Thursday, January 8, 2009

Bagong USB

BABALA: corny!
isang ma virus na araw sa inyong lahat. kaninang umuga, fresh na fresh at poging pogi akong pumasok sa trabaho dahil pogi naman talaga saka bagong ligo kahit hirap akong maligo dahil sa sobrang lamig ng tubig galing gripo,(sira ang heater,malas naman) exited akong pumasok sa trabaho kasi ilang araw na lang ay sweldo na(sarap tlga pumasok pag malapit na sweldohan),hahaha.may pera na ako na gagamitin sa aking nalalapit na kaarawan.yahoooo…inuman na! hapy bertday to me! pagpasok ko sa kusina ah este opisina, xempre unang gagawin eh i-boot yong computer. habang nagboboot yong computer nagtimpla muna ako ng tea, pagbalik ko sa aking umiikot upuan with a cup of tea, (sosyal) aba! nagulat ako sa nakita ko. yong cursor may nakasulat na “happy birthday to you” kahit saan ko siya dalhin sa screen sumasama pa rin. Wow! hanep ang computer nato,galing,marunong, iba ang dating, binabati na ako ng happy birthday kahit hindi ko pa bertdey, galing naman! sosyal hi-tek! after 5 minutes, nag shut down ang pc den bumukas ulit pero iba na message “please press ctrl + alt + del to restart”..sosmaryosep, naka sampung press na ako pero the same pa rin ang message, hindi pa rin nag rerestart. si visor nainggit kaya nakipindot na rin pero ala pa rin nagyari…..to the rescue, tumawag na ako sa IT Dept. and told about the problema. pagkatapos kung nasabi sa IT ang nangyari, agad niyang sinabi na “may VIRUS ang computer mo”. sinabi na din niya ang mga posibleng source ng virus which is mostly coming from usb..kailangan ko daw dalhin ung CPU sa kanila para i-treat yong virus at ang mga usb na ginamit para malaman kung saan at kanino galing ung pesteng virus na yun para mabigyan nila ng proper action. d ko alan kung anong action un, bka axion na sabon lang yun? (patay ako shitz..usb ko kc ang pinanggalinagn ng virus, affected din kc ung loptop ko kahapon pero treated agad kc updated naman ung anti virus ko.) pagbaba ko ng phone, sinabi ko agad kay visor na may virus ang computer at ang posibleng source nito kung bakit nagka virus. tangz na niya! na hi-blood ang low-blood. nagalit talaga! sinabon ako kahit bagong paligo lng ako. sa akin lahat sinisi kasi ako lng naman daw gumagamit. nanlamig lalo ang malamig kung katawan dahil sa reaction niya. feeling ko mas lalo pa akong pomogi kasi nagblulush na ang aking mukha kahit hindi ako naglalagay ng blush on..lolz! ako naman si palusot “sir! I am not the only one using this, also bla..bla..bla..is using, you shouldn’t blame all to me…mdyo pasigaw din ako para patas ang laban d b! hindi parin kontento ang visor kung kumag, sinumbong pa ako kay manager na i am misusing the computer daw, kaya si manager call din agad sa akin at daming tanong na “why, bakit, apay (magkalahi kc kayo kaya pinagtutulungan niyo ako..itik kayo).

on the way going to IT…
habang kami ay nasa daan w/ driverman, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,tuliro,balisa,kabado, kasi tiyak mabubuking at madadali ako pag binigay ko ang usb sa kanila. dahil mautak si poging(ilo)cano at mga pinoy in general…pero hindi lahat ng pinoy na gwapo mautak..(kunti lang kami na brain and gwapo, doc RJ, kosa, aba extra!pogi b tlga kayo?) hahaha…pinadaan ko ung chedeng namin sa nag-iisang malaking supermarket (malaki na super pa) na aming madadaanan para bumili ng bagong usb at yon ang ipapakita ko sa mga taga IT…pagdating sa store, takbo agad ako sa gadgets area at nagtanong kung meron sila “kabayan may usb ba kayo? Kahit 256mb lng?” “tignan ko po sir”, “pwedeng pakibilissan kc nagmamadali ako”, “sir wala po kaming stock na ganun”,” so ano meron?”, “8GB lang po ang available namin, out of stock po lahat”,” ha! Kahit isa wala”, “sir wala po talaga xenxa na po”, “eh magkano naman un?”, “80 dirhams po”, “cge kunin ko na lng, kailangan ko kc agad eh”, pagdadting ko sa cashier para magbayad, problema na naman day at dong, 70 lng ang nasa bulsa ko, kulang ng 10 (ito na lang din kc ang natitira kung pera at ollowance hanggang sweldo, sa 10 pa kc kami sahod..hehehe..lapit na..lolz..) dahil sa kahihiyan palusot na naman si pogi, “ms pwede ko bang balikan after 5 minutes kasi nakalimutan ko ung wallet ko sa car"hahaha..para naman akong may car, yon pala mangungutang ako sa driver na nsasa car .yabang! binalikan ko naman yong usb after ako naka utang, kaya ngayon wala na akong pera, negative pa.lintik na usb!.....pagdating ko sa IT Dept., binigay ko agad yong CPU at USB, after 1 hour na paghihintay, binalik na sa akin yong CPU na treated na raw ung virus saka updated na rin ung anti virus nya. good news, hindi dw sa akin nanggaling yong virus, baka sa iba dw na usb..hehehe..nek,,nek,,niyo..utak pinoy kaya to!.lusot na naman.hahaha..saya saya noH!
balik opisina…..
pagbalik ko sa ofis, iba na ang mood ni visor, iba na ang ihip ng aircon, hindi na siya dangerous itik kundi isa na siyang anghel na itik..lolz.tinapos na dw din niya ung pending work ko kc bc ako..hahaha..salamat sa sarili ko at sa virus.. malamang tinawagan siya ng mga taga IT na hindi sa akin galing ang virus kaya naliwanagan ang utak kaya good mood na siya.kawawang tanga naman…(peace na tayo bossing para bigyan mo ako ulit ng OT)...kaya ngayon bago usb ko..yun lng..wla lng..
New Rule: “Using of Personal USB is Strictly Prohibited”

9 Kumento Ng Mga Kupal:

EǝʞsuǝJ said...

hehe..ntuwa naman ako sa adventure (mo/at ng) virus..mbuti na lng mautak tlga ang pinoy..Mabuhay ang mga noypi..nyahaha...:D

abe mulong caracas said...

una sa lahat eh advancde happy birthday.

ikalawa akala ko naman may sumorpresa sa iyo at pati computer eh nauna nang bumati

nakaputcha naman, virus pala hehe

hulaan ko berday mo...sa jan 15 tama ba? hehehe

poging (ilo)CANO said...

Jenni Lyn,
mabuhay tayong lahat kasama ang mga patay!hahaha

mulong,
wheeeee, salamat sa pagbati!

hahaha..hula b yan? sinabi ko ata yan ah!

Kosa said...

happy beeday din sayu parekoy.. ilan taon ka na? kelan ka magre-retiro?
lols..Peace

salamat sa extra exposure..lols

oo nman utak pinoy, wais ilokano..

nakipagsigawan ka sa visor mo? lols apir.. isang tagay para dyan idol...lols ganyan din ako lalao na kung halos lahat ng kasalanan sa mundo eh ipinapasa sayo..lols kahit pa mauwi sa punong braso hindi ako aatras..lols

kitakits

yAnaH said...

haba berdie to yu
haba berdie tu yu
haba berdie haba berdie
haba berdi tu yu
in advnce para ako unang kumanta sayo ahihihi
so, san mo kami i-treat ni jen sa bday mo?

nakalimutan mo yata na ikaw yung tumawag kanina nung sinabi mo na cgeh na baka maubos ung load mo nyahahahaha...


isusumbong kita sa boss mo.. hehehe

poging (ilo)CANO said...

kosa,
salamat kosa sa pagbati, swet sexten p lang ako..hawhawhaw..

hndi lang xa ang marunong sumigaw, shetness nya..para quits kami resbak din ako ng sigaw!ano xa hilo?..ilokano ata to! d nya kilala.pogi ako..hahaha.lols

yAnaH,
ano un miss call o tawag? kmsta naman ang pagkembot mo sa dubey kagabi?

punta kayo dito sa 16, picnic tayo sa cornich kahit malamig.

salamat sa pagkanta kahit sintonado..hahha.joke!

Anonymous said...

sa 15 ba ang bday mo o sa 16? happy bday sayo... :) paburjer ka!

pusangkalye said...

natuwa naman ako sa mga banat u---- "sinabon ako kahit bagong paligo lng ako". haha----

lesson learned diba? nakakatuwa na ang isang maliit na gadget na ganyan ay maaring magdulot ng napakalaking problema.

nakakatuwa tong post mo na . tawa na kong tawa. mautak talaga Pinoy---kahit san mo dalhin. haha

poging (ilo)CANO said...

JoShMaRie,
(pabulong) psst! wag kang maingay JoShMaRie, atin atin lang to ha sa 15 tlga beerdey ko..magpapacanton ako at burjer..samahan ko din ng ice cream na malamig para enjoy!hahaha

salamat sa pagbati!

PUSANG-gala,
hindi nila mapapantayan ang mga pinoy, pang worldclass ang galing..
lahat kayang lusutan lalo na pag utang..hahaha..

Template by:
Free Blog Templates