi ako sa kanila ng aking mga problema.

moon, natatandaan mo pa ba nung sinabihan mo ako na “don’t cry, may magmamahal din sa’yo”? oo, sinabi mo sa akin yun. kung hindi mo maalala, click mo lang to para maalala mo
(click). simula noon, hindi na ako umiyak nang dahil sa lintik na pag-ibig na ‘yan. inisip ko nalang na hindi pa talaga panahon ng tunay na pag-ibig para sa akin kaya hihintayin ko na lang yung proper time para diyan. yun din kasi ang sabi ng aking mga kaibigan eh! maghintay daw ako at huwag masyadong atat dahil darating din siya. pero huwag naman sanang masyadong matagal kasi, alam mo na, mabilis ang takbo ng panahon ngayon, baka puti na ang buhok ko wala parin siya. sayang naman ang kapogihan ko kung ganun. oh! wag mong sabihin na kontra ka sa sinabi kong pogi ako, kaibigan kita dba?..hehehe….

noong nakaraang buwan, nagkaroon narin ako ng mga kasamang pilipino dito sa aking accommodation. simula dumating kasi ako dito, wala pa akong nakasamang mga pinoy, ako lang mag-isa kaya medyo malungkot at laging homesick pero kahit papaano naka adjust at naka survive naman ako kahit ibang lahi ang aking kasamahan sa kwarto. nung dumating sila, naging masaya ako kasi may kakwentuhan na ako araw araw gamit ang aming sariling wika kaya hindi nagalit sa amin si jose rizal. takot kasi kaming matawag na mga poging malansang isda. dba ang sagwa pag ganun? pero sa pagdaan ng mga araw, isa isa naman silang nagsi-alisan hanggang sa ako lang na naman ang naiwan. kaya ngayon back to normal na naman ang lahat, poging lonesome na naman ang drama ko. ganun talaga, may kanya kanya kaming trabahao kaya kailiangan din nilang lumipat.

oi moon, may chismax ako sayo. si juday at ryan kinasal na. sina korina at mar ikakasal na rin pero wala pang petsa kung kailan. malamang bago mag election pa yun. Nakakakilig at nakakainggit nga sila eh! buti pa sila meron, ako wala! kaya minsan tinutulog ko nalang ang aking pagka-inggit. hihintayin ko na lang na magkaroon ako, sabi mo nga dba? at sa time na ‘yan sila naman ang mainggit sa akin ng bonggang bonnga.

siya nga pala moon, si
dhian at jez gusto karin daw maka usap. Si dhianz confused daw samantalang si jez naman ay lito…ewan ko ba sa dalawang beautician na yan. hinihingi nga nila sakin yung number mo eh, kaya lang di ko binigay kasi confidential un dba? kung may time ka, bisitahin mo na lang ang kanilang blog para malaman nila na okey lang sayo na maka-usap ka. pwede rin sa akin mo nalang iparating kung papayag ka para ako na lang ang magsabi sa kanila. send ka na lang ng message sa beeper ko ha! so paano yan. hanggang dito na lang muna ang aking sulat. masyado na kasing mahaba eh! Saka may lakad pa ako bukas ng maaga. pupunta ako sa aking frend, ipapakita daw niya kasi sa akin yung bagong brace ng ngipin niya..taray nga eh…joke…sa susunod kausapin na lang kita ulit ng personal. hanggang sa muli moon. salamat!


PS.
may bagong
washing machine na din pala ako. hindi na ako mahihirapan sa paglalaba ngayon hindi tulad noon. nakakatuwa nga eh! ganun pala yun? yung sabon pala bumubola pag umiikot na yung tubig na parang alon sa looob ng machine..hehehehe.. salamat din pala sa mga oras na nilalaan mo sa akin tuwing akoy nalulumbay dito sa mainit na disyerto na aking kinatatayuan ngayon. “kayo ni Papa God ang nagsisilbing liwanag sa mabuhangin kong dinadaanan…….” salamat..


ang iyong poging kaibigan,
poging (ilo)cano

Monday, May 4, 2009

when love begins

ala lang gusto ko lang......katatapos ko lang kasi manood ng betamax eh! kinilig kasi ako sa wento ni mitch at ben...parang feeling ko inlab ako...pero kanino?lolz...hehehe...



hanggang ngayon, hindi parin ako makatulog dahil sa movie na yan kaya dinaan ko na lang sa blogging. promis ko pa naman sa sarili ko hindi ak magba-blog ngayon pero andito ako ngayon......sana di na lang ako nanood para wala akong nararamdaman na kilig factor na yan...toinkz..





"when you know what will makes you happy, you grab the opportunity. sometimes there are no more second chances" - ano kaya yun?..lolz..





"thank you for giving me the happiest moments of my crazy life" para yan sa 'yo girl.....toinkz...




xenxa na kayo,, ngayon ko pa lang napanood yan, wala kasi akong sinehan eh, kaya sa betamax na lang ako nanood....lolz..


corni ko naman....lolz...















Saturday, May 2, 2009

wakas ng paghihirap....

minsan sa ating buhay, dumarating yung punto na tayoy napapagod na sa ating mga ginagawa. gustohin man natin itong itigil ngunit kailangan natin parin itong ipagpatuloy dahil maraming maaapektohan lalong lalo na ang ating sarili. pagkapagod, sakit sa katawan, pagkainis, pagkayamot, at pati lahat na ng klase ng emosyon ay ating mararamdaman tuwing itoy ating ginagawa araw araw. kung itoy ating masobrahan, nagdudulot din ito ng sugat at tanong sa ating sarili, ano ba ang ginawa ko sa’yo at ako’y iyong sinaktan pagkatapos ang lahat? ngunit sa gitna ng paghihirap at pagtitiis, ang kapalit ay kaginhawaan, saya, galak at halakhak…..



mahigit isang taon na akong nagtratrabaho dito sa ibang bansa. mahigit isang taon na rin ang aking pagsasakripisyo at paghihirap na malayo sa aking tunay na pamilya, kamag-anak at mga kaibigan, isama ko na rin ang aking mga dating kainuman…miss ko na kayo guys… buhay OFW nga naman! mahirap…masaya…mahirap…mahirap..mahirap….mas maraming hirap kaysa sa saya…sa aking pangingibang bansa, hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong nasugatan, umiyak at nabasa sa sariling pawis sa sobrang hirap na aking pinagdadaanan araw araw mabawasan lang ang problema na aking pasan.. gayunpaman, kailangan ko parin ipagpatuloy ang pakikipaglaban dahil alam kong wala naman tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang…ako rin ang kawawa at talo pag itoy aking isusuko. buti pa kayo, kasama niyo pamilya niyo, may tumutulong sa inyo.




kahapon, isang bagong pag-asa ang aking nakita. nagbukas na ang pinto patungo sa kaginhawaan….ito na ang kasagutan sa aking paghihirap…. hindi na ako ulit masasaktan, masusugatan at iiyak pa sa tinding pagdurusa ….. simula bukas, hindi na ako mapapagod, iiyak, masasaktan, masusugatan at pagpapawisan ng bongga. hindi na ako magpapakahirap pa sa paglalaba at pagkukusot ng aking mga damit gamit ang aking mga kamay dahil nakabili na rin ako ng washing machine… …yahoooooooooooooo..lolz..








Tuesday, April 28, 2009

otso otsong late at award

bago matapos ang hindi pa natatapos, gagawin ko muna yung assignment na pinapagawa sa akin ni LordCM. yung walo walo at otso otso daw..lolz…tagal na to eh! xenxa na dre! medyo tuloy tuloy kasi ang aking taping kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para gawin to. super hectic kasi ang skedz naming mga taga showbiz eh…minsan idlip lang ang aming pahinga para matapos lang ang mga maseselang eksena. mararanasan mo rin yan pag pinasok mo ang buhay pagiging artista., kung papasa ka sa uadition…lolz….eto na siya

8 things I am looking 4wd to:
1. makapag-ipon ng pera para may pamasahe ako pauwi sa pinas..
2. makapagbakasyon sa pinas na walang nakakaalam…para surprise
3. malibot ang buong uae bago ako makauwi sa nepal
4. increment…increment..increment….
5. makahanap ng bagong trabaho
6. manalo kahit sa jueteng man lang
7. maipagpatuloy ang pagbabayad sa matagal ng loan
8. makahanap ulit ng bagong gf…toinkzzzz…

8 things I did yesterday:
1. 6:00am, tumunog ang alarm clock…..bangon..ligo…pasok trabaho….
2. walang almusal, cup of tea lang pagdating sa opis.
3. nag verify ng mga reports…..pasa sa kabilang lamesa
4. kumain ng tanghalian…blog hop…chat..blog hop…balik trabaho
5. nakipag meeting kay amo na mabaho…hehehe..
6. tumonganga, naglaro ng counterstrike sa opis nang patago…
7. kinalikot ang bagong mp4 ni amo, di siya kasi marunong kaya sa akin nagpaturo
8. umuwi ng bahay…nakipagkulitan sa chat, tumambling sa mga blog…naghapunan ng tinapay…..12:00am..bagsak ang katawan..pogi rest na…

8 things I wish I could do
1. maka-usap ulit si
moon ng mas matagal…lolz
2. laging busog kahit hindi kumakain
3. mapaayos ang aming bahay kubo sa probinsya pati na rin ang aking sariling bahay kubo sa may rizal ng sabay sabay
4. makabili ng bagong mobile…yung colored ah para maiba naman ang makikita ng aking mata…
5. matutong magsalita ng arabic at hindi na lengwahe. pati spelling na rin..lolz
6. maipagtanggol ang mga naaapi at mga naliligaw sa landas na OFW
7. makabalik ulit sa larangan ng pelikula…
8. ilipat ang pinas sa sa Iceland para makaranas naman tayo ng snow..

8 shows I watch:
1. The Happenings
2. Nakalimutan ko na titol
3. Ramboo 4, ulit
4. Poohkwang….super nakakatawa…download ko yan sa torrent
5. Wowowee na putol..…salamat pa rin sa pinoychannel.tv..wala kasi akong TFC eh.
6. Donking – Pinay Dubai scandal
7. sari saring palabas na nakita ko sa youtube…
8. alikabok sa ilalim ng dagat

hindi ko na ito ipapasa pa dahil sobrang luma na to..




PS...
maraming salamat sa'yo crisiboy sa 2009 Friendship Award na binigay mo sa akin. lagpas langit ang aking tuwa kaya pati mga anghel doon ngtataka kung bakit mas mataas pa ako kaysa sa kanila...lolz...isa kang mabuting nilalang at kaibigan. ipagpatuloy mo ang iyong mabuting gawain. payo ko lang sayo pre, MATULOG KA NAMAN! hahahaha..joke! ...salamat ulit....

sa lahat ng blogero at blogera na nasa blogroll ko, grab it na, as in now na para lahat meron tayo...baka magsisi ka kung hindi mo kunin yan..hindi natin alam baka yan ang pass para makuha yung cash na award...lolz...

Template by:
Free Blog Templates