12:30 am - pogirest na ako pagkatapos magbabad sa harap ng aking conchuter sa panonood dvd movie at tv sa pinoychannel.tv
4:30 am - gising na ako...nagpaka adik ulit sa harap ng aking conchuter..browse dito browse doon..sabay nakikinig ng love radio sa eradioportal.com..dahil jan para lang akong nasa pinas
6:30 am - nagising na rin ang aking isang kasama..nagluto...nag-exercise..pero ako...nagpapaka adik parin.
7:00 am - bumangon na rin ang dalawa ko pang kasama...ako balik sa kama at humiga...sila naman ang nagconchuter...
8:00 am - ginising na nila ako para kumain...kain..kain..kain...iba ang nagsaing ako ang taga kain..bosing ang aking dating...astig!
9:00 am - pagkatapos kumain balik sa aking kaadikan...sila din ang naghugas ng pinggan...
9:30 am - wala nang masyadong hangin..wala na ring sandstorm...oras na para maglaba ng 15 na pirasong damit (pantalon, brief, medyas, panyo) gamit ang manual washing...kusot kamay..
10:00 am - natapos na ang aking paglalaba...tinalo ko pa ang bilis ng washing manchine..salamat sa tide..isang kusot tanggal ang dumit mantsa...tiwala ako sa kanya...
11:00 am - pagkatapos maligo..layas ng bahay para habulin ang 12:00 pm tagalog mass upang magpasalamat sa mga biyaya na binigay Niya sa akin...kunting pasyal pasyal na rin para makakita naman ng malalaking building at hindi lang puro itik, pana at buhangin ang laging nasa paningin.
5:30 pm - malakas ang sandstorm..nakabalik na kami pagkatapos magsimba at mamasyal sa marina mall..ang aking mga kasama natulog muna...ako naman diresto sa harap ng aking conchuter..hoping agen...
7:30 pm - nagsaing na ako na kanin, samantalang sila naman ang nagluto ng ulam...ginisang upo na may sardinas ang kanilang linuto.
8:20 pm - pagkatapos kumain, tumayo agad ako sa aking upuan, balik sa chatting at net surfing....tulad ng dati sila pa rin ang naghugas ng pinagkainan namin...hehehe...ako kaya naggrocery, kaya quits lang mga parekoy...sa gitna ng aking pakikibonding kay conchuter, bigla kong naalala na may sinampay pala ako kaninang umaga...wow! ang aking damit na puti naging brown...lintik na sandstorm yan...uulitin ko na lang bukas....bwisit.............balik sa net pero may kasama nang tagay.....
10:45 pm - lights off at conchuter off na kasi may pasok na ako bukas...rest in peace muna ako.....bukas aking aabangan ang pagsabon sa akin ng aking boss na mabantot dahil hindi ko pa natatapos ang aking report...deadline ko bukas...goodluck sayo pogi...bye..bye....
eksena sa daan nung kami'y pauwi na..halos di na makita ang kalsada dahil sa pagbagyo ng buhangin.
araw ng aking pahinga pero hindi naman ako nagpahinga....lolz....
29 Kumento Ng Mga Kupal:
Akala ko pahabaan lang post ang uso ngayon, pati pala ang pag-bukas ng talaarawan (tala-orasan).
Ano ang isinusuot sa mata Pogi para hindi mapuwing tuwing may sandstorm? Yan kasi ang problema ko rin dito.
Mas mainam pa nga ang weekend mo dahil marami kang nagagawa. Ako? Tulog, blogging at kain lang. At least ikaw may pagsamba. Kami kasi d2 sa saudi, malayo ang simbahan. Kailangan mo ng private car at dapat din meron kang kakilala sa Aramco para makapasok ka. Wala ako nun pareho.
Naku, minsan nang nababad ang damit ko sa sandstorm, nahirapan akong paputiin syang muli. Kaya gudluck sa paglalaba mo tomorrow.
Na-enjoy naman ako sa pagbabasa nitong diary mo Pogi. Salamat at napa-smile mo ko today kasi nadisappoint at nairita ako,,, ang aking fren na dapat sana kasama ko sa nite out eh tumagilid, sasama sa iba,,grr...Okay nailabas ko na sama ng loob ko, thanks, he,he.
Naku, wawa ka namn, maglalaba ka ulit. Gud luck!!
kanta nalang kaya ako...
Dear Kuya,
hinahanap ka ni Mama At daddy..
sulat ka palagi...
pati nga kapitbahay natin nagtatanung, saan ka raw nagpunta...saan ka raw nagpunta..
nasaan ka na...
kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...
ayun hehehe...
Mukhang kinopya mo pa sa nokbuk mo yang diary mo ah lolzz
Wag mo na laundry ulit damit mo para may bago kang damit, kulay brown hehehe
ahehe. aliw naman ako sa diary mong to. ahehe. kamusta naman ang quality time nio ni pc mo? ahehe. ayos ang rest day ah..
moral lesson: wag iwan/kalimutan ang sinampay. ahehe. ;)
ayos ang diary mo pogi ah...
good luck sayo... wag ka sanang masabon... hehehe!
sauce pogi...
kaya ako hindi na lang lumabas kahit na tinatawagan ng kulto eh..bakit ba..pahingaaaaaaaaaaaaaa nga ehhhhhhh
(hindi naman ako galit nian). kaya pala kahit na anung pm ko sayo ndi ka nagrereply..natagay na pala..hekhek.
adik ka b1
adik
adik.
pati sandstorm pinikshuran mo pa.
adik :D
aba... may free powder... aheks!
asus.. ung diary mo kulang...
asan ang tungkol sa lablyf dun?
asan na ung kachat mo si ano?
asan na ung dahilan bat ka naginom?
bakit nga ba?
nagseselos ka???
o nabasted ka???
gaano kagrabe ba ang isang sandstorm? tanong nang di pa nakakaranas (at walang balak na makaranas) ng sandstorm...
at di halatang adik ka sa conchuter... lolz
hahaha natawa ako ah! naalala ko tuloy nong nasa AL Quoz pa ako gawain ko din kumain na lang, dahil astig ikaw nag grocery eh heheh di naman laging ganun minsan minsan lang i do my share din kahit papano hehehehehe...
nangugulo lang... panay kasi tumbling mo eh..
hahaha! ang galing! Sana araw arawin mo ang ganyan ha, diary kahit di man namin mabasa, at least masarap mabalik balikan.
teka, di ba umulan na ng yelo dyan? tapos okay naman ang panahon pero pagkahapon nagsandstorm?
Di bale pogi pa rin! Yan ang mahalaga at importante!
@doc aga,
hahaha...gusto mo ba kasagutan sa problema mo? gayahin mo ginagawa ko..magsuot ka ng shade habang nakikipaglaro ng pitik bulag sa sandstorm......may eye protection ka na poging porma ka pa...waaaaaa...
@nebz,
hindi po lagi ganito ang friday ko...madalas po ako na nasa kwarto lang nagkukulong, tulog, blogging, minsan wala na din kain lalo na nung wala pa akong kasama na pinoy dito sa kwarto..medyo malapit lang din po simbahan dito sa amin, 45 minutes pero 2 beses sumakay ng taxi..
@ilocana,
salamat naman po at natawa kayo...matutuloy naman ata lakad niyo eh, pero sa ibang araw nga law..tama po ba ako?hehehe.
@kosa,
anong kanta yun? tula...lolz..
@cm,
hindi ko siya kinopya....copy paste ginawa ko para hindi na muling magsulat pa..lolz..
@jhosel,
hindi rest day yun ksi hindi naman ako nakapagpahinga ..hehehe...mas marami oras ko sa conchuter kaysa sa tulog ko..
moral lesson: hindi pwedeng bantayan ang sinampay kaya dapat nating iwanan...lolz..
@marcopaolo,
parekoy, hndi ako nasabon kasi hind pumasok ang boss ko...hehehe..
@jentot,
waaaaa...wag mong idahilan ang sandstorm sa hindi mo pagdalo sa kulto,ayaw mo lang siyang makita dahil masakit na ang iyong mata dahil sa sandstorm at sa kanya...gulo...hahaha..lolz...
adik ka...nag offline ka naman agad kagabi...adik....adik...
@azel,
hahaha..ma chizmaks ka rin noh!lolz.
may mga bagay na hindi pwedeng ibulgar sa publiko, baka malaman niyo pa kung sinu sinu sila...dami ah!...hahaha..pampakalma lang yung ininum ko, kasi si moon........toinkz..
@gillboard,
mahirap pag may sandstorm, nakakainis, makaka awww...masakit sa mata...pag grabe na, magkapote ka na lang pag lalabas ka, kahit one minute ka lang sa labas browni ka na..
@bommz,
mas lalo kasi akong napapatambling pag taga kain lang ako eh...sarap kaya ng feeling...lolz.
@mr. thoughts,
hahaha...ayaw ko magdiary ng araw araw, baka mas lalo lang akong masasaktan pag bibabalikan ko ang aking nakaraan...wheeee..
hindi ko lang po napansin kung umulan dito ng yelo..kina jhentot daw po kasi umulan ng yelo, same day, dito naman talagang bumagyo ng buhangin,pintuan namin hindi namin pwedeng buksan dahil papasok sa loob...grabe kasi kapal ng buhangin saka malakas ang hangin...
Nope, napurnada lakad namin dahil nga sumama sa iba yong partner ko. Pero oks lang.. Nakatipid ang Manang, ha,ha!
oink!
bumalik ako para depensahan ang sarili ko..:D
may isang pagpupulong kasi na iniiwasan si jentot. ang pagpupulong kung saan napapasa sa kanya ang wanport na bahagdan ng lahat ng mga gawain kaya hindi siya nagpakita sa kulto. :D..clear? orayt.! adik ka nmn kasi..ndi malaman kung online ka ba talga o natutulog ka sa tabi ng konchuter mo..:))
kawawang damit naging brown hehehe.
gandang araw!.
wahehehe napadaan sandstorm pala yong nasa pektyur parang usok lang sa kamaynilaan lolz
isa lang ang masasabi ko,
mabuti naman at kumakain ka na...
yun lang...
wag masyadong mag adik sa komfyuter... tsk tsk tsk
may bukas pa...
hahahaha
sensya naman batman at mejo natagalan ng pagpaparamdam :D
@ilocana,
ayus nkatipid...pwedeng pandagdag na lang sa susunod na lakad niyo..hehehe...
@jen,
oink..oink..ganun ba.! clearance na..wahahahaha...online ako pero natutulog...lolz...
@magic,
bagong damit daw sabi ni cm...sabi mo na rin..hehehe..
@tsariba,
sandstorm yan saka walang uso mga sasakyan dito...walang pulosyon....amoy lang ang pulosyon dito..mababantot mga tao..lolz..
@yanah,
salamat sa pagpaparamdam...lolz...
Poging (ilo)CANO
Purihin ka kaibigang "Poging (ilo)CANO" kung saan mo ibinahagi ang ang iyong kakayanan sa wastong paghahati-hati ng mga oras sa araw ng Byernes upang matugunan ang personal mong pangnangailangan tulad ng paglalaba, at paggamit ng computer at ang pinakamahalaga ay pag-alala sa Dyos sa pamamagitan ng pagsisimba - isang paglalarawan sa makabuluhang buhay ng isang OFW kapag araw ng Byernes.
poging ilocano,
ang sarap talagang magpahinga ano? matapos ang nakakapagod na trabaho. hehe pero ayos ka tsong at napakamakabuluhan pa rin ng iyong pamamahinga...
mula kay pogingdonuts hahaha
@The Pope,
maraming salamat po sa pagpuri..
iba pa rin pag kasama natin ang Diyos sa ating buhay, nasa ibang man tyo o wala..kailangan natin Siya...
@PogingDonut,
hahahaha...ayus yan tsong...mula ngayon bibinyagan na kita...yan na ang pangalan mo sa akin...PogingDonuts...hahahaha..lolz
hahahaha... naaliw akoh sa dear diary moh batman ahh... bz bzng ang day moh ahh... parang puro kaadikan lang sa conchuter... hahaha... binalikan koh ang post to make sure i'll spell that conchuter right... langya... hehe... and ang sweet... nagsimba... daz good... hwag kalimutan magpasalamat lagi sa Kanyah... nd yeah... may commercial ka pang tide ha... hehe... oh sige.. ingatz lagi kayo ni conchuter moh... pabati kay moon na lang... ingatz batman.. Godbless! -di
he he. nanonood ka din pala ng pinoychannel. ako din, puro conchuter ang inaatupag pag rest day.
4:30am, gising kana? ahhh, ang aga ahh...eh katutulog ko lang nun ahhh,,ahihihihi..ganyan ba ang mga adik?
sandali, bakit si robin wala sa iterinary mo?
ahh, pahinga day nga pala....
@Dhianz,
pahinga day ko pero hindi naman ako nakapagpahinga dahil sa pagiging adik...kasalanan lahat to ni conchuter.hehehe...lolz...sa tide kasi isang kusot tanggal ang dumit mantsa..wahahaha...kaya di nga kailangan mashing mashin...lolz...cge..cge....pag nakita ko ulit si moon sabihin ko sa kanya na kinukumusta mo siya...3 days ko na siyang si nakikita eh..ulan kasi dito lagi...lolz...
@r-yo,
ala kasi ako TFC at orbit kaya sa pinoychannel ako...adik ka rin?hehehehe..
@jez,
natutulog ka ba?wahahaha....si robin pangit yun kaya out siya sa topic ko...toinkz...
sarap naman ng upo sahog sardinas!
sarap buhay! iba talaga pag lahing insulares, pinagsisilbihan hehehe!
@ever,
sarap nga pero nakakasawa naman..no choice eh...e2 lang available lagi sa bakala..hahaha
@caracas,
ano yung insulares?
pogi kasi ako kaya pinagsisilbihan...toinkz..
tagay na dre!
Post a Comment