Saturday, 24 January 2009

ang pagtatagpo

kahapon, isang mahalagang pagtatagpo ang naganap. isang pagtatagpo na muntik nang hindi matuloy dahil nag busy busyhan ang iyong lingkod. alas dose ng tanghali ang napagkasunduan namin para magkitakita sa mata pero dahil may biglaan akong pasok sa trabaho, na move yung oras sa hapon. paglabas ko galing sa trabaho , agad akong tumungo sa paliparan (bus station) para sumakay papunta sa kinatatayuan ng mga paa nina yanah at (ferdie) jen. dalawang oras ang biyahilo mula abu dhabz hanggang sharjah. habang akoy nasa himpapawid, bumuhos ang malakas na ulan at medyo foggy na rin ang daan kaya bumagal ang takbo na van. in short....na late ako ng dating sa tagpuan. medyo basa akong dumating sa sharjah pero ayos lang dahil hindi naman nabasa ag aking sisiw.joke..lols.

dahil sa ulan, hindi natuloy ang plano na sa al qasba magkikita. doon daw kasi ang magandang pasyalan at sa may thai resto kami lalafang. no choice, sa megamall ang magiging tagpuan. pagdating ko sa megamall, tumawag ako kay yanah para tanungin kung nasaan sila? at ayun..andun daw sila sa hongkong..hongkong resto pala na super tagal na daw silang naghihintay sa akin (wheee..maniwala!). pagdating ko sa hongkong resto, tumawag na naman ako ulit dahil hindi ko sila makita. hanggang miskol lang kasi sila eh..amf!..nagcelfon lang para may pang miskol. ano ba yan?.joke!lols.

batman: asan kayo? andito na ako sa fudcort.
teletubbies: dito sa malapit sa hongkong
batman: san dito? eh andito ko sa tapat ng hongkong
teletubbies: ay! nakita na kita, harap ka sa kanan mo.
batman: di ko kayo makita. san ba?
teletubbies: nakita na nga kita, lingon ka sa kanan. naka gray na jacket ka diba?
batman: oo
(nagkita din sa wakas..nakita ko na ang mga magagandang dilag sa balat ng sibuyas este lupa..hehehe.)

nagsimula ang lahat sa pagpapakilala sa sarili na parang grade 1. ako po si....pinanganak sa....pagkatapos ng pagpapakilala, umpisa na ang kwentuhan, tawanan, asaran, (chansingan, kurutan sa....joke!ala po yun..hihihi) hanggang sa nagtanungan na kung saan lalafang? hindi pede sa thai resto, ayaw sa hongkong resto, kaya ang bagsak namin sa "my home" filipino resto....tangkilikin ang sariling atin. (yung tip sinungkit ni yanah ung papel na nakaipit kaya 50fils lang natira..hahahaha..peace).pagkatapos ng lafang. balik na naman sa mega...ikot ikot...at xempre para may ala-ala nanjan yung kodakan...

sa una, ayaw magpakuna ni yanah...

pero after ng lafang...go na go na sina yanah at jen...at xempre kasama din ako

(ferdie) jen..yang ang totoo niyang pangalan (ayaw pa kasi sabihin eh...hehehe)


artista yan....

one...two....three....lingon....clik....

hahaha..walang gustomg pumik-up........hirap sumakay ng taxi noh!


pasado alas nuebe na ng gabi. kailangan ko nang magpaalam para bumalik na sa sa malawak kung lupain...balik disyerto ulit...at para mapuntahan na rin nila ang kanilang importanteng lakad...ensayo sa pag-aawit bilang paghahanda sa nalalapit nilang recording...hanep...


yanah at jen, salamat sa oras na inilaan niyo sa akin, maiksi man ito pero sulit din. sa mga oras na iyan, umiba ang mundo ko, naging masaya ang boring kong mundo. at sa wakas nakakita rin ako ng magagandang dilag katulad niyo at hindi lang puro pato at itik ang lagi kong nakikita dito. pasalamat kayo't hindi kayo naging pato at itik sa paningin ko..hihihihi..joke..sa uulitin.....ako naman libre niyo.....hahahaha....more fun and time sa part 2 ha.....kita kitz.....

15 Kumento Ng Mga Kupal:

kosa said...

wow.. ang saya nman.. taena!
wala akong masabi..
nagkwentuhan lang kami ni yanah kagabi nabanggit nya na nanlibre ka nga daw eh.. hehehe. buti nman tinaas mo ang bandila ng mga Ilokanong Kuripot..lols

sige sige..

poging pogi ahh!

poging (ilo)CANO said...

kosa,
hindi lahat ng mga ilokano kuripot..tayong mga ilokanong pogi..galante..lols...

PaJAY said...

Cano dito ka naman sa Saudi pumunta.manglibre ka rin sa akin...lolz

ayos EB nyo pre..nainggit sila kami!..

RJ said...

Kailan kaya ako makaka-EB ng isang blogger na palaging bumibisita sa blog ko? Parang ang saya nga, lalo na't artistahin at pang-recording artists ang mga katagpo. o",)

~yAnaH~ said...

wahahahaha sinabi nang ayaw ko ng mga unguarded moments eh hahaha

libre ka namin?
cgeh ba!
mapag-uusapan yan...
pero ikaw ulet ang pupunta dito nyahahaha
kelangan mo pang sumakay
sa Eye of the Emirates ng sharjah
sana lang sa susunod na punta mo
eh hindi mo bitbiting si Ninong Ulan
para naman masulit mo ang
lamyerda mo with ussssssssssss ang dami nyan hahaha
at kung pwede sa susunod wag ka ng umorder ng bicol express..utang na loob ayw kong pagpawisan ulet ang kili-kili ko.
ung ibang mga larawan,
bukas na lang...tinatamad pa ako eh.
send ko na lang via snail mail nyahahaha
kapag sinipag ako hehehe

salamat ng marami James...
toinkz... i hate letter Js..hmp hahaha

dyeN said...

tenkyu ng madami james..:D..hihi..aus ba ang gala sa ulanan?..ang pineapple juice na gawa sa pineapple?..ang bicol express na maanghang?..hehe..kitakits ulit next time..at libre na nmin..pero ikw pa din ang magpupunta..hehe...:D

poging (ilo)CANO said...

pajay,
malayo masyado jan sa saudi, ikw punta dito para kami libre mo.heheh

cno ba nainggit sila o kami..lols

doc aga,
magkikita rin tayo doc, uwi ako dis yir, d ba uwi ka din?hihihi..kita kitz..

teletubbies,
camera ko toh kaya wag ka angal jan.hehehe.

nxt time na punta ako jan wala na ulan kasi tag-init na...

pasalubong ha!


jentot,
yahooo...libre nyo talaga ako ha..wait ko yan..kita kits..enjoy ako sa ulan este sa trip natin..hooooo...

madjik said...

mukhang enjoy!! nice nice!!

Dhianz said...

...hey salamat sa pagdaan sa page koh... dehinz koh binasa lahat... tuliro yutakz koh pa para magbasa... EB bah yan?.. ahh si yanah.. kilala koh ren atah yan.. napapadaan ren akoh sa page nyah... saya naman.... 'un lang po muna hirit koh... have a nice day and Godbless! -di

Ilocana said...

Wow, saya nyo ah. Iba talaga ang mga poging ilocano ano, mga dilag nabibighani, ha,ha!

Ay oo naman, di lahat ng ilocano kuripot, gaya mo, pogi na galante pa!

Sige, ingat ka or ingat sila sa'yo. ^_-

paperdoll said...

haha. . natuwa naman aco. . ganyan din kasi nararamdaman co sa 1st meet eh. . tapos biglang makikipagpalakasan na aco ng tawa. . nakakainggit. . never pa acong naka attend ng eb ng mga bloggers. . isa pa naman un sa pangarap co. . lol

aba! ilocanong di kuripot. . isang high five para sayo kaibigan. . salamat nga pala sa pag daan sa naabanduna cong tahanan;)

poging (ilo)CANO said...

@madjik,
mas enjoy sana kung hindi bumukas ang gripo ng langit..lakas kasi eh.hehehe

@Dhianz,
anyweyz, salamat sa pagdaan.tuliro ka nga..hahahaha.lolz

@ilocana,
hahaha..kailyan. iba tlga pag poging pogi..

ingatz din..

@manikangpapel
apir tayo jan..lolz

Other Side said...

こんにちは、ここに笑顔で乾杯を訪問... http://moneysmakings.blogspot.com/

GypsyPunk said...

ang saya nu naman, kainggit. nangisit met sikok! nyehehe

Everlito (ever) Villacruz said...

pards, ayos ang post mo..

salamat pala sa pagpasyal sa pamatayhomesick.ngayon lang ako nakareply,busy masyado(teka sa presinto nalang ako magpapaliwanag).

add kita sa blog list ko...ngayun din!..he he he!

Template by:
Free Blog Templates