Sunday, 8 March 2009

EB the second time...

8:30,umaga ng sabado, habang mahimbing ang aking tulog dahil napuyat sa pamamasyal sa mga bahay ng may bahay at pakikipag chat sa mga adik nang……

ring….ring…..ring…1 missed call…….
ring…ring….ring…(ibang number naman)……angat fon.

ako: hello! magandang umaga!
Babae: hello magandang umaga! tulog ka pa?
ako: bakit online na ba kayo? conference na naman b?
Babae: hindi ano ka ba!, may pasok ka ba ngayon?
ako: wala holiday ngayon eh!
Babae: kasi may batang mataba na gustong mamasyal. gagala tayo sa dubai creek ngayon.
ako: oh tlga! anong oras. ngayon na ba? cge ligo lang ako tapos lipad agad.

alas once nang tanghali ng akoy lumipad sa kalawakan gamit ang aking capa at tila walang pakiaalam sa tindi ng init dahil may shade naman ako. katamtaman lang aking lipad dahil nag-iingat din ako sa mga traffic camera sa daan baka kasi mahuli nila ako sa akto pag mabilis ang aking paglipad. pagkatapos ng isang oras na paglalakbay, akoy lumapag sa usapan naming tagpuan ngunit masaydo atang exited si batman dahil wala dun ang kanyang mga ka EB. sa kanyang inip, no choice kundi tumalon patungo sa ibang pwesto upang tumambay at magpalipas ng gutom sa bahay ni darna..si batman naging jumper muna pansamantala. sa mahigit tatlong oras na paghihintay, sa wakas nagparamdam na din ang aking mga ka EB na papunta na daw sila kaya agad din akong tumalon pabalik sa aking pinanggalingan. tulad ng dati, naghintay parin ako doon pero hindi na masyadong matagal...lolz…sa aming pagtatagpo, nakangiti pa rin ang aking mga ka EB kahit nilanggam na ako sa aking upuan sa paghihintay sa kanila..hehehe..peace…

agad kaming sumakay ng malatren na bus patungo sa city centre upang doon lumafang ng pananghalian este hapunan na pala…lintik…hehehe…sa loob ng bus, tahimik ang lahat maliban sa aking mga kasama at lalo pang nag-ingay ng makakita sila ng gwapo na sumakay at hindi tinantan sa katitingin kahit nangagawit na ang kanilang mga mahahabang leeg. WHAT UP girl! (prof. pajay pahiram muna word mo) bat niyo pa kailangang tumingin sa iba, gwapo naman ang yong kasama ah!..toinkz…makukulit tlga ang aking mga kasama, lahat nakikita, pati lipstick na lagpas sa bibig hindi pintawad. oo nga naman lumabas ng bahay hindi man lang niya inayos ang kanyang lipstick …hahaha..cgro kagagaling lang niya sa trabaho bilang clownz at sa pagmamadali hindi na siya nakapag ayos dahil exited ang lola.. ….wahahahahaha……

ito ang aming pangalawang EB with yanah at jen. noong una, 3 lang kami, pero ngayon 5 na kami at sa susunod sana madagdagan pa kung may kasunod pa..sana…lolz…habang kami lumalafang, dumating na din sa wakas ang aming pang-apat na kasama, si chico ng "dude of the desert". ung panlima hindi niyo siya makikita dahil palaboy lang siya. kahit sa inyong tahanan makikita niyo na palaboylaboy lang din ang gwapong ito. masaya ang aming kwentuhan, asaran, kulitan hanggang sa naglabasan na kung sino ang kanilang mga crushes dito mundo ng blogosperyo..hahaha…. isa ka ba dun?

sa sobrang haba ng aming kwentuhan hindi namin namamalayan na lumalalim na pala ang gabi kaya exit fast kami para pumunta sa dapat naming pupuntahan, creek park. sa aming pag exit, exit na din si chico dahil may taping siyang pupuntahan kaya hindi na siya makakasama sa amin, ibig sabihin apat na lang kaming pupunta dun. pagkatapos ng limang taon, nakita rin namin sa wakas ang dubai creek park. naligaw kami, yan ang totoo, kaya inabot kami ng ganun katagal….walang taxi….walang bus….mahirap maglakad…. yan ang mga eksena sa aming paghahanp....


maganda ang park. pwede sa lahat, bata, matanda, dalaga, binata..divorce, kabit, lahat ng klase pwede. ung mga nangagarap pwedeng pwede gaya ng dalawa na nakita namin, hindi ata magkasundo sa kanilang mga pangarap dahil naka ilang ikot kami, andun parin sila nangagarap nakaharap sa madilim na dagat…

ikot….kodakan…..ikot…kodakan…..at nang mapagod nagyayaan ng magsi-uwian dahil malapit nang mapgpalit ng petsa sa kalendaryo at akoy lilipad pa ng malayo pauwi sa mainit na disyerto….wakas….

pogi, jen and chico

yanah and chico happy togeder..hahahaha..


tatlong adik sa creek



yanah and jen sa may singsing



sumakit ang aking mga "MASEL" sa pagpidal. tatlo kasi ang aking sakay kaya mabigat.



mga modelo ng "bato"



jen isipin mo si etisalat yan....hahaha..yakapin mo pa!



si pogi kinagat ng pato....



hahaha...medyo kahawig ng crush mo noh? pero ala atang.......?



dahil beerday ni jen. may fireworks display para sa kanya...totchal!



PS.
cgro nagtataka kayo kung sino ung panglima naming kasama no? hindi niyo man lang siya nakita sa picture o kahit anino man lang niya. hindi siya taga rito sa uae, nasa ibang planeta ang gwapong ito. maaga pa lang kasama na namin siya gamit ang makabagong teknolohiya ng telegrama..siya ay gwapo din gaya ko. Jhon Bloyd Cruz look alike. the kunwaring EB author at ang inaabanang Bloggers Cocktail Party organizer. Walang iba kundi si….tenen…tenen…tenen…saudipalaboy, prof.pajay….oo kasama naming siya…kasami naming siya tru txt hangang sa naubos ang kanyang load..hehehehe.….yan ang ADIK…ayus ka prof…..lolz..

si jen din nga pala nagbayad sa mga foods kasi beerday blowout niya kahit hindi sya kumain dahil takot sa pagkain…salamat FERDA..





want more kwento...pindot mo....

14 Kumento Ng Mga Kupal:

gillboard said...

wait lang, nandyan nanaman si yanah?! kala ko nasa pinas na siya?! o matagal na to?

Kosa said...

lols... ang saya naman nun!
hahaha.. sandali babasahin ko nga muna yung kwento mo.. petchur pa lang yung nakikita ko eh..

si di ko kilala yung isang Pogi dyan ahh.. bloggerger din ba?

RJ said...

Ang saya ninyo, ah! Buti pa kayo diyan magkakalapit, pwede kayong magkita-kita. Ako rito, walang kapitbahay na blogger.

Si CHico Kunejo, may taping?! Artista na, ano ba 'yan teleserye? 'Tayong Lima'?

Lord CM said...

Oo nga...bakit anjan si yanah? diba sa pinas sya?

Bakit di nyo sinama si Pajay sa picture? lolz

jEn said...

adik..sino ba magulo sa bus? di ba ikaw? maiingay nga kayo eh!..hehe...teka pogi asan ang sandamakmak na pekshurs ko? tsktsk..ndi ko mahanap ah..heheehhe

Dhianz said...

naks! pa-EB EB na lang kayo ha... malufet... akala moh pa naman kasama nyoh tlgah si Kuya Ej!.... or kasama nyoh tlgah? or nde... or txt lang... hehe... nanguletz eh noh.... next time grand EB ang lahat... ayonz.. malufet!... saya saya nyoh naman... next time mag-invite kayoh... lolz.... sige... humiritz lang... ingatz lagi handsome!... hanggang sa muli... GODBLESS! -di

MarcoPaolo said...

aba! pa-EB EB na lang kayo ah... inggits naman... hehehe

r-yo said...

ang saya saya ng EB. pati si casper kasali! next time sa japan ka naman lumipad heheh.

PaJAY said...

nyahahahahaa...

BATMAN pogi! malamang ako ang dahilan kaya tatlong oras kang nag antay...hahaha...hula ko lang....pano kasi ang alam ko inaantay ni yanskie at Jentot reply ko bago sila umalis papunta sa meeting place nyo...hahahaha..takting yan..

pano yan parekoy?..nag usap na ba kayo ng masinsinan ni catwoman sa EB nyo?..nyahahahaha...

ayos parekoy!...kahit sa text nyo lang ako kasama naramdaman ko rin ang EB nyo...ADIK!...lolz...

abe mulong caracas said...

kainggit naman, sosyal naman ng eb nyo!

jhosel said...

haha. sosyal naman ni prof nakisama sa EB thru text.. bago yun ah. lol. ang saya naman ng EB nio. next time sama nio na kami. lol.

=supergulaman= said...

EB...EAT BULAGA! ahahaha... naks...sama naman... next time pag nailapit ko na ang pilipinas sa dubai...ahahaha...:D

Roland said...

wow, saya naman!

in fernez, my kilig factor
ang pichur nina sherwin at yanaH.
nyahahahaha...

pogingpayatot said...

Aba, active pala ang mga dubai bloggers! saya naman nyan. mami-miss ko talaga ang dubai. lipat na ako ng abu dhabi soon huhuhu!

Template by:
Free Blog Templates