Friday, 27 February 2009

Unan!

Mensahe mula sa aking FS Msg. Inbox

"hi... napaka unfair mo s frend qo!!!! d aqo mkapaniwala n ikaw pa ang makakasakit s kanya ng matindi!!!!!!umalis k dto ng pinas ok pa tyong lahat pti keo...lam mo b iniiyakan p dn n kim (di tunay na pangalan, kahawig niya kc si kim chiu) ung pillow mo! nasasaktan me para s knya dhil nagbago kn! baket k ganyan??? d ikaw c pogi n nkilala nmin, d ikw ung pogi n minahal n kim sayang ang panahon naghintay xa syo!!!! napaka sama mo!!!!!!!!!!!!!!!!Ang laki ng pnag bago! asan n ung pogi n nkilala at minahal n kim????! sayang lhat ng pnasamahan nti pti keo n kim bigla k nagbago! hai sana masaya k nga! thanks s memories!"



---------------OoO---------------


hindi ako nagbago, ako pa rin ung pogi na kilala mo at minahal ni kim. kung may nagbago man hndi ko na yun kasalanan, itanong mo na lang ang iyong kaibigan kung bakit? nung mga panahong halos madurog ang buhay ko sa dahil sa kalungkutan at kinailangan ng karamay at masasandalan, nasan siya? hindi man lang niya ako dinamayan. masakit un para sa akin kung alam mo lang. umuwi ako jan sa pinas na wala sa oras at ang aking katawan ay parang lumulutang sa kalawakan dulot ng matinding kalungkutan. hinintay ko siya sa aming tahanan upang akoy damayan pero ni anino niya ay hindi ko man lang nasilayan. alam ko rin na may kasalanan ako dahil hindi ko rin siya nadalaw bago ako bumalik dito sa ibang bansa pero dapat mas maintindihan niya ako dahil sa mga problema na aking dinadala. masakit sa damdamin pero kailangang tanggapin. dapat ko munang ilaan ang aking mga oras sa aking pamilya dahil kailangan nila ako at mas kailangan ko din sila...


ang ipinagtataka ko lang, bakit ngayon ko lang siya narinig na umiyak? ngayon lang ba niya n realized na mali siya? masama na ako kung masama, gago kung gago at unfair kung unfair. oo, hindi ako masaya pero pinipilit kung maging masaya para sa aking pamilya...

(si kim ay ang aking gf na iniwan sa pinas more than 1 yr ago)

17 Kumento Ng Mga Kupal:

jhosel said...

aw. i dunno anything sa love story nio ni kim kaya di ko din alam kung ano dapat sabihan..


marahil nga walang nagbago sainyong dalawa pero lumilipas ang panahon. madaming nangyayari..

question, sa loob ba nung more than 1 year ago, may communication kayo? may promises ba kayo sa isat isa when you left?
hmm. tinatanong ko lang..

saka na ako magcocomment further pag may alam na ako.
sa ngayon hanggang jan lang muna.

god bless!

~yAnaH~ said...

magkaganun pa man, wag mo na rin muna sigurong isara ang pintuan ng iyong puso.. parehas man kayong may pagkakamli, nagagamot din naman ang sugat ngahapon eh. ull just have to give each other more time to heal your own wounds. diba nga kase, love is lovelier the second time around..sabi nila ha... hindi ko sinasabing pinaNIniwalaan ko yan hahaha.. ang sakin lang, bigyan mo ung time ung sarili mo.. pati na rin siya, if in the process eh youve forgotten about her at sa tingin mo eh u fell out of love na rin eh di ok na rin... kase youre ready to let go.. and youre ready for another... yaan mo na un... maraming unan dyan :-" ahihihi

madjik said...

sabi nga ng kanta ni nina..someday daw. kung bakit ko naman to nasabi..abay ewan ko rin hehehehe. nakiki epal lang poging poging james parekoy.

onatdonuts said...

panahon lamang ang makapagsasabi...

sa ngayon tama, ifocus mo muna ang buhay sa mga mas importanteng bagay... pare, tagay muna ng redhourse. hehe :-)

RJ said...

Madalang lang ang revelation dito pero napakatindi! Whew! [Iba talaga ang Pogi, joke!]

Ayos ang kwento, siguro may mas mahabang version pa ito sa susunod.

abe mulong caracas said...

hulaan ko namali ng pagpapadala yung sender

parang nanloloko lang ba! nyayaya peace!

=supergulaman= said...

poging post ito...

tsk...tsk... tsk...

....prang may kulang sa pangyayari.... walang pag-uusap... walng pagpapaliwanag na naganap... mahalaga sa relationship yun... communication...and trust... :)

Lord CM said...

Lake talaga ng nagagawa ng LDR ( Long Distance Relationship) sa isang magkarelasyon...

Good Luck sa atin Pogi...

jEn said...

aha..eto ung saktong naiisip ko nung kausap kita kagbi b1.

kahit na binalinguyngoy ako sa kaka-english mo!:D

seryoso mode....

---kapag natatapos ang isang relationship, (on my pov); pareho kayong nasasaktan, pero someday gaya nga ng sabi ni nina; ull find that someone that you deserve.

"True love means letting go when you feel like holding on, for your love for her will be best demonstrated when you find ways to make her happy even though a part of you is hurting."

Ang uae nga daw ay isang malaking rehabilitation area. Sabi yan ni nasnip...Dito napupunta lahat ng taong may nararamdamang sakit at kirot mula sa kanilang nakaraan :(...

kaya mo yan..tagay na lang!!!!!!

ADIK!!!!!:P

MarcoPaolo said...

wow... grabe ang sagot sa message... puno ng hinanakit!!!

Everlito (ever) Villacruz said...

todo na ito!...

PaJAY said...

aba teka!...di mo naman kasalanan maging pogi diba?...

di kaya ang nag send ang may gusto sayo parekoy?...nagpaparamdam lang para mag usap kayo...lolz..

joke lang parekoy..

tagay mo na lang yan....cheers!..

gillboard said...

ang hirap talaga na magwork ang isang long distance relationship. kahit gaano pa katibay ng inyong samahan, pag malayo ang isa, may tsansa pa rin na ito'y malamatan.

Ilocana said...

Sisingit lang ako ha,, interesting kasi tong topic mo pogi.....

hmm, looks like ang friend ng gf mo ang me galit sayo, di ang gf mo.. Better talk to your gf kung kayo pa ha. Pero kung ala na kayo hayaan mo na..Friend lang naman sya ng gf mo eh, or close friend mo rin?..Basta alam mong tama ka, let it go na lang.

Desert Aquaforce said...

Napakapuno ng EmO ang post na ito a...

Pero ang masabi ko lang sa iyo if you love Kim, both of you should overcome your pride and save your relationship...

When we are able to drop the ego and pride, we see the whole situation in a new light. Withdrawing is a defense for fear getting hurt again.

Sorry po sa pagiging pakialamero...

Kosa said...

yung yun ehhhh...

yan ang tunay na pogi..lols

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

hayss..hirap taLaga nG LDR

MARAming traffic ang magaganap :(

GooDLuck saYo PoGi PoInTS :D

Template by:
Free Blog Templates