magulo ang isipan ko ngayon. sinumpong na naman ako ng ewan… maraming bagay ang gusto kong gawin pero hindi ko alam kung paano ito gagawin at kung kailan ko ito uumpisahan... ang mga nakaraan pilit bumabalik sa aking alaala na hindi ko alam ang dahilan. gusto ko siyang kausapin pero bakit pa? kung mahal niya ako bakit niya ako niloko, iniwan at hindi na binalikan…wag ka nang umasa pa....... sana dalawa na lang ang puso ko, kung masira o breakdown ang isa, may nakahandang reserba. hindi na ako bata pa, ilang taon na lang malapit na akong mawala sa kalendaryo at baka pati dito sa mundo magbye bye na rin ako..... wag naman sana dahil may mga pangarap pa akong gustong matupad…. saan ba talaga ako papunta? sa kaliwa, sa kanan o sa biglang liko na lang.? bakit hindi na lang diretso lahat ng daan? malaki ang expectation sa akin ng aking ina. pero paano kung hindi ko yun maabot o matupad? magiging masaya ba ako at siya? masaya ako sa tingin ng karamihan pero sa loob ng maskara ay lungkot ang nadarama…….mahirap mapalayo……. maraming sakripisyo….. pagod na pagod na ako…………kung wala lang akong pangarap………susuko na ako….
bakit ang buhay ko sadyang napakagulo? magulo ang makitid kong utak…..windang…tuliro…..ek ek ako ngayon…kasi naman………..takte nauso pa!
14 Kumento Ng Mga Kupal:
lilipas din yan... kelangan mo distraction...
tiis lang parekoy talagang ganyan!
suportahan taka!
Kaya mo yan brod, ano pang silbi ng pagkapogi natin kung susuko ka rin lang :D
isipin mo lang na may ibang tao na mas nahihirapan kaysa sayo...swerte na tayo brod...kaya tuloy lang ang byahe kahit paliko liko :)
akalain mo may ganon! hehehe... oist! easy lang...baka mawala pagka-pogi mo... tawanan mo na lang... tulad nito bwahahahahah!
PEACE!
eh kasi nmn...
habang nadedepress ka binanatan mo pa ng nood ng MMK...
eh kung ikw ba nmn eh tumoma na lang sa kanto nung naramdaman mo yang emo na yan?..di ba? edi sna masaya ka ngayon dahil lasheng ka na?
hehe..joke lang b1..
sabi nga nila..past is past, kasi kahit na anong gawin mo, di na magbabago yun...sabi nga nila pag hindi binigay sayo ni Papa GOd, ibig sabihin someone bitter, este better is in store for you...
aja! keri yan.....
ps..
pakinggan mo na lang yung malayalam na mga kanta pag nalulungkot ka para matawa ka ng wanport..heheh..GB :D
batman! pano kah may magagawa eh nagblo-blog kah naman... tsk! mas inuuna moh kc ang blogging eh... lolz.. biro lang...teka sino nagpapaemote sau? si sis jenskee bah?... sis jenskee ha... hmmmm... lolz...
teka nga. hayz nde lang kaw ang ganyan ang nararamdaman. marami dyan. isa na ren atah akoh sa marami na yan. pero hey.... okei lang magpaka-emo... pero for a while lang... tapos detach.. let it go... marami pang ibang emosyon sa mundo... okz lang yan... mga pangarap... sige lang mangarap ka lang... sulitin moh while libre pa itoh... kc next time may bayad na yan... may tax pah... lolz...
do not worry so much batman... kc honestly... medyo serious mood daw akoh oh... lolz... hayz... ano bah sasabihin koh? nawala akoh ah... do one thing at a time... para nde kah ma-overwhelmed sa mga gusto mong maabot sa buhay... make a plan and present 'ur plan kay God kc mas effective yon at for sure He can help u reach 'ur goals...
hmmm usapang nakaraan? pag-ibig? hwag moh na ganong isipin 'un... d' least time u expect it darating ang babaeng destined for yah... oh devah.. malay moh si sis jenskee 'un... har har har... hehehe... pinapangiti lang kitah batman...
follow God's path for u para dehinz kah maligaw... hwag kah ganong magpakalunod sa mga worries moh... enjoy moh lang ang buhay... live everyday as if it 'ur last... cuz any second can be 'ur last... oh devah seryoso...
don't give up... juz trust Him.. and lotz of prayers... Godbless! -di
Teka! parang napag usapan na natin to ah! lolz.... sabi ko naman sa iyo eh!... tirahin mo na baka tirahin pa nag (Itik) iba yan hahahah.. joke.....
ang mag eemo bawas sa kapogian yan.....ok lang din..por pabor yan . mababawasan na kami....hehehe
kung laging derecho ugn daan na nakahain sa atin sa buhay natin..wala ng kwenta ang laht...wla ng rason apra mabuhay ka... dahil kugn ganun ang nangyari lahat tayo...lahat tayong tao. iisa lang ang kahihinatnan dahil iisang derechong daan ang tinahak natin..
madalas tayong magtanong kung saan ba talaga tayo dapat magpunta.. pero ang hindi natin alam eh yung time na pagtaanong natin eh same time na binigay ni God satin apra isipin kung ano ang talagang gusto nating mangyari sa buhay atin na siya Niya ring gusto...
wala sa edad ang paghanap ng talagang makaksama sa buhay.. walasa edad ang realiztion sa kung ano ang daat mong gawin at kung saan ka dapt pumunta...it takes a whole lifetime para mafigure out mo kung ano talaga ang nakatakda para sa iyo..wag kang magmadali.. maaring hindi ka na bumabata sa edad... pero hindi ibig sabihin nito na ahuhuli ka sa ung ano mang byahe ang gusto mong sakyan...hinay-hinay lang... hayaan mong tangayin ka ng kaunting agos ng buhay..
take each day as a challenge not just to survive but to find out why God creatd you...
ingat lagi...
The road to success is long and rough, and at times we have to struggle a little to achieve our goals.
Life is beautiful.
wow... emo mode si pogi,... aheheks
iwas iwasan kasi ang pagiisip nang negatib, nakakadepress yan... sabi nga sa commercial...
"tink pasitib, wag kang aayaw..."
hehhehehehehe.... kaya yan... isang malakas na sigaw lang ang katapat nyan hehehehe
emo ata tayo ngayon parekoy...parang revicon lang yan sbi nga ni robin...wag kang aayaw!tink pasitib!
Phase lang yan, Pogi. Just ride it out. Lilipas din ang pagiging magulo ng iyong isip.
Pero pansinin mo: Sa gitna ng pagiging magulo ng iyong isip, nakapaglalabas ka ng magandang panulat.
Masarap kang basahin. Fluid. Flowing. Sa kaunting salita lang, marami ka nang naipararating.
Saan ka kamo pupunta? Derecho lang, Pogi. Huwag kang titigil. Siguro kailangan mong mag-unwind ng kaunti, pero ituloy mo lang ang paglalakbay. Makakarating ka rin sa kung saan mo nais magpunta.
Maniwala ka lang. Sa sarili mo. At higit sa lahat sa Diyos.
Magbakasyon ka kaya, Pogi?
Lahat naman tayo ay dumarating sa point na ganyan na feeling mo down na down ka na, pero despite all that, mayroon pa din great plans sa atin si God.
We're human, so we're prone in depression. Lilipas din yan. Make yourself busy at do the things that you like to do. Malay mo, makakalimutan mo yung mga bagay na nararamdaman mo.
Post a Comment