tag-lamig pa rin ngayon dito sa amin. masarap sanang magkulong at matulong na lang sa loob ng kwarto pero hindi pwede dahil kailangang pumasok sa trabaho. kada umaga, aasahan mo na makapal ang fog sa labas na laging nagdudulot ng aksidente sa kalsada. madalas itong nangyayari dito. alam na nga nilang bawal bumiyahe lalo na pag zero-visibility ang daan, mga pasaway, todo arangkada pa rin sa kalsada, kaya ang reward nila, isang malufet at malagim na desgrasya. masuwerta ka kung ang hahantungan mo ay ospital at pulisya lamang dahil sa ospital libre ka lalo na kung may insurance ka at kung sa pulisya naman, magbabayad ka lang ng multa at menus puntos lang ang iyong licensiya, ang iyong kaso solve na. pero pag minalas ka, hahaha..tiyak tapos na rin ang biyahe ng buhay mo. hanapin mo na lang ang katawan mo sa morgue at mag bye bye ka na sa sarili mo.
kasabay din dito ng tag-lamig ay ang tag-ulan lalo na ngayong buwan ng enero. minsan maghapon, magdamag, umaga o hapon pag umulan, pero mas mahaba ang panahon na walang ulan. kaninang umaga, napansin ko na makulimlim ang kalangitan, tila nagbabadya na uulan. paglipas ng oras, gumaganda na ang kalangitan, ngumingiti na rin ang araw kaya tuwang tuwa na rin ang mga itik at patan na nag susunbating sa gitna ng araw. pagsapit ng hapon, nag-iba na naman ang panahon, lumamig lalo ang ihip ng hangin at dumilin lalo ang kalangitan. pagdating ko sa bahay galing sa trabaho tumambay (wala akong ginawa dahil wala si visor the wholeday..saya!), nagsimula nang umambon at kumulog (walang kidlat)..tuloy tuloy pa rin ang ambon hanggang sa bumuhos na ang ulan.......
umuuulaaan nnaaanggg umuulaaaan.....
kumidlat....
kumulog......
kumulog..
kumidlat...
kumulog...
(wala nang kidlat)...
at wala pa ring humpay ang pagbuhos ng lumalakas na ulan....kahit dito marami rin ang pasaway kasama na ang mga maliliit na nilalang......
...........tumakbo ang sisiw.....
dahil sa malakas na buhos ng ulan..........
..................nabasa ang sisiw
BASANG SISIW...
Wednesday, January 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 Kumento Ng Mga Kupal:
taena..
buti hindi ka tinatamaan ng kidlat pareko?
lols
mga pogi madalas tamaan ng kidlat..
hahaha
joke
base sa sinabi ni kosa, ang ibig sabihin hindi ka daw pogi? ahihihihi
may sisiw ba talaga?
ano kulay?
o baka wala, tungek na naman ako kaya hindi ko naintindihan? anubeh?! hahaha
[Whew! Katatapos ko lang tumanggap ng 120,000 sisiw ngayon, ta's dito sa blogosphere sisiw na naman?! Kung dyan sa inyo ikaw ay isang basang sisiw, kami rito ay tuyong sisiw! Peak na kasi ng summer dito!]
Mag-ingat sa pagmamaneho, Pogi. Enjoy mo nalang ang weather nyo dyan, kasi alam kong 'pag dumating na ang tag-araw tiyak mami-miss mo ang klimang 'yan.
wawa naman yung sisiw!
Oo nga kawawang sisiw :(
ako pala to si manilenya
kosa,
dahil ako ang leader ng mga pogi, hindi ako tatamaan ng kidlat. hari dapt ang naghahari pari dumami ang pogi,,,lolss
yAnaH,
may sisiw kulay dilaw. hindi mo ba nakita?
tungek k nga...joke..lolz
doc aga,
doc baka ung isag sisiw niyo nakawala kaya dito siya tumakbo, ayan tuloy nabasa siya..
kahit anong klima pa ang dumating dito, laging naka ready ang mga pogi..poist ba...hahaha..
josh,
tsk..tsk..tsk...
manilenya,
kamuzta na kayo ni kosa?
haaaaaaaaaaaaay ang lalim pala... lols
kawawang basang sisiw naging sentro ng usapin ng hindi naman talaga dapat tungkol sa kaniya.
hindi ba dapat eh talim ni kidlat o kaya eh kulog nambubulabog?
hahaha, palalilaman ito!
taena.. manilenya? lols
at anu yung epal ni yanah, paninirampuri? lols
peace..
oks lang
wala na akong puri!!!
lols
kosa,
hindi ko na eepalan ang sinabi ni yanah...ksi hindi niya alam ang kanyan sinasabi.lols
haha---talagang me sisiw literally no? nways--mahirap siguro talaga pag ulan sa isang lugar na malamig---siguro parusa~~~
haha, akala ko kung ano na?
sa poultry din ba work mo gaya ni kuya rj?
salamat sa pagdaan mo sa blog ko... add din kita sa links ko.
pusang gala,
hindi ito parusa, tlgang ganito dito, ulan at lamig magkasama..by next month, umpisa na ang tag-init..as in supe init naman,,,hahaha.
Roland,
sa construction firm ako work, Fuel section-distribution.
salamat sa pag add at pag-iwan n marka...:)
Post a Comment