Sunday, March 22, 2009

Sa Bawat Layf

Sa pagsikat ng Haring Araw
Langit ma'y bughaw o maulap
Haharapin pa rin ang bukas
Tatahakin ano mang landas.

Mapaglaro man ang kapalaran
Tuwa o kaya'y lungkot ang alay
Sa bawat pagkatalo ng buhay
Hahangarin pa rin ang tagumpay.

Na sa kahit ano mang pagsubok
Kahit may duwag man o may kutob
Kahit minsan ay balot sa takot
Tapang at lakas ay isusubok.

'Di man tiyak ang kinabukasan
Pag-asa'y yakap sa paglalakbay
Kasabay man ay luha ng lumbay
Ngiti pa rin ang mangingibabaw.

Sa bawat pintig ng pusong sugatan
Pag-ibig ay mananatiling wagas
Sa kahit anong tanong o dahilan

23 Kumento Ng Mga Kupal:

RJ said...

Ang ganda ng tula, napakamakata mo pala, Pogi. Maganda pa ang mensahe. Good! o",)

...kahit na ako'y nagulat sa huling saknong ay biglang nag-iba ang kwento, tungkol na sa pag-ibig! U

=supergulaman= said...

tenenenenenen..batman.... tenenenenenen... batman.... ahehehe...
naks makata ito...galing..mahusay ang pagkakagawa....buhay nga naman oh... :)

Dhianz said...

naks naman... nauso na ang pagtutula ah.... napangiti naman akoh don... kc si batman... tumutula... naks naman oo.... yan bah ang resulta nang pakikipag-usap kay moon...lolz... eniweiz...galing parekoy... keep it up... sige more poemz... ingatz lagi... Godbless! -di

gillboard said...

maganda yung tula... kaya lang, parang bitin...

pero maganda sya...

eMPi said...

tama si gillboard parang bitin.... may karugtong ata ito... galing mo... di ka lang pogi makata ka rin pala... :)

ganda ng mensahe... dugtungan mo pa para di kami mabitin... :)

poging (ilo)CANO said...

@doc aga,
hehehe..ewan ko ba kung sa pag-ibig yan...

@superG,
tanenen...tenen..ang buhay nga naman...pag-ibig....tsk...tsk...tsk...

@dhianz,
hahaha..ako rin nagulat sa tula. d ko rin alam kung san galing yan..basta tipa lang ng tipa..hahaha. cgro wala lang ako magawa, wala pa rin kasi kasagutan ung sinabi ni moon eh..lolz...

@gillboard,
bitin ba? kayo na lang magtuloy, tuyo na ang utak ko eh..hehehe

basta kung bitin..bitin...lolz...


@marcopaolo,
dagdag pogipoints...toinkz...

wala na akong maisip na words eh...pagod na ang puso ko sa pagtibok..lolz..

EǝʞsuǝJ said...

paki-ekplain?
di ko naintindihan..heheh
joke:)

A-Z-3-L said...

huwaw! alam ko kung saan mo hinugot yan Pogi...

iba talaga pag galing sa PUSO. Malinaw na malinaw! Wagas na wagas! Dalisay na dalisay!

pero ang gusto ko sa lahat:

"Sa bawat pintig ng pusong sugatan
Pag-ibig ay mananatiling wagas
Sa kahit anong tanong o dahilan"

hayaan mo't maghihilom din ang sugat... pero kahit gaano kalalim iyon, huwag ka sanang sumukong magmahal!

napahaba taena! grrrrrr...

yAnaH said...

nakakagising ng natutulog na emosyon ang mensaheng gusto mong ipahiwatig dito sa tula na ginawa mo..
tulad nga ng sinabi ni loka-loakng azel.... bawat salita ay may "puso" kakakitaan ng matinding damdamin..

kaya hayaan mong dugtungan ko ng isang linya ang huling saknong na sadyang ibinitin mo... :d

"Sa bawat pintig ng pusong sugatan
Pag-ibig ay mananatiling wagas
Sa kahit anong tanong o dahilan
Ikaw ang siyang magsisilbing lakas."

Jez said...

"Sa bawat pintig ng pusong sugatan
Pag-ibig ay mananatiling wagas"

poging pogi ka dito ah, mukhang perspired ka este inspired pala.

Ken said...

ang galing ng pagkaphotoshop ng banner, promise! as in promise! may kunting di ko lang carry, hehehe, yung dugo...

wahhhhh!in love ka rin ka? hehehe

nakita ko na ang photos nu sa EB niyo dun sa post ni azel.

jhosel said...

aw. ganda ng poem ah. congrats! ahehe..
di ko alam poet din pala si batman.. ahehe.

poging (ilo)CANO said...

@jehn,
sa ym ko na lang xplain pwede...hahaha...lolz...

@azel,
"Wagas na wagas! Dalisay na dalisay!" - lalim naman ng tagalog mo, parang kasing lalim ng puso ko na hindi mahukay ang kalungkutan..lolz..grrrr..

@!!!!!,
salamat sa pagdugtong...sinumulan ko,, tinapos mo..toinkz....

lipad ka na bakla!

@jez,
tombok mo kapatid, perspired nga! pede rin expired..hahaha

@mr. thoughts,
salamat mr. thoughts..hindi po ako inlab...naglalagablab po ako..hahahaha

@jhosel,
nagmamagaling lang si batman...hahaha..

Nebz said...

Azel ikaw b yan?

Okay sa pagkakahabi. Parang dapat sigurong lapatan ng tunog upang maging awit.

"Sa bawat pintig ng pusong sugatan;
Pag-ibig ay mananatiling wagas..."

Sweet a. Siguro nasagot na ng buwan ang iyong katanungan.

PaJAY said...

ANg ganda ng tula parekoy!...

kasing ganda ng dilag na naka eb nyo nung isang araw..

para sa kanya ba ang ibang saknong ng tulang ito?...lolz...


hahahahaha

abe mulong caracas said...

tamang inlab!

poging (ilo)CANO said...

@nebz,
si pogi po ako..hahaha

hindi pa nga sinasagot ni moon eh...

@pajay,
lahat sila magaganda....

sino ba bet mo?...lolz


@mulong,
in lab ba ako?...ahahaha..hindi!

Anonymous said...

ayos sa tula ah...

onatdonuts said...

naks,

isa ka palang Pwet este POET. hehehe

NApakahusay!

natatawa talaga ako sa mga pangalang may pogi...ikaw poging ilocano, si pareng isa naman pogingpayatot haha alam mo sa totoo lang dapat ako may pogi rin ang name ko kaya lang hiya ko haha pwedeng pwede POGINGTABACHOY hahaha o kaya POGINGWARAY hahaha

ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat, napakahusay!

Ilocana said...

Medyo may kalungkutan yata to ah,,, heartbroken ba Pogi?he,he,he. Pero ganda ah, gaya ng sabi ni Mr. Nebz, puedeng maging awit ^_^.

poging (ilo)CANO said...

@josha,
natulala ako eh...hehhe

@onatdonuts,
korek..isa akong pwet at hindi poet...toikz..

natatawa ka ba sa pangalang pogi? lahat tayo dito pogi chong...umangal man sila wala tayong magagawa...yun naman ang totoo eh..pogi tayo sa isip, sa salita at sa gawa....tama ba ako poging dunot..wahahaha...lolz..

@ilocana,
kung pwede ko lang itong kantahin, kinanta ko na..kaya lang naging iyak eh...hehehe

Anonymous said...

naks naman..nagmayat ti tulam kabsat!

AJ said...

yes, di pala ako nagiisang makatang blogero sa parteng ito ng mundo,

more of this hearty piece bro :D

rgds,

Template by:
Free Blog Templates