Rogelio ang kanyang tunay na pangalan
Oh! lala siya ang aking katangi tanging ama
Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya upang
Edukasyon at pangarap na aking inaasam ay makamtan.
Laking pasasalamat ko na ikaw ang aking naging ama
Idolo kita, idolo ka rin nila dahil sa kabutihan na iyong ipinakita
Oh! aking ama, miss na miss na kita. Init ng yakap at halik mo’y gusto kong madama…mahal na mahal kita. Nasaan ka man ngayon, alam kong masaya ka sa piling Niya…
(1st death anniversary ni papang ngayon april 17, ika- 61st beerday din niya noong april 14.)
Friday, April 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 Kumento Ng Mga Kupal:
belated happy beerday kei fatherhood mo.. i know for sure he's happy kugn asan man sya ngaun dahil nasa maayos na katinuan ka ?! (nga ba?! hahaha) i mean dahil sa nasa maayos kang lugar... hindi sya nagkamali ng poagpapalaki sayo.. nawala man sya physically... hindi naman siya nawalas a puso mo... at yun ang sigurado kong talagang mas nakapagpapasaya sa kanya...
malay mo.. nagiinuman na sila dun ni fatherhood ko... baka friendships na rin sila at nagbblog din./... hehehehehe
@bibba,
napaluha ako sa unang banat mo pero sa bandang huli bumalik ang tulo ng luha ko...
sana nga friend din sila ngayon dun..saka hindi lang sila nabablog at inuman. pati plurk at twitter pinatulan na rin..hahaha
Salamat daw Pogi sabi ni Fatherhood mo, pinasabi nya sa tatay ko...tinawagan lang ako at pinapasabi nga un...
Nagkakakwentuhan sila ngayon dun, kasama fatherhood ni yanah :D
Belated Happy Birthday sa kanya brod...
tingnan mo nman ang bunga pinaghirapan ni Rogelio..di siya nag kamali .... ayus parekoy...
baka dadalaw sa iyo erpats mo pakisabi na lang.. paki kmusta ako sa ermats ko heheheheh... ahoooooo!
@CM,
salamat sa mensahe parekoy...cgro wala lang load fatherhood ko kaya hindi niya ako tinawagan kaya sa fatherhood mo na lang pinasabi...
cgro araw araw sila inuman dun noH..araw araw din EB nila...nayahahaha..lolz..
@Bomzz,
wag ka mag-alala pre! sabihin ko sa tatay ko na kinukumusta mo motherhood mo, sabihin ko na rin na ligawan na niya nanay mo para mas masaya...hehehe...lolz..
Di nainum tatay ko pre, pulutan na lang sya lolzz
Bago pa pala erpat mo doon, Pogi..Baka nalulungkot siya doon..Kung kailangan niya ng kadagdagang ka-berks, pakisabi mag-ikut-ikot para magkita sila ng erpat ko..5 years na kasi siya doon di hamak na marami na 'yung kaibigan..hehe
It's really difficult to cope up with the loss of a family member, lalo pa sa pagkawala ng magulang, ama o hindi, in my case I lost both of my parents. But I am definitely sure, that your father is proud of your achievemens, that you have fulfilled his dreams.
With prayers on your Dad's birthday and death anniversary.
isang cOOl na pagpupugay ang ginawa mo para sa iyong papang.
i'm sure he's darn proud of u pogi!
im syur masaya ang amang mo wherever he is right now....kase naging isang mabuting nilalang ang anak niyang si b1..
salamt sa lahat ng suporta mo
di bale...
hahahah...
salamat sa tagayan kahit hangin lang b1...nalasheng din ako at inantok..hahaha..
@CM,
kung pulutan erpat mi dun, d ubos na siya ngayon...lolz..
@Rhupael,
oo bago pa lang erpat ko dun. malamang sa malamang nasa stage pa siya ng adjustment kahit 1 yir na siya...for sure magiging magkaibigan din erpat mo saka erpat ko lalo na kung lagi sila sa YM..hehehe
@Pope,
talagang mahirap mawalan ng mahal sa buhay, til now, di ko parin masyado matanggap na wala na siya..
thanks for the prayer!
@NJ,
im also very proud of him...not only for being a good father, also a goob buddy...
@B2,
anong suporta? bakit kakandidato ka ba?..hahahaha...ala un, normal lang sa tao ang magmahal....toinkz..
adik ka....ako lang naman tumatagay puro ka past the paper....hahahaha..
masarap talaga balikan ang yaman ng ala-ala!
belated happy bday kay papang mo...
im sure wherever he is right now, he's proud of you.
kakalabitin ka nya pag alam nyang nagkakamali ka.. kay ingat Batman... lolz!
Oyyy... masaya siya ngayon para sayo parekoy sigurado ako dyan. :)
baka kasali ang lolo ko doon sa kwentuhan at inuman nila....
im sure nakangiti father mo sa iyo, kasi isa kang mabait at mapagmahal na anak (eh yun eh kung ganun nga..ahihihi)
oh sya, naubos ko na yung tinagay mo, pero parang wala nang lasa...
aw. am sure proud na proud din siya sa poging anak niya ngayon.. :)
@ever,
talagang masarap balikan ang iniwang ala-ala pero mas masaya sana kung nandito pa siya...
@azel,
salamat sa pagbati sa tatay ko....
pag kakalabitin man niya ako, kakalabitin ko rin siya para walang dayaan..hehehe..lolz..
@marcopaolo,
sana nga happy siya dun at makatagpo pa ng maraming kaibigan at kainuman..hehehe..
@jez,
ako? mabait at mapagmahal?...isang malaking...LOLZ...
@jhosel,
hehehe...mas pogi erpat ko...
You're so sweet. I'm sure proud si Mang Rogelio sa yo. Make him feel prouder when you get kids of your own...doon mo lalong ma-appreciate si Mang Rogelio.
Hehehehe..malamang naiiyak na si erpats mo ngayon habang binabasa yang mensahe mo..hehehe..
bless his soul parekoy ang tanging dasal ko...
belated happy birthday kay erpat pareng james, and praying for the repose of your dad's soul, im sure happy siya ngayon with whats going on sa family mo, and you supporting them.
Ang galing ng pagkagawa ng tula. Sali ka na sa pakontest namin!
ganun talaga parekoy...katatapos lang din ng 1st death anniv ng aking ama noong december 26...bat ganun talaga...nakakamis din...pero kailangan nating magpatuloy.... at sa ating mga gingawa ngayon..natitiyak masaya syang nakatunghay sa atin... :)
Post a Comment