halos maghapon din akong tumunganga sa trabaho ngayon araw na ito. sunod sunod na araw na din kaming nawawalan ng supply ng kuryente. “maintenance” ang madalas nilang dahilan o di kaya ang kable ay naputol dahil nasagi na naman ito ng mga sasakyan na dumadaan. hindi pa kasi masyadong develop ang industrial area na kinatitirikan ng aming opisina. ang mga kable ng kuryente ay parang pinas parin na pwedeng sampayan ng damit dahil mababa lang nito. hindi kagaya ng ibang area na underground cable na.
kung wala ng kuryente tigil narin kami sa trabaho. ito ang simula ng pagtunganga sa loob ng opisina at pag-abang sa tagaktak ng pawis na dulot ng init dahil sa kawalan na a/c. kelangan din ihanda ang ilong sa amoy ng mga kasamahan sa trabaho dahil habang tumatagal lalong umaamoy (hindi sumasarap) ang debolyong amoy. kung may pawis, may power! san ka pa? dito lang yan.
gusto ko sanang ayusin ang aking magulong upang para mabawasan ang kalat kahit wanport lang ngunit bigla akong tinamaan ng katamaran. lumabas ako sa opisina upang magpahangin pero bamalik din ako kaagad dahil maalikabok…mdyo may sandstorm kasi. bumalik sa aking upuan. sinalpak ang headphone ng mp4 sabay patong ang isang paa sa aking lames….soundtrip na.
habang busy ang aking teanga, busy rin ang aking mga mata sa katititig sa mga bagay bagay na nakakalat sa saking lamesa. imbes na itoy aking ayusin, mas lalo ko pa itong ginulo. bawat bagay na aking nakikita at nahahawakan ay aking pinaglalaruan. bato dito, bato doon hanggang sa mahawakan ko ang isang eraser.
pinaglaruan ko ang eraser. ginawang micropono habang napapakanta sa musika. kinagat kagat na parang chocolate, ginawang bola, truck-truckan at kung anu-ano pa. nang wala na akong maisip na gawin sa kanya, naisipan ko itong i-ugnay sa king buhay. na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…
12 Kumento Ng Mga Kupal:
emoh naman...hmmm....nde moh man maibigay 'ung pangako moh sa kanilah..eh maybe you'll have somethin' way better for them..dunno wat da right to say.. juz pray 'bout it..ingatz kayo lagi ni sis jenn..Godbless! -di
Oh yeah?!Emoh? lolzz
Subukan mo pre na gawing inspirasyon ang mga pangakong binitawan para mas maganda ang kalabasan :)
Oist...pix mo?!
pogi bawal daw ang erasures sabi ni ma'am! hehehe, jowk...
na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…
---> ayos ang linya parekoy ah... pwedeng gamitin sa teleserye yan... lols.
@Dhianz,
d naman ako masyadong emo gandang dhi. slyt lang..hehe
sana nga sameday, somehow, somewer down the road. id theres a wheel theres a way..lolz
@CM,
pag-iniisip ko kasi mas lalo ako naprepresure kaya walang nagyayari.
makakasmile pa ba ako?wahaha...
@Deth,
pwede daw erasures basta wag gamitin ang laway na pambura baka mabutas pag mabasa..hehe
@Marco,
drama ako eh..wahaha
Umayos ka pogi.
nawawala ang pogi points natin..lolz
ok lang na sirain at laruin ng laruin ang eraser. may laway ka naman eh... pamalit sa eraser kapag naubos na.. hakhakhak.
Eraser ng buhay? Paano nga kung may pambura ng buhay, sa bawa't pagkakamali natin ay maari nating burahin na tila hindi na tayo magiging maingat sa ating bawa't salata o gawa. Di rin natin matututunan ang salitang pagpapatawad at pagpapakumababa, tila hindi tayo matututo sa mga Gintong Aral at hindi na tayo uusad sa ating buhay, dahil mananatili na lang tayo sa pagbubura ng mga bagay na di natin nagugutuhan.
happy weekend, paano kung burahin kaya nila ang weekend, paano na kaya, hahahaha.
I beg to disagree!
Hahaha...
isipin mo pag binura ng eraser yung mga pangako mo...
magmumuka kang pulitiko nyan Mr. Tertel...
:P
smayl lang,
keep that faith
at isipin mo....
may PINK kang stapler..
^_^ para in case na maubos mo si eraser, may iba ka pang pwedeng laruin..
hahahaha....
^_^
anong lasa ng eraser pagkatapos kagatin? lolz!!!
wag mong burahin ang mga bagay na gusto mong burahin sa buhay mo... dahil hindi mo na ma-aappreciate ang buhay kung puro kulay ang makikita mo!
minsan sa buhay... masarpa ding tingnan ang pinaghalong itim at puti lamang....
wag kang magdrama! hindi bagay sa isang batman!!! nagmumukha kang si joker!
Iyan din ang lagi kong tanong sa buhay. Bakit nga ba Control-Z ang buhay? Bakit hindi sya pwedeng i-Undo?
gaano kaya katagal nag stay ang lasa ng eraser sa dila mo,,at napahaba pa pag-iisip mo.
tsaka tama ba sabi nila, promises are made to be broken...?
eraser?...emo?...ahehehehe... pero hindi tayo isang eraser kundi isang lapis...buo kasama ang eraser...
gumawa ng marka sa bawat isa...nagkakamali at binubura... ngunit gumaganda ang marka kapag tinatasahan... :)
Post a Comment