nag-apply sina ruel at cris sa isang agency sa pinas patungo dito sa ibang bansa bilang office staff. pagkaraan ng isang linggo, nakatanggap sila ng tawag mula sa agency na kailangan nilang magreport sa opisina upang pirmahan ang kanilang job order dahil natanggap na sila sa isang kompanya at kailangan din magbigay ng downpayment ng kanilang placement fee para sa processing ng kanilang visa. ayun sa kanilang job order at visa, ang nakasaad na designation nila ay diesel engine operator o diesel attendant. sa kanilang pagtatanong sa agency kung bakit ganun ang nakalagay na position nila samantalang ang kanilang inaplayan ay bilang office staff, ang naging paliwanag ng agency ay sa visa lang daw yun pero ang magiging trabaho nila pagdating dito ay sa opisina. ginawa lang daw yun para mas mapadali ang kanilang pag-alis.
ngayon, nandito na sina ruel at cris sa kompanya na akin din pinagsisilbihan. ang kanilang problema, hindi nasunod ang kanilang inaasahan na trabaho. hindi sila sa opisina magtratrabaho kundi magtratraho sila gasolinahan bilang diesel attendant. Nakipag-ugnayan na rin kami sa P & A department tungkol sa kanilang sitwasyon, ayun sa kanila, ung nakalagay daw sa job order at nasa visa ang masusunod dahil un ang kanilang pinirmahan, bilang diesel attendant. ito ang nagpapatunay na niloko lang sila ng agency sa pinas. nanloko na naman ulit sila. hindi makapaniwala ang dalawa sa nagyari. umaasa na sa opisina sila magtratrabaho pero ang hindi nila alam babagsak lang pala sila bilang gasoline boy dito sa ibang bansa. hindi ko maipaliwanag ang naging itsura ng kanilang mukha nang nalaman ang kanilang magiging trabaho. saying din kasi ang kanilang pinag-aralan. maraming katanungan din para sa kanilang sarili. tatanggapin ba o iwan ang magiging trabaho at bumalik na lang sa pinas na walang dalang pera at may utang pang dadatnan na kanilang ginamit sa kanilang pag-alis ng bansa? matagal din silang nag-isip bago sila makapag desisyon na tatanggapin na lang ang kanilang magiging trabaho. nandito na sila kaya no choice kaysa naman umuwi sila na problema din ang dadatnan baka pati utang ay lalo pang di mababayaran.
sa araw ding iyan, isang masamang balita ang natanggap ni cris mula sa knyang pamilya sa pinas. pumanaw na ang kanyang ina dahil sa stroke. hindi pa nakapagsisimula sa kanyang trabaho, isa pang problema ang naidagdag sa kanya. kawawang bata, hindi man lang niya makikita ang kanyang ina sa mga huling sandali nito. ano bang kapalaran meron siya? sana maging matatag siya sa mga darating pang problema.

halos parepareho kami ng kwento nina cris at ruel. si cris namatay ang kanyang ina habang nandito siya sa ibang bansa at hindi na niya ito makikita pa. si ruel nong nasa Qatar naman siya, namatay din ang kanyang ina pagkaraan ng dalawang lingo mula iwan ang pinas, hindi rin siya nakauwi. ang nangyari sa kanila ay katulad din ang nangyari sa akin noon. iba rin ang aking naging trabaho pagdating ko dito sa ibang bansa, paggagasolina at hindi sa opisina ang aking napuntahan. tinggap ko rin ito dahil alam kung kaya ko naman basta ang importante may trabaho at makabayad sa aking mga utang na iniwanan. inisip ko rin na hindi naman cgro ito panghabang buhay na trabaho. isama na rin ang aking mga pangarap na gustong matupad. Hindi pa ako nakakatagal sa aking trabaho, isa ding masamang balita ang aking natanggap mula sa aking pamilya sa pinas, namatay din ang aking ama sa sakit na matagal na niyang dinadala. Nakauwi ako dahil na rin sa tulong ng aking mga kaibigan.
Dahil sa aking pagsusumikap sa trabaho, nakitaan nila ako ng potential kaya binago na rin ang aking position. Sa fuel section pa rin pero ang pagkakaiba lang ay sa opisina na ako naka assign. Ako ngayon ay isa sa mga in charge sa distribution ng gasolina ng kompanya. mas malaking responsibiladad...
cris, ruel at ako.....................kaya natin to....
"wag mong sasabihin ng hindi mo kayang gawin ang isang bagay kung hindi mo pa ito nasusubukan"…BATMAN
12 Kumento Ng Mga Kupal:
iba talaga ang abilidad ng mga pogi... kakaiba dumiskarte at magpakita ng pakikipaglaban sa hamon ng buhay...
taen, pogi points yun ng 1million times parekoy..
re:pirma pirma
kung anu ang pinirmahan, yun na yun! hindi pwedeng maiba.. naloko at nagoyo nga ang kaibigan mo pareng Pogi..
kaya sa mga susunod na mabibiktima, ito ang tandaan nila, WALANG MANLOLOKO KUNG WALANG MAGPAPALOKO.. yun lang yun.
Grrrr...
Hanggang sa ngayon hindi ko pa rin matanggap kung bakit may mga recruitment agency sa Pinas na patuloy na nagpapahamak ng mga Pinoy sa ibang bansa.
At kahit na ano pang reklamo ang gawin natin, sa huli, tayo pa rin ang sinisisi. Tayo na nga ang biktima, tayo pa ang may kasalanan.
Pasensya na po. Pag usapin po kasi ng mga inaaping OFW, hindi ko mapigilan ang hindi magalit. Regards na lang po kay Cris and Ruel. Kayo na po ang bahalang magbigay sa kanila ng moral support.
magandang attitude yung meron ka... kung lahat lang ng tao ganyan ang pananaw sa buhay... di na mauuso ang depression...
Hi Pogi.. does this line sound familiar to you? This was Batman's line...."Sometimes the truth isn't good enough, sometimes people deserve more. Sometimes people deserve to have their faith rewarded..."
I commend you for holding on during those times of uncertainty for you. Would be best for Cris and Ruel to hold on and to have faith... It shall be rewarded!
Cheers and power to yah!
Taenang Agency yan..kapwa Filpino mismo ang niloloko. Kaya sabi ko sa sarili ko nuon, Umalis man ako ng Pinas para magtrabaho sa ibang bansa pero di ako dadaan ng agency..wala ka pang trabaho nagastos ka para lang sa kanila..
Sayo Pogi...Saludo ako sayo sa pagharap sa hamon ng buhay..Mabuhay ka pre at sana lalo ka pang pumogi lolzz
Pogi may comment sana ako rito, pero napahaba... Inilipat ko nalang sa blog ko. Pakibasa nalang doon. Salamat.
oo naman naniniwala ako na kaya nyo yan!
siryus mode ahh..
keri lang yan batman..
pray pray lang at wag kalimutan kumain..
mahalaga may workalush...
tigilan ang kaadikan sa buhay..
tsktsk..(off topic ata ako?)
serious ito ah... pero maganda ang attitude na ganyan...
"subukan munang matikman...paghindi masarap ang lasa, maghanap ng ibang kusinera na mas swabe magtimpla.."
pero sa lahat ng mga pinagdaanan...mas maganda kung may panalanging kasabay... :)... Goodluck!.. ^_^
hhmmnnn...mas lalo kang pumogi sa positive attitude mo! hehehe
kay cris, ruel at sa ating lahat:
Di pwede ang mahinang loob, Di titigil kahit sobrang pagod
Sige ng sige, habang may buhay; hanggang makamit ang tagumpay
pogi, isang quick lang ito na comment ha, although nabasa ko na ang post mo kanina. Please help sa PROJECT TWITCH ko by forwarding to your friends para kay kablog na yanah.
Salamat pogi. I will need your email and YM. Email me please, kenjishiela at gmail dot com
kuya pogi..gusto bang magreklamo nung dalawa? patawagin mo po dito sa pinas..02-928-7109..during oofice hours and days..yan po ang hotline ng aksyon oro mismo at imbestigador sa dz dobol b..public service arm ng am station kung saan ako nagwowork..sana makatulong kami
Post a Comment