Wednesday, January 28, 2009

hanggang kailan?

bakit ba kasi ako pinanganak na mabait at matulungin? di na lang kagaya ng mga iba na barombado, gago, mangmang at walang kwenta. siguro pag naging ganun ang aking katangian, malamang wala akong masyadong iniisip at pinoproblema ngayon dahil tiyak ako ngayon ang kanilang pinoproblema.

hanggat meron ako, nakahanda akong tululong sa mga nangangailangan basta gagamitin sa mabuting paraan. di baleng ako ang mawalan basta ang importante nakatulong ako sa kanila. pero ba't yung ibang mga tao ganun? pagkatapos mo silang tulungan, hindi ka na nila kilala. nakuha na nila ang kanilang gusto kaya didededma ka na lang nila. tila para kang poste na lang sa kalsada na dinadaan daanan at mapapansin lang kung may nakasinding ilaw at kung minsan wala pa dahil pundido sadyang pinatay talaga.

alam kung matagal nang inaabuso ang aking kabaitan, pero hanggang kailan?

Saturday, January 24, 2009

ang pagtatagpo

kahapon, isang mahalagang pagtatagpo ang naganap. isang pagtatagpo na muntik nang hindi matuloy dahil nag busy busyhan ang iyong lingkod. alas dose ng tanghali ang napagkasunduan namin para magkitakita sa mata pero dahil may biglaan akong pasok sa trabaho, na move yung oras sa hapon. paglabas ko galing sa trabaho , agad akong tumungo sa paliparan (bus station) para sumakay papunta sa kinatatayuan ng mga paa nina yanah at (ferdie) jen. dalawang oras ang biyahilo mula abu dhabz hanggang sharjah. habang akoy nasa himpapawid, bumuhos ang malakas na ulan at medyo foggy na rin ang daan kaya bumagal ang takbo na van. in short....na late ako ng dating sa tagpuan. medyo basa akong dumating sa sharjah pero ayos lang dahil hindi naman nabasa ag aking sisiw.joke..lols.

dahil sa ulan, hindi natuloy ang plano na sa al qasba magkikita. doon daw kasi ang magandang pasyalan at sa may thai resto kami lalafang. no choice, sa megamall ang magiging tagpuan. pagdating ko sa megamall, tumawag ako kay yanah para tanungin kung nasaan sila? at ayun..andun daw sila sa hongkong..hongkong resto pala na super tagal na daw silang naghihintay sa akin (wheee..maniwala!). pagdating ko sa hongkong resto, tumawag na naman ako ulit dahil hindi ko sila makita. hanggang miskol lang kasi sila eh..amf!..nagcelfon lang para may pang miskol. ano ba yan?.joke!lols.

batman: asan kayo? andito na ako sa fudcort.
teletubbies: dito sa malapit sa hongkong
batman: san dito? eh andito ko sa tapat ng hongkong
teletubbies: ay! nakita na kita, harap ka sa kanan mo.
batman: di ko kayo makita. san ba?
teletubbies: nakita na nga kita, lingon ka sa kanan. naka gray na jacket ka diba?
batman: oo
(nagkita din sa wakas..nakita ko na ang mga magagandang dilag sa balat ng sibuyas este lupa..hehehe.)

nagsimula ang lahat sa pagpapakilala sa sarili na parang grade 1. ako po si....pinanganak sa....pagkatapos ng pagpapakilala, umpisa na ang kwentuhan, tawanan, asaran, (chansingan, kurutan sa....joke!ala po yun..hihihi) hanggang sa nagtanungan na kung saan lalafang? hindi pede sa thai resto, ayaw sa hongkong resto, kaya ang bagsak namin sa "my home" filipino resto....tangkilikin ang sariling atin. (yung tip sinungkit ni yanah ung papel na nakaipit kaya 50fils lang natira..hahahaha..peace).pagkatapos ng lafang. balik na naman sa mega...ikot ikot...at xempre para may ala-ala nanjan yung kodakan...

sa una, ayaw magpakuna ni yanah...

pero after ng lafang...go na go na sina yanah at jen...at xempre kasama din ako

(ferdie) jen..yang ang totoo niyang pangalan (ayaw pa kasi sabihin eh...hehehe)


artista yan....

one...two....three....lingon....clik....

hahaha..walang gustomg pumik-up........hirap sumakay ng taxi noh!


pasado alas nuebe na ng gabi. kailangan ko nang magpaalam para bumalik na sa sa malawak kung lupain...balik disyerto ulit...at para mapuntahan na rin nila ang kanilang importanteng lakad...ensayo sa pag-aawit bilang paghahanda sa nalalapit nilang recording...hanep...


yanah at jen, salamat sa oras na inilaan niyo sa akin, maiksi man ito pero sulit din. sa mga oras na iyan, umiba ang mundo ko, naging masaya ang boring kong mundo. at sa wakas nakakita rin ako ng magagandang dilag katulad niyo at hindi lang puro pato at itik ang lagi kong nakikita dito. pasalamat kayo't hindi kayo naging pato at itik sa paningin ko..hihihihi..joke..sa uulitin.....ako naman libre niyo.....hahahaha....more fun and time sa part 2 ha.....kita kitz.....

Wednesday, January 21, 2009

basang sisiw

tag-lamig pa rin ngayon dito sa amin. masarap sanang magkulong at matulong na lang sa loob ng kwarto pero hindi pwede dahil kailangang pumasok sa trabaho. kada umaga, aasahan mo na makapal ang fog sa labas na laging nagdudulot ng aksidente sa kalsada. madalas itong nangyayari dito. alam na nga nilang bawal bumiyahe lalo na pag zero-visibility ang daan, mga pasaway, todo arangkada pa rin sa kalsada, kaya ang reward nila, isang malufet at malagim na desgrasya. masuwerta ka kung ang hahantungan mo ay ospital at pulisya lamang dahil sa ospital libre ka lalo na kung may insurance ka at kung sa pulisya naman, magbabayad ka lang ng multa at menus puntos lang ang iyong licensiya, ang iyong kaso solve na. pero pag minalas ka, hahaha..tiyak tapos na rin ang biyahe ng buhay mo. hanapin mo na lang ang katawan mo sa morgue at mag bye bye ka na sa sarili mo.

kasabay din dito ng tag-lamig ay ang tag-ulan lalo na ngayong buwan ng enero. minsan maghapon, magdamag, umaga o hapon pag umulan, pero mas mahaba ang panahon na walang ulan. kaninang umaga, napansin ko na makulimlim ang kalangitan, tila nagbabadya na uulan. paglipas ng oras, gumaganda na ang kalangitan, ngumingiti na rin ang araw kaya tuwang tuwa na rin ang mga itik at patan na nag susunbating sa gitna ng araw. pagsapit ng hapon, nag-iba na naman ang panahon, lumamig lalo ang ihip ng hangin at dumilin lalo ang kalangitan. pagdating ko sa bahay galing sa trabaho tumambay (wala akong ginawa dahil wala si visor the wholeday..saya!), nagsimula nang umambon at kumulog (walang kidlat)..tuloy tuloy pa rin ang ambon hanggang sa bumuhos na ang ulan.......

umuuulaaan nnaaanggg umuulaaaan.....

kumidlat....

kumulog......

kumulog..

kumidlat...

kumulog...

(wala nang kidlat)...

at wala pa ring humpay ang pagbuhos ng lumalakas na ulan....kahit dito marami rin ang pasaway kasama na ang mga maliliit na nilalang......



...........tumakbo ang sisiw.....


dahil sa malakas na buhos ng ulan..........



..................nabasa ang sisiw





BASANG SISIW...








Sunday, January 18, 2009

warning sa tsinelas

normal na sa akin ang makatanggap ng tawag mula sa aking mobile mula umaga hanggang hapon at sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino ang nasa kabilang linya. kaninang umaga, tumawag ang isa kong kasamahan sa trabaho mula sa kabilang opisina. pagkatapos ng sandali naming pag-uusap biglang nag-iba ang boses ng kausap ko, yun pala hindi na siya ang kausap ko, si manager na pala ang nasa linya. hindi ko siya agad nakilala dahil hindi ko masyado kabisado ang kanyang boses. buti na lang at nagpakilala siya kung sino siya. malimit ko lang kasi siya makita at kung pumupunta sa amin ay saglit lang saka pag tumatawag naman ay si visor lang ang kinakausap niya. pero starting next month, araw araw ko na siyang makikita at makakausap dahil lilipat na sila dito sa aming opisina after matapos ang expansion nito. sa umpisa ok naman ang aming pag-uusap, nag umpisa sa kamustahan hanggang dumating na nga na sinabi niya na may problema daw, isang problema na ako daw ang may kasalanan. itoy tungkol sa krudo, oo krudo as in diesel in english na aming inissue noong panahaon pa ni pong pagong september 14, 2008. (tagal na pero ngayon lang umangal). as per the request daw, 7 gallons lang ang dapat ibigay pero sa issue report ko 10 gallons ang nakasulat na issue, so sumubra siya ng tatlo. sa aking pagboboklat sa aking mahiwagang aklat, nakita ko nga na ganun, 7-R 10-I ang naka sulat, dapat sana 7-R 7-I ang tama. nung i-check ko ang reading ng metro base sa listahan ko, tama naman eh 7 gallons ang inissue. nagkamali lang ng entry yung diesel man na nagsulat. siguro sa kanyang pagmamadali para lumandi, imbes na 7 ang isusulat niya ginawang 10 kasi 10pm din ang kanyang out. si kupal kasi ginawang timecard ang aking report. bilang verifier ng mga issue, dapat bawat letra,numero, tuldok o kuwit na nakasulat sa request dapat tinitignan ng mabuti para malaman kung tama o may mali. at dahil isa rin akong kupal na epal, nag assumed na lahat ng entry ay tama, korek na korek na, pinasa ko ang report na hindi rineview.(minsan kasi nagmamadali din akong mag may i go home na dahil atat na atat din akong tumagay..hahahah) dahil daw sa tatlong gallon na yan, ayaw daw magbayad yung department na gumamit dahil overcharging daw kami , kaya lahat ng mga invioce na ginawa para sa kanila pati ung walang discrepancy ibinalik sa kanya dahil lahat daw ay mali. sa puntong iyon, dun na nagsimulang uminit ang ulo ni amo at mahihirapan na daw siyang maningil ngayon saka ulit trabaho na naman dahil sa kagagawan ko. sinisi ni amo sa akin lahat ng pangyayari. hindi ko daw ginagawa ng mabuti at maayos ang aking trabaho (tama siya pero hindi lagi ah!) hindi naman niya ako masyadong sinabon, slight lang ba, di gaya ng pagsabon sa akin dati ng aking visor tungkol lang sa virus, mas mabait kasi siya eh (pero hindi pa siya kinikuha ni lord.joke). dahil alam ko na fault ko ang lahat, humingi na lang ako ng sorry tulad ng paghingi ng sorry ni gloria sa bansa sabay sabing hindi na yun mauulit. tinanggap naman niya ang aking sorry at dapat hindi na rin daw yun uulitin pa.(hindi siya katulad ni susan roces na hindi tumatanggap ng shory) ayos solve na...lintik kasing tatlong gallon na yan nadamay sa global crisis..

bago mag uwian, isang envelope ang inabot sa akin ng aming driver. happy ako dahil malamang love letter na yan galing sa aking nawawalang nagmamahal..hahaha..pero nang aking buksan..wow....surprise!..love letter na galing kay amo..isang love letter na malupit..isang WARNING letter na nakasulat sa malalaking titik..lupit mo tlga amo! tatlong galon lang pinalaki mo..lol..sarap basahin ng nakapikit sabay tapal sa mukha mong pangit (mas pogi ako eh) .."You are warned that in the future negligence, misbehavior or violation of company orders will be viewed seriously and suitable action will be taken against you and your services may be terminated..taena..utot mo..


maiba nga ng kwento, nung nakaraang araw kasi may napansin ako sa aking pintuan na isang piraso ng tsinelas, siguro yun sinasabi sa akin ni katagayang mulong na may naiwan daw sa aking tahanan na tsinelas. baka ito nga yon? dahil sa iisang piraso lang at hindi ko ito pwedeng gamitin, so anong gagawin ko dito?...hmmmm..teka nga..isip muna ako...ayon may naisip na ako...may gamit pala yan kahit isang piraso lang...total badtrip ako sa aking amo, gagamitin ko na lng yan na panghampas sa kanyang mukha hanggang masira para tigilan na niya ako..wish ko lang na matibay pa rin ang tsinelas na yan para hindi agad masira at tuloy tuloy pa rin ang kanyang paglalakbay kahit wala siyang kasabay.

Wednesday, January 14, 2009

Araw Ko To

january 15, 19xx - isinilang ang isang batang malusog, mabait, masunurin at gwapo mula sa sinapupunan ng kanyang ina dito sa mundong mapaglaro. ito ang naging produkto ng paglalampungan nila ng kanyang asawa mula sa madilin na kwarto na may matigas na papag na yari sa kawayan. pagkasilang sa malusog at gwapong bata, agad nila itong pinabinyagan at pinangalanan siyang si poging(ilo)cano....

at ngayon.......birthday ko na namaannnnnn.....yahooooooooo...happy beerday to me......

hindi ko na talaga mapipigilan pa ang super bilis na takbo ng panahon ngayon. tumanda na naman ako ng isang taon. pero di bale, ok lang sa aking yan kasi edad lang naman ang nagbabago at tumatanda pero ang itsura eh, aba xempre! baby face pa rin at mas lalong gumagwapo. (wag na kayong umangal jan dahil yan naman talaga ang trulalo..isang tagay para jan..apir!) hindi ako kagaya ng iba jan na sumasabay ang kanilang itsura sa pagtanda ng kanilang edad..hahahaha..marami bang tinamaan? sorry ha! tanggapin niyo na lang ang katotohanan..wheeeee..

sa mga bumati sa akin sa txt, ym, friendster, myspace, multiply, facebook, notebook, slumbook, alikabok, bokbok, kabuladas, at xempre sa inyong lahat dito sa mundo ng blogosperyo maraming maraming selemet sa inyo mula sa aking balon balonan, atay, bituka, laway at siyempre mula sa aking nalulungkot pang puso..maraming maraming teynk you to ol of u.....sa aking ina na humabol sa pagbati habang ginagawa ko tong post ofis na ito, kala ko forget niyo na beerdey ko na naman. na touch ako pero ayaw ko nang umiyak kc pagod na ako sa kaiiyak. dati hindi mo kasi ako binabati kaya nagulat ako sa sms mo.hahaha..(nagpapadagdag cgro ng monthly allowance..joke!)pero at this point susuwayin ko pa rin payo mo dahil magpapakalasing pa rin ako. sabi nga nina kosa at mulong ..sige..sige lang..kaya..go..go..go..ako.payong pangkaibigan talaga...bago ko makalimutan, selemet din sa songer na si teletubbies sa pagkanta niya haba berdie to me (korek siya pero hindi pa ako old..peace!) sa umaga kung kay ganda na puno ng surpresa. and of course golf course selemet din kay erpat jesus sa pgbibigay niya ng grasya sa aking lyf.

PS
sa mga magbibigay po ng mga regalo, nais ko pong ipaala sa inyo na hindi po ako tatanggap ng anumang regalo mula sa inyo. kung maari lang po, yung pambili niyo ng regalo ay i-donate niyo na lang po sa king foundation "Bulsa Ko Alagaan Ko Foundation" para makatulong po tayo sa mga kapos palad nating mga kababayan katulad ko. para sa karagdagang impormasyon, makipag ugnayan lang po kayo sa akin. "Mag-ingat sa manloloko:..hahaha
-----------------------------
bukas po ang main party ko, sa bech po yan...peknec peknec lng..tuloy po yan rain or shine, kahit magtidal wave o mag sandstorm pa. wala nang atrasan...happy inuman...wahahaha.envited po kayeng lehet...pwede rin pumunta yong mga invited by the invited...kita kits....


Tuesday, January 13, 2009

Paalam!

halos magdadalawang buwan na rin mula nang ikaw ay magpaalam at wala na rin akong narinig mula sa iyo kung ikaw ay nasaan at ano ang iyong kalagayan. gabi gabi bago ako matulog, lagi kong panalangin sa Maykapal na sana ay nasa mabuti kang kalagayan at babalik dito kung saan tayo nagtagpo. hiningi ko na rin ang tulong ni batman para ilipad ka pabalik dito na libre, pero pati siya pasaway, hindi rin nakinig sa request ko. (batman idol pa rin kita kahit pasaway ka). gulong gulo pa rin ang isip ko. marami pa rin akong katanungan pero sa tingin ko ako din lang ang sasagot sa mga iyan. sa aking pag-iisip isip, na realized ko na hindi dapat dito hihinto ang karera ng aking buhay dahil lang sa pag-ibig na iyan, kailangan kung ipagpatuloy ito para sa katuparan ng aking mga pangarap. sabi nga nila life must go on....sa puntong ito, sasabihin ko na ang dapat kong sabihin. diretsahan na para madali. sumusuko na ako, hindi ko na kayang maghintay pa sa wala. pagod na ako at mas lalong pagod na rin ang aking kawawang puso sa paghihintay at umaasang ikaw ay babalik pa na may dalang pagmamahal galing sa iyong puso....oras na para aking harapin ang bukas...kaya....paalam...


hindi madali para sa aking ang desisyon na ito dahil may pinagsamahan din tayo kahit papaano pero kailangan kong gawin para sa kapayapaan na rin ng aking sarili at para maipagpatuloy na rin ang dapat kong ipagpatuloy. yung iba nadamay na rin sa naging hakbang kong ito dahil sinisisi ko sila kung bakit ka pa nila pinakilala sa akin at kung bakit din kita nakilala ..tama nga si kuya sa sinabi niya noon, baka masasaktan lang daw ako pag seseryosohin kita. at eto na nga nangyari na. kung alam ko lng na ganito ang mangyayari sana noon pa nakinig na ako sa kanya.


para sa mga pangarap natin sa buhay, hanggang pangarap na lang dahil hindi na iyon matutupad kailanman. si kessler lloyd at kim louisse ay pangalan na lang na nakasulat sa papel. mga pangako natin sa isat isat na tayoy magsasama sa "hirap at ginhawa", sa "lungkot at ligaya" at ang bago "kung may load man ang celfon natin o wala" ay tayo pa rin, pero lahat yon binaliktad ng tadhana..



maraming salamat sa lahat.....sa pagmamahal at pag-unawa na binigay mo sa akin......paalam......


Sunday, January 11, 2009

lumang papel

i do not want to love again
oh! how i want to be at peace
for love to me brings only tears,
no happiness, no, none of bliss.

i do not want to love again
i want to be just where i lie
in love, one moment you feel grand
and then the next day you feel you'll die

but this i want to do again:
i want to be a friend to one
who understands me as i am;
one who read my silly thoughts
and wipe them out with funny jokes;
one who knows when its time to sigh
or time to sing or time to cry;
one who can listen as i sing
and drink to the message i bring

oh yes, indeed, i am tired of LOVING
but with a friend, life can be worth living...
(ang tula ay mula sa aking crush 6 years ago. binigay nya sa akin yan nung nalaman niya na hindi pala siya type ng crush niya na kasama din namin sa trabaho.till now, nagatago pa rin sa aking wallet ang papel na yan.ewan ko kung bakit?)..baka antique..


Thursday, January 8, 2009

Bagong USB

BABALA: corny!
isang ma virus na araw sa inyong lahat. kaninang umuga, fresh na fresh at poging pogi akong pumasok sa trabaho dahil pogi naman talaga saka bagong ligo kahit hirap akong maligo dahil sa sobrang lamig ng tubig galing gripo,(sira ang heater,malas naman) exited akong pumasok sa trabaho kasi ilang araw na lang ay sweldo na(sarap tlga pumasok pag malapit na sweldohan),hahaha.may pera na ako na gagamitin sa aking nalalapit na kaarawan.yahoooo…inuman na! hapy bertday to me! pagpasok ko sa kusina ah este opisina, xempre unang gagawin eh i-boot yong computer. habang nagboboot yong computer nagtimpla muna ako ng tea, pagbalik ko sa aking umiikot upuan with a cup of tea, (sosyal) aba! nagulat ako sa nakita ko. yong cursor may nakasulat na “happy birthday to you” kahit saan ko siya dalhin sa screen sumasama pa rin. Wow! hanep ang computer nato,galing,marunong, iba ang dating, binabati na ako ng happy birthday kahit hindi ko pa bertdey, galing naman! sosyal hi-tek! after 5 minutes, nag shut down ang pc den bumukas ulit pero iba na message “please press ctrl + alt + del to restart”..sosmaryosep, naka sampung press na ako pero the same pa rin ang message, hindi pa rin nag rerestart. si visor nainggit kaya nakipindot na rin pero ala pa rin nagyari…..to the rescue, tumawag na ako sa IT Dept. and told about the problema. pagkatapos kung nasabi sa IT ang nangyari, agad niyang sinabi na “may VIRUS ang computer mo”. sinabi na din niya ang mga posibleng source ng virus which is mostly coming from usb..kailangan ko daw dalhin ung CPU sa kanila para i-treat yong virus at ang mga usb na ginamit para malaman kung saan at kanino galing ung pesteng virus na yun para mabigyan nila ng proper action. d ko alan kung anong action un, bka axion na sabon lang yun? (patay ako shitz..usb ko kc ang pinanggalinagn ng virus, affected din kc ung loptop ko kahapon pero treated agad kc updated naman ung anti virus ko.) pagbaba ko ng phone, sinabi ko agad kay visor na may virus ang computer at ang posibleng source nito kung bakit nagka virus. tangz na niya! na hi-blood ang low-blood. nagalit talaga! sinabon ako kahit bagong paligo lng ako. sa akin lahat sinisi kasi ako lng naman daw gumagamit. nanlamig lalo ang malamig kung katawan dahil sa reaction niya. feeling ko mas lalo pa akong pomogi kasi nagblulush na ang aking mukha kahit hindi ako naglalagay ng blush on..lolz! ako naman si palusot “sir! I am not the only one using this, also bla..bla..bla..is using, you shouldn’t blame all to me…mdyo pasigaw din ako para patas ang laban d b! hindi parin kontento ang visor kung kumag, sinumbong pa ako kay manager na i am misusing the computer daw, kaya si manager call din agad sa akin at daming tanong na “why, bakit, apay (magkalahi kc kayo kaya pinagtutulungan niyo ako..itik kayo).

on the way going to IT…
habang kami ay nasa daan w/ driverman, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,tuliro,balisa,kabado, kasi tiyak mabubuking at madadali ako pag binigay ko ang usb sa kanila. dahil mautak si poging(ilo)cano at mga pinoy in general…pero hindi lahat ng pinoy na gwapo mautak..(kunti lang kami na brain and gwapo, doc RJ, kosa, aba extra!pogi b tlga kayo?) hahaha…pinadaan ko ung chedeng namin sa nag-iisang malaking supermarket (malaki na super pa) na aming madadaanan para bumili ng bagong usb at yon ang ipapakita ko sa mga taga IT…pagdating sa store, takbo agad ako sa gadgets area at nagtanong kung meron sila “kabayan may usb ba kayo? Kahit 256mb lng?” “tignan ko po sir”, “pwedeng pakibilissan kc nagmamadali ako”, “sir wala po kaming stock na ganun”,” so ano meron?”, “8GB lang po ang available namin, out of stock po lahat”,” ha! Kahit isa wala”, “sir wala po talaga xenxa na po”, “eh magkano naman un?”, “80 dirhams po”, “cge kunin ko na lng, kailangan ko kc agad eh”, pagdadting ko sa cashier para magbayad, problema na naman day at dong, 70 lng ang nasa bulsa ko, kulang ng 10 (ito na lang din kc ang natitira kung pera at ollowance hanggang sweldo, sa 10 pa kc kami sahod..hehehe..lapit na..lolz..) dahil sa kahihiyan palusot na naman si pogi, “ms pwede ko bang balikan after 5 minutes kasi nakalimutan ko ung wallet ko sa car"hahaha..para naman akong may car, yon pala mangungutang ako sa driver na nsasa car .yabang! binalikan ko naman yong usb after ako naka utang, kaya ngayon wala na akong pera, negative pa.lintik na usb!.....pagdating ko sa IT Dept., binigay ko agad yong CPU at USB, after 1 hour na paghihintay, binalik na sa akin yong CPU na treated na raw ung virus saka updated na rin ung anti virus nya. good news, hindi dw sa akin nanggaling yong virus, baka sa iba dw na usb..hehehe..nek,,nek,,niyo..utak pinoy kaya to!.lusot na naman.hahaha..saya saya noH!
balik opisina…..
pagbalik ko sa ofis, iba na ang mood ni visor, iba na ang ihip ng aircon, hindi na siya dangerous itik kundi isa na siyang anghel na itik..lolz.tinapos na dw din niya ung pending work ko kc bc ako..hahaha..salamat sa sarili ko at sa virus.. malamang tinawagan siya ng mga taga IT na hindi sa akin galing ang virus kaya naliwanagan ang utak kaya good mood na siya.kawawang tanga naman…(peace na tayo bossing para bigyan mo ako ulit ng OT)...kaya ngayon bago usb ko..yun lng..wla lng..
New Rule: “Using of Personal USB is Strictly Prohibited”

Wednesday, January 7, 2009

itigil nyo na!

nakakalungkot, nakakaawa! hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari ito ngayon? mga batang walang kasalanan sila ang lubusang nadadamay sa mga giyerang hindi nila alam kung ano ang dahilan at pinagmulan.sabog dito, sabog doon. gaya ng pagsabog ng mga bomba, sasabog na rin ang mga pangarap nila dahil sila ang higit na apektado sa kaguluhang ito. mga batang dapat sana’y sa kalsada naglalaro o kaya nasa school nag-aaral, pero nasaan sila? nagtatago dahil sa takot na dulot din ng mga masasama at walang konsensiyang tao. Tulad ng isang anghel na bata na nasa larawan, anong ginawa niyo sa kanya? hindi na kayo naawa. ilang batang anghel pa ba ang madadamay dahil sa kawalanghiyan ninyo!giyera sa gaza at sa buong munso itigil na…kapayapaan ay ating isigaw!
(ang larawan ay kinuha ko mula sa Madhyamam, indian international newspaper)

Monday, January 5, 2009

walang alak


ano b naman to? kung gustohin naming uminon ng alak wala pang mabilhan. ito kasing ITIK na aming kontak, pinapunta pa kami sa gitna ng maginaw na disyerto pero hindi sumipot ang gago. pinaglakad pa kami ng isang kilometro papaunta dun , un pala wala kaming madadatnan kahit isang bote man lng..patawag tawag pa na dun sa dating tagpuan mag aabotan..hindi man lang nakisama ang kumag para mainitan naman sana ang nangangatog naming body dahil sa coolness ng weather ngayon dito sa wilderness...nxt time na gagawin mo pa yan, papahuli ka na namin sa police na matulis para ideport ka sa bansa mong india!punyemas ka!


badtrip ako kaya isipin ko na lng si angelica!wat a faking shetz!

Saturday, January 3, 2009

Nasan Ka Na?

nagpaalam ka na uuwi sa ating bansa at babalik din pagkatapos ng maikling bakasyon.bago ka umalis,sinabi mo na magpaparamdam ka agad paglapag na paglapag ng eroplano mo sa airport ng maynila na maraming asungot. lumipas ang oras, araw at buwan, ni ooy, ni aay wala man lng akong narinig sa iyo kahit pampa arouse man lang na mensahe galing sayong mobile patungo din sa aking mobile. naki balita ako sa mga malalapit mong kaibigan dito kung alam nila kung ikaw ay nasaan o ano na ang iyong kalagayan, sagot din nila skin ay di nila alam kung ikaw ay nasaan. hindi ko alam kung kinonchaba mo sila para hindi nila sabihin sa akin ang totoo mong kinalalagyan.ang bilis mo nman atang nakalimot.kung may problema ka man, bat di mo sabihin sa akin, handa naman ako lagi na makinig sa iyo alam mo yan. alam kung bata pa ang ating relasyon pero sa akin walang bata bata sa dalawang pusong nagmamahalan kahit wala pa tayong nagagawang bata..hahaha.joke!



Ngayon,marami akong katanungan na kailangan din ng agad agad na kasagutan. mahal mo pa ba ako, o talagang ako'y iyo ng kilalimutan? may mali ba akong nagawa? nasaan ka na? may iba k n b? o nag Game KNB na sa iba? babalik ka pa ba o nakabalik n? maghihintay pa ba ako sayo o wala na akong hihintayin pa? sana kahit isa sa mga katanungan ko,may sagot para alam ko kung ano ang gagawin ko..malapit nang mapagod ang aking humihikbing puso sa paghihintay sa iyo....



hanggang sa muli nating pagkikita kung magkikita pa tayo...........



naghihintay at umaasa sa wala,

poging(ilo)cano

Template by:
Free Blog Templates