Wednesday, 8 July 2009

Surpresa



kasarapan ng aking paghigop ng mainit na tea kaninang umaga nang bigla akong tinawag ni manager sa kanyang opisina. kadalasan 9:00am ang kanyang dating pero ngayon 7:00am pa lang dumating na si loko. nakapagtataka! delayed tuloy ang pagtawag ko kay aling dionisia kanina..toinkz

nagtanong si loko kung ano daw ang aking gagawin ngayon? sabi ko sa kanya “sir, bakit may ipapagawa ka? tapos na ako sa aking monthly report tsaka updated na rin ang files ko, may problema ba? astig ang sagot db?.. ngumiti lang si loko sa akin habang binubuksan niya ang kanyang taptap na maraming sexy pictures sa loob.

pogi, I have a surprise for you. (shock! sana salary increase surpresa niya) “what sir? ok, simula ngayon, in charge ka na sa daily planning of deliveries ng diesel natin from depot to site fuel stations entire uae! dagdagdagan ko ang trabaho mo.

takte! kala ko dagdag sahod, yun pala dagdag sakit ulo. hirap talaga pag may extra powers ka, laging napapansin. feeling ko tuloy ako na si spiderman…hehehe..... wala akong masyadong alam sa binibay niyang bagong trabaho. wala din briefing na binigay sa akin yung dating in-charge dahil biglaan din ang pagpapalit niya sa kanyang schedule kaya goodluck nalang sa sarili ko. kakapahin ko na lang ng todo ang bagong hamon sa trabaho para matutunan ko ng mabilis, kasing bilis ng high speed pump sa depot at sasakyan ni batman. kaya ko naman cgro to…bahala na si batman……

boss, kelan ang increase? sawa na kasi ako sa very good mo! penge na din NOC…lolz.

20 Kumento Ng Mga Kupal:

RJ said...

Ayos lang yan, sa tingin ko at sigurado akong kayang-kaya mo 'yan Poging Spiderman. 'Ta mo nakakapag-blog ka pa nga. U

Ayusin mo ang schedule ng diesel deliveries, magugulat ka na lang isang umaga ang surprise ni Loko sa 'yo salary increase! o",)

poging (ilo)CANO said...

@Doc aga,
hahaha..nakapag blog nga ako pero dito na sa bahay. ala ako konexion sa opis. si loko lang meron..

sana nga may salary increase doc aga..yahooo...

isladenebz said...

Magaling ka kasi sa trabaho kaya ka binigyan ng bagong assignment. Kung wala ba silang tiwala sa yo, bakit nila lalakihan ang responsibilities mo.

Eto na rin mismo ang tamang panahon upang humingi ng salary increase. Huwag kang matakot humingi. Because I believe you deserve it.

Good luck sa bago mong assignment. Dasal ko'y oo ang maging sagot ng amo mo sa katanungan mo tungkol sa dagdag na umento.

Jepoy said...

Sabihin mo I demand increase now na. :-D

poging (ilo)CANO said...

@Isla,
magaling ba ako? hahaha..cgro nga kasi nagtitiwala sila sa akin eh kahit hindi ko alam yung trabaho..toinkz.

ung dagdag di pa lumalabas sa hukuman, tagal nang nakabibinbin dun pero ayaw pang pirmahan...

@Jepoy,
increase now na! sagot nila later na!..wala din..lolz..

EǝʞsuǝJ said...

hahaha
nasa uae ka churvaloo
kaya wag kang manghingi ng increase at sasakit lang ang panga mo kakaangal (pati paghingi ng NOC)....


un lang lamang ko sayo eh nho?
net connection...
hahahaha...:P
adik ka..
wag ka na umangal...
enjoy mo na lang trabaho mo..
:D
churvaloo..:)

poging (ilo)CANO said...

@Aling Dionisia,
kaya nga di ako masyadong nagdedemand eh! dahil naubos na ink ng printer ko sa kasusulat sa malacanang..binigyan ako dati 5 dirhams/day na pampalubag loob. kulang pa pamasahe papuntang city...lolz..

NOC pagawa na lang ako sa recto mas maganda pa...

bebenta ko na lang diesel namin kahit wala nang increase..joke!

gillboard said...

bawal ba humingi ng increase? kung dinadagdagan responsibilidad mo, dapat pati sahod din...

Lord CM said...

Brod, kung nagtiwala sila sayo na magagawa mo ung trabahong binigay sayo dapat magtiwala ka rin sa sarili mo na karapat dapat ka sa pagtaas ng iyong sahod...

Tanungin mo na boss mo at nang makapag inuman na sa susunod na sweldo :D

poging (ilo)CANO said...

@Gillboard,
hindi naman bawal humingi ng increase kaya lang aabutin ka ng siyam siyam sa kahihintay. bka tapos na kontrata mo eh, wala pa rin.

@LordCM,
dapat kung gaano kabilis sila magbigy ng bagong assignment, ganun din sana sila kabilis magbigay ng salary increase para mabilis din ang aking pag-papainum..lolz..

EǝʞsuǝJ said...

madami kang angal churvaloo...
isumbong mo na lang kay Tulfo..
o kaya sa imbestigador..
nyahahahaha....

"May bukas pa"
yan ang isasagot nila sayo..
hahaha..
:P

A-Z-E-L said...

kayang-kaya mo yang bagong job assignment mo batman...

ano kamo? "kakapain" mo na lang... lalung kaya mo yan... kapaan lang pala eh... lolz!

bagong employer ang kelangan mo pogi.. hindi increase... naintindihan ka namin. alam naming matatapos na ang contract bago pa magkaron ng increase sa bansang ito... lolz!

NOC? aba... ako nga din ayaw bigyan... :(

Life Moto said...

work muna bago increase. i believe na to follow na ang increase bro. good luck!

poging (ilo)CANO said...

@ Aling Dionisia,

sumbong kita kay sheyk!

@Azel,
madali lang naman mangapa eh, hexiting kaya yun.lolz.

NOC muna bago bagong employer..kliwali incease...lolz..hehehe

@Lifemoto,
sana nga po to follow n yung increase wag lang to follow up again..hehehe

The Gasoline Dude said...

Sa depot ka naka-assign? Naku, lagi kong katelebabad ang mga nasa depot kapag hindi napa-prioritize mga deliveries ng mga stations na hina-handle ko dati. Nangungulit lagi ako sa kanila. LOL

SEAQUEST said...

Naku, di ka raw iincreasan kc propromote ka na lang daw "ng dagdag trabaho" hehehe...Toinkz..korni..Maybe they know that you can make the job kaya pinagkatiwala sa iyo, sabi nga pag may tiyaga may nilaga sana madaling palambutin yung nilalaga mo hehehe...

Bravedier said...

napadaan lang ako d2 sa site, kakaiba ang aura, akala ko tuloy ako si robin.. he he he

Hindi ako aangal, magkokomento na lang ako, baka batukan mo kasi ako eh, he he he.

Ilocano rin ako, na nangangarap din tulad mo..kaya lang hindi ak Pogi. ha ha ha..

Kasanu lakay! agawid nakon.

MarcoPaolo said...

hintay hintay lang parekoy... kasunod nyan position at ang salary mo na ang tataas... ;)

Good Luck sa bagong assignment... :)

poging (ilo)CANO said...

@Gasdude,
dude hindi ko sa depot naka assign..lolz..

ako din telebabad khit hindi masyado nagkakaintindhan...heeheh

@Seaquest,
toinkz dn....lolz...

@Bravedier,
salamat sa pagdaan....hindi rin kit babatukan..dahl ilcano ka kamo, pogi ka narin...lolz.

@MarcoPaolo,
wish ko lang parekoy....hehhe

JETTRO said...

parekoy basta ipakita mo yung tama sa work mo kahit hindi ka humingi ng dagdag may kusa naman yan.

Template by:
Free Blog Templates