Monday, 16 March 2009

Legs Tag Na!

pagkagaling ko mula sa trabaho, akoy humiga agad para makapagpahinga man lang kahit sandali bago kumain at bisitahin ang aking mga kapitbahay dito sa mundo ng blogosperyo. ilang minuto na rin ang nakaraan pero tila hindi mapakali ang aking utak sa pag-iisip ng mga bagay bagay kaya hindi rin ako makapagpahinga. yung iba may kwenta pero yung iba naman parang wala lang.

ang naging sentro ng aking pagmumunimuni ay kung bakit ba ako lapitin ng mga babaeng celebrity? una, dumating si marian rivera sa buhay ko pero hindi nagtagal kasi inagaw ni pajay tapos pumunta kay CM ng hindi ko alam ang dahilan. dumating din si sarah geronimo pero fling lang kami kasi mas mahal daw niya si John Lloyd Cruz kaysa sa akin. pagkatapos ng dalawa, dumaan din sa buhay ko si charice. tulad ng iba umalis din siya pagkatapos ng lahat lahat. sa ngayon, masaya ako sa piling ni valerie pero nagkakaroon na ata ng lamat ng aming relasyon dahil sa isang tao na masyadong pakialamero sa buhay pag-ibig ng iba. hindi na kita papangalanan dito kung sino ka dahil alam mo naman kung sino ka d b? napansin ko rin na umaaligid si pokwang sa aking bakuran kaya ako na lang ang umiiwas, ayaw ko na kasing masaktan pa ng ganun ganun na lang. buti na lng nakay CM na siya..haaaayss salamat na naman..

bakit nga ba madami sila na dumarating at dumadaan sa buhay ko? hindi naman ako kasing gwapo ni piolo pascual o sam milby. ano ba ang habol tlga nila sa akin? katawan ko ba o pera ko lang ang gusto nila? ANO BA TALAGA?



kaya naman pala eh! legs ko lang naman pala habol nila. yan pala ang pinaka asset ko. ngayon ko lang nalaman...takte...salamat CM sa tag mo dahil jan nalaman ko mas "POGI"pala legs ko kaysa sa mukha ko...lolz....hahaha..

ipapasa ko rin tong tag na "legs" kay bomzz at doc aga para makita naman ang gwapong legs nila...wala daw KJ sabi ni panaginip man..

24 Kumento Ng Mga Kupal:

gillboard said...

ay legs... naks balahibong pusa!!! hahahaha

poging (ilo)CANO said...

ang bilis mo namang manilip parekoy...hehehe

Kosa said...

taena...daming dakdak..
lols
parang ita ng Pussycat dolls ahh..
hehehe peace

Chyng said...

kakaloka naman yang legs tag na yan! hehe

ang sesexy nyo! (--,)

poging (ilo)CANO said...

@kosa,
eh di dakdak ka rin...lolz...

may naghahanap sayo kanina...bat di ka daw online?

@chyng,
ako nga din naloloka..hahaha

abe mulong caracas said...

legs tag pala hehehe

ayos yung tattoo mo hehehe, kaya naman pala lapitin ka eh!

RJ said...

Whew! Ang hirap naman ng mga tags mo sa akin Pogi! Kung dati'y kailangang sumigaw (paano ako maririnig sa blogosperyo?), ngayon nama'y magpakita ng binti? Para lang yata sa mga Pogi 'yan. Bakit hindi mo isinama sa tag si KosaPogi at si Poging Payatot?!

Teka, mas Pogi naman kasi si Doc Aga di ba?

Gawin mo muna yong tag ko sa iyo, 'yong sulat-kamay.

The Gasoline Dude said...

WTF? Pangalawang legs na 'to na nakita ko ngayong umaga sa blogosperyo. Tanong ko lang: magugunaw na ba ang mundo? *LOLz*

=supergulaman= said...

wahahaha...legsssss.... ahahaha...
takete na yan, nadadalawang isip na ako tuloy gawin itong tga na ito...wahahaha... :D

Lord CM said...

Ayos ah!!!Balahibong tuta!!! hehehe mukhang galing ka pre ng bilibid ah...lolzz

Saka sabi sa tag, picture lang, PICTURE LANG!!! walang kwento lolzz

MarcoPaolo said...

hahaha.... sino kaya ang susunod na mag post ng legs...ABANGAN!!!!

poging (ilo)CANO said...

@mulong,
yan ang dahilan kung bakit ako lapitin ng mga celebrity...lolz..

@doc aga,
oo nga pala doc noH! may takdang aralin pala ako sayo, di ko pa napapasa..hehehe

si kosapogi may tag na siya sa kabila....

@superG,
wag ka nang magdalawag isip kung gagawin mo o hindi.....gawin mo na as in now na....lolz..

@lordCM,
hindi ako galing sa bilibid pre, galing ako sa tatay ko...hahaha

kung sa akin balahibong tuta, sayo naman balahibong tupa..lolz...

@marcopaolo,
ikaw ang aabangan namin...kaya mag reredy kami...

jhosel said...

wow! pati ang legs ang pogi! ahehe.

jEn said...

weet weee..heheh..
mas maganda pa legs mo sken ah..nyahaha..teka teka..ggwin ko din sken para makita nyo..hehe

poging (ilo)CANO said...

@jhosel,
pogi lahat all over my ugly body...hahaha

@B2,
sinabi mo pa! mas magana tlga tlga legs ko kaysa sayo..hehehe

cge kariririn mo ung paggamit ng cam, ingat ka lang baka masira ang legs mo sa flash ng camera pag kinuhanan mo na legslalo mo...lolz.

poging (ilo)CANO said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...

...abahh... uso ang pakitaan nang legs ahh... ang sesexy nang mga legs nyoh ah... tsk!... lolz... ingatz lagi handsome.. salamat sa madalas na pagdaan sa aking mansyon... oh yeah mga iniisip na bagay na yan... na 'ung iba mga 'la kwentz naman... wala akong advice.. sasabihin koh lang dme den akoh nyan.. lolz... hayz... eniweiz ingatz lagi... Godbless! -di

... nd hmm... makahirit ngah... si kuya EJ may marian rivera... meron pang Sarah Geronimo? devah sya ren si john llyod daw.. lolz... =)...hala.. sumbong naten kay ate iris... lolz

Mr. Thoughtskoto said...

mukhang legs ni batman yan ah!

hehehe, mahirap ba burahin ang nakasulat na pogi? kung legs pa lang ay pogi, haha, bka mukha mas pogi pa? bakit walang nagtatag sa aken ng legs tag na yan?

poging (ilo)CANO said...

@dhee,
oo sa kanya na lahat. mang-aaagaw kasi siya...puro na lang siya...siya..siya...hahaha..lolz

wag na natn sumbong bka lumaki pa gulo..hahaha

@mr. thoughtskoto,
nagkasugat nga legs ko sa pagbura niyan eh! lintik ng pentelpen yan...ahhaaa

onatdonuts said...

umuulan ng legs hahahaha

nakakasilaw. bwahaha

JoShMaRie said...

syet! wow legs!

PUSANG-gala said...

haha---akala ko seryoso ang iniisp----babae pala---di na inaanalyze yun---pagbuksan u lang sila ng pinto at papasukin sa karenderya---este sa buhay mo----para makulay ang buhay diba? hehe

PaJAY said...

hahaha...takte yan pogi!..


kailangan talagang may sulat eno?...lolz..

sumakit sugat ko katatawa takte!...hahahahaha..

isa pa nga...hahahahahaha

walkingnewspaper said...

natawa ako sa tag na eto..this made me happy lah!! and pati din sa blog mu.. i love to park here oweis,,care for exlinks then!?!??i would be glad to..

should you add lah two blogs eh: pinoymedicaldoctor
walkingnewspaper

ping me then,,so can add you!! :) TC!

Template by:
Free Blog Templates