Wednesday, 1 April 2009

imelda papin

hoooo! sa wakas. nakabalik din ako dito sa mundo ng kaadikan. ilang araw din akong nawala dahil nawalan ako ng connection. nagbabayad naman ako buwan buwan kaya hindi naman siguro ito dahilan upang akoy kanilang putulan ng ganun ganun na lamang.

nawala nga ako dito sa mundo ng kaadiakan pero sa ibang kaadikan naman ako nawili at nagsayang ng oras. dati pagdating ko galing sa trabaho ay conchuter ang aking kaharap. sa nagdaang mga araw iba na ang aking kaharap at kausap, kalansing ng baso at bote ng alak ang aking kabonding pag sapit ng dilim. mahigpit na ipinagbabawal dito ang pag-inon ng alak lalo kung wala ka sa tamang lugar. pero sabi nga nila mas masarap daw gawin ang bawal, kaya sa bandang madilim na lugar kami tumutungga upang walang makahalata at makakita sa aming ginagawa. mahirap din kasing uminun dito sa aming kwarto dahil hindi naman kami dito lahat ay pilipinong POGI, may ibang lahi kasi kaming kasama kaya ingat ingat lang baka mapunta pa kami sa mga pulis pangkawakan at welcome pinas ang aming bukas...

malaking bagay din sa akin ang pagkawala ng aking connection. nagkaroon ako ng attention sa aking sarili. mas nabigyan pansin ang mga problema lalo na ang aking buhay pag-ibig...dati kasi, harap lang ako sa aking conchuter, oras at problema ay nakakalimutan ko na. hindi namamalayan, inabot na naman ako ng kasunod na petsa ng buwan dahil sa sobrang kaadikan pati probelma at forget na.

maraming katanungan sa aking puso at isipan ang lumalabas. katanungan na hindi ko alam kung ako ba o dapat siya/sila ang sasagot? marami ang nagsasabi sa akin na huwag ko daw ibigay ang aking buong puso 'pag ako ang magmahal, magtira naman daw ako para sa aking sarili upang hindi ako masasaktan sa bandang huli. sa akin kasi, hindi yun pagmamahal kapag hindi ko ibibinigay ang aking buong puso para sa taong aking minamahal..... okey lang na ako'y masaktan basta ang importante naibigay ko ang dapat kong ibigay...yun ang pagmamahal na walang katumbas na halaga at saya na naipadama sa puso ng bawat isa.....ganun ako pag nagmahal...

ngayon.....hindi ko pa rin alam alam kung sino ang aking dapat sundin? sundin ang sinasabi ng iba na magtira naman daw ako para sa aking sarili o mas susundin ko pa rin ang dikta ng aking puso at isipan na ibibigay lahat sa ngalan ng pag-ibig?

ilang beses na akong nagmahal...ilang beses na rin akong nasaktan.......dahil sa bote ng alak nakakalimutan kita/kayo..........pero hanggang kailan? hindi ako si imelda papin (hindi ako isang laruan)................

tang-inang pag-ibig na uso pa!

15 Kumento Ng Mga Kupal:

Kosa said...

wow..
imelda papin..
ahhhh.. teka parekoy, pogi points yun ahhhh nagmamaal ka para ibigay mo ang laha kahit masaktan.. taena.. nakaka-inlab naman..

Lord CM said...

Hehehe :D Kwento mo pa lang pre dapat alam mo na kung ano dapat mong gawin...MAGTIRA KA NG PARA SAYO...paano mo mamahalin ang iba kung ang sarili mo eh di mo kayang mahalin...

MarcoPaolo said...

"okey lang na ako'y masaktan basta ang importante naibigay ko ang dapat kong ibigay...yun ang pagmamahal na walang katumbas na halaga at saya na naipadama sa puso ng bawat isa..."

-> wow wow wow woowwwooweee... hehehe ayos ang linyang yan ah. Iba ka magmahal parekoy! :)

101.1% pogi points lolz

<<<---jEn--->>> said...

haha..adik ka pogi
senti senti ka na naman....

ang mahalaga eh mahalin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao..yan daw ang pamantayan...

let yourself become worthy of somebody's love

haha..
wrong gramming ata..
pero share ko lang sayo yung natutuhan ko..:)
ishmayl lang..
ang alak nauubos, pero yung puso mo, titibok pa din yan sa ayaw mo man o sa gusto...

A-Z-E-L said...

poging-pogi ka sa post mong to...

walang katumbas ang pagmamahal na kaya mong ibigay.

hindi ka kamo laruan...
BAKIT?
pinaglalaruan ka ba? pinagpapasa-pasahan?
iniiwan kapag sawa na?
ibinabato kapag galit?
minemake-up-pan?
kinukulot ang buhok?

ay..manika pala un.. manika!!!

toinks!

gillboard said...

lintik na pag-ibig talaga yan.. hay naku... DOWN WITH LOVE!!!

-sigaw ng mga bitter...

RJ said...

Naku, bro. Kung hindi mo na siya mahal dahil binalewala ka niya noong nagkaproblema ka (nabasa ko sa dati mong post, 'yon ba 'yon?), ayos lang. Huwag mong pilitin ang sarili mong mahalin siya ulit.

Nawala ka rin pala sa blogosphere, dahil nawalan ka ng connection?! Welcome back!

Ang masasabi ko lang: Bakit ang blogging hindi naman bawal pero masarap at nakaka-addict? o",)

Mr. Thoughtskoto said...

Pogi, nabasa ko, at naramdaman ko rin yan. lahat yata tayo, may ganung feeling.

For guys like us, tayo ang nagsasabi na love natin yung girl, and minsan di talaga love at first sight, pero we keep loving the girl di ba kasi, real love is giving without expecting anything in return (wag sana dumugo ang ilong mo sa english ko) hahaha!

at saka love ka lang ng love, hayaan mot, apti hininga mo, puro heart yang lalabas, at remember. pogi ka! Take a stand, that you are pogi inside and out, hamo't ikaw pa hahabulin ng girl na yan.

Jez said...

sa amin, libre connection, dami naka wifi sa mga neighborhood ko weh,,heheheheh

ang love ata ang hindi nawawala sa uso eh noh, napapanahon kahit anong panahon..hihih

maghintay, in God's time
hayaan mo kapag nakasalubong ko ang pag-ibig mo eh sasabihin ko bilisan nya sa paglalakad at naghihintay kna..

hayyyzzz...smile, smile,,,tagay mo oh etooohhh..

Dhianz said...

naks drumama si batman. kala koh kakanta kah na nang isang linggong pag-ibig eh. wehe. dumaan lang mr. conchuter!. hehe. ingatz! Godbless! -di

jhosel said...

tsk. drama ito ah.. pero ang masasabi ko lang.. sabi ni bo sanchez ng kerygma magazine.. (haha, advertisement), love yourself first so that you can love others and be loved.. anong koneksyon nyan sa problema mo? di ko din alam e. nashare ko lang. lols.

yAnaH said...

sabi nga dati sa blog ko... (nung maayos pa un) we were given a few wrong people in our lvies so that when the right one comes along, were prepared.. were ready for them..
tinetest lang tayo kung hanggang san ang kaya natin..
at sa pagmamahal ng totoo, tapat, wagas na hindi naghihintay ng kapalit.. tama lang yun.. un naman talaga ang tunay ng ibig sabihin ng pag-ibig, giving yourself---a part of you without asking for anythign in return kase kung naghangad ka ng balik... hindi na totoong pag-ibig ung nararamdaman mo..
yun nga lang, dapat magtira ka ng kahit kaunti para sa sarili mo.. dahil kung hindi, when that person u love decides to leave you and it left you broken into pieces, then you'll have the chance to stand up and pick up the pieces of you na nagkalat.....i should for ive been there and done that..
ok lang yan... it may hurt badly talaga ngayon, pero in due time, youll soon be able to heal yourself completely and be ready for a new love.. :D

Desert Aquaforce said...

hindi ako laruan ni imelda papin? aba yan yung piyesa ng aking kaklaseng chicks sa amateur singing contest ah.

bayaning-bayani ka kung umibig pogi... pakinggan mo ang puso mo...malakas ba ang pintig? pero magtira ka naman ng pag-ibig para sa sarili mo... kahit kaunti man lang. hahaha.

Everlito (ever) Villacruz said...

ayos ang tema mo pards...pang soundtrack..!

poging (ilo)CANO said...

sa mga dumaan maraming salamat po sa inyo. hindi ko po namalayan na nakagawa ako ng entry nung araw na 'yan....

bangag este nilasing nila ako kaya nadala rin ang aking emosyon....lolzzzz..

Template by:
Free Blog Templates