Tuesday, March 10, 2009

oks na!

hindi mapigilan ang pagtulo ng aking luha kanina nang mabasa ko ang isang mensahe galing sa aking tita. nag-aalala na daw kasi ang aking ina at kapatid tungkol sa aking kalagayan ngayon.

noong nakaraang linggo , tumawag ako sa amin para kumustahin sila at nabanggit ko sa kanila na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya iba at mahina ang aking boses pero sinabihan ko naman sila na wag masyadong mag-alala kasi kayo ko naman saka epekto lang ito ng pagbabago ng panahon. mula noon hanggang sa ngayon, wala na silang narinig na balita tungkol sa akin kung ayus na ba ako o hindi? pati mga txt msgs kasi nila hindi ko rin sinasagot.

malaki ang pinagbago ng aking katawan ngayon, pumayat lalo at gumaan din ang aking timbang. ikaw ba naman ang hindi kumain ng sunod sunod na araw at tanging tubig lang at kape ang nagpapalakas sayo kung hindi ka mangangayayat at manghihina? kumakain naman ako ng kanin paminsan minsan pero kunti lang dahil ayaw tlagang pumasok, wala akong gana kahit anong pilit kong kumain. hindi ko rin maintindihan kung bakit? marami ring nagsasabi na kakain ako pero hindi ko sila pinakinggan...wala kasi sila sa aking sitwasyon kaya hindi nila alam...

mahirap ang magkasakit dito sa ibang bansa, walang mag-aalaga sayo kundi sarili mo lang. kahit hindi mo na kaya, kailangan pa rin pumasok sa trabaho para may nakakakita sayo o may aalalay kung di mo na tlga kaya kaysa naman magmokmok ka sa kwarto na walang nag-aalaga at nakakakita. paano kung matigok ka dun at walang nakakaalam na andun ka? mahirap atang iuwi ang bangkay mo sa pinas na inaagnas na, bka pagdating mo dun buto n lang natira...hirap isipin noH? ito ang mahirap sa pagiging ofw, nagpapadala ka ng pera sayong pamilya sa pinas upang may pambili sila ng makakain para hindi magkasakit pero pag ikaw ang nagkasakit dito, padadalhan ka din kaya nila ng pera? malamag hindi! cgro ang maitutulong lang nila ay ang kanilang panilangin para sa mabilis na paggaling. gayunpaman, hindi ibig sabihin nun na hindi ka nila mahal, mahal ka din nila pero no choice kasi malayo kayo sa isat-isa. paano ka nila aalagaan?...sakripisyo lang..

magulo na ata ang aking mga sinasabi at tila nawala ako sa aking punto.
upang hindi na sila mag-alala pa. sinabihan ko na lang ang aking tita na im oks na at tatawagan ko na lang sila pag akoy magkakaload. delayed na naman kasi ang sahod.....(nasanay na rin)..



P.S.

pasensiya po sa aking mga kapwa blogero na nasasaktan o hindi natutuwa sa aking mga komento sa kanilang mga entry. hindi ko po intention na kayoy saktan o pagtawan. lahat ng itoy mga "lolz" lamang. utak ko kasi minsan ay wala sa katinuhan kaya kung ano ano ang pumapasok sa aking makitid na isipan. pinapasaya ko lang po ang aking sarili sa gitna ng kalungkutan na aking nadarama dito sa ibang bayan.




SORRY!.......poging(ilo)cano :(


21 Kumento Ng Mga Kupal:

gillboard said...

isa nanamang dahilan na maidadagdag ko kung bakit ayaw kong umalis ng Pilipinas... hehe

sana ay mas mabuti na ang kalagayan mo dyan..

poging (ilo)CANO said...

@gillboard,
mahirap,masaya,malungkot.in english mixed emotion parekoy ang buhay dito sa oberdabakod (abroad)hehehehe

oks na ako!

Dhianz said...

...uso palah ang sakit sa earth ngaun.... *ubo* *ubo*... yan rinig moh... am sick too.. kaya nga gotta get some rest den... kaw den... pagaling kah... yeah hirap nga yang may sakit lalo na't walang nag-aalaga... hanga akoh sa inyong mga OFW... nde madali mga pinagdadaanan nyo sa life... matatapang kayoh... saludo akoh sa inyoh... devaleh kakayanin nyoh lahat nang pagsubok na yan... lotz of prayers den... andyan lang lagi si God sa tabi nyoh... well.. don sa mga taong nasaktan moh sa mga komento moh... eh okz na siguro 'un... nde moh naman sinasadya... nagpapasaya ka lang nang mga tao sa mundong itoh... nd akoh natutuwa sa masasayang paghirit at pagkomento moh... funny how sometimes we act so happy pero deep inside sometimes eh we are sad... but not all d' time of course... gulong lang tlgah ang buhay sabi nang Aegie... and roller coaster lang tlgah emosyon naten... ingatz lagi pare kong Handsome... get well soon too... Godbless! -di

abe mulong caracas said...

pasensya na rin...alam mo na yun kung bakit.

regarding sa post, gusto ko pa ring umalis despite yung mga nararanasan mo, wala lang talagang pagkakataon. mahirap dito lalo na kung nakikita mo yung pamilya mo na naghihirap at may pangangailangan na hindi maibigay dahil kapus sa pera.

ingat na lang lagi...pilitin mo ring kumain para sa pamilya mo!

RJ said...

May sakit ka pala, Pogi? Naku, kung hindi na talaga kaya, magpahinga ka muna o di kaya'y magpatingin sa manggagamot. Sa tingin ko mas makakatulong ito kaysa sa pilitin mo ang sarili mong pumasok kahit masama ang pakiramdam mo.

May kasama ka naman siguro sa tinitirhan mong pwedeng makatulong sa iyo, magluto halimbawa kung hindi mo na talaga kaya...

Magpagaling ka.

eMPi said...

oy... pagaling ka POGI... sige ka papangit ka nyan... SMILE!

poging (ilo)CANO said...

actually nagsimula lang ito sa simpleng ubo at naging ubo nga na totoo at may kasama pang plema...yak!....lahat ng pagsubok dito kailangang kayanin para rin sa kapaanan ng family tree...

thanks gandang dee...

@mulongzki,
hehehe, hindi ko alam ung bakit? ano un?

desisyon mo yan parekoy. kung gusto mo tlgang tlungan ang pamilya mo, walang mahirap na gawain basta pursigido ka na gawin kahit saan man aulok ng mundo ka mapunta o magtrabaho...may awa ang Diyos...

@doc aga,
mas okey na ung pumasok ako doc kasi wala ako kasama dito sa kwarto. ako lang kasi pilipino dito sa accomodation ko kya ako lang ang pogi. may kasama ako dito kaya lang ibang lahi pero alang namang kwenta.

@marcopaolo,
pogi pa rin ako parekoy kahit hindi maganda ang aking pakiramdam...pag inisip ko kasi na pangit ako, baka madepress lang ako at mas maging grabe pa ng magiging dulot nito...ibang sakit na un, next level..hahaha..

jhosel said...

aw. pagaling ka po. kahit busy sa work take at least 5 mins to rest. mahirap nga yan nag-iisa ka jan. so ingatan din ang sarili. wee. tc handsome!

EǝʞsuǝJ said...

awwtz...

sabi ko na nga ba may sakit ka eh..mag-combantrin ka na kasi para maging ok ka na..bulate lang yan..hehe..o kulang lang sa alak?
joke..

pagaling ka b1..habang grounded si b2..hehe..

pag nakalaya si b2 blooming ito dahil hindi masyado naexpose sa dumi sa labasan..haha..keri mu yan b2..lagi ka lang kakain ng regular..sapakin mo amo mo dahil delayed na namn sahod..isyuhan mo sarili mo ng cheke..:))

Anonymous said...

hanap ka na jan.. para may mag alaga sayang ang kapogian mo.. lol'zz

tama ka pogi sa panahon din yan kaya mejo nakakatamad nakakatamlay lahat ng nakaka... anjan hehehe...


Keep the Faith "Bomzz Jovi"

A-Z-3-L said...

sinabi mo pa Pogi... hirap magkasakit sa ibang bansa.. kaya kelangan nating disiplinahin ang sarili natin.

pilitin mong kumain... kelangan ng katawan mo un para makaiwas sa sakit. mas mahirap pag lumala pa...

pagaling ka! :)

2ngaw said...

Hehehe :D Di mo kinaya si Marian Rivera no, may pa sarah sarah ka pa ah...joke :-D ... pagaling ka pre, at marami nangangailangan sayo para lumakas ang loob nila at ipagsigawang pogi rin kami lolzz

Kosa said...

aha... uso yata ang pagkakasakit ng mga pogi ngayun ahhh... ako din kase di maganda ang aking pakiramdam nuong nakaraang linggo pero sabi mo nga oks ka na, kaya oks na din ako sa ngayun...

haaaaaaaaaayssss... buhay OFW nga naman... taena.. sige sige kitakits pogi..lols

Ps.. nakipag-EB ka pa kung di maganda ang pakiramdam mo..lols
hehehe..peace

Rome said...

Ganyan talaga kelangan nating magsakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.. kaya mo yan pre... wag ka lang makakalimot na tumawag sa kanya.

PaJAY said...

kaya ka pala iniwan ni Marian at Sarah....ayaw nilang mahawa sayo...lolz...


tama dre..hirap ngang magmukmok sa kwarto..kaya ako kahit konting lagnat sa ospital na agad ako voluntary admission..hehe..may nag aalaga na nakapahinga ka pa...lolz..

sana magaling ka na dre..

Roland said...

i hope you feel better now.

gnyan talaga ang buhay sa abroad.
nasagot mo na rin naman yung katanungan
naghahanap ng kasagutan
kaya mo yan...
cheer-up!

pamatayhomesick said...

ganun talaga pards,saksakan ng hirap...lalo na pag may sakit...kaya dapat ang term satin BAWAL ANG MAGKASAKIT!

NJ Abad said...

Pogi, bawal magkasakit ang isang bayaning Pinoy dahil walang mag-aalaga sa kanya sa labas ng Pinas. Kapag alam naman nila sa Pinas na may sakit ka dito... pati sila magkakasakit at doble gastos ang labas.

Ingat and wishing you to get well soon! Sana'y lubos at ganap ang iyong pag-galing!

Anonymous said...

sana okay ka naman. ingats jan

Anonymous said...

Hope you feel better now. Mahirap nga yan, pero unahin dapat ang kalusugan bago ibang bagay. Panu mo magagawang tulungan ang pamilya mo o ibang tao kung sarili mo di mo matulungan, di ba?.. Kaya as much as possible, wag pababayaan ang sarili.. Lalo na mag-aalala lang talaga lalo ang pamilya mo sa Pinas..

Cheer up! Baka mawala pagka-pogi mo nyan..hehe..

God bless and Be safe..:)

onatdonuts said...

kumain ka kasi ng tama..kahit wala kang gana, pilitin mo.

isipin mo nalang na kailangan mong magpalakas para sa pamilya mo sa Pinas. ok

Template by:
Free Blog Templates