Biyernes Santo, araw ngayon ng paggunita sa kamatayan ni Hesu Kristo. Kasabay din nito ay ang pagkamatay ng aking bulsa. Magsisimba sana ako ngayong araw na ito pero hindi ko nagawa dahil kulang ang aking pera na pamasahe patungong simbahan. Pati ang aking mga kasama hindi rin nakapunta dahil halos pare pareho lang kami ng problema. 10 dirhams na lang kasi ang natitirang pera sa aking pitaka at itoy hindi sapat upang akoy makarating sa simbahan. Hindi rin naman pwedeng lakarin dahil malayo ito sa amin. Kapag itoy aking lalakarin, parang nilakad ko na rin mula north edsa hanggang sa pasay rotonda sabay pasok sa may sogo hotel na malapit sa may mrt station taft para magpahinga. kulang na lang ay krus sa aking balikat para kasali na rin ako sa mga nagpepenitensiya sa Pampanga. Di rin kasi kaya ng powers ko na maglakad ng malayo baka kasi umatake na naman ang aking rayuma. Mahirap na, walang mag-aalaga sa akin dito pag hindi ako makatayo.
Kahit hindi ako nakapunta sa simbahan, hindi ibig sabihin na hindi na ako nagdasal. Nagawa ko pa rin naman na kausapin Siya sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal sa loob ng aking kwarto. Nagpasalamat sa mga biyaya na binigay Niya sa akin at sa aking pamilya at sa Kanyang sakripisyo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Dahil kumpleto kami ngayon dito sa aming kwarto, nagkaroon kami ngayon ng mas mahabang bonding. Tulong tulong sa paglilinis ng kwarto, pagliligpit sa mga gamit na laging nakakalat sa sahig..i.e.plato, baso, kaldero, damit, atbp….mahabahabang kwentuhan, tawanan, kantsawan at higit sa lahat ang magpapasaya sana sa lahat, ang inuman. Buti na lang walang mabilhan saka walang pera na pambili ng aming tiki tiki kaya walang tagay….hehehe…nakausap ko rin ang aking moder dear nitong araw na ito, not once but twice pa sabi ni susan roces kay PGMA. Buti na lang tumawag ako sa amin, kung hindi ako tumawag,hindi ko pa alam na hinihintay na pala nila ang aking ipapadala na pera na gagamitin sa nalalapit na ika-isang anibersaryo ng pagkamatay ng aking mahal na ama. Sa totoo lang, ngayon sana ako dapat magpadala pero sa malas ni kulas, gaya ng inaasahan, delayed na naman ang aming sahod. Sahod na dadaan lang sa aking palad na malapad.
SINGIT LANG
May pumasok sa aming kwarto na hindi kumatok. Hindi ako sure kung isa siyang itik o banggali. Siguro nadapa siya ng malakas o ewan ko lang kasi nakasemento ang kanyang kaliwang kamay. Humihingi siya ng tulong para daw sa kanyang gamot. Naawa ako sa kanyang kalagayan kaya agad ko siyang binigyan ng 5 dirhams. Yung 10 dirhams ko 5 n lang..pero okey lang sa akin,mabait ako eh, saka baka mas kailangan niya yun ngayon. Gamitin man niya yun sa mali o tamang paraan, ang sa akin lang ay naipamahagi ko na ang dapat kong ipamahagi sa aking kapwa na bukal sa aking puso, kabayan man yan o ibang lahi. Nagpasalamt naman siya sa akin sabay alis.
Hayss Friday! Ilang araw na lang ay Easter na. Sana, sa muling pagkabuhay ni Hesu Kristo, sasabay din sana ang pagkabuhay at pagbibigay ng aming delayed na sahod….wish ko lang…
HAPPY EASTER TO ALL…..

17 Kumento Ng Mga Kupal:
Oo nga, Biyernes Santo na naman. Kaya have a reflective Good Friday Pogi..
Bawal ang inuman ngayon Pogi..hehe Okay lang kung delayed ang sahod mo at least may sahod..Pahiram nga..hehe Have a blessed Good Friday!
@ilokana,
ka-ilyan, biyerness santo ngayon kaya kunting emot emot muna ako...
@Ruphael,
di kami nag-inuman parekoy.
tama ka, okey lang na delayed ang sahod basta meron...utang ka? magkano?..lolz..
Brod...
hahaha...adik ka b1..pero ok lang yun kesa naman iba itawag mo sken.
NAwindang lang pala ko dhil sumahod ako ng maaga ngayon..kung sakali eh pareho lang din tayo ng kapalarana ngayon..ayus lang na delayed kesa wala tlga..(sahod ah).//hehe
Tol!hehehe
B2 kaw ba yan..hahaha
dati maaga kami sumasahod pero mula nung nilipat sa petsa 10..ayun...toinkz...toinkz..na..nakaka grrrr....
buti inespecify mo na sahod ang delayed baka kasi alam mo na...green ako eh...lolz..
pogi, hindi mo nakailangang maglakad from north edsa to pasay para sa sogo hotel, kasi sa north edsa meron nahhh..wahahahaha..(toink! dinadaan kya alam aketchhh..hehehehe)...
tama, sacrifice, bawal inom.
hindi ako uminom, hindi ako nagsugal, hindi ako kumain ng heavy ngayon,,,pati paligo hindi ko rin ginawa..nyahahahahah
Kami rin dati, ang aga ng sahod...putek!!! ngayon, 11am na wala pa rin!!! baka after lunch na ibigay un :D
@Jez,
oh talaga meron na ba sogo sa north edsa. san banda? malapit ba sa sm north yan? toinkz....cge pag meron baka madadaanan ko rin yan pag-uwi ko...daan lang ako ah..loz..
@LordCM,
buti ka pa umaasa na after lunch darating sahod mo. ako baka after lunch, dinner, midnyt snacks, br8fast, lunch...baka ala pa...putek..
sana maibigay na nga ang sahod niyo Pogi! ang bait mo pa rin, at kahit anong challenges at wala nang pera, magblog ka na lang...mawawawala yang gutom mo, di ba ang blog addict ganun? hehehe
Happy easter naman!
naku... masamang pangitain yan pogi! Dobleng Byiernes Santo!!! hehehehe!
kelangan talaga sa Sogo Hotel? di pwede sa Vinta? mas mura ba dun? may discount card ka?
peram nga... toinkz!
Happy Easter... at yung Yeaster Yegg ko ha???
honga honga....
di bale ng late ang sahod ..
wag lng wala..
hahahaha o kaya tulad nung saken...
ATM.. after ten months then kalimutan mo na
hahahahahaha
wag ka mag-alala...
ung 5 dirhams mo madodoble balik sayo.. mga 10 dirhams
ahihihihihihi
joke lang... i know the Lord will continue to bless you and shower you endless blessings dahil isa kng matulunging adik este niallalang..
sabi nga continue being a blessing to others and the Lord will definitely grant your wishes..it may not come in expensive wrappigns but its worth the wait.. hahahaha walang konek..
amisyuuuuuuuuuuu bakla
@Mr. Thoughtskoto,
sana nga po maibigay na a.s.a.p. dahil may naghihintay..hehehe....hindi po ako mabait nagbait baitan lang po ako...amf...saka ang blog adik ay hindi lang po gutom ang ang nawawala minsan pati pagtulog ay kaliwali na....toinkz..
@azel,
di ko alam ung vinta. bago ba un? dami mo alam ah...
wala ko discount card eh! sa Moko melon ako....hahha...
basag na itolog ko....lolz..
@yanah,
lagi na lang kasi late eh!
sana nga bibba bigyan Niya lagi blessings layf ko kahit wag muna lablayf...ahihihi...
at ngayon ay easter na....ahehehe...ako din ay nakabalik na...weeepeee... Happy Easter parekoy... magsimba naman tayo...ahehehe...:)
Kamusta na pogi. Easter na ngaun... sana'y mabuhay na rin ang bulsa mo!
Happy Easter to your wallet!
Cheers!
pareho pala ang nangyayari ngayon dyan,dito rin pards sa kuwait nadedelay narin ang sweldo.
lunes na POgi!...
heheheh..
san ka na?...
happy easter kahit late na! :)
Post a Comment