Thursday, October 1, 2009

Oktober Na!



“Dear Customer, Your Wasel account renewal is due in 12 days. Kindly renew your account on or before 12-Oct-09”

October na!

unang araw ng buwan, nagparamdam sa akin ang isang pinakamayan na kompanya dito sa uae, si etisalat. nagpapaalala na kailangan ko na namang i-renew ang aking simcard upang tuloy tuloy parin ang aking pakikibagbulahan at pakikipaglampongan sa aking jelfon gamit ang kanilang network. 100 dirhams pa rin ang renewal fee, medyo masakit sa bulsa pero ayus lang magagamit ko naman ito ng isang taon ulit.

nagulat din ako ng wanport dahil oktobre na naman! ang bilis ata ng takbo ng araw sa kalendaryo naming mga pogi. ganun cgro kapag busy ka lagi sa buhay…sa trabaho at sa lablayf..nyaw!. hindi mo namamalayan ang paglipas ng mga araw..lolz….nadagdagan na naman ng isang taon ang aking pakikibaka dito sa mainit na lupain. maraming tenchu kay kay Big Bro dahil nakaka survive ako araw araw. binigyan niya ako ng maraming powers para amuyin ang kili-kili powers ng mga kasama sa trabaho at sa mga tao na aking nakakabanggaan sa araw araw na pakikibaka. infernes hindi nila ako napatumba…2 years na ako dito..whew!

dahil oktobre na naman, marami akong iseselebreyt ngayong buwan na ito. kelangan ko pa bang isa-isahin? ok fine! eto sila: bagong renew ang simcard ko, first beerday ng aking taptap, buwan ng una kong pagsakay sa erpleyn, 2 years old na ako dito, pista sa aming bayan at xempre beerday din ng aking nanay (di ko alam kung ilang taon na siya ). natatakot kasi akong tanungin kung gaano na siya katanda baka sapakin lang ako..hehehe

kung may selebrasyon xempre hindi mawawala ang handaan. lalong lalo ng ang mahabahabang inuman…apir tayo jan! 24 hours kaya mo? magpapa-inom ako.

October fest na, kaya inuman na to the 10th power.

PS..

happy beerday din pala kay batang kulot. beerday niya sa seven..magpapa-inum ka rin ba?hehe…happy 2nd monthsary din kina ano…more mansary to kam…and of kors golp kors, sa amin din na naka level four na..lolz







19 Kumento Ng Mga Kupal:

2ngaw said...

Ha?Nire-renew ang simcard? bkit?

Wag ka na magulat Pogi, sadyang mabilis lang talaga ang panahon, masasanay ka rin, gaya ko lolzz

Hapi mansari sa lahat ng magmamansari hehe

Deth said...

mukhang mahaba-habang inuman yan ah...andameng iseselebrate...patagay!!!

Life Moto said...

maraming kaganapan talaga itong oktober. Isama din natin ang pagbangon ulit ng ating bansa sa delubyo na dumating sa atin.

poging (ilo)CANO said...

@CM,
nire-renew simcard dito parekoy, yearly. registered din kaya mahirap manloko gamit ang fone..

@Deth,
tatagay ka rin ba? tara na!

@Life Moto,
sana makabangon agad mga kapatid nating na apektohan ni ondoy.

Superjaid said...

tagay!!hahaha ang daming dapat iselebreyt..kaya dapat magsaya!!yippie..^__^

Unknown said...

OCTOBERFEST!
Beer, beer, beer at beer ulit!

Inuman na lakay!

poging (ilo)CANO said...

@superjaid,
hindi kumpleto ang celebration kung walang tagay..lashing na ako. hik!..lolz

@rio,
Gin muna bago beer, pang washing..hehehe

EǝʞsuǝJ said...

atat ka boi....
=))

congrats!
congrats!
at isa pang CONGRATS!

Always count yer blessings bebe!
(para hindi magtampo si Papa God sayo)...

Godbless \m/

Anonymous said...

You've lots of reasons to celebrate, Pogi. Yamang hindi ako makakarating sa iyong Octoberfest, pakitagay na lang sa akin ang unang kahon ng beer!

poging (ilo)CANO said...

@Jenskie,
at saan naman ako atat aber?

tenchu
tenchu
tenchu

@isladenebz,
isang kahon lang po ba na beer?..baka po ma short ako..hehe

Kosa said...

happy birthday kay pareng kulot.
happy birthday sa taptap mo.
happy mansari sa iyung pagsakay sa erpleyn parekoy.
happy at marami pang happy sabuhay mo.
sana marami pang bonggang-bongga ang tumapon sayo... haha

isa to parekoy,
iba talaga ang pogi.
swerte sa lablayf
swerte sa career.
iilan ang ganyan!

godbless

Ruel said...

Mabilis ang kalendaryo ninyong mga pogi..eh paano naman sa amin na hindi pogi?Mabagal?haha

Trainer Y said...

haba berdi kay mudrakels mo!
haba berdi kay taptap mo..
jappy janiv sa pagsakay sa jerpleyn.. sa pagrenew ng etisalat..
happy fiesta!


walang inuman.. sorry.. walang octoberfest..
di ko kinaya ugn comment ni KOSA.. un alng masasabi ko.. wahahahaha


salamats ng marami sa pag-alala.. amisyuuuuuu bakla! hahahaha

more months/years to come for you and your habibi...

Jerick said...

may oktoberfest sa uae?

cmvillanueva said...

pogi, magpapainom ka ba?

hmmmm.. toma kaya tau wantym dito sa mga tambayan dito kapag thu nyts...hehe

ang babatiin ko sa icecelebrate mo ay ung taptap mo, lols!

poging (ilo)CANO said...

@Kosa,
pareng kulot?..hahaha..lagot ka sa kanya. tinawag mo siyang pare..lolz

@Ruel,
pareho lang ata ang takbo ng kalendaryo natin parekoy..joke..hehe

@Yanah,
salamat sa maraming greetings mo bakla..wahahaha..

kung walang october fest, november fest na lang..sa sementeryo ang party..

@Jerick,
ang alam ko wala kasi bawal naman alak dto..

@Batang henyo,
kol mo ako kung kelan tayo punta..hehe

sa manila bay pwede na ba? tagal na kasi akong di sumampa sa dance floor eh..lolz

Ken said...

ang dami ko yatang di nagets, wahhhh, mwah words na di ko masyado naintindihan, pero pogi, gwapo, happy, birthday, kainan, monthsarry, hahaha

i think i am getting old, as your relationship is getting firmer...


happy birthday kay kulot! nakikulot!

pamatayhomesick said...

ang lakas ng banat pards, di ka talaga kayang patumbahin ng mga kasama mo...talo moko dun, ako pinatataob sa baho nitong mga kasama ko..he he he...

nga pala hapi ani sa pinaghirapan mong laptap, sa mga magbebertdey din...lalo na sa iyong mahal na nanay!

poging (ilo)CANO said...

@kuya Kenj,
iba na kasi generation namin kuya kaya maraming words na di mo na naiintindihan..joke..joke..joke..

hndi daw magpapainum si kulot na kinulot...hehehe

@Kuya Ever,
immune na ata ako sa amoy nila parekoy..2 years ksi akong nakaka amoy eh..nyahahaha..

bibili ulit ako ng isa...para every year meron..collection ba..hehehe

Template by:
Free Blog Templates