normal na sa akin ang makatanggap ng tawag mula sa aking mobile mula umaga hanggang hapon at sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino ang nasa kabilang linya. kaninang umaga, tumawag ang isa kong kasamahan sa trabaho mula sa kabilang opisina. pagkatapos ng sandali naming pag-uusap biglang nag-iba ang boses ng kausap ko, yun pala hindi na siya ang kausap ko, si manager na pala ang nasa linya. hindi ko siya agad nakilala dahil hindi ko masyado kabisado ang kanyang boses. buti na lang at nagpakilala siya kung sino siya. malimit ko lang kasi siya makita at kung pumupunta sa amin ay saglit lang saka pag tumatawag naman ay si visor lang ang kinakausap niya. pero starting next month, araw araw ko na siyang makikita at makakausap dahil lilipat na sila dito sa aming opisina after matapos ang expansion nito. sa umpisa ok naman ang aming pag-uusap, nag umpisa sa kamustahan hanggang dumating na nga na sinabi niya na may problema daw, isang problema na ako daw ang may kasalanan. itoy tungkol sa krudo, oo krudo as in diesel in english na aming inissue noong panahaon pa ni pong pagong september 14, 2008. (tagal na pero ngayon lang umangal). as per the request daw, 7 gallons lang ang dapat ibigay pero sa issue report ko 10 gallons ang nakasulat na issue, so sumubra siya ng tatlo. sa aking pagboboklat sa aking mahiwagang aklat, nakita ko nga na ganun, 7-R 10-I ang naka sulat, dapat sana 7-R 7-I ang tama. nung i-check ko ang reading ng metro base sa listahan ko, tama naman eh 7 gallons ang inissue. nagkamali lang ng entry yung diesel man na nagsulat. siguro sa kanyang pagmamadali para lumandi, imbes na 7 ang isusulat niya ginawang 10 kasi 10pm din ang kanyang out. si kupal kasi ginawang timecard ang aking report. bilang verifier ng mga issue, dapat bawat letra,numero, tuldok o kuwit na nakasulat sa request dapat tinitignan ng mabuti para malaman kung tama o may mali. at dahil isa rin akong kupal na epal, nag assumed na lahat ng entry ay tama, korek na korek na, pinasa ko ang report na hindi rineview.(minsan kasi nagmamadali din akong mag may i go home na dahil atat na atat din akong tumagay..hahahah) dahil daw sa tatlong gallon na yan, ayaw daw magbayad yung department na gumamit dahil overcharging daw kami , kaya lahat ng mga invioce na ginawa para sa kanila pati ung walang discrepancy ibinalik sa kanya dahil lahat daw ay mali. sa puntong iyon, dun na nagsimulang uminit ang ulo ni amo at mahihirapan na daw siyang maningil ngayon saka ulit trabaho na naman dahil sa kagagawan ko. sinisi ni amo sa akin lahat ng pangyayari. hindi ko daw ginagawa ng mabuti at maayos ang aking trabaho (tama siya pero hindi lagi ah!) hindi naman niya ako masyadong sinabon, slight lang ba, di gaya ng pagsabon sa akin dati ng aking visor tungkol lang sa virus, mas mabait kasi siya eh (pero hindi pa siya kinikuha ni lord.joke). dahil alam ko na fault ko ang lahat, humingi na lang ako ng sorry tulad ng paghingi ng sorry ni gloria sa bansa sabay sabing hindi na yun mauulit. tinanggap naman niya ang aking sorry at dapat hindi na rin daw yun uulitin pa.(hindi siya katulad ni susan roces na hindi tumatanggap ng shory) ayos solve na...lintik kasing tatlong gallon na yan nadamay sa global crisis..
bago mag uwian, isang envelope ang inabot sa akin ng aming driver. happy ako dahil malamang love letter na yan galing sa aking nawawalang nagmamahal..hahaha..pero nang aking buksan..wow....surprise!..love letter na galing kay amo..isang love letter na malupit..isang WARNING letter na nakasulat sa malalaking titik..lupit mo tlga amo! tatlong galon lang pinalaki mo..lol..sarap basahin ng nakapikit sabay tapal sa mukha mong pangit (mas pogi ako eh) .."You are warned that in the future negligence, misbehavior or violation of company orders will be viewed seriously and suitable action will be taken against you and your services may be terminated..taena..utot mo..
maiba nga ng kwento, nung nakaraang araw kasi may napansin ako sa aking pintuan na isang piraso ng tsinelas, siguro yun sinasabi sa akin ni katagayang mulong na may naiwan daw sa aking tahanan na tsinelas. baka ito nga yon? dahil sa iisang piraso lang at hindi ko ito pwedeng gamitin, so anong gagawin ko dito?...hmmmm..teka nga..isip muna ako...ayon may naisip na ako...may gamit pala yan kahit isang piraso lang...total badtrip ako sa aking amo, gagamitin ko na lng yan na panghampas sa kanyang mukha hanggang masira para tigilan na niya ako..wish ko lang na matibay pa rin ang tsinelas na yan para hindi agad masira at tuloy tuloy pa rin ang kanyang paglalakbay kahit wala siyang kasabay.
Sunday, January 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 Kumento Ng Mga Kupal:
so, un na yun? yun na yung version mo ng nawawalang lelas? amf wala bang much better jan? hahaha joke.
oist sa friday ha.. thai resto tayo nila jen ha.. mula kagabi hindi na ko kumakain, hanggang friday na yan para solb na solb pag nilibre mo kami nyahahah
c yah!
Bakit sa amo mo lang? Kung ako, 'ihampas' ko muna ang tsinelas na 'yan sa 'mukha' ng diesel man na 'yon!
RELAX. Sa tingin ko hindi ka naman nila paalisin ng ganu'n na lang, hirap kaya silang maghanap ng mga magtatrabaho dyan, kaya nga kumuha pa sila sa ibang bansa (Pilipinas), 'di ba?
hahaha... panghampas sa mukha ah... grabe!!!
teletubbies,
oo yun na un!
grabe ka naman mag prepare, talagang sinimulan mo nang hindi kumain ha! kumain ka nman kahit kunti para hindi ka magmukhang gutom pag nagkitakitz na tayo sa thai resto...hehehe..joke
kitakitz sa mc do!
doc aga,
mas maganda pag sa amo ko ihampas para matauhan siya at matikman niya ang tsinelas pinoy. wag sa diesel man, alalay ko un eh..friend ko rin si kupal..
MarcoPaolo,
ganun ako ka violente..grrrr..
...nakibasa... first time koh atah ditoh sa page moh... madalas na kitang nakikita sa page ni kosa... akala koh pogi ilocano at si kosa noon eh iisa... well actually i thought screen name yan ni kosa.. ayonz... so eniweiz... naisipan dumaan at sumilip... at un... nakibasa na ren... well at least may trabaho ka pa ren at warning lang naman... 'un nga lang asar don eh mejo nasabon kah... banlawan moh na lang... lolz... oh yeah to make sure nde maiwanan ang tsinelas sa paglakbay sa bahay moh eh iniwan koh na lang sa labas.... nag-paa na lang akoh... lolz... so yeah... feeling koh close tayo ha.. 'la lang... humirit lang ditoh... u have a nice day.. Godbless! -di
i-publish ang iyong puna...pumili nang identity... anong tagalog nang identity... hehe.. kakatuwa naman tagalog... naaliw akoh..'un lang po... =)
Dhianz,
salamat sa pakikibasa mo sa page koH. si kosa at ako ay magkaiba. aminin man niya o hndi pero mas pogi ako sa kanya kahit umangal pa siya sa korte suprema..
okey lang na nasabon ako dahil medyo nasanay na rin ako.buti n lang sinanany ako ng aking nanay sa sabonin simula nun bata pa ako. ..hindi mo lng feeling na close tayo dahil close na close naman tlga tayo..hehehe
kung tatanungin mo sa akin ang tagalog ng identity, shory na lang dahil hindi ko rin alam. hindi kasi ako tagalog at lalong hindi ko rin napag-aralan yan sa math. basta ang alam ko iden + titi = identiti..hihihi.
haha... yan... natawa akoh sa reply moh sa koment koh ditoh... malufet kah.. parah ka reng kosa style makahirit... pero 'un nga lang sabi moh mas pogi kah... hala... nasa korte na kayo bukas ni kosa... lolz... eniweiz... salamat sa pagdaan sa haus koh.. u have a good night.. Godbless! -di
lufet ng amo mo..PANAdol ba yan?
ksma pla ko s thai rest0 prang ndi ko alam un?kung ndi ako napadaan dito ndi ko pa malalaman?hala..wla akong kamalay-malay ah..nyahhaha...
next time kac bgo ka may-i tagay when u go the home, make dobol check muna the workings of ur kasamahan..hahah..pra wlang Warning galing kei amo..
hehe...kitakits sa mata:)
muntik ko ng hindi makita yung link ng amo, diesel at tsinelas hehe!
sayang naman yung iniwang tsinelas mamahalin pa naman.
PARANG GUSTO KO NG GANYANG TSINELAS!
AH TAMA...BUMILI KA NG ISANG PARES TAPOS KUKUHANIN KO NA LANG SA IYO SA MAY!
OK BA YUN PARE?! AYUS!
watahek... lols
anu yun?
akala ko pa nman tsinelas istori talaga to.. hehehe
sa krudo.. opisina.. bossing at amo nman nakabase.. taena..
ang lupit mo..
buti nalag nireview ko..
kitakits.. busy lang
Dhianz,
natawa k b tlga..ala tawa pa rin xa!..hohoho
binabawi ko na pala mas pogi na si kosa ng isang piso. baka kc mabasa niya ito at dadalhin niya pa sa senado ang kanyang reklamo na hindi naman totoo..lolz..hihihi
j3n,
itik ang aking amo amoy..
hindi b nya sinabi sayo n punta tyo sa thai resto..ayan tuloy hindi ka na nmin ma susurprise, bat k kc nagbasa.amf.
kita kitz...
Mulong,
bat gusto ng ganitong sinelas,mas hahampasinn k ba..
bilhan n lgn kita ng isang pares pares na tsinelas para pulutan natin pagdating ko..hahaha
kosa,
at least andun pa rin ung tsineles..lolz..
bc ka pa rin ba sa pagbibigay ng panandaliang aliw jan..pahinga ka naman para maka bawi.heehe
kit...kitz..
ANg layo na talaga ng narating ng Chinelas na to...hahahaha..
natuwa ako sa mga chinelas post a....isa pa tong sayo!..Alam ba to ng Amo mo?...nyahahaha..
peace.....
nahanap niyo na ba ang kabiyak ng chinelas na yan? :)
paJay,
layo na nga narating, mula pinas hanggang ibang bansa, tsinelas pa rin ang umaaangkada..
hndi alam ni amo to kc baka paghandaan niya ang gagawin ko sa kanya..hahaha
JoShMaRie,
hanggang ngayon hindi alam kung nasan ang kabiyak nito..baka naman nakatago sa iyo?hehehe
ano koneksyon ng tsinelas? yan ang tanong ko habang binabasa ko ang kwento mo.
goma yan,im sure matibay pa rin ang tsinelas kapag hinampas mo sa boss mo. kaso masisira din un dahil sunod mo ng hahampasin ay ang boss ng boss mo, pagkatapos ang boss ng boss ng boss mo......
nga pala, huli man daw eh naihahabol din. belated heypi bday sa iyo pre.
Jez,
hehehe...tinag kasi ako ni mulong tungkol sa tsinelas kaya sinubukan kung i link sa kwneto ko...
salamat sa pagbati kahit huli....belated nga eh....hihihi..
hindi ba tinangay ng aso 'yong kapares na tsinelas? o baka naiwan mo nung naglaro tayo ng tumbang preso?! hehe
Post a Comment