Tuesday, January 13, 2009

Paalam!

halos magdadalawang buwan na rin mula nang ikaw ay magpaalam at wala na rin akong narinig mula sa iyo kung ikaw ay nasaan at ano ang iyong kalagayan. gabi gabi bago ako matulog, lagi kong panalangin sa Maykapal na sana ay nasa mabuti kang kalagayan at babalik dito kung saan tayo nagtagpo. hiningi ko na rin ang tulong ni batman para ilipad ka pabalik dito na libre, pero pati siya pasaway, hindi rin nakinig sa request ko. (batman idol pa rin kita kahit pasaway ka). gulong gulo pa rin ang isip ko. marami pa rin akong katanungan pero sa tingin ko ako din lang ang sasagot sa mga iyan. sa aking pag-iisip isip, na realized ko na hindi dapat dito hihinto ang karera ng aking buhay dahil lang sa pag-ibig na iyan, kailangan kung ipagpatuloy ito para sa katuparan ng aking mga pangarap. sabi nga nila life must go on....sa puntong ito, sasabihin ko na ang dapat kong sabihin. diretsahan na para madali. sumusuko na ako, hindi ko na kayang maghintay pa sa wala. pagod na ako at mas lalong pagod na rin ang aking kawawang puso sa paghihintay at umaasang ikaw ay babalik pa na may dalang pagmamahal galing sa iyong puso....oras na para aking harapin ang bukas...kaya....paalam...


hindi madali para sa aking ang desisyon na ito dahil may pinagsamahan din tayo kahit papaano pero kailangan kong gawin para sa kapayapaan na rin ng aking sarili at para maipagpatuloy na rin ang dapat kong ipagpatuloy. yung iba nadamay na rin sa naging hakbang kong ito dahil sinisisi ko sila kung bakit ka pa nila pinakilala sa akin at kung bakit din kita nakilala ..tama nga si kuya sa sinabi niya noon, baka masasaktan lang daw ako pag seseryosohin kita. at eto na nga nangyari na. kung alam ko lng na ganito ang mangyayari sana noon pa nakinig na ako sa kanya.


para sa mga pangarap natin sa buhay, hanggang pangarap na lang dahil hindi na iyon matutupad kailanman. si kessler lloyd at kim louisse ay pangalan na lang na nakasulat sa papel. mga pangako natin sa isat isat na tayoy magsasama sa "hirap at ginhawa", sa "lungkot at ligaya" at ang bago "kung may load man ang celfon natin o wala" ay tayo pa rin, pero lahat yon binaliktad ng tadhana..



maraming salamat sa lahat.....sa pagmamahal at pag-unawa na binigay mo sa akin......paalam......


10 Kumento Ng Mga Kupal:

Kosa said...

parang nabasa ko na to?

taena, pag-ibig nga nman!

eh, kumusta nman yung sugatan, bugbug sarado, luhaan at kawawa mong puso? tumitibok pa ba?

titibok din yan wag kang magalalala... isipin mo yung iba, walang karera.. walang lablayf.. walang pera... wala lahat..

eh ikw, madamin pera, my trabaho.. my karera.. wala nga lang lablayf.. hehehe oks lng yan..

yAnaH said...

"isipin mo yung iba, walang karera.. walang lablayf.. walang pera... wala lahat.."

quoted from kosa...
syettttt ahihihihihi kosa, are you talkin about me? huh? hahaha

tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, if its bound to happen, no matter how long it takes, will definitely happen..there's no use crying over spilled milk.. time will heal all the wound hurting and loving has caused u. yun lang..
babushki

poging (ilo)CANO said...

kosa,
bago lang to, ung isa hinahanap ko siya pero dahil sa paghahanap ko pero hindi ko naman na siya nakita kaya eto na babush na ako...

sana nga may magpapatibok ulit tong uhaw kung puso. may corektenes ako sa sinabi mo.may karera ako,may trabaho pero walang pera at higit sa lahat pinakamalupit, pinakamasakit, lahat na ng pinaka....walang ngang lablyf


yanah,
tinamaan ka ba sasinabi ni kosa..aray naman..nakisabay tuloy ako sa mga LESS mo..hehehe

its time for me to move on...

eMPi said...

move on lang parekoy... kung talaga kayo para sa isa't isa magtatagpo at magtatagpo kayo...

pusangkalye said...

masakit talaga magpalam---pero kung kailangan, gawin mo na,para sa saeili, kasi me buhay ka rin so hindi pwedeng ipaku mo nalang sarili mo sa pagbabakasakali----nice move. kaya mo yan.

poging (ilo)CANO said...

MarcoPaolo,
tama yan parekoy, kung kami, kami tlga, kung sila, sila n lng..hahaha

PUSANG-gala,
masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan na wla na nga siya...kakayanin ko to...meow..

RJ said...

Whew! Pinag-isipan mo na bang mabuti itong pamamaalam na ito? Ikaw rin ang magsisisi kung sakali...

AKALA ko namamaalam ka na rito sa blogosperyo. Ang pamagat mo kasi, Pogi.

poging (ilo)CANO said...

RJ,
buo na ang desisyon ko doc. wala ng sisihan to...go..go...go...na ako..wheeee..

abe mulong caracas said...

huhuhu...

muntik ko nang hindi mapigil ang mga uhog kong nag uunahang lumabas mula sa butas ng aking ilong

pero nang akoy suminghot...dumiretso sa lalamunan, kaya dinura ko na lang.

taena hirap nang may sipon...tungkol nga ba saan ito? ah broken hearted ka? wag kang mamaalam, magbukas ka ng pinto!

EǝʞsuǝJ said...

best way really is to move on..madami pa jan..iba iba pa amoy..haha...:D..dming gerlalu na maganda jn sa abu dhabz ayt?..dont worry, ddting din ung pra sayo.. Ang mahalaga eh ung mga lessons na natutunan mo..:)

Template by:
Free Blog Templates