Tuesday, August 25, 2009

buhay hangang grade 6


ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)

taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….

“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”

kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya

“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”

ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.

kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..

dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.

mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.

pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.



21 Kumento Ng Mga Kupal:

Ruel said...

Nakakarelate ako sa storya mo bro..hay, ang hirap talaga ng buhay lalo na kung hindi ipinanganak na kakambal si Ninoy..

Bakit pala hindi pumayag ang erpat at ermat mo na magpari ka? Ah, alam ko na..Batid kasi nilang may pagka pilyo ka sa babae..lolz.peace!

poging (ilo)CANO said...

@Ruel,
well, well, well, tunog ruel..hehehe..marami silang dahilan kaya hindi nila ako pinayagan..

ganyan talaga buhay, mahirap pero ayus lang basta magsumikap.

Superjaid said...

Nakakarelate din ako kuya, private school din ako dati kahit na di kami mapera, ofw na si amang father nun..hehe la lang share lang, nweiz, bakit di sila pumayag?sayang daw ba ang genes?Ü

EǝʞsuǝJ said...

HMM..MABUTI PA IKAW
AKO NGA SA BAHAY LANG NAG-ARAL
SI MAMA LANG ANG CHICHER KO NUN
PAG NAGKAMALI PA NG SAGOT PALO SA PWET...

NYAK...
EH PANO KUNG NAGING PARI KA?
TAPOS ALONG THE WAY NAKILALA MO KO...
HAHAHA...

SAYANG NAMAN DIBA?
(KAPAL NG FEZ KO)
NYAHAHAHA....^^,

ADIK KA
CHIKA BEBE PALA AHH
ISSUE NO. 4...:p

poging (ilo)CANO said...

@superjaid,
ang kahirapan eh hindi naman sagabal sa pag-aaral db? pribado man yan o pam-publiko. ang importante, may natutunan..hehe..

cgro isa sa mga rison nila yun..nyahaha..lolz

@B2,
buti palo lang sa pwet ang natikaman mo, at hindi hinampas sa semento..joke...hello bantay bata 163..nyahaha

pano kung naging pari ako? at nakilala kita along the way? kelangan pa bang imomorize yan b2? mag fa-father na lang ako sa mga anak natin...lolz...

Unknown said...

Tol, ang galing mo! Asan ka ba ngayon?

Pagpatuloy mo lang ang mga nasimulan mo, aasenso ka rin!

poging (ilo)CANO said...

@realscore,
nandito lang ako parekoy..hehehe

nasaan ka din?

salamat sa pagdaan..kita kitz!

Jepoy said...

parang gusto kong maiyak dun sa first part. Parang sulat lang kay Ate Charo :-D Sayang naman sana natuloy ka sa pagiging pari, siguro iba ang conteksto ng blog mo kung nag pari ka. LoLz

Anonymous said...

hello! napadaan lang :)

2ngaw said...

Dating manghuhula ang parents mo Pogi kaya di ka nila pinayagang mag Pari...

Nahulaan nilang darating sa buhay mo si B2 :D

poging (ilo)CANO said...

@jepoy,
Pang MMK ba ang dating? parang hindi eh!

okey lang na hindi natuloy parekoy. mag fa-father na lang ako...nyahahaha..

@Josh
oi josh! salamat sa pagdaan..

@CM,
hindi lang sila dating manghuhula boss..hanggang ngayon eh manghuhula pa rin sila. pinahulaan nga kita eh..yung hula nila secret na lang..kakahiya eh...joke...lolz

eMPi said...

Balik tanaw sa nakaraan ang pogi ah... ang aktibo mo pala... :)

pamatayhomesick said...

pards medyo nabitin pako sa estorya, pagkatapos ng elementary at di pagpayag anu ang kasunod?..

Anonymous said...

Itutuloy ba ito? Nabitin din kasi ako sa kwento.

Nakakatouch naman ang hirap na dinanas mo nu'ng bata ka pa. Pero meron akong nadiscover...dancer ka pala!

Bweno sa PEBA Awards Night, isang dance number ang ia-assign sa u ni Kenjie. Bwahaha.

Ituloy mo ang kwento please.

poging (ilo)CANO said...

@Marco,
wala lang magawa kaya nagbalik tanaw..hehe..

aktibo parin naman ako ngayon ah, pero sa ibang aspeto na..nyahahaha..ano kaya yun?..lolz

@Ever,
abangan ang susunod na kabanata...lolz..

meron nga ba?..toinkz..

@Isla,
magmunimuni po muna ako kung itutuloy ko yung wento. cgro titol nun eh "after grade six' na..hehehe

Dance number..hmmmm...itik dance pede?..nyahahaha..

theLastJedi said...

' pareho tayo ng kapalaran.. nung elementary ako'y laging nasa harapan dahil ako ang pinakamaliit. di ako makagawa ng kalokohan.. nung highschool naman dahil sa aking apelyido at dahil alphabetical order ang seating arrangement, nasa hulihan ako.. di ku naman makita kung anu sinusular ng guro sa pisara.. lintek na buhay talaga!

- one smooth read here sir! keep it up.. =)

poging (ilo)CANO said...

@theLastjedi,
hahaha..kahit sa class record ng titser ko ako parin nangunguna dre. letter a kasi apliyedo ko eh...lols

salamat sa pagdalaw...

A-Z-3-L said...

napakacute mo pala talaga nung bata ka.. kaya pala hanggang ngayon ay cute ka!

infact, ikaw ang pinakacute jan sa office mo... at alam kong hindi ako magkakamali sa assumption ko na yun.

kaya, please lang.. pag sweldo mo, ilibre mo naman kami! lolz!

poging (ilo)CANO said...

@azel,
tumpak mo! ako nga ang pinaka cute..hehe

dapat ang manlilibre yung nagcelebrate kahapon, hindi ako..wahahaha...lolz..

Dhianz said...

late na atah akoh ditoh ah... may blog ka pa palah? lolz... parang tahi-tahimik moh na kc sa blogsphere eh... tlgah balak mong magseminaryo non? buti na lang dehinz kc kundi nde magiging kayo ni bebe moh... ahehe... teka.. miss koh yon kamote-que... pag meron kah bentahan moh akoh... lolz... nd takte.. oo nga eh pang-international sobrah ang name moh... astig!... James!!! haha... hagnkyut.... teka... abah... talented ka ren palah... naks sumasayaw... devaleh nde man totally singer eh singer naman bebe moh... ingatz kayo lagi... Godbless! -di

poging (ilo)CANO said...

@Dhi,
late ka man dhi ay dhi beauty ka parin..nyahahah..hindi naman ako masyado tahimik. silip silip naman me daily. lam mo nah...bc sa karir..lolz..singer din ako pero hindi lang nahasa..nyaw..hahaha...mag fa-father na lang ako dhi...lolz..

Template by:
Free Blog Templates