Saturday, May 2, 2009

wakas ng paghihirap....

minsan sa ating buhay, dumarating yung punto na tayoy napapagod na sa ating mga ginagawa. gustohin man natin itong itigil ngunit kailangan natin parin itong ipagpatuloy dahil maraming maaapektohan lalong lalo na ang ating sarili. pagkapagod, sakit sa katawan, pagkainis, pagkayamot, at pati lahat na ng klase ng emosyon ay ating mararamdaman tuwing itoy ating ginagawa araw araw. kung itoy ating masobrahan, nagdudulot din ito ng sugat at tanong sa ating sarili, ano ba ang ginawa ko sa’yo at ako’y iyong sinaktan pagkatapos ang lahat? ngunit sa gitna ng paghihirap at pagtitiis, ang kapalit ay kaginhawaan, saya, galak at halakhak…..



mahigit isang taon na akong nagtratrabaho dito sa ibang bansa. mahigit isang taon na rin ang aking pagsasakripisyo at paghihirap na malayo sa aking tunay na pamilya, kamag-anak at mga kaibigan, isama ko na rin ang aking mga dating kainuman…miss ko na kayo guys… buhay OFW nga naman! mahirap…masaya…mahirap…mahirap..mahirap….mas maraming hirap kaysa sa saya…sa aking pangingibang bansa, hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong nasugatan, umiyak at nabasa sa sariling pawis sa sobrang hirap na aking pinagdadaanan araw araw mabawasan lang ang problema na aking pasan.. gayunpaman, kailangan ko parin ipagpatuloy ang pakikipaglaban dahil alam kong wala naman tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang…ako rin ang kawawa at talo pag itoy aking isusuko. buti pa kayo, kasama niyo pamilya niyo, may tumutulong sa inyo.




kahapon, isang bagong pag-asa ang aking nakita. nagbukas na ang pinto patungo sa kaginhawaan….ito na ang kasagutan sa aking paghihirap…. hindi na ako ulit masasaktan, masusugatan at iiyak pa sa tinding pagdurusa ….. simula bukas, hindi na ako mapapagod, iiyak, masasaktan, masusugatan at pagpapawisan ng bongga. hindi na ako magpapakahirap pa sa paglalaba at pagkukusot ng aking mga damit gamit ang aking mga kamay dahil nakabili na rin ako ng washing machine… …yahoooooooooooooo..lolz..








19 Kumento Ng Mga Kupal:

A-Z-3-L said...

taragis... Kala ko nakahanap ka na ng gf o bagong work... O lilipat ka na ng sharjah... Lolz! Congrats sa bagong washing machine... gudlak sa mga damit mo... Next time sana microwave naman mabili mo... Hehehehe...

PaJAY said...

hahaha..natawa ako sa TARAGIS ni azel...lolz...

akala ko ITS complicated ka rin...washing machine lang pala...lolz...

Ken said...

nanay ng tinapa, tokwa at swine flu!, akala ko ay ano,,,hahaha

ang saya! natawa ako, bwahahaha!

Washing machine? as in fully automatic? astig!

poging (ilo)CANO said...

@azel,
putakte!...si washing machine muna ang gf ko ngayon, dun muna ako gugulong at magpabula sa kalooblooban niya...lolz..

@pajay,
hey tigang saudi, how is yu!..dapat dimo na lng sinagot ung A sa asl....its complicated na kasi eh!..lolz..

poging (ilo)CANO said...

@mr. thoughtskoto,
anak ng tinapa, tokwa at swine flu! humanda kayo dahil lalangoy kayo sa bagong washing machine ko lalong lalo na ikaw swine flu, lilinisin ko ang pesteng dala mo sa mg tao...hahaha..

infernes mas natuwa ako sa equation mo...heehe

gillboard said...

akala ko naman nanalo ka sa lotto... o kaya nakahanap ng sugar mommy.. o kaya napamanahan ng mayamang arabo...

hehehe... congrats sa washing machine!!!

RJ said...

Ako, ayaw na ayaw ko rin ang maglaba. Buti nalang maganda ang mga washing machines dito sa Australia... Kaya na-solve din ang problema kong ito.

Ipaskil mo ang picture ng washing machine mo rito, Pogi ha.

2ngaw said...

Oist gawa ka ng entry mo ng paglalaba ah...ung unang beses mo gamitin ung washing machine mo lolzz

ASL? :D BRB lolz

Dhianz said...

teka mukhang madrama ang post ahh... saglit intro pa lang akoh... keep reading...

teka usapang trabaho bah toh or usapang pag-ibig?... keep reading...

hmmmm... yeah alam koh nde madali ang buhay nyo as OFW... at nde koh tlgah alam kung ano tlgah ang nararamdaman nyoh dahil nde akoh OFW... pero for sure mahirap... lalo na't malayo sa mga mahal sa buhay... tiis lang.. sabi nga devah pag may tiyaga may nilaga... blessed kah kc nabigyan kah nang opportunity na mangibang bansa... 'ung iba gagawin ang lahat magkaroon lamang nang same opportunity tulad nyoh... pero kahanga hanga ang mga tulad nyoh at 'un ay totoo... saludo akoh sa inyong mga OFW... at tsaka nde lang naman kaw ang may pinagdadaanan na ganyan... there are more out there who have d' same situation as urs... or maybe worse... yeah ipagpatuloy moh lang ang paglaban sa hamon nang buhay... at syempre kapit lang kay God parekoy... hmmm... buti pa kme kasama family namen na tumutulong samen... true sa part na we are blessed cuz kasama namen ang family namen... pero tumutulong... hmmm.. sa case koh... medyo independent akoh eh... at akoh ang tumutulong kahit papaano sa kanilah... nde koh na ieexplain... basta ganonz...

takte! nag-emote akoh... washing machine lang palah... langyah!... ginagawa koh kc minsan as i read i koment... pero ngaun... nde nah... lolz... babagong buhay nah akoh... takte!.. lolz...

lesson learned for me today: basahin muna lahat bago magkoment!... tsk!... lolz...

makaalis na nga... wehe... nga palah... pabili nang kumukulong yelo!.... please lang... lolz...

congratulation plah sa washing machine moh!... malufet... sosi kah nah... =)

GODBLESS! -di

The Pope said...

Sayang hindi ka nagpasabi agad, tumatanggap ako ng labada, mura lang at mabango pa e di sana matagal ng tapos ang pagdurusa mo hahahaha.

Full automatic ba yan? Pag kinuha mo ang damit sa loob, plantsado na at natupi na? Hmmmm, puede mo pang papalitan yan, may warranty pa naman hahahahaha.

Hari ng sablay said...

haha nayari ako dun ah, seryoso na pa nman ako...bonggang washing machine..

poging (ilo)CANO said...

@gillboard,
parang nanalo na rin ako sa lotto parekoy...di na maghihirap eh..hehehe...

@doc aga,
saka na lang ung pecture doc aga, padevelop ko muna ung film na ginamit ko...lolz...

@LordCM,
hahaha...gagawin ko yan pag nasira na damit ko sa paglalaba...lolz..

poging (ilo)CANO said...

@Dhianz,
hahahaha..natawa naman ako sa mga banat mo dhi, para narin akong naglaba ng handwash sa pagbasa ng post este comment mo...nahirapan ako eh...lolz....maya ka nang bibili, hindi pa kasi matigas yung kumukulong yelo ng bibilhin ko...hindi pa kasi ako nakabili ng frigider eh..yun ang next target ko na bibilhin..lolz..

@Pope,
tsk..ts..lte ka ng dating...bakit ngayon mo lang sinabi.malayo kasi laundry shop dito sa amin kaya sariling sikap..hehehe..

@HNS,
shortcut ko na lang pangalan mo, haba kasi eh...db mas sosyal..lolz..

bonggang bonggan ngayon ang akin paglalaba..hehehe

=supergulaman= said...

naks washing machine....congrats... ahahaha...mabuti na alng may naglalaba para sa akin...bleeehhhh... ^_^

basta ang alam ko lang...pag-sweldo na dun natatapos ang paghihirap... ahehehe.. ^_^

poging (ilo)CANO said...

@gulaman,
mali ka pre! sa sweldo mg-uumpisa ang paghihirap...

Jez said...

hahahahah...langya! gotcha ako dun ah...
hahahahahahah

buti kapa, natapos na ang iyong paghihirap, ako kaya kailan ko masasambit ang yahoooooooooooo...hehehehhe pahiram ng washing machine moooo

poging (ilo)CANO said...

@jez,
ayoko nga!..bago pa lang hihiramin mo agad...ano ka?..lolz....

Anonymous said...

Akala ko nakakita ka na ng ibang trabaho na mas mataas ang suweldo o kaya naman na-apruban na ang work visa mo sa Australia at magkasama na kayo ni Doc RJ, washing machine pala...pero, as usual, napatawa mo ako. Actually, halakhak nga e.

Umiiyak k habang naglalaba? At nasasaktan ka rin? Paano kb maglaba? Me palu-palo?

poging (ilo)CANO said...

@isla,
napapaiyak lang pag hirap ng magkusot ang aking rinarayumang kamay...hehehe

sweldo! takteng yan..hanggang ngayon hindi parin pinipirmahan ni kupal kong boss ang increment na yan..

Template by:
Free Blog Templates