Friday, March 27, 2009

Dear Diary

March 27, 2009 - friday...walang akong pasok...araw ng pahinga...

12:30 am - pogirest na ako pagkatapos magbabad sa harap ng aking conchuter sa panonood dvd movie at tv sa
pinoychannel.tv

4:30 am - gising na ako...nagpaka adik ulit sa harap ng aking conchuter..browse dito browse doon..sabay nakikinig ng love radio sa
eradioportal.com..dahil jan para lang akong nasa pinas

6:30 am - nagising na rin ang aking isang kasama..nagluto...nag-exercise..pero ako...nagpapaka adik parin.

7:00 am - bumangon na rin ang dalawa ko pang kasama...ako balik sa kama at humiga...sila naman ang nagconchuter...

8:00 am - ginising na nila ako para kumain...kain..kain..kain...iba ang nagsaing ako ang taga kain..bosing ang aking dating...astig!

9:00 am - pagkatapos kumain balik sa aking kaadikan...sila din ang naghugas ng pinggan...

9:30 am - wala nang masyadong hangin..wala na ring sandstorm...oras na para maglaba ng 15 na pirasong damit (pantalon, brief, medyas, panyo) gamit ang manual washing...kusot kamay..

10:00 am - natapos na ang aking paglalaba...tinalo ko pa ang bilis ng washing manchine..salamat sa tide..isang kusot tanggal ang dumit mantsa...tiwala ako sa kanya...

11:00 am - pagkatapos maligo..layas ng bahay para habulin ang 12:00 pm tagalog mass upang magpasalamat sa mga biyaya na binigay Niya sa akin...kunting pasyal pasyal na rin para makakita naman ng malalaking building at hindi lang puro itik, pana at buhangin ang laging nasa paningin.

5:30 pm - malakas ang sandstorm..nakabalik na kami pagkatapos magsimba at mamasyal sa
marina mall..ang aking mga kasama natulog muna...ako naman diresto sa harap ng aking conchuter..hoping agen...


7:30 pm - nagsaing na ako na kanin, samantalang sila naman ang nagluto ng ulam...ginisang upo na may sardinas ang kanilang linuto.

8:20 pm - pagkatapos kumain, tumayo agad ako sa aking upuan, balik sa chatting at net surfing....tulad ng dati sila pa rin ang naghugas ng pinagkainan namin...hehehe...ako kaya naggrocery, kaya quits lang mga parekoy...sa gitna ng aking pakikibonding kay conchuter, bigla kong naalala na may sinampay pala ako kaninang umaga...wow! ang aking damit na puti naging brown...lintik na sandstorm yan...uulitin ko na lang bukas....bwisit.............balik sa net pero may kasama nang tagay.....

10:45 pm - lights off at conchuter off na kasi may pasok na ako bukas...rest in peace muna ako.....bukas aking aabangan ang pagsabon sa akin ng aking boss na mabantot dahil hindi ko pa natatapos ang aking report...deadline ko bukas...goodluck sayo pogi...bye..bye....


eksena sa daan nung kami'y pauwi na..halos di na makita ang kalsada dahil sa pagbagyo ng buhangin.


araw ng aking pahinga pero hindi naman ako nagpahinga....lolz....

Sunday, March 22, 2009

Sa Bawat Layf

Sa pagsikat ng Haring Araw
Langit ma'y bughaw o maulap
Haharapin pa rin ang bukas
Tatahakin ano mang landas.

Mapaglaro man ang kapalaran
Tuwa o kaya'y lungkot ang alay
Sa bawat pagkatalo ng buhay
Hahangarin pa rin ang tagumpay.

Na sa kahit ano mang pagsubok
Kahit may duwag man o may kutob
Kahit minsan ay balot sa takot
Tapang at lakas ay isusubok.

'Di man tiyak ang kinabukasan
Pag-asa'y yakap sa paglalakbay
Kasabay man ay luha ng lumbay
Ngiti pa rin ang mangingibabaw.

Sa bawat pintig ng pusong sugatan
Pag-ibig ay mananatiling wagas
Sa kahit anong tanong o dahilan

Friday, March 20, 2009

Buwan

isang gabi umiiyak ako.........


napatingin ako s buwan.............


sabi nya, " don't cry may magmamahal din sau"..


sumag0t ako sbi ko.."mo0n, kailan, 'pag di na makalipad si PogingBatman?"

Monday, March 16, 2009

Legs Tag Na!

pagkagaling ko mula sa trabaho, akoy humiga agad para makapagpahinga man lang kahit sandali bago kumain at bisitahin ang aking mga kapitbahay dito sa mundo ng blogosperyo. ilang minuto na rin ang nakaraan pero tila hindi mapakali ang aking utak sa pag-iisip ng mga bagay bagay kaya hindi rin ako makapagpahinga. yung iba may kwenta pero yung iba naman parang wala lang.

ang naging sentro ng aking pagmumunimuni ay kung bakit ba ako lapitin ng mga babaeng celebrity? una, dumating si marian rivera sa buhay ko pero hindi nagtagal kasi inagaw ni pajay tapos pumunta kay CM ng hindi ko alam ang dahilan. dumating din si sarah geronimo pero fling lang kami kasi mas mahal daw niya si John Lloyd Cruz kaysa sa akin. pagkatapos ng dalawa, dumaan din sa buhay ko si charice. tulad ng iba umalis din siya pagkatapos ng lahat lahat. sa ngayon, masaya ako sa piling ni valerie pero nagkakaroon na ata ng lamat ng aming relasyon dahil sa isang tao na masyadong pakialamero sa buhay pag-ibig ng iba. hindi na kita papangalanan dito kung sino ka dahil alam mo naman kung sino ka d b? napansin ko rin na umaaligid si pokwang sa aking bakuran kaya ako na lang ang umiiwas, ayaw ko na kasing masaktan pa ng ganun ganun na lang. buti na lng nakay CM na siya..haaaayss salamat na naman..

bakit nga ba madami sila na dumarating at dumadaan sa buhay ko? hindi naman ako kasing gwapo ni piolo pascual o sam milby. ano ba ang habol tlga nila sa akin? katawan ko ba o pera ko lang ang gusto nila? ANO BA TALAGA?



kaya naman pala eh! legs ko lang naman pala habol nila. yan pala ang pinaka asset ko. ngayon ko lang nalaman...takte...salamat CM sa tag mo dahil jan nalaman ko mas "POGI"pala legs ko kaysa sa mukha ko...lolz....hahaha..

ipapasa ko rin tong tag na "legs" kay bomzz at doc aga para makita naman ang gwapong legs nila...wala daw KJ sabi ni panaginip man..

Sunday, March 15, 2009

Para kay Yanah

"When you go through deep waters and great trouble,
I will be with you"

Isaiah 43:2

***************************************

Friday, March 13, 2009

si cris, ruel at ako

nag-apply sina ruel at cris sa isang agency sa pinas patungo dito sa ibang bansa bilang office staff. pagkaraan ng isang linggo, nakatanggap sila ng tawag mula sa agency na kailangan nilang magreport sa opisina upang pirmahan ang kanilang job order dahil natanggap na sila sa isang kompanya at kailangan din magbigay ng downpayment ng kanilang placement fee para sa processing ng kanilang visa. ayun sa kanilang job order at visa, ang nakasaad na designation nila ay diesel engine operator o diesel attendant. sa kanilang pagtatanong sa agency kung bakit ganun ang nakalagay na position nila samantalang ang kanilang inaplayan ay bilang office staff, ang naging paliwanag ng agency ay sa visa lang daw yun pero ang magiging trabaho nila pagdating dito ay sa opisina. ginawa lang daw yun para mas mapadali ang kanilang pag-alis.

ngayon, nandito na sina ruel at cris sa kompanya na akin din pinagsisilbihan. ang kanilang problema, hindi nasunod ang kanilang inaasahan na trabaho. hindi sila sa opisina magtratrabaho kundi magtratraho sila gasolinahan bilang diesel attendant. Nakipag-ugnayan na rin kami sa P & A department tungkol sa kanilang sitwasyon, ayun sa kanila, ung nakalagay daw sa job order at nasa visa ang masusunod dahil un ang kanilang pinirmahan, bilang diesel attendant. ito ang nagpapatunay na niloko lang sila ng agency sa pinas. nanloko na naman ulit sila. hindi makapaniwala ang dalawa sa nagyari. umaasa na sa opisina sila magtratrabaho pero ang hindi nila alam babagsak lang pala sila bilang gasoline boy dito sa ibang bansa. hindi ko maipaliwanag ang naging itsura ng kanilang mukha nang nalaman ang kanilang magiging trabaho. saying din kasi ang kanilang pinag-aralan. maraming katanungan din para sa kanilang sarili. tatanggapin ba o iwan ang magiging trabaho at bumalik na lang sa pinas na walang dalang pera at may utang pang dadatnan na kanilang ginamit sa kanilang pag-alis ng bansa? matagal din silang nag-isip bago sila makapag desisyon na tatanggapin na lang ang kanilang magiging trabaho. nandito na sila kaya no choice kaysa naman umuwi sila na problema din ang dadatnan baka pati utang ay lalo pang di mababayaran.

sa araw ding iyan, isang masamang balita ang natanggap ni cris mula sa knyang pamilya sa pinas. pumanaw na ang kanyang ina dahil sa stroke. hindi pa nakapagsisimula sa kanyang trabaho, isa pang problema ang naidagdag sa kanya. kawawang bata, hindi man lang niya makikita ang kanyang ina sa mga huling sandali nito. ano bang kapalaran meron siya? sana maging matatag siya sa mga darating pang problema.


halos parepareho kami ng kwento nina cris at ruel. si cris namatay ang kanyang ina habang nandito siya sa ibang bansa at hindi na niya ito makikita pa. si ruel nong nasa Qatar naman siya, namatay din ang kanyang ina pagkaraan ng dalawang lingo mula iwan ang pinas, hindi rin siya nakauwi. ang nangyari sa kanila ay katulad din ang nangyari sa akin noon. iba rin ang aking naging trabaho pagdating ko dito sa ibang bansa, paggagasolina at hindi sa opisina ang aking napuntahan. tinggap ko rin ito dahil alam kung kaya ko naman basta ang importante may trabaho at makabayad sa aking mga utang na iniwanan. inisip ko rin na hindi naman cgro ito panghabang buhay na trabaho. isama na rin ang aking mga pangarap na gustong matupad. Hindi pa ako nakakatagal sa aking trabaho, isa ding masamang balita ang aking natanggap mula sa aking pamilya sa pinas, namatay din ang aking ama sa sakit na matagal na niyang dinadala. Nakauwi ako dahil na rin sa tulong ng aking mga kaibigan.

Dahil sa aking pagsusumikap sa trabaho, nakitaan nila ako ng potential kaya binago na rin ang aking position. Sa fuel section pa rin pero ang pagkakaiba lang ay sa opisina na ako naka assign. Ako ngayon ay isa sa mga in charge sa distribution ng gasolina ng kompanya. mas malaking responsibiladad...

cris, ruel at ako.....................kaya natin to....


"wag mong sasabihin ng hindi mo kayang gawin ang isang bagay kung hindi mo pa ito nasusubukan"…BATMAN

Tuesday, March 10, 2009

oks na!

hindi mapigilan ang pagtulo ng aking luha kanina nang mabasa ko ang isang mensahe galing sa aking tita. nag-aalala na daw kasi ang aking ina at kapatid tungkol sa aking kalagayan ngayon.

noong nakaraang linggo , tumawag ako sa amin para kumustahin sila at nabanggit ko sa kanila na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya iba at mahina ang aking boses pero sinabihan ko naman sila na wag masyadong mag-alala kasi kayo ko naman saka epekto lang ito ng pagbabago ng panahon. mula noon hanggang sa ngayon, wala na silang narinig na balita tungkol sa akin kung ayus na ba ako o hindi? pati mga txt msgs kasi nila hindi ko rin sinasagot.

malaki ang pinagbago ng aking katawan ngayon, pumayat lalo at gumaan din ang aking timbang. ikaw ba naman ang hindi kumain ng sunod sunod na araw at tanging tubig lang at kape ang nagpapalakas sayo kung hindi ka mangangayayat at manghihina? kumakain naman ako ng kanin paminsan minsan pero kunti lang dahil ayaw tlagang pumasok, wala akong gana kahit anong pilit kong kumain. hindi ko rin maintindihan kung bakit? marami ring nagsasabi na kakain ako pero hindi ko sila pinakinggan...wala kasi sila sa aking sitwasyon kaya hindi nila alam...

mahirap ang magkasakit dito sa ibang bansa, walang mag-aalaga sayo kundi sarili mo lang. kahit hindi mo na kaya, kailangan pa rin pumasok sa trabaho para may nakakakita sayo o may aalalay kung di mo na tlga kaya kaysa naman magmokmok ka sa kwarto na walang nag-aalaga at nakakakita. paano kung matigok ka dun at walang nakakaalam na andun ka? mahirap atang iuwi ang bangkay mo sa pinas na inaagnas na, bka pagdating mo dun buto n lang natira...hirap isipin noH? ito ang mahirap sa pagiging ofw, nagpapadala ka ng pera sayong pamilya sa pinas upang may pambili sila ng makakain para hindi magkasakit pero pag ikaw ang nagkasakit dito, padadalhan ka din kaya nila ng pera? malamag hindi! cgro ang maitutulong lang nila ay ang kanilang panilangin para sa mabilis na paggaling. gayunpaman, hindi ibig sabihin nun na hindi ka nila mahal, mahal ka din nila pero no choice kasi malayo kayo sa isat-isa. paano ka nila aalagaan?...sakripisyo lang..

magulo na ata ang aking mga sinasabi at tila nawala ako sa aking punto.
upang hindi na sila mag-alala pa. sinabihan ko na lang ang aking tita na im oks na at tatawagan ko na lang sila pag akoy magkakaload. delayed na naman kasi ang sahod.....(nasanay na rin)..



P.S.

pasensiya po sa aking mga kapwa blogero na nasasaktan o hindi natutuwa sa aking mga komento sa kanilang mga entry. hindi ko po intention na kayoy saktan o pagtawan. lahat ng itoy mga "lolz" lamang. utak ko kasi minsan ay wala sa katinuhan kaya kung ano ano ang pumapasok sa aking makitid na isipan. pinapasaya ko lang po ang aking sarili sa gitna ng kalungkutan na aking nadarama dito sa ibang bayan.




SORRY!.......poging(ilo)cano :(


Sunday, March 8, 2009

EB the second time...

8:30,umaga ng sabado, habang mahimbing ang aking tulog dahil napuyat sa pamamasyal sa mga bahay ng may bahay at pakikipag chat sa mga adik nang……

ring….ring…..ring…1 missed call…….
ring…ring….ring…(ibang number naman)……angat fon.

ako: hello! magandang umaga!
Babae: hello magandang umaga! tulog ka pa?
ako: bakit online na ba kayo? conference na naman b?
Babae: hindi ano ka ba!, may pasok ka ba ngayon?
ako: wala holiday ngayon eh!
Babae: kasi may batang mataba na gustong mamasyal. gagala tayo sa dubai creek ngayon.
ako: oh tlga! anong oras. ngayon na ba? cge ligo lang ako tapos lipad agad.

alas once nang tanghali ng akoy lumipad sa kalawakan gamit ang aking capa at tila walang pakiaalam sa tindi ng init dahil may shade naman ako. katamtaman lang aking lipad dahil nag-iingat din ako sa mga traffic camera sa daan baka kasi mahuli nila ako sa akto pag mabilis ang aking paglipad. pagkatapos ng isang oras na paglalakbay, akoy lumapag sa usapan naming tagpuan ngunit masaydo atang exited si batman dahil wala dun ang kanyang mga ka EB. sa kanyang inip, no choice kundi tumalon patungo sa ibang pwesto upang tumambay at magpalipas ng gutom sa bahay ni darna..si batman naging jumper muna pansamantala. sa mahigit tatlong oras na paghihintay, sa wakas nagparamdam na din ang aking mga ka EB na papunta na daw sila kaya agad din akong tumalon pabalik sa aking pinanggalingan. tulad ng dati, naghintay parin ako doon pero hindi na masyadong matagal...lolz…sa aming pagtatagpo, nakangiti pa rin ang aking mga ka EB kahit nilanggam na ako sa aking upuan sa paghihintay sa kanila..hehehe..peace…

agad kaming sumakay ng malatren na bus patungo sa city centre upang doon lumafang ng pananghalian este hapunan na pala…lintik…hehehe…sa loob ng bus, tahimik ang lahat maliban sa aking mga kasama at lalo pang nag-ingay ng makakita sila ng gwapo na sumakay at hindi tinantan sa katitingin kahit nangagawit na ang kanilang mga mahahabang leeg. WHAT UP girl! (prof. pajay pahiram muna word mo) bat niyo pa kailangang tumingin sa iba, gwapo naman ang yong kasama ah!..toinkz…makukulit tlga ang aking mga kasama, lahat nakikita, pati lipstick na lagpas sa bibig hindi pintawad. oo nga naman lumabas ng bahay hindi man lang niya inayos ang kanyang lipstick …hahaha..cgro kagagaling lang niya sa trabaho bilang clownz at sa pagmamadali hindi na siya nakapag ayos dahil exited ang lola.. ….wahahahahaha……

ito ang aming pangalawang EB with yanah at jen. noong una, 3 lang kami, pero ngayon 5 na kami at sa susunod sana madagdagan pa kung may kasunod pa..sana…lolz…habang kami lumalafang, dumating na din sa wakas ang aming pang-apat na kasama, si chico ng "dude of the desert". ung panlima hindi niyo siya makikita dahil palaboy lang siya. kahit sa inyong tahanan makikita niyo na palaboylaboy lang din ang gwapong ito. masaya ang aming kwentuhan, asaran, kulitan hanggang sa naglabasan na kung sino ang kanilang mga crushes dito mundo ng blogosperyo..hahaha…. isa ka ba dun?

sa sobrang haba ng aming kwentuhan hindi namin namamalayan na lumalalim na pala ang gabi kaya exit fast kami para pumunta sa dapat naming pupuntahan, creek park. sa aming pag exit, exit na din si chico dahil may taping siyang pupuntahan kaya hindi na siya makakasama sa amin, ibig sabihin apat na lang kaming pupunta dun. pagkatapos ng limang taon, nakita rin namin sa wakas ang dubai creek park. naligaw kami, yan ang totoo, kaya inabot kami ng ganun katagal….walang taxi….walang bus….mahirap maglakad…. yan ang mga eksena sa aming paghahanp....


maganda ang park. pwede sa lahat, bata, matanda, dalaga, binata..divorce, kabit, lahat ng klase pwede. ung mga nangagarap pwedeng pwede gaya ng dalawa na nakita namin, hindi ata magkasundo sa kanilang mga pangarap dahil naka ilang ikot kami, andun parin sila nangagarap nakaharap sa madilim na dagat…

ikot….kodakan…..ikot…kodakan…..at nang mapagod nagyayaan ng magsi-uwian dahil malapit nang mapgpalit ng petsa sa kalendaryo at akoy lilipad pa ng malayo pauwi sa mainit na disyerto….wakas….

pogi, jen and chico

yanah and chico happy togeder..hahahaha..


tatlong adik sa creek



yanah and jen sa may singsing



sumakit ang aking mga "MASEL" sa pagpidal. tatlo kasi ang aking sakay kaya mabigat.



mga modelo ng "bato"



jen isipin mo si etisalat yan....hahaha..yakapin mo pa!



si pogi kinagat ng pato....



hahaha...medyo kahawig ng crush mo noh? pero ala atang.......?



dahil beerday ni jen. may fireworks display para sa kanya...totchal!



PS.
cgro nagtataka kayo kung sino ung panglima naming kasama no? hindi niyo man lang siya nakita sa picture o kahit anino man lang niya. hindi siya taga rito sa uae, nasa ibang planeta ang gwapong ito. maaga pa lang kasama na namin siya gamit ang makabagong teknolohiya ng telegrama..siya ay gwapo din gaya ko. Jhon Bloyd Cruz look alike. the kunwaring EB author at ang inaabanang Bloggers Cocktail Party organizer. Walang iba kundi si….tenen…tenen…tenen…saudipalaboy, prof.pajay….oo kasama naming siya…kasami naming siya tru txt hangang sa naubos ang kanyang load..hehehehe.….yan ang ADIK…ayus ka prof…..lolz..

si jen din nga pala nagbayad sa mga foods kasi beerday blowout niya kahit hindi sya kumain dahil takot sa pagkain…salamat FERDA..





want more kwento...pindot mo....

Saturday, March 7, 2009

ewan....

Kaguluhan sa cbox ng may cbox….

Pajay: gising ka pa lord?....kung oo....e di matulog ka na hoi!...lolz
Pajay: sana mpanaginipan mo si marian rivera kasama ako dre...lolz...para mainggit ka!..lolz...
Poging(ilo)cano : wag kang masyadong managinip baka ako mapanaginipan mo na inagaw ko si marian rivera sa inyo ni pajay...mas lalo kayong maiinggit..lolz..
Pajay: wag naman sana sa panaginip ni LORDCM tayo ang magkasama poging cano...lolz... ang terey!...lolz
LordCM: Putek!!!Natulog lang ako ginulo nyo na bahay ko!!! Lolzz
Poging(ilo)cano: ayun nagising tuloy si panaginip man at may
hiling....
Pajay: aanhin mo pa ang
UNAN kung gising na si Panaginip man at Batman...lolz...
--------------------OoOo--------------------


Joke naman.....kathang isip at trip lang to.....

LordCM: poging(ilo)cano, pag tinanggal ko ba ang aking isang tenga ano mangyayari sa akin?
Poging(ilo)cano): Eh di hihina pandinig mo!
LordCM: Eh kung tatanggalin ko pa yung isa?
Poging(ilo)cano: eh di wala ka nang marinig kahit ano!
LordCM: mali ka!
Poging(ilo)cano): eh ano?
LordCM: eh di lalabo paningin ko.
Poging(ilo)cano: bakit naman?
LordCM: xempre mahuhulog salamin ko…lolz

Pajay: (sumingit) wheeee...korny...

wala akong magawa eh! epekto lang cgro ng walang lovelyf.....ang hirap naman ng buhey.....walang pera..lahat ala.......ano ba!!!!!!!!!!!!

Monday, March 2, 2009

ang aking secreto!

alam ko na marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit ako pogi? at alam ko rin na marami ang napapa wow….awww…..yummm.....at naglalaway dahil sa kapogihan ko lalo na kung nakikita nila ako ng personal. mapa chiks man yan o boy ! Taena, para hindi kayo naiinggit at laging naglalaway sa akin, eto na, ipamamahagi ko na sa inyo ang aking munting secreto para olweyz pogi din kayo gaya ko.

Mga dapat tandaan ayun kay BATMAN:


1. Be Clean
2. Brush Your Teeth
3. Dapat Mabango
4. Keep Smiling
5. Tamang Lakad
6. Self confidence
7. Comportable ang Suot Ung Bagay Sa Yo
8. Be Friendly
9. Concern
10. huwag tumabi sa mga taong alam mong mas pogi sa ‘yo.

11. Wag Mong Isiping Panget Ka!



UN LANG! SANA NAKATULONG AKO AT MAGING POGI KA RIN KAHIT FEELING MO LANG…...lolz...

Template by:
Free Blog Templates