Saturday, June 6, 2009

Kuya, Bakit?

Nakilala ko si kuya Celso (hindi tunay na pangalan) sa dati kong pinapasokan na kompanya sa pinas. Isa siyang janitor-messenger doon. Isa siyang mabait, matulungin, masipag at makapakakatiwalaan na tao at ama. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. May apat na anak. Ang kanyang asawa ay dating ofw pero hindi siya nagtagal sa abroad dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya ng kanyang dating amo. Hindi pinapakain at hindi rin binibigay ang kanyang sweldo kaya napilitang umuwi sa pinas pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis at paghihirap.

Dahil sa kanyang kabaitan, naging malapit ako sa kanya at sa kanyang pamilya. At ganun din naman sila sa akin. Welcome na welcome ako sa kanilang tahanan. Si kuya Celso ang nagsilbing kaibigan, kapatid, kuya, tito at ama habang ako ay nasa maynila naghahanap buhay. Kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at humihingi ng mga payo. Buong buo ang tiwala ko sa kanya.

Bago ako umalis ng bansa, may isang bagay akong nilalakad na hindi ko natapos dahil na rin sa aking biglaang pag-alis at hindi ko na maaiskaso pa. Ito ay ang aking pagkuha ng bahay sa pamamagitan ng pag-ibig housing loan. Nagpagawa ako ng SPA (Special Power of Attorney) upang siya na lang ang mag-aasikaso at bahala sa paglalakad ng mga papeles habang wala ako sa pinas samantalang ako naman ang bahala sa usaping financial. Walang alam ang aking pamilya tungkol sa aking pagkuha ng bahay kaya sa ibang tao ko ipinagkatiwala ang pag-aayus nito.

Pagkaraan ng limang buwan, nakatanggap ko ang magandang balita mula sa kanya. Na turn over na sa akin ang bahay. Sa madaling salita may munting bahay na ako…wow!.lolz..hehe..pinaalam ko na rin sa family ko na may munting bahay na ako at ibabahay na lang ang kulang...oh! dba na surprise sila!.hehe..

March 2008 ng magstart akong magbayad ng monthly amotization sa pag-ibig. Ang pera na pambayad sa amortization ay apinapadala ko kay kuya Celso buwan buwan through bank + pamasahe niya and keep the change pa. Buwan buwan akong nagpapadala ng pambayad kaya buwan buwan din akong tumatawag sa kanya upang alamin kung may problema sa aking ibinabayad. Kung ibinabayad ba o hindi? Ang kanyang laging sinasabi, wag daw akong mag-alala dahil updated naman daw ang aking account at sa katunayan advance pa nga daw ako ng 1 month which is true naman base na rin sa aking pinapadala. Kaya panatag ako na ayus ang lahat at walang problema.

Ngunit noong nakaraang lingo, isang txt msg ang aking natanggap mula sa pag-ibig. Isang mensahe na nakakagulat at tila magpapawalang saysay sa aking paghihirap at sa aking pangarap. Sinabi sa akin na ang aking account ay malapit nang macancell dahil hindi raw ako nagpapabayad. Nakakabigla ang pangyayari. Tumawag ako kay kuya Celso upang alamin ang katotohanan. Ngunit sa malas ni kulas hindi ko makontak ang kanyang celfon.

Agad kong pinaalam sa aking kapatid ang aking problema. Pinuntahan niya si kuya Celso sa kanilang bahay upang alamin kung ano talaga ang kaotohanan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa aking binabayaran. Sa kanilang paghaharap, napatunayan nga na hindi niya ibinabayad ang aking pinapadala. Base sa huling resibo na kanyang ipinakita, lumalabas na siyam na buwan siyang hindi nakabayad kaya siyam na buwan narin pala niya akong niloloko na walang kamalay malay. Magkahalong lungkot, galit, pagkaawa, ang aking naramdaman kay kuya Celso. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin iyon. Muntik na niyang sirain ang pangarap ko. Paano na ang pinaghirapan ko? Kuya,bakit?

Nagkausap na kami ni kuya Celso. Pinakinggan ko ang kanyang mga paliwanag at nakinig naman ako sa kanyang mga paliwanag. May galit akong naramdaman pero mas nangibabaw parin ang aking pagkamaunawain at pagkamatulungin. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at magkano lang ang kanyang kinikita? Hindi yun sapat para buhayin ang kanyang pamilya. Kung ikaw ang ama, gusto mo bang nakikitang gutom ang iyong mga anak? Hindi importante sa akin ang nawalang pera, ang kanyang mga paliwanag sa akin ay sapat na.


Hindi ko siya inobliga na bayaran ang nawalang pera, pero siya mismo ang nagsabi na papalitan din niya yun. Kung magbibigay siya,maraming salamat, kung hindi, ayus lang. marunong naman akong umunawa at umintidi eh saka alam ko kung anong klase ng buhay meron sila. Yung huli kong padala nong nakaraang buwan, hindi niya ibinayad dahil pinambili daw pala ng skul supplies. Ready to skul na mga anak..

Sa ngayon, medyo ayos na ang lahat. Nakapag apply na rin ako ng condonation program ng pag-ibig sa tulong na aking kapatid. Tuloy tuloy parin ang aking pagpapadala ng pambayad buwan buwan pero hindi na kay kuya Celso, sa kapatid ko na......






"maraming namamatay sa maling akala"



26 Kumento Ng Mga Kupal:

NJ Abad said...

Hindi ka lang pala Pogi, mabait at maunawain pa...mapagpatawad, atbp pa... kaya pautang naman jan! hehehe... the way you narrated the story, nalaman ko kaagad ang ending... but what's important is naisaayos mo ang lahat.

by the way,ang alam ko merong account ang pag-ibig where the ofw can directly pay his amortizations.

kung mabasa mo to Lord CM, isa ito sa magandang idagdag sa Helpdesk ng Kablogs... yun bang mga tips sa pagbabayad ng mga amortizations at contributions sa Pag-ibig, SSS, etc... o sige assign mo na sa mga masisipag na mga sis at bro sa Kabloggywood... hehehe...

Check mo nga Pogi kung based ako? mukha nga eh...hehehe

RJ said...

May mga aral na mapupulot dito sa post mong ito Pogi, ah. Mag-ingat ka na sa susunod... Wala bang paraang direct ang pagbabayad sa Pag-ibig?

Ayos ang project mong ito. o",)

Rhodey said...

okey ah? may sarili nang bahay si pogi, baka pwedeng makitulog muna aheheheks...

pero saludo ako sa iyo parekoy...

ingats nalang sa susunod na kukuha ka ulit nang bahay ahehehehe...

Trainer Y said...

huwawwwww batman...
wala akong masabi sayo.. sobrang bait mo talaga... kung ako yan.. malamang nag-amok na ako!
attttt kamuntikan na rin mangyari sakin yan.... pero naman.. ung pinatira ko sa bahay inoobliga ko na ipadala saken ung resibo buwan-buwan nung anjan ako sa UAE...yun nga lang sinalaula nila yung bahay ultimo toilet bowl eh binaklas at binenta yata ahihihihihihi

madali naman magsabi sayo na nagigipit siya.. bakit hindi na lang sya humingi n tulong sayo instead na ganun ang ginawa nya? nilagyan nya lamang ng lamat ung pagkakaibigan nyo..

poging (ilo)CANO said...

@kuya NJ,
Tumpak! naka based po kayo!..hehehe..

nice idea kuya, pwede natin to idagdag sa kablog helpdesk. mga tips, procedures regarding sa pagbabayad sa mga contributions.

@Doc Aga,
hindi lang ako ang mang-iingat sa susunod dok, sila na ang mag-iingat sa akin pag niloko pa nila ako..hehehe..

may direct na pagbabayad yata sila pero hindi ko pa natry saka hindi ko alam yung mga tie ups nila...

@Rhodney,
Gusto mo bang makitulog dun? cge punta ka para may bantay. wala pa kasi nakatira dun eh...multo lang..hehehe..

@Yanah,
nagsasabi naman siya sa akin tuwing may kailangan siya, hindi ko naman siya binibigo..alam mo na mabait ako masyado eh. minsan kahit gipit, allowance ko na lang binibigay ko makatulong lang..

iniba siya eksena eh..heheh

Kosa said...

wow...
ang galing parekoy.
isa sa aking pangarap ang magkaroon ng sariling bahay.

ayan, iba talaga ang pogi..lols natatalo man sa simula ng kwento, mananalo at mananalo pa rin sa wakas.
pelikula nga naman...

Jez said...

okei sa alright ah, ang kagwapuhan mo di lang panlabas na anyo pero nasa puso din..eheheh

sandali, multo ang nakatira? eh baka magtaksil sa iyo ang multo at hilinging permanente na syang tumira dun...ehehehe

Life Moto said...

nice gestures here bro, God bless your kuya at nakakita sya ng pipol like u.

EǝʞsuǝJ said...

hayyyy...

bahay nga naman..
este BUHAY nga naman..
ganun talaga b1..
daming mga manggagantso sa mundo
tsktksk...
madami kame..nyahaha..

so kelangan talga gawan ng post to?
tsktsk..
akala ko ba gagawa ka ng post para sa PEBA?hahaha...joke

Dhianz said...

hayz mahirap tlagah magtiwala sa iba lalo na pagdating sa pera... marami na akong case na alam na ganyan at ang iba eh mismo sa aming pamilya pah... but nde koh na ikukuwento... minsan naman ang iba kahit ganong kabait nagiging sakim pagdating sa pera... but you can't really blame them kc nga naman sa hirap nang buhay at andyan na ang biyaya eh di take advantage of it nah... ang lesson don eh you can't really fully trust anyone... especially kapag nde moh kapamilya... actually kapamilya moh nga minsan eh nde pa tlgah totally matru-trust... ibang tao pa kaya... bihira na ang taong tlgang mapagkakatiwalaan moh... at bihira na ren ang mga taong katulad moh na maunawain... kaya don hanga akoh sau... congratz at least u got a haus na... datz nice... hmmm... sino kaya ang ibabahay... si ehem bahh... lolz... eniweiz.. yeah... ingatz... Godbless! -di

A-Z-3-L said...

Humanga ako sayo sa angkin mong kabaitan.

Gayunman, Pamilya lamang ang pinaka-safe na pagkatiwalaan pagdating sa usaping pera. Mawala man ito sa kamay ng kapamilya, atleast pamilya ang natulungan mo.

sana ay natuto ka na sa nangyaring ito...

ano bah.... pogi di ka na naman updated! pwede talagang online ang bayad sa pag-ibig sa pagkakaalam ko. kase ang Pag-ibig ang isa sa ahensyang tumutulong sa mga OFWs at ang mga OFWs ang favorite clients nila... kaya im pretty sure may way para magbayad ang mga nasa ibang bansa na hindi dadaan pa sa ibang kamay!

Ken said...

Meron naman ako kasama dito sa work, for 12 years nagbabayad siya sa House Loan nila sa para community or rural bank. it turns out na hindi naman pala binabayad nung rural bank na yun sa bangko or pag-ibig. Masakit, masaklap. Pero ang tao dahil kelangan ng pera nakakagawa ng mga ganyan, ikaw naman dahil may Pera ka nappatawad mo, and charge to experience na lang!

The Gasoline Dude™ said...

Hmmm. Kapag pera talaga ang involved eh madaming pagkakaibigan ang nasisira. Kahit nga mismo sa sariling pamilya eh nagiging isyu 'yan.

Sana maging maayos ang lahat.

Bomzz said...

kaya pala lagi ka lasheengg! hahaha joke...

pag pera talaga hayzzzzz

lumaalabas pa rin ang kabaitan mo pogi...

sana maging maayos ang lahat.. para sa iyo.

poging (ilo)CANO said...

@kosa,
magkakabahay ka rin kosa, magsumikap ka lang jan sa ibang bansa..

pangarap mo abutin mo...lolz..

@Jez,
kaibigan. iba parin ang puso kaysa sa gwapo.hehehe..

no connection ata sinabi ko ah..lol.z...

@Jessie,
God Bless also his family bro!

@jenzkie,
adik ka!
kala ko mawawala ka, nanjan ka lang pala sa tabi tabi..at ngayon ayemsick ka..umuwi ka na lang at mag-online ka wantosawa...hahaha..

hondo oko otot...

@dhianz,
iba na talga ang panahon ngayon dhie. ang mga mababait nagiging adik..este hindi na mabait excpt ako dahil mabait ako for life.lolz..

na intriga ako sa tanong mo kung sino ang aking ibabahay? heehhe..sa ngayon wala pa kasi hindi pa xa pumapayag..nyahahaha..sino kaya yun..toinkz..

@azel,
gusto ko nga sana autodebit na lang para mas madalai kaya lang hindi ata conected yung banko ko sa pag-ibig eh...

tanong ko muna si kostomer servis...hehehe..

@Kuya kenj,
aray ko po! mas masakit ata yung nangyari sa kanya..mismong banko ang hindi nagbayad...nahabol niya pa yung bahay niya?

alang problema sa akin yung money. family naman niya nakinabang..inisip ko na lang na may charity ako sa pinas...hhehe

PaJAY said...

Kawawa naman si Kuya Celso mo..wala ng mapagkakakitaan ngayon kasi kapatid mo na ang nagbabayad...lolz...


Good boy!sana kunin ka na ni lord!...lolz..peace pogi..:)

poging (ilo)CANO said...

@Gasdude,
pera talaga ang madalas nakakasira sa lahat. sa kaibigan man yan o sa pamilya.masakip isipin pero totoong nangyayari lalo na ngayon may global crisis..

@Bomzz,
hinid ako lasheng...

kunwaring lasheng lang para makatambling...lolz..

poging (ilo)CANO said...

@Pajay,
hahaha...mabait ako pero sa awa ni satanas hindi pa ako kinukuha ni lord...lolz..

maghanap na lang siya ng ibang raket...hehe

eMPi said...

Ikaw ang na-surprise pareng pogs.... hehehe!

Bait ah... maunawain! ituloy lang yan... may reward ka for sure...kung ano yon? hindi ko alam e.... hehehe!

The Pope said...

May mga pagkakataon talaga na sinusukat ang ating pangunawa sa ating kapwa, at ang nangyari sa iyo ay isang karanasan na nagpapatunay sa tunay mong pagkatao bilang maunawain at mapapagpatawad sa kapwa.

Purihin ka kaibigan.

poging (ilo)CANO said...

@Marcopaolo,
ahikhik..oo nga parekoy ako ang na surprise..pero ayus lang yun..okis na okis naman na ang lahat...magsisimula ulit...lolz.

@The Pope,
likas na po ata sa akin ang pagiging maunawain at mapagtapatawad sa kapwa...naintindihan ko naman ang pangyayari eh.

poging (ilo)CANO said...

@Marcopaolo,
ahikhik..oo nga parekoy ako ang na surprise..pero ayus lang yun..okis na okis naman na ang lahat...magsisimula ulit...lolz.

@The Pope,
likas na po ata sa akin ang pagiging maunawain at mapagtapatawad sa kapwa...naintindihan ko naman ang pangyayari eh.

Hari ng sablay said...

andami na talagang manloloko sa mundong ito buti ako di ako nanloloko,lols

poging (ilo)CANO said...

buti na lang hindi ka nanloloko...dagdag ka sana sa mga pwersiyo..lolz..

Ruel said...

Isa kang huwarang kaibigan, Pogi..Saludo ako sa kabaitan mo..Pero sabi nga nila pagka usaping pera hindi tayo magtitiwala kahit sino..Marami kasing nabubulag sa pera at tama marami ding namamatay sa maling akala.

Cheers!

ROM CALPITO said...

Saludo ako sa iyo parekoy,
ayon sa kasabihan ''isa lang ang pwedeng pagkatiwalaan dito sa mundo..."

Sarili mo lang!

nice post parekoy.

Template by:
Free Blog Templates