Saturday, April 4, 2009

Huling Halik

Malalim na ang gabi.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng patay-sinding bumbilyang pinapaligiran ng mga gamu-gamo, tuluy-tuloy ka lang sa iyong pag-inom. Ako nama’y kinuntento na ang sarili sa mamantikang mani sa ating harapan. Tahimik ang buong kapaligiran maliban sa mga ingay na buhat sa ating munting inuman; ang kalansing ng tansan sa tuwing tatama ito sa lamesa bago tuluyang mahuhulog sa sahig at ang tunog ng maning dinudurog ng mga ngiping nanggigigil lang ang tanging bumabasag sa kapayapaan ng gabi. Ilang minuto na rin ba ang lumipas nang huli tayong mag-usap? Kasabay ng alulong ng isang aso sa may ‘di kalayuan, binaba mo ang isa nanamang bote ng beer na wala na’ng laman. Nagbukas ka muli ng isa pang bote. Pang-ilan mo na ba ‘yan? Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagpapak ng ating pulutan. Halos maubos ko na ang laman ng platito. Matapos pa ang ilang sandali ng walang imikan at ng ilang buwang pagpaplastikan, ako’y nagsalita.

“Itigil na natin ‘to.”

Binaba mo ang iyong bote at tinignan ako nang matagal sa mata.

Sa iyong mga labi namutawi ang isang ngiti.

Lasing na nga ako marahil. Hindi ko matiyak pero nakita ko’ng ngumiti ka.
Dahan-dahan kang tumayo at sa iyong pagtalikod ay napangiti na rin ako. Malamang ay pagod ka na rin.

Sa likod ng makapal na hamog at ng mga luha sa gilid ng aking mga mata, tinanaw kita habang ika’y naglakad palayo—pauwi—hanggang sa takpan ng mga ulap ang mapanglaw na’ng ilaw ng buwan at mga bituin. Hindi na kita nakita nang dagling bumalik ang liwanag sa kalangitan.

Nabaling ang aking pansin sa iyong huling bote. Nakakalahati mo pa lamang iyon. Gamit ang aking nanginginig pa’ng mga kamay, nilapit ko iyon sa aking labi at tinungga ko ang kung ano man ang natira mo roon.

Nilunok ko ang lamang beer ng bote, hanggang sa nasaid ko na ang bawat patak, at ito'y nilapag ko sa mesa. Pagkatapos ay umupo ako at habang nakatingin sa malayo, niyakap ko ang sarili at ako’y tuluyan nang nagpaalam sa iyo.

26 Kumento Ng Mga Kupal:

Kosa said...

ahhhhh... yun pala yun..

At pagkatapos ng Huling Halik sa Bote ng serbesa, nakatulog ka na o nagwala ka muna? lols

astig na astig parekoy.. tarantado este talentado ka talaga..hehe

kitakits

Kosa said...

ako pala ang una? hehehe

teka, matanung ko nga, sinu ba yung kainuman mo? di man lang inubus yung tinitira nya bago umalis... mahina... hehehe

poging (ilo)CANO said...

bilis mo ah!

tama ka kapwa pogi..tarantado este talentado ako pag nalalasing....hehehe...

hayaan mo na un..mahina tlga siya eh..lolz..

PaJAY said...

lolz..

tigilan mo na pagda drugs mo pogi!...

tsk tsk tsk..


Adik!...lolz..

poging (ilo)CANO said...

nya.ha..ha...ha...

isa ka pa....

kunwari ka pa...tumambling ka na lang jan paekoy..

ADIK ka din...lolz...

Jez said...

hmmnn..sana nagkaroon kayo ng game, na ang hindi makaubos ay hahalikan sa labi...at hindi ang bote ang pinagdidiskitahan mo

hayyzzz..dumaan lang, sarap tumagay kaso inaantok na akohhh...

poging (ilo)CANO said...

hahaha...swak na swak bang halikan ang gusto mo.yung tipong malalagutan na kayo ng hininga pero halikan pa rin...wahaaa...

iba pa rin kasi ang halik sa bote...may tama...lolz...

tagay ka na lang para mawala antok mo....

atto aryo said...

haaaaay... tapos na valentine's ah. ;-)

poging (ilo)CANO said...

@r-yo
advance ako dre!

EǝʞsuǝJ said...

yan ang sertipayd adik...
pati beer ginagawan na ng entry...
hahahahaha...
buset na alak yan...
ilang bwan na kming di nagkakasama..
amfamfamf...

teka b1..
nang-iinggit ka lang ba kaya ka gumawa ng ganitong entry?
nyahhah..
sige adik...

A-Z-3-L said...

hindi ako makarelate... di kase ako nag-iinom. (ngayon na lang!)

pero dahil lasing si Pogi.. baka naman pwede na naming malaman yang lintek na imelda papin yan! (awww!)

sino ba kase ang dahilan ng pagiinom mo at pagmumura sa nausong pag-ibig?

pasensya na pogi... curious lang ako (tsaka aaminin ko na, tsismosa talaga ako!)

Ken said...

pogi, biglang akong kinabahan kanina kasi akala ko magtatapat ka na kay, through blog. alam mo ba halos pareho tayo ng feeling nung high school at college ako, pero nagcommit ako ng love suicide, kasi parang walang mangyayari.

Kwento ka nga sa YM one time, di ka namin naabutan eh, pati si Biiba hanap ka kahapon.

pamatayhomesick said...

teka kala ko na naman halik,as in halik yung palitan ng laway sa laway at dila sa dila(PG).


pero ang halik ang pinagsisimulan ng lahat diba..kasi ito ang palitan at pagbibigay buhay! binibigay mo ang iyong hininga at ganun din sa kanya.


tama na toma...inuman lang..he he he.:)

poging (ilo)CANO said...

@B2,
weeee...bwan daw, maniwala ako sayo...adik ka..hahaha

mas madami nga jan sa dubai lak-a kasya dito sa abu dhabz...

in heaven there is no beer....dito sa lupa marami ang beer...toinkz...


@azel,
di ka nag-iinom?

wag ka nang magbalak uminom baka malasing ka lang.....baka masabi mo pa na crush mo ako pag nalasing ka na..hahaha...lolz...

dahilan ng pag-iinom ko?

wag na, alang kwenta saka hindi ako lasing ngayon kaya hindi ko masasabi...toinkz...

@mr.thoughtskoto,
weee..kanino ba ako magtatapat?..nyahahahaha...sa kanya? wag naman dito, mas maganda pag personal para kitang kita nya yung feelings ko...hehehe

hindi ko keri ang love suicide...baka gayahin niya lang kasi ako..hahaha..

si bibba hindi ko rin naabutan...maaga ata siyang natutulog...

@ever,
hahaha...

naalala ko ung kanta na may line na "labi sa labi"..

alak pa!...hik!

RJ said...

Ayos itong eksenang ito, ah. Mahusay kang magsulat ng mga ganito, Pogi. o",)

Ibinase ba ito sa totoong buhay?

poging (ilo)CANO said...

@doc aga,
bangak lang ako doc kaya nakakagawa ng kung ano no...hahaha


mzta vacation?

2ngaw said...

Ano ba ung itinigil nyo? inuman o ung relasyon? lolzz

Ano pakiramdam Pogi?...masaya ka naman ba? :D

poging (ilo)CANO said...

@LordCM,
inuman dre!

sarap pakiramdam ng patambling tambling...lolz..

Chyng said...

As the alcohol flows, so as the drama.. i mean labistori! :D

poging (ilo)CANO said...

@chyng
epekto ng alcohol...

gillboard said...

ang emo... hahaha... dala ng beer ba yan?!

eMPi said...

hahahaha! astig... lasing ka lang parekoy kaya nagkaganon... lolz!

poging (ilo)CANO said...

@gillboard,
lakas nga ng tama eh...kaya kung ano ano na nasasabi...lolz..

@marcopaolo,
hang-over lang parekoy...lolz...

pogingpayatot said...

aba'y ba't ka naman nainlab sa isang manginginom? hmmm. hehehe pero gudlak sayo. nawa'y wala kang hangover kinabukasan.

poging (ilo)CANO said...

@pogingpayatot,
hehehe...hindi ako inlab sa isang manginginom dre!

kita kitz sa manila bay dre, sa may tourist club AUH.....loz...

Francesca said...

Bakeet?

Di ka nya type?

Pagkatapos mo siya lasingin...

Template by:
Free Blog Templates