Sunday, 24 May 2009

tuwing....

tuwing malungkot ako, papapsin ka lagi sa harapan ko
tuwing malungkot ako, pinapanood ko ang bawat galaw mo
tuwing malungkot ako, dinadamayan mo ako
tuwing malungkot ako, nan jan ka lagi sa tabi ko
tuwing malungkot ako, pinapatawa mo ako
tuwing malungkot ako, nakakalimutan ko ang problema ko

tuwing tulog ako, tinatabihan mo ako
tuwing tulog ako, kinikiliti mo ako
tuwing tulog ako, minsan ginigising mo ako
tuwing tulog ako, hinaharas mo ako
tuwing tulog ako, sinisipsipan mo ako
tuwing tulog ako, ninanakaw mo ang pagkatao ko.



hindi ko kagustuhan na ika’y masaktan kaya mag-iingat ka minsan. malikot ako pag natutulog kaya hindi ko maiiwasan na ika’y aking madaganan na sanhi ng iyong pagkamatay…

(ito ay para sa mga surot na aking kabonding sa loob ng aking kwarto)

21 Kumento Ng Mga Kupal:

Desert Aquaforce said...

Hahaha... naintriga ako at pinalaliman ko ang analysis sa aking pagbabasa.. may dala pang emo... yun pala pesteng surot lang ang kalampungan mo... akala ko si katrina halili na... (sorry hayden) hehehe!

isladenebz said...

Hahahaha!

Ung tuwing tulog ako...okay, naniniwala ako na surot sya.

Pero ung tuwing malungkot ako...surot pa rin sya?

Hmmmm...para paligayahin ka ng isang surot...parang...Pogi, when was the last time you saw a physician? Joke.

Pero seriously, tawa ako nang tawa sa post mo.

Surot ba talaga un?

=supergulaman= said...

ang sweet nyo naman.... ayuz ang lambingan nyo ah...

babae ba si surot? ahahaha!

Lord CM said...

Inlove ka parekoy, inlove ka!!! lolzz

RJ said...

Akala ko nga 'UNAN', eh. Whew! Surot lang pala.

Totoo ba ito, Pogi, dyan sa UAE?! Akala ko kasi nasa tropical regions lang ang bed bug.

MarcoPaolo said...

hahahaha! adik! dedicated pala kay surot itong tula na ito! hahahahaa!

gillboard said...

peak of creativity ba to? pati surot ginagawan ng post... hehehe

poging (ilo)CANO said...

@NJ,
mga surot lang at ipis lang kasi ang lagi kong kalaro dito eh...wala nang iba kaya close kaming lahat...buti na lang walang hayden camera, pagnagkataon may scandal din ako....hehehehe

@isladenebz,
nasasarapan ako pag ginagapang niya ako...may kiliti eh...dun ako lumiligaya..toinkz...

hindi ko kailangan ng physician, i can manage pa naman eh..hehehe..

@superG,
girl or boy man siya....basta masaya kami sa isat isa..lolz..

@lordCM,
hindi ako inlab parekoy...boring lang ako kasi dito. hirap kasi nag-iisa lagi eh..

@doc aga,
actually doc, sa pinas naririnig ko na yang surot na yan but never akong nakakita..dito pa sa ibang bansa ko pa siya nakilala....lolz

pang international yata ang power ni surot.

YanaH said...

natawa ako... amf na surot yan!
HINDI MO SILA KAYA!!!!
HINDI MO SILA KAYANG PALAYASIN DAHIL TERITORYO NILA YAN... Bwahahahaha...

natawa rin ako sa comment ni kuya nebz..
pero... gusto kong segundahan ung koment ni pareng CM.. hahahaha
nga ba??????

Mr. Thoughtskoto said...

ayos, natawa ako. Pwede nang entry sa PEBA, wahahaha!

Galing ng imahinasyon mo ah, may surot pala dyan, sa tindi ng init ngayon, magsisiksik yun sa loob ng kwarto. Pag dumami na sila, lagot ka na parekoy!hehehe

Dhianz said...

abahhh... para kay b2 ata dedicated tong poem na toh ahh... naks pa-tula tula na ren lang tayoh ngaun ahhh....

"tuwing tulog ako, sinisipsipan mo ako
tuwing tulog ako, ninanakaw mo ang pagkatao ko. ---> hahaha... hoy! pg-13 d2.. lolz...

b2 ha... ninakaw moh palah ang pagkatao nyah pag gabi ahhh... hala make sure no video around... lolz...


ingatz b1! Godbless! -di

A-Z-E-L said...

akalain mo un kinakagat ka pala ng surot... di kase halata... lolz!

surot na egyptian ba yan? lolz!!!

musta ang adobong tuyo?

EǝʞsuǝJ said...

ehehehe

epekto yan ng pagka-adik mo..pati surot ginagawaan mo na ng post!
hehehe

maglinis ka kc ng bahay kubo para hindi ka sugurin ng mga surot nho..:D

@dhi...
hehehe..
may ganung factor pa talaga?
hehehe...
tao ako dhi tao, hindi surot..hehe

tonio said...

aguy!

surot lang pala...

sa susunod mag-ingat ka anman sa pagtulog mo para di ka nakakapatay ng surot,ahehehe...

JEE said...

hahaha pogi! ilan na ba ang napatay mong surot? mainit na kase kaya anjan na naman ang mga surot na yan!

akala kase siguro nila kalahi ka nila! ipagpatuloy mo kase yung RDL mo ha?! joke! lolzz! pis tayo pogi:)

o kumusta naman yung tuyo? yung egyptian na ksama mo? buti nlang hindi ka pa hinaharass nun! lolz

poging (ilo)CANO said...

@marcopaolo,
dedicated talaga sa surot to kasi sila ang lagi kong kabonding dito sa longga ko....

@gillboard,
boring kasi ako parekoy kaya kung anu ano ang naiisip na gawin..surot ang nakita ko kaya na divert ang attention ko sa gustong gawin ng toinkz...toinkz...lols..

@Bibba,
kaya ko sila dahil teritoryo ko na to...

oi bibba wag ka masyadong semegunda baka mapunta sa tersera o kwarta bagsak nun semplang....lolz..

@mr. thoughtskoto,
wheeee pwede ba talaga sa PEBA to?

baguhin ko kaya titol para pasok na pasok sa PEBA...."ang surot sa abroad"..hehehe


@dhianz,
dhi lagot ko, ginawa mong surot si b2...ayun oh sa baba may angal xa...lolz..

@izil,
hindi ako kinakagat ng surot, sil ang kinakaat ko..lolz..

ay naku si egyptian binangongot na naman kagabi...lintik!

masarap yung adobong tuyo, bigyan mo ako ulit..hehehe

@B1,
kunwaring hindi ka rin adik noH!

gawan mo din kaya ng post yung acasia mo...lolz..

hahaha..natawa ako kay dhi...ginawa kang surot..ang lufit may surot palang toinkz....

@tonio,
sila ang may kasalan kung bakit sila namamatay. tulog ako kaya dapat sila ang umiwas dahil sila ang gising..hehehe

@jee,
takte! gusto daw din nila gumamit ng RDL kaya lagi sila sa tabi ko...

siya ang haharasin ko...lolz..

abe mulong caracas said...

na miss ka lang nila, ang tagal mo daw kasing nawala at alam nilang sooner or later eh aalis ka ulit kaya nagpaparamdam lang sila sa iyo para naman daw di mo sila makalimutan!

HARI NG SABLAY said...

langyang surot na mga yan...hahaha

poging (ilo)CANO said...

@mulong,
hindi ako nawala pre! araw araw ko nga silang kasama eh...sinasamahan din nila ako..at hinding hindi ko rin sila makakalimutan dahil marami silang bakas sa aking katawan na iniwan...lolz..

@HNS,
pre wag mo naman silang murahin...marunong din silang masaktan..may damdamin din sila...hehehe

The Pope said...

Matinding pagmamahal din ang iniukol sa iyo ng mga surot hahahahaha mula sa paglapat ng likod mo, sa pananaginip at pagmulat ng iyong mga mata, matinding bonding nga iyan kaibigan, pinaligaya mo rin ako sa inyong relasyon.

JETTRO said...

nice nkakawala ng homesick itong mga post mo tol hahaha

Template by:
Free Blog Templates