Wednesday, July 22, 2009

walang taytol



ilang linggo na akong windang na windang sa trabaho. minsan pati pag-inum ng tubig at paglalaro ng demonstar sa ofis nakakalimutan narin dahil sa sobrang dami ng trabaho na pinasa sa akin ngayon. mula sa paggawa ng mga memo, work order ng mga na-break down na mga sasakyan hanggang sa distribution ng lintik na gasolinang yan. isama ko narin pati mga pasaway at mahirap umintinding mga diesel attendants at mga foreman sa sites na wala nang ginawa kundi umangal ng umangal dahil sa delayed na pagsusuply. dagdag trabaho, dagdag sakit ulo. Okey lang sanang dinadagdagan ang aking trabaho kung may dagdag din sa sweldo para matuwa naman ako kahit wanport at mabawasan din ang sakit sa ulo. nung nakaraang araw, kinailangan ko rin mag extend ng oras sa trabaho hanggang madaling araw dahil na rin sa kakulangan ng aming attendants na matagal na naming hinaing sa kinauukulan pero hanggang ngayon hindi pa kami binibigyan.

kaninang umaga, nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap ng aking visor. ang naging sentro ng aming usapan ay ang dagdag umento sa sweldo ng aming mga attendants at sa aking side na din. matagal na siyang may ginawang sulat tungkol sa aking dagdag na sahod at change of employment status pero hanggang ngayon wala parin balita kung ano na ang nangyari sa papel na yun. kung ginawa na nilang eroplanong papel at pinalipad sa labas ng opisina ng kinauukulan hanggang sa tangayin ng malakas na sandstom patungo sa boarder ng saudi at aue kaya tuluyan ng nawala sa kanilang paningin at ala-ala. napalitan na ang dating manager, naka hanap na rin ng bagong trabaho ang aking dating visor, samantalang kami, naghihintay parin sa mundo ng ka-dieselan. naghihintay sa wala!

“Your talented, hardworking and still young. You have a bright future. subukan mong mag-apply sa ibang kompanya na magbibigay ng mas magandang sweldo at benefits. Kung dito ka lang, walang mangyayari sa’yo. baka maghihintay lang tayo sa wala. ako nga, naka ilang taon at sulat na rin ako, wala pang increase sa aking sweldo. kaya kung may mas magandang oportunidad, grab it. I will call my friend if there is any available vacancy in their company". - VISOR

kaya next week, maglalaho ako ng isang araw sa aking trabaho. susubukan kong magpasa ng cv sa kabilang station. nandun yung kaibigan ni visor (dati kong visor). kaya goodluck sa cv ko. bahala na rin si batman.



19 Kumento Ng Mga Kupal:

Jepoy said...

Pwede mo din bang ipasa ang cv ko dyan lolz.

Tama ang gagawin mo kung ayaw ng mga shitty shet shet na dagdagan ang kaperahan mo twing pay day ay gulatin mo nalang sila sa resignation letter mo.

To who it may concern;

I am sending you this letter to inform you of my resignation effective immediately because a better company offered me a way higher salary and benefits as compared to what I am getting here.

Have a good day

PogingIlocano

Ayos ba. :-D parang naging entry ko tuloy to lol

gillboard said...

good luck sa iyong pag-aapply...

poging (ilo)CANO said...

@Jepoy,
hindi na pala ako mahihirapan sa paggawa ng resignation letter kung sakali. ginawan mo na ako eh..lolz

@gillboard,
maraming salamat parekoy!

The Lady in Green Ruffles said...

ganun nga ang dapat gawin!

EǝʞsuǝJ said...

gudlak ng bongga b1...

basta bago ka lumipat ng company,
alam mo na yung mga dapat mong isaalang-alang:

1) dapat sa sharjah
2) dapat hindi ka PA
3) dapat MAS ok ang patakaran / sahod / amoy ng mga kasama sa opis / etc..
4) dapt may sarili kang line ng telepono para matawagan mo pa din ako..haha

hmm..selfish ata yung choices ko para sayo..ahahah..

siryusli...
nagtatagalog yung visor mong pana?
hehehehe...

eto na talaga..
siryus na....

alam mo na yung gagawin b1
nasa hustong gulang ka na para magdesisyon...
tama na ang pagpapaalipin ng wala namang increase! (nagsalita ang magaling..haha)...

all the best ! :D

Iwi finds said...

hehehe another Masterbetong blog pala ito, pero matagal nya ng iniwan ang Saudi, mga isang taon na, nagsawa siguro sa karereklamo lol! NOPE he's a wedding photographer na sa manila ngayon :)

Superjaid said...

haha dapat talaga lumipat ka na kuya,wala kang future sa company na yan..selfish sila..S-E-L-F-I-S-H!malalansa pa mga opishmate mo naku naman..

Ken said...

Dear Pogi,

Sumulat ako para malaman mo na nakakarelate ako sa sitwasyon mo. At agree ako sa mga sinabi nang tart mo...(shortcut ng sweetheart - tart) hahaha.

Sana makahanap ka ng maayos na trabaho at malaking sahod para makapagpasakal na kau, este... erase, erase,

kain muna ako agahan ha. gutom na ako, kung ano ano na nakokomento ko.

A-Z-3-L said...

aw! may magreresign? may kasalan? may gutom? hahahahahaha!

goodluck pogi...

pag para sayo, para sayo!

eMPi said...

GOOD Luck sayo Pogi...

Hari ng sablay said...

haha natawa ako dun sa demonstar,hahaha

gudluck na lang pare, gnyan dapat dream BIG!

Life Moto said...

if there is an opportunity grab it bro. There is a will there is a way. good luck.
have a nice week end!

RJ said...

I-consider mo rin ang mga bagay na nakasanayan mo na dyan sa current job mo, Pogi. Tingnan mo ang mga advantages dyan. Another adjustment na naman. "A rolling stone gathers no moss," daw!

Remember: The grass is always greener on the other side of the fence.

God bless... and Good Luck!

poging (ilo)CANO said...

@TLIGR (haba kasi eh)
gagawin ko na nga eh!...hehe..lolz..

@B2,
uhwat? ang daming bilin ah! kahit saan dito sa uae wag lang sa Sila ang lokasyon, mlapit na sa saudi yun.baka hindi na kita masisilayan kahit wanport sa sobrang layo ng lugar.

wag kang mag-alala sa telepono, sponsor ko etisalat.hehe

tama na, sobra na, lipatan n ba?lolz

@Melai,
ano daw?

@superjaid,
malalansa ba sila? kung selfish sila, ako naman starfish..hehe

sana nga may tatanggap sa akin..hehe.

poging (ilo)CANO said...

@Mr. Thoughtskoto

Dear Mr. Thoughts,

salamat naman dahl nakarelate ka sa hinaing ng isang pogi. hindi ko agad nagets ung tart na sinabi mo, buti na lang pinaliwanag mo ng husto .ang akala ko tuloy corns start, yun pala si b2 yung tinutukoy mo.

sana nga makahanap ako ng mas magandng trabaho at malaking sweldo para pakasalan na niya ako.nyahahah..joke.

xenxa na din kung ganito ang naging sagot ko dahl bangag ako..hehehe..lolz.

@azil,
wala pang ikakasal, wala pang magreresign dahil wala pa akong CENOMAR..lolz

@MarcoPaolo,
salamat parekoy!

@HNS,
nilalaro mo dn ba yun parekoy?

@Lifemoto,
sabi nga din sa akin ni visor yan eh! if theres a better opportunity, grab it!

pamatayhomesick said...

tama yan, positibo..kuha kuha lang ng kuha, hanggang sa tumama!.

ROM CALPITO said...

parekoy gudlak sna mkakuha k ng magandang sahod

Ruel said...

Tol, dito ka mag-apply sa amin..pag dito ka wala kang masyadong trabaho..pero wala ka ding masyadong sahod..lolz

peace..

Seriously, do what it takes you to fame..i mean to riches..lalong sumobra..nahawa tuloy ako sa comment ni Mr. Thoughtskoto..

Let God be your guide..

Anonymous said...

Best of luck, Pogi. Sana'y makita mo na finally ang matagal mo nang hinahanap ng trabaho.

Ang ideal na trabaho sa akin ay ito: ung malaki ang sahod, ung okay lang kahit pablog-blog o pagames-games, ung pwedeng hindi pasukan pag tinatamad o kaya ung trabahong ika-eenjoy mo at ikalilibang para hindi mo mamalayan ang oras.

Pag nakakita ka ng ganyan, please tell me. Mag-aaply din ako dun. Para join tayo d b?

Seriously, nawa'y makakita ka ng mas mainam na trabaho at mainam na sahod. (At mga katrabahong hindi mababaho ang paa. Hehe).

Template by:
Free Blog Templates