Friday, July 3, 2009

Tanong ng OFW



Para sa atin na nandito sa abroad, hanggang kailan ba talaga tayo dito? Ano ano ba ang mga target natin sa buhay? Tungkol sa pag iipon, marami ba talaga sa atin ang nakakaipon ng sapat? O ito ay nagagamit ng pamilya natin sa pang araw araw na gastos at halos wala ng natitira pag uwi natin? Paano ba talaga tayo makakaipon kung kaliwat kanan ang gastos sa Pinas. Hindi pa kasama dito ang luho ng kamag-anak (pasalubong, malling i-pod, PS3, celfon at tsokolate na galing tsina, etc) na dati rati'y okay lang pag wala. Bukod sa pang araw araw na gastos, may sapat bang kakayahan ang pamilya natin para maka pagtabi at maging matipid para magkaroon ng sapat na ipon doon?

Hanggang kailan ba talaga tayo dito sa abroad? At pag uwi sa Pinas, ano na ang susunod na mangyayari? O baka ang naipon ay ma uuwi lang ulit sa pag aapply at pang placement at ayun, balik uli sa abroad.


21 Kumento Ng Mga Kupal:

Deth said...

minsan may lokal na nagtanong saming mga pinoy kung balak daw ba namin ditong tumira sabi namin hindi...gusto lang namin makaipon ng enough den uwi na kme ng pinas...

tapos follow-up question niya "how much is enough?"

napaisip ako? hmmm...

eMPi said...

di ko alam... dahil di pa naman ako OFW... pero ito lang masasabi ko... be practical na lang... at wag maluho pra makaipon.

wag yong i-spoil ang mga kamag-anak.

The Gasoline Dude™ said...

Ako, wala na sana akong balak munang bumalik ng Pinas. Nandito kasi ang oportunidad. Tyaga tyaga muna hanggang makaipon ng sapat.

Hanggang kelan? Baka hindi na. Dalaw dalaw na lang. Kunin ko na lang Nanay ko...

RJ said...

Ang dami talagang mga tanong, ano?! Pwede bang isa-isa lang Pogi?

Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot.

EǝʞsuǝJ said...

im reading between the lines..

gusto lang magbakasyon nung sumulat ng post..hahaha....
joke...:P

seryoso...

mahirap tlga mag-ipon lalu pa't kaliwa't kanan ang gastos..
ang hirap tumanggi sa mga rekwes na materyal na bagay ng mga pamilya natin...
nature na siguro yan ng pinoy
yung pagiging matulungin..

ako ba tinatanong mo kung hanggang kelan ako dito?
hehehe


sagot ko......













sikret....
nyahahahaha

Gumamela said...

ang daming tanong pero minsan ang mga tanong ntin panahon dn lng makakasagot...

ako nga gsto ko ng umuwi, pero ang tanong ko ulet sapat nb ang ipon ko para mamuhay sa pinas? panu kung wla ng opurtunidad n dumating? hays ang dami pang susunod n tanong....

poging (ilo)CANO said...

@Deth,
ako din walang balak tumira dito pero parang halos dito narin kasi tayo nakatira dahil nandito naman ang trabaho natn...

cgro after retirement, pinas parn is the best tumira...

retirement?..ewan..hehehe.

@MarcoPaolo,
tama ka parekoy! practical na buhay ngayon.

minsan kasi, kapag hindi mo bingyan ang mga kamag-anak. madmi kang satsat na maririnig mula sa kanila...hindi lang nila kasi alam at maintindihan an buhay dito sa ibang bansa.

@GasDude,
tama ka dre! nandito talaga ang oportunidad kaya dito muna tayo sa ibang bansa hanggang sa makaipon ng sapat na pera bago umuwi sa pinas.

@Doc Aga,
Kaya nga tanong eh!...hehe..

maraming tanong, marami din sagot..lolz

poging (ilo)CANO said...

@B2,
hindi nga ako magbabaksyong kasi hindi naman kita kasama...hang kulet!..jejeje

@Bhing,
matagal ko narin gustong magbakasyon kaya lang ala pa akong pera na ipon at pamasahe..hang hirap!

Kosa said...

Hanglungkot ng tugtog..lol

teka parekoy,
seryoso ba to?
tingin ko kase, mananatili tayu sa abroad hanggang hindi pa tayo pinapatalsik ng ating mga amo. Hanggang kailangan nila ng mga katulad natin (kong) uto-uto..hehe

makakapag-ipon ka parekoy... hindi lang ng pang-placement fee ulit pabalik kundi maging puhunan pang-negosyo para wala ka ng rason para lumabas sa pinas.. yun yun!
konting disiplina lang sa sarili.hehe

apiiiir!

Bomzz said...

basta ako kakanta na lang ako ng kanta ng "DAUGHTRY"....







wala ng Tanong.... hehehehhe

The Pope said...

17 years na ako sa abroad bilang OFW, dito na rin lumaki ang mga anak ko, dito nakapag-aral ng High School, umuwi lang para mag college. Panganay ko bumalik dito, at nakakuha ng magandang trabaho.

Tinanongk o yan sa sarili ko ng maraming beses, hanggang kelan ako sa abroad?

Honestly di ko alam, pero ang plano ko kapag umuwi ako di na ako magtatrabaho, magre-retire na lang me for good and enjoy my retirement in the land of my birth.

poging (ilo)CANO said...

@Kosa,
malungkot ba ang kanta?sa tingin ko hndi naman eh..lolz

hanggat nandito tayo at kelangan nila ang ating serbisyo, mananatili tayo talaga dito sa ibang bansa.

okey yan, pag nakaipon tayo ng pera balik tayo sa pinas at doon magnegosyo para wala nang dahilan na bumalik pa tayo abroad.

@Bommz,
anong kanta yun?

tanong parin eko eh noh..lolz

@The Pope,
lahat naman po ata ng OFW tanong yan, hanggang kelan ba tlga tayo dito?

panahon na lang siguro ang makapagsasabi kung hanggang kelan tayo dto.

2ngaw said...

Ha?!!!Sino nagtatanong? lolzzz

Enjoy lang pre bawat oras, pag may pagkakataong magbakasyon, bakasyon ka lang...pag na feel mo ayaw mo na sa abroad, uwi ka na at wag na mag isip ng iba :D

poging (ilo)CANO said...

@LordCM,
nagtatanong? mga OFW dre!.lolz

ang problema lang kasi parekoy eh kahit gustohin ko man na magbakasyon, wala naman pera na ipon pambili ng eroplano o tiket man lang sana..hehehe

EǝʞsuǝJ said...

ahahaha...

dinahilan pa ko...
:P

sabi naman sayo pwede ka magbakasyon anytime you want

ako kase mahal na mahal ng amo ko kaya ayaw akong pauwiin ng pinas..nyahahaha...

chaka haller?
taga-cavite ka ba at sasabay ka saken?
joke :D

A-Z-3-L said...

ako hindi ko alam kung hanggang kelan ako dito...

hindi naman ako nakakaipon...
hindi naman ako palalabas...
hindi naman ako magastos...

mas marami pa ngang gimik sa pinas eh pero may ipon ako dati dun...

wala pa lang sigurong swerte kaya isang-kayod, isang tuka pa rin...

sa puso lang ako swerte (diba?!?!?)... malas kase ako pagdating sa usaping puso pagdating sa pinas... lolz!

patuloy na lang siguro akong magtatanong.. hanggang masira ang question mark sa keyboard ko!

gillboard said...

gusto ko sana sagutin yung tanong.. di nga lang ako ofw...

Ken said...

hanggang kelan nga ba? naka5 years na ako dito, pero mukhang wala pa akong balak magsettle down, nakakatakot sa pinas tumambay...basta kayod lang ng kayod, para pag tumanda na, may magagamit para sa stroll stroll or pagpatayo ng business

whatchamakulitz said...

Hi muna. Ako plano ko 3 years na lang ako dito then tayo ng negosyo sa pinas kasi di ko naman pinangarap tumira sa ibang bansa pero di ko rin ta2ngihan if ever me opportunity na dumating for me to live abroad...

Ipon, yeah kasi asa tao naman yan remember pag gusto me paraan at pag ayaw syempre marami dahilan, i'm glad to say nka2ipon naman ako kaya i'm quite positive na i'll be able to put up my own business..

Yun lang po bow....

=supergulaman= said...

ako? ayuz lang kahit saan ako mapadpad basta kasama lang ang mahal ko...agree ka dun sigurado ako...

ayuz lng maghirap sa trabaho basta ilalaan mo ito sa taong mahal mo..sa sarili mo... hanggang kailan?

hindi ko alam...

Jerick said...

kayu-kayo rin makakasagot niyan eh. hanggang sa dumating yung point siguro na naka-ipon na kaya ng sapat. unless maging citizens kayo ng bansang yan (in which case, imposible sa middle east).

Template by:
Free Blog Templates