Sunday, November 1, 2009

to dos los emos



mahigit isang buwan na rin akong walang communication sa aking pamilya sa pinas. walang tawag, walang text, walang sulat..kahit anong balita wala na akong masyadong balita tungkol sa kanila. kung apektado ba sila ng mga nagdaang bagyo? nasa mabuting kalagayang ba silang lahat? panalangin ko lang kay Big Bro. na nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.

hindi naman ibig sabihin na kinalimutan o pinabayaan ko na ang aking pamilya. sa katunayan, buwanan parin naman akong nagpapadala ng pera na pambili ng mga kailangan nila sa bahay. pero sapat kaya sa kanila iyon? masaya ba sila sa ganong bagay na lamang?

may pangako sa aking pamilya. isang pangako na nakatatak na sa kanilang isipan. tuwing tumatawg ako sa amin, hindi nawawala ang katanungan na nasaan na? kailan ito uumpisahan? kadalasan dinadaan ko na lang sa pabirong salita o kaya binabaling sa ibang usapan upang maka-iwas sa usaping ito. hindi ko pa ito kaya.

ayaw ko silang biguin kaya akoy nagsusumikap sa pagtratrabaho at naghahangad na din ng mas magandang trabaho. minsan dumarating yung punto na gusto ko ng bumitaw sa aking pangako pero wala na akong magagawa, kailangan ko itong tuparin. mahirap naman bawiin yun lalot nat para sa sariling pamilya ko ito.

kaya ngayon, mas pinili ko munang manahimik para mapag-isipan ng mabuti ang mga gagawin kong hakbang tungo sa katuparan ng pangakong iyon. ayaw ko munang makarinig ng mga katanungan mula sa kanila at ayaw ko munang magbitiw ng salita. wish ko lang na sana sa pagbuka ng aking bibig ay may masasabi na ako sa kanila na magandang balita.

bahala na si batman……….

11 Kumento Ng Mga Kupal:

Kosa said...

alam mo parekoy,
sa prinsipyo ng totoong mga pogi, dapat isinasaalang-alang pa rin ang para sa nakakarami at para sa sarili. yung tipong wala kang masasagasaan... maging yung mga mahal mo man sa buhay o lalo na ikaw!

minsan ka lang mabubuhay at wag mong sayangin yun!

masaya ang mabuhay, kaya mabuhay ka ng masaya!!!(apiiiiir Bino!)

masaya nga ang mga mahal mo sa buhay pero hindi ka naman masaya, tingin mo magiging masaya kaya sila?

hmmmm? yun lang... mekekekwekkk.

PaJAY said...

hahaha..pakyung title yan!!!todos los emos..kala ko los santos..Adik kaw!!!lolz

napadaan lang p[arekoy..

2ngaw said...

Kaya mo yan parekoy, pag nanalo ka sa PEBA sigurado matutupad na pangako mo :D

EǝʞsuǝJ said...

i rest my case...
^_^

Life Moto said...

siguro bro give priority kung ano ba dapat ang unahin. unless na nalng n meron kang unwanted priority sa kinalalagyan mo now.

bottom line ay rest your worry kay Lord, not cm heheh, JC! Always pray for his guidance.

Ken said...

kita tayo sa December di ba?

Wag sobrang bait, wala kang maiipon niyan. Sabi nila Teach a man how to catch a fish, and you will feed him a lifetime.

Pero likas na talaga lalo na sa poging kagaya mo ang mabait... ako din...

haha


Anyway, sali ka sa LINK LOVE na paraffle ng Thoughtskoto ha. Thanks!

A-Z-3-L said...

build your own dreams...
set your priorities...
be a good son.

lastly,

Be a man!

wish you peace of mind and happiness.

iya_khin said...

whatever circumstances you may be in right now....teka nosebleeding....hirap mag engles!

kaya mo yan si Papa Jesus nga kinaya eh!

teka...di naman ako masyadong chismosa..pero ano bang sitwasyon mo dyan sa Abdhabi?

Dhianz said...

ang emoh... hmmm... SIS JENSKEE nde moh kc pinagbigyan kagabi noh?... lolz...

prayers lang.. aja!.. kaya moh yan... Godbless! -di

Superjaid said...

i think kailangan mo pa ring makipagcommunicate sa kanila..baka kasi magtampo sila sayo kuya at for sure naman namimiss ka na nila..wag mo munang isipin yang ang importante naman eh ginagawa mo ang best mo..baka di pa ito ang right time para sa katuparan ng pangarap mo..

Anonymous said...

i lovce the title... todos los emos din ako nung november 1. lalo na nung november 2.

Template by:
Free Blog Templates