Wednesday, 24 June 2009

Si Housemate





si ahmed, mula sa bansang egypt. isang mechanic assistant. siya ang aking pangatlong housemate kung isasama ko sa bilang sina sorut at ipis. almost 2 yeas na rin kaming magkasama ni kupal sa flat pero hindi parin kami close sa isat isa. hindi kami masyado nagkukwentuhan dahil hindi naman kami magkaintindihan ng salita. Arabic ang kanyang salita, tagalog at ilocano naman sa akin. hindi talaga kami magkaintidihan kaya minsan dinadaan na lang namin sa sinyanas. hindi rin kasi siya marunong magsalita ng English. kapag tinatanong ko siya ng how are you, ang lagi niyang sagot “sure” kaya ang lagi ko na lang itinatonong sa kanya, ahmed pogi ba ako? sagot niya sure . at dun tamang tama ang kanyang sagot.

malinis sa katawan si kupal. araw araw naliligo, araw araw din nagbibihis ng damit pero ni minsan hindi ko nakitang nagsampay ng brief sa labas o sa loob man ng aming kwarto. nahihiya naman akong itanong sa kanya kung nagpapalit siya nagsusuot ng brief baka siyay mainsulto at sasapakin lang ako.

si kupal walang masyadong alam sa mga makabagong teknolohiya. isang araw bumili ako ng portable dvd player. nakita niya ito. nagpaturo siya akin kung paano ito gagamitin. tinuruan ko naman siya hanggang siyay natuto. nang natuto, pambihira! akalo mo sa kanya na ang gamit na yun. kapag ginagamit ko, gusto niya siya daw muna ang gagamit bago ako kasi papanoorin daw niya ang kanyan bagong dalang cd. taena! dahil sa inis ko, nasigawan ko ang gago. isang buwan din kaming hindi nag-imikan. diyan nagsimula ang bansag ko sa kanyang kupal at kumag na daga.

nagpakabit ako ng internet. nakikita niya ako na laging may kausap online. nainggit siya sa akin. buti pa daw ako nakakausap at nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay araw araw. samantalang siya matagal na daw niyang hindi nakikita ang kanyang mahal sa buhay lalo na ang kanyang bunsong anak. nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanyang sinabi. alam kong nangungulila rin siya sa kanyang pamliya. kinausap ko siya sa utal utal kong Arabic na salita. sinabihan ko siya na sabihan ang kanyang asawa na gumawa ng email account sa kanilang bansa at ako na lang ang bahala sa kanya dito. nagkaroon ng e-mail ang kanyang asawa. nagkita at nagka-usap silang pamilya online. bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ganun din ang kanyang asawa at anak. halos halikan ni kupal ang screen ng aking computer nang makita niya ang kanyang anak. pinaayagan ko siyang makigamit ng libre sa aking pc kapag itoy bukas kahit hindi siya marunong. once or twice a week ko siya pinapagamit at tinuturuan. ngunit inabuso na naman ni kupal ang aking kabaitan. ginigising niya ako ng wala sa oras dahil online daw ang kanyang misis at gusto niya itong makausap at makita. nung una pinagbigyan ko siya. pangalawa okey lang. pangatlo, jablo! somosobra na si kumag. nawiwili na siya masyado sa kabaitan ko kaya jumbo rin siya sa pagbalibag ko ng unan sa kanyang mukha dahil sinisira niya lagi ang aking wet dreams este sweet dreams pala..lolz. hindi ulit kami nag iimikan for the second time.

si kupal hindi lang siya tao. isa rin siyang bagay. isa siyang malaking relo. siya ang nagsisilbing alarm clock ko na wala naman sa tamang oras pag nanggising. tuwing nasa kasarapan ang aking pagtulog, nagigising ako sa super lakas niyang hilik kaya pati mga ipis at surot nabubulabog ang kanilang mahimbing na tulog at ang nakakainis ako ang kinakagat nila at hindi ang kupal kong housemate na dambuhala.
matakaw din sa pagkain si kupal kaya malaki ang kanyang katawan at ito rin siguro ang dahilan kaya madalas siyang bangongotin. dumating din yong punto sa sigaw na siya ng sigaw sa pagkabangongot. dala ng aking pagkatakot, tumakbo ako palabas ng flat upang tawagin ang gwardiya para siya ang gigising sa aking kasama. kina-umagahan, nagising si kumag ng maaga. hang kapal ng apog ni kumag, ako pa ang sinisi sa nagyari kagabi bakit hindi ko daw siya ginising…anak ng teteng! buti nga ginising ka nila kung hindi lang tigok ka na.

ilang araw na lang magbabakasyon na si kupal sa kanilang bansa. marami siyang dala dala at gudlak na lang sa kanya kung hindi siya mag over baggage. bagong washing machine, isang maliit sa freezer, mga boteng walang laman, isang picnic payong na butas pero inayos niya, isang cpu ng computer windows 98 (tinanong niya sa akin kung maganda, sabi ko good quality mafi muskil ada). dalawang maleta na damit ang laman at marami pang iba na galing sa ewan. cgro kasama din sa kanyang iuuwi yung nawala kung jelfon na N80, 1 week ko lang ginamit yun bago siya nag invisible saka yung aking digicam na nawala din last week lang. wala tuloy akong ginamit na pangkuha sa lugar na mala milan ang itsura (Al Qasba Park). ala-ala sana sa lugar na kung saan ako sinagot ni B2. (feeling naman namin kami ang bida sa pelikulang MILAN ni piolo at Claudine) hehehe. sa mga pipol na nandun sa memory ng cam ko gudlak na lang sa inyo kung kakalat yun. malaking skandalu yan pag nagkataon.

simula 27, araw ng paglipad ni kupal. solong solo ko na ang kwarto. araw araw akoy magpaparty. inuman dito inuman dun. gagawin naming pulutan si ipis at surot. wala na rin istorbo at sagabal na kupal kaya pwede na akong mag jaging araw araw sa loob ng kwarto o kaya maglaro ng jackston na hindi nagtatago..lolz..




habang ginagawa ko to, nginingitian ako ni kupal. nagpapaalam. magbabakasyon daw siya kaya mawawala sya
ng dalawang buwan.


"ok, see you INSHALLAH".






23 Kumento Ng Mga Kupal:

madjik said...

enjoy lang sa pag dya dyaging at pag dya dyakstone! LOL!

RJ said...

Nai-imagine ko ang lahat ng mga nangyari sa inyo ni Kupal... Kung may Big Brother camera lang sana dyan. o",) Kuhang-kuha ang lahat!

Sabi ko na nga ba, kung may kasama ka nga sa bahay pero problema naman, buti pa wala nalang.

Pero mabait ka sa kanya. Sa dalawang taong magkasama kayo, ang dami mong itinuro sa kanya. Nararamdaman ko rin namang may malasakit ka rin sa kanya. Pero may isang mahalagang bagay na hindi mo yata itinuro sa kanya.

--->Turuan mo kaya siyang mag-Ingles, Pogi? Baka sakaling mas magkakaunawaan kayo.

"Sure!" (,"o

[Nagustuhan ko itong post mo. U]

Rhodey said...

sure lang talaga?... sure ka? aheheheks.. tama nga naman si RJ, turuan mong mag inglis para magkaintindihan kayo, tapos kung ganon pa rin siya kakulit, kawalang hiya, at kakupal.....

bigyan mo siya nang baygon... aheheheks..

Lord CM said...

Hehehe :D Sya pala si Kupal, ung "Munting Tinig" hehehe lolzz si B2 pala yun..

Buti na lang pala wala akong kasama sa kwarto at puro pinoy ang mga nasa barracks...

Oist...Di raw sya tuloy magbakayon!!

MarcoPaolo said...

hmmm.. solong solo nga.... puntahan ka namin parekoy... inuman tayo, at mag-party... lolz

EǝʞsuǝJ said...

eh pag panay engotikon ang reply sa pm ko, si hausmate ba yung kachat ko nun?
just asking...
wahahaha...

adik ka b1
sumbong kita jan ehh
mabuti na lang ang mga roomies ko hindi kagaya nyang housemate mo na "user-friendly"...
wahhaha,,
gudlak naman sa 2 months na solo playt mo sa rum..
tsktsk...
subukan mong mag-inom araw araw
nyahahah...gudlak sayo..joke..

see you when i see you :)

A-Z-E-L said...

uy! libre ang bahay ng 2 months...
baka pwedeng magbakasyon ng 1 gabi jan... ahahahaha!

ituloy natin ang balak na pag cacamping... sagot mo lahat? di nga? sige pupunta kami jan... basta sagot mo lahat!!! lolz!

di pa ata umaalis si kupal... patago mong halungkatin ang gamit nya.. baka andun ang hinahanap mo. para magulat sya pagdating nya sa egypt, sasabihin nya sa misis nya na nanakawan sya ng cp at camera! lolz!

tuloy daw kayo ah... makikita mo na ang luvs ni jee. (ingat! malaking tao un!)

poging (ilo)CANO said...

@madjik,
oi sir madjik nagbalik ka! kaw ba yan? tgal nawala ah. mzta na?

@Doc Aga,
gusto ko siyang turuan na mag english kaya lang sabi niya kaliwali english..heheh..ayaw daw niya.

baka pag natutuo magsalita ng english, ako na tuturaun...hehehe..lolz..


@Rhodney,
wa epek sa kanya baygon. dapat sa kanya formalin..joke...hehehe

@LordCM,
Buti pa jan sa inyo puro pinoy kayo. ako dito solo flyt na poging pilipino...solong solo kong iwinawagayway ang bandilang pilipino..lolz..

sino ang hindi ma22luy na uuwi?

@MrcoPaolo,
punta ka dito parekoy...magpapa inum ka..hehe

Everlito (ever) Villacruz said...

pards di kaya ng powers ko yan..malamang gyera kami nyan...bilib ako sayo tol. sakripisyo yan para sakin.malamang kahit anung gawin ko di ko makakaya na may kasama akong ibang lahi...puro alibaba yan.

Manang Dyi said...

anak ng tipaklong! hindi nag a-update ang mga bagong post nyo sa peyds ko. buti nalang gumala ako at nakita ko ito. hehehe...

koww!! paano na yung pix namin dun?! madami ang makakakita sa pagiging healthy ko! hahahaha!!

buti naman at magbabakasyon si kupal. kase pde na kami magpunta sainyo! magpapainom ka ha?! lolzz

tuloy na nga pala daw kayo bukas sa bahay. ihanda niyo na ni b2 ang tiyan nyo. magluluto ako ng madaming itlog! hahaha!!

at makikita mo ni si kyut bukas! lolzz!!

Life Moto said...

Ang haba naman ng lubid mo bro. Ganun pa man buti nga malinis ang kasama mo. Minsan meron akong ka flat na mga indiano suko ako sa smell nila. kaya thank Kay Lord at pinayagan akong mag live out ng amo ko.
Minsan talaga kailangan bigyan ng limit ang ating pag tulong. Have a nice day bro!

poging (ilo)CANO said...

@Jenskie,
hahaha...cge susubokan kong uminom araw araw...toinkz...

@azel,
yap yap yap..matutuloy kami jan bukas. madaling araw pa lang nanjan na kami.hehehe

nakita ko na yung luvs ni jee..si kyuting..hehehe...lolz.

@Ever,
nasanay na rin bro. wala akong magagawa eh. ako lang kasi pinoy dito sa accomodation namin. mahirap din kasi mag leave out. mahal masyado. d kaya ng budget..

@Jee,
taragis. iba kasi ina update mo eh.hehehe..

ako nahnada na tiyan ko. hindi na ako maghahapunan ngayon para malaki space bukas. si b2 hindi rin daw kakain sa kasal kasalan na pupuntahan niya...hehe

see you 2mrow never dies..lolz..

Ruphael said...

Sa loob ng dalawang buwan na wala si kupal mag-enjoy ka ng todo-todo, kasi tiyak na sa pagbalik niya sakit na naman ng ulo..

Bomzz said...

how r u? hehehe natawa ako don. ah.


moskila mafi malom english...

isa lang yan sa buhay ng isang O-ip-dobolyo...


pero kinaya mo pa rin Pogi...ayz ayz ka talaga....

poging (ilo)CANO said...

@Lifemoto,
kelangan talaga habaan ko pasensiya parekoy. cgro kung wala yun baka deport na ako ngayon.hehehe

@Ruphael,
malamang na malamang pagbalik niya magbabalik din ang aking sakit sa ulo at sa mata..haha

@Bomzz,
anna mafi malon anta kalam bomzz...kekeke..

sa susunod patira ko na siya sa iba...lolz..

Dhianz said...

ang saya moh naman magkuwento.. naaliw akoh... ganyan bah tlgah ang inlab.... ahehe... yeah next time picturan moh 'ung place na sinagot kah ni B2...syempre very special place 'un... then sa wedding daw nyoh isama nyo 'un sa slide show sa reception... astig!... fast forward agad...ahehe.. ingatz kayo lagi ni sis jenkee-chan... Godbless! -di

Dhianz said...

teka... sis jenskee... bakasyon kah nang 2 months.. samahan moh si batman!...hihhheee... =)

The Gasoline Dude said...

Wala siya ng 2 months? Aba eh mag-imbayt ka na ng chicks d'yan! LOL

Ay oonga pala, me gelpren ka. Hahaha peace! = P

poging (ilo)CANO said...

@Dhianz 2x,
wag kang mag-alala dhi, babalik kami sa place na yun pag may time kami para ma pekturan..heheh..wedding?..lolz...wala pa kami budget toinkz..lolz.....d pwede fast forward marami aangal sa amin.hehe..

di pwede mga girls dito sa amin. maraming maniak na pato at itik..lolz..


@Gasdude,
bawal mga chikabebes dito pre!

strick ang parents namin saka magagalit si komander pag malaman niya...lolz..

Lord CM said...

Di raw matutuloy magbakasyon housemate mo!!! lolzz

poging (ilo)CANO said...

tama ang hula mo parekoy! nadatnan ko pa si kupal dito kagabi pagala gala. cancel daw flight niya.lintik!

cancel din ang mga party!..lolz..

JETTRO said...

Parekoy itanong mo din sa kasama mo kung pogi din ako hehehe

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,性愛,性感影片,正妹,聊天室,
情色論壇

Template by:
Free Blog Templates