Sunday, 21 June 2009

walang taytol b2

Nais kong ipinta
Ang ganda ng iyong mukha
Ngunit hindi sapat
Ang aba kong talento

Nais kong isulat
Ang nilalaman ng puso
Ngunit hindi sapat
Ang limitadong bokabularyo


Nais kong isigaw
Ang silakbo ng pag-ibig
Ngunit hindi sapat
Ang lakas ng aking boses

Hindi man maipinta
Hindi man maisulat
Hindi man maisigaw

Nawa'y sapat na ang halik
At yakap na mahigpit
Kasama ang pangakong
Habang-buhay kang iibigin

25 Kumento Ng Mga Kupal:

Bomzz said...

Tats Down.......

"Nawa'y sapat na ang halik
At yakap na mahigpit"

ayus isa yan sa nag papatibay.. lolz..

poging (ilo)CANO said...

ang bilis ah! kasasabi mo lang sa ym yan kanina ah! pati parin pala dito..hehe

salamat nga pala sa payong parekoy..

Kosa said...

happy Faders dey Pareng Pogi!

poging (ilo)CANO said...

@kosa,
salamat sa pagbati..happy faders dn sayo..hahaha..fader na ba tayo?..lolz..

tagay!

EǝʞsuǝJ said...

ang kontrata
pirmahan mo ang kontrata..

hanep namern sa tula..
para kanino ba yan?
**blush**

poging (ilo)CANO said...

@jhen,
peke yung kontrata na pingawa mo b2.pinanotaryo mo lang yun sa notaryo publiko na nagkakasal at tumatanggap din ng labada tuwing sabado at linggo..hahaha..hindi ko yun pipirmahan.....lolz..

ang tula ay para sa adik na b2. kung nag blush ka, baka gumamit ka lng ng blush on...hehhehe.joke!

gillboard said...

hangkeso!!!! hahaha

Rhodey said...

haha anak nang tipaklong.. hiiinnllllaaabbbb.......

cheeeessyyy nga... aheheheks...

MarcoPaolo said...

ang cheeesssyyyy!!!!


hehehehe....


inlab na inlab...

poging (ilo)CANO said...
This comment has been removed by the author.
poging (ilo)CANO said...

@Gillboard, Rhodney, MarcoPaolo

hindi yan keso mga parekoy. kornik yan..hehehe..lolz...

inlalabo ako eh...heheh

Ruphael said...

Ang pag-ibig nga naman pag pumasok sa puso lahat gagawin..

Inspired and inspired ka bro ah..Sana ako mainspired din na katulad mo..

Sana makakagawa din ako ng tula sa darating na araw..Kailan pa kaya? Itanong ko na lang kay Batman..hehe

EǝʞsuǝJ said...

hindi ko nabasa yung taytel
hehe..
para sken pala...
antok na kase ako kagabi nung dumaan ako dito..:)


wag kang ganyan b1
baka maniwala silang maganda ko..
hahaha..:P
kakatouch naman..
hehehe...:)
see yah soon!

Everlito (ever) Villacruz said...

panalo pards! poging pogi ang dating!

Mr. Thoughtskoto said...

natawa ako, nawarm yung heart, at higit sa lahat, masaya. I know you more than you know, because the girl out there is telling me good and great things about you...hehehe, ang PEBA entry ha, about LOVE!

YanaH said...

hang kekesooooooo nyo!
amf
hahahahaha
happy pudang's day sa tatay natin adikkkk!

amf natatawa talaga ako.. parang nakikita ko si jentot habang nibabasa toh.. ahahahaha
babushki

PaJAY said...

di pa rin maka get-over sa Hi-skul feeling syndrome!...lolz...

pero takte parekoy hanglupit ng tula....halatang may inspirasyon...

poging (ilo)CANO said...

@Ruphael,
ganyan talaga ang pag-ibig bro! nakaka inspire!

wag mawalan ng pag-asa, makakagawa ka rin ng tula...hehehe..joke!

wag lang magtanong kay batman. mas maganda kay Big Bro.

@Jenskee,
adik ka kasi kaya di mo napansin!

@Ever,
poging pogi ba? o pagong pagong..hehe..

@Mr. Thouthskoto,
salamat po sa inyo for being always there and here for her/us..

@Bibba,
nakikita mo si jentot? hang layo mo bibba....adik!..heheh

poging (ilo)CANO said...

@Pajay,
taena! hangang ngayon prof hi-skul syndrome parin..mukhang college na nga siya eh! mas marami na siyang alam kasi nag college na siya...lolz..

dilaan muna bago pa dilaan ng iba...haha..lolz

inspired kay b2 dre!

Lord CM said...

Mareng Jen, baka maihi ka sa sobrang kilig ah lolzz

Payo lang pre, yakap at halik na lang muna...mas okey yun :)

Jez said...

masama pakiramdam ko,
PERO ng mabasa ko tula mo (eh, tula ba talaga yan)
medyo napangiti ako, ay hindi lang ngiti natawa pa ata ako...hahahahha
cheeessssyyyyyy

The Pope said...

May nagpatawag sa akin at may nais daw magpakasal, gusto ko lamang malaman kung ito ay may katotohanan... hahahaha.

Nakaka-inlove naman ang isinulat mo kaibigan. Palagay ko kahit pusong bakal ay lalambot kapag binasa ang iyong post.

A blessed Tuesday morning kaibigan.

HARI NG SABLAY said...

puno ng pagmamahal dito,lols

RJ said...

Lumalabas ang pagkamakata mo, Pogi kapag nai-inlove ka. U

poging (ilo)CANO said...

@lordCM,
hindi naihi si jen parekoy, natae lang siya...

yakap at halik?...hehe..mag jackstone na lang muna ako..lolz...

@Jez,
natawa ka ba talaga? buti hindi lalong sumama ang pakiramdam mo sa katatawa..hehehe.

@The Pope,
hindi po kami ang nagpatawag sa inyo na magpapakasal. baka wrong number mo yung pinuntahan niyo..heheh

hindi pa po kami handa kasi marami pa kaming aasikasuhin sa family namin...hehe

@HNS,
punong puno makapuno...lolz..

@Doc Aga,
ganyan lang talaga pag inlab doc aga..d ba inlab ka rin? tula ka na!...hehe

Template by:
Free Blog Templates