Friday, May 29, 2009

Sabi ni KH

Magandang hapon po sa inyong lahat. Sa lahat po ng mga nandirito. Sa ating mga kagalang galang na senador at mga bisita, salamat po ulit sa inyong pagdalo. Sa pagbibigay po niyo ng importansiya sa aking naging karansan, pakarimdam ko po napakaraming nagmamahal sa akin. Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay halaga sa akin. Malaking bagay ang tulong niyo upang makatayo muli ako sa aking pagkakamali. Upang maintindik ang aking sarili mula sa ginawa ni Heyden Kho na pambababoy sa aking pagkatao.

Opo, artista po ako, tabaho ko po ang maghahtid ng tuwa, pantasya ng telebisyon at pelikula pero tulad ng iba may mga pribadong buhay din po ako gaya ng lahat. Sa pagkakatoan pong ito, danagal ko at dangal ng pamilya ko ang pinag-usapan dito. Minahal ko po si Heyden. Bata po ako kaya nga po madali akong nalagyan ng piring ang aking mga mata para isiping ako lang ang nagmamay-ari ng puso niya pero gaya lahat ng relasyon na nagsimula sa kasinungalingan, wala po itong patututunguhan. Wala po akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong buo kung binigay ang puso at kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sarili niyang pelikula. Ang tanga ako, imbes na doctor, dierektor pala.

Nagkamali po ako, inaamin ko, ang pagkakamali ko po ay minahal ko siya at naniwala po ako na minahal niya rin ako ng lubusan. Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako, madali niya po akog napaniwala. Ako po ang biktima dito, araw araw biktima po ako habang pinapanood ko ang nsasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit habang buhay ko pong dadalhin ang ginawa niya sa akin. Patay na po ako pero may video padin at may internet.

Dalawa lang pong kaso ang sinampa ko sa pang-aabuso at pambabbaboy na ginawa sa akin, sa pagkatao ko. Gusto ko po siyang matanggalan ng lisensiya bilang doctor. Wala po siyang karapatang maging doctor. Gusto ko din po siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin. Pero ano pong iginanti nila? kasama po ni Heyden ang kanyang ina . Sari sari pong paninira ang ibninato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy, ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video, inaabuso po akong muli sa publiko. Ang isyu po dito ay pang aabuso sa kababaihan ang pambababoy sa aikin at sa iba pang bikitima ni Heyden .

Sa kultura po natin, habang buhay nalatay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ayo at may ina din po ako na nasasaktan, araw araw nadurusa. May kapatip o anak din po kayong babae, ayaw din po ninyong mangyari sa kanila ang sinapit ko. Sana po ay ipagpatuloy ng senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layunin itaguyod ang karapatan at proteksion para sa aming kababiahan dahil iba na po ang ginaganit na panggagahasa at pambababoy sa karaptan ng kababaihan. Sa internet, sa blogs, sa dvds at iba pa.

Opo nabiktima ako, isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Heyden kho pero may hangganan po ang katangahan at sa araw na ito, buong loob kopong humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sking sarili. Ilalaban ko po ang aking karapatan na mabuhay ng marangal, ng wlang takot at malaya sa karahansang dinanas ko dahil sa sex video

Sana po sa publiko, ititgil na po natin ang pagtangkilik ng mga sex vidoes at malalaswang panoorin . Pag wala pong tumatangkilik wala din pong gumagawa ng sex videos. Ssana po ang pangalang Katrina Halili na lamang ang huling sa mga sex video. Sana po walang nang susunod pa.


Maraming maraming salamt po.

Wednesday, May 27, 2009

ipis

humihinga ka, humihinga rin ako
pareho tayong nabubuhay dito sa mundo.
maliit ako pero mas maliit ka
kaya wag kang magtangka na labanan ako.

lagi akong nakikiusap na huwag pasaway
minsan nakikinig ka pero kadalasan ikay sumusuway
ano ba ang meron ako na wala sila?
at laging ikaw ay nakabantay.

pagod na ako sa pakikipag patintero sayo
masakit ka na rin sa paningin ko
kung dati magkaibigan tayo
ngayon magkaaway na tayo.

masakit man sa aking kalooban na ikay saktan
ngunit kailingan ko itong gawin para sa aking kalusugan
magdasal kana sa ‘yong mga santo
dahil sa baygon ko tigok ka na pareko…lolz….





(bukod sa surot ay ipis din ang ka bonding ko dito..lolz..)

Sunday, May 24, 2009

tuwing....

tuwing malungkot ako, papapsin ka lagi sa harapan ko
tuwing malungkot ako, pinapanood ko ang bawat galaw mo
tuwing malungkot ako, dinadamayan mo ako
tuwing malungkot ako, nan jan ka lagi sa tabi ko
tuwing malungkot ako, pinapatawa mo ako
tuwing malungkot ako, nakakalimutan ko ang problema ko

tuwing tulog ako, tinatabihan mo ako
tuwing tulog ako, kinikiliti mo ako
tuwing tulog ako, minsan ginigising mo ako
tuwing tulog ako, hinaharas mo ako
tuwing tulog ako, sinisipsipan mo ako
tuwing tulog ako, ninanakaw mo ang pagkatao ko.



hindi ko kagustuhan na ika’y masaktan kaya mag-iingat ka minsan. malikot ako pag natutulog kaya hindi ko maiiwasan na ika’y aking madaganan na sanhi ng iyong pagkamatay…

(ito ay para sa mga surot na aking kabonding sa loob ng aking kwarto)

Tuesday, May 19, 2009

galit kay tito

wag mong pakialaman ang pamilya ko dahil ni minsan hindi namin pinakialaman ang pamilya mo! Huwag mo kaming tawagin na mayabang na magkaptid. Malaki ang pangarap naming magkapatid para sa aming pamilya kaya wag mo kaming lait laitin. Kahit ganun ang itsura ng aming bahay kung ang nakatira naman ay tao at hindi mga kwago kagaya ninyo. Hindi sa bahay nasusukat ang pagiging tao

Huwag mo nang pangarapin na mapupunta sa 'yo ang bagay na hindi talaga para sa’yo. Makontento ka naman sana sa mga bagay na meron ka na at wag mo nang kunin kung ano man meron ang iba…isa kang sakim na tao..sarili mo lang iniisip mo..matuto ka sanang lumingon sa iyong pinangalingan…


Bakit ganito ang buhay, pag may naabot ka na, pilit namang hininila pababa ng iba….ang masakit lang ay sariling kamag anak pa..

Friday, May 15, 2009

Yosi!

Tok..tok…tok…alas siyete ng umaga (Friday) nang makarining ako ng malakas na katok sa aming pintuan. day off naming mga kasambahay sa araw na ito kaya dapat lang na matulog kami ng bonggang bongga at babangon lang kung gugustuhin. hindi sana ako babangon para buksan ang pinto pero nang marinig ko ng parang nagsasalita sa tagalog ang tao na nasa labas, agad akong bumangon at binuksan ang pintuan at yun nga! sila nga! ang aking mga kaibigan. napadaan daw sila sa area namin kaya naisipan daw nila na akoy bisitahin at kumustahin.

Ilang araw na rin akong nabubugnot, nalulungkot at wala sa mood kaya dapat sa araw na ito ay may naka schedule akong lakad. Nais ko sanang libanging ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-iikot sa siyudad na kahit may kalayuan at may kainitian ang panahon (39’C kanina) ay aking pupuntahan para makapag unwind at para mabawasan narin ang aking nararamdaman na kalungkutan. pero nang dumating sila, hindi na ako tumuloy pa sa aking plano at nanatili nalang dito upang susulitin ang oras na samahan ko sila at para samahan din ako. Naging maganda naman ang takbo ng aming mga kwentuhan, tawanan, kulitan at may kunting kainan (sila bumili…dapat lang..hehehe…) Pagkaraan ng walong oras na pagtambay nila dito, sila ay nagpaalam na sa akin dahil kailangan na nilang bumalik sa lugar kung saan silay nanggaling.lolz.. Sa mga sandaling iyan, naging masaya rin naman ako. Ang lungkot na aking nararamdaman ay napalitan ng tuwa na hanggang ngayon ay damang dama ko parin.


Wala pang isang oras ang nakalipas ng may kumatok na naman sa pintuan. hanep, may panibangong batch na naman akong bisita. Parang birthday ko ngayon ah. Inuulan ng bisita. At may kasama pang itik…hehehe….kamustahan, kwentuhan, tawanan din ang mga eksena….hmmmm may napansin ata ako, wala pang nagpaparamdam na magpapamerienda, wala pang bumubunot sa kanila..hindi sila bigtime gaya ng nauna sa kanila..hehehehe..joke..kaya nag may I go out muna ako at bumili ng makakain sa sari-sari store ng mga pato. Pagbalik ko sa kwarto, agad kung binaba ang aking dalang pagkain, at yun! surprised! Linamotak ang aking dala. Guton na gutom na pala ang mga kumag…hahahaha..pero ayus lang, masaya naman…bitin nga lang…lolz…next time na pupunta kayo, magsabi kayo para makapaghanda naman ako…

Naging masaya ang araw kong ito. Hindi ko inexpect na magkakaroon ng mga bisita na magpapasaya sa akin kahit isang araw lang. Sarap ng pakiramdam. Hindi talaga ako nag-iisa. Maraming palang nagmamahal sa akin…salamat sa inyo!

Dahil masaya ako, mag YOYOSI ako…lolz…..

Monday, May 11, 2009

magulo

magulo ang isipan ko ngayon. sinumpong na naman ako ng ewan… maraming bagay ang gusto kong gawin pero hindi ko alam kung paano ito gagawin at kung kailan ko ito uumpisahan... ang mga nakaraan pilit bumabalik sa aking alaala na hindi ko alam ang dahilan. gusto ko siyang kausapin pero bakit pa? kung mahal niya ako bakit niya ako niloko, iniwan at hindi na binalikan…wag ka nang umasa pa....... sana dalawa na lang ang puso ko, kung masira o breakdown ang isa, may nakahandang reserba. hindi na ako bata pa, ilang taon na lang malapit na akong mawala sa kalendaryo at baka pati dito sa mundo magbye bye na rin ako..... wag naman sana dahil may mga pangarap pa akong gustong matupad…. saan ba talaga ako papunta? sa kaliwa, sa kanan o sa biglang liko na lang.? bakit hindi na lang diretso lahat ng daan? malaki ang expectation sa akin ng aking ina. pero paano kung hindi ko yun maabot o matupad? magiging masaya ba ako at siya? masaya ako sa tingin ng karamihan pero sa loob ng maskara ay lungkot ang nadarama…….mahirap mapalayo……. maraming sakripisyo….. pagod na pagod na ako…………kung wala lang akong pangarap………susuko na ako….

bakit ang buhay ko sadyang napakagulo? magulo ang makitid kong utak…..windang…tuliro…..ek ek ako ngayon…kasi naman………..takte nauso pa!

Thursday, May 7, 2009

sulat para kay moon

Dear Moon,

hello moon! kumusta ka na? alam kong okey ka lang diyan kasi hindi ka naman apektado ng global crisis at swine flu na nagsimula daw sa mexico. hindi nga ako sure kung talagang sa mexico nanggaling yung flu, hindi naman kasi ako nagbabasa ng diyaryo o tabloid. kahit saan nanggaling at ano pa man yan, hindi yan hadlang sa aking paglalakbay kahit hindi ko alam kong ano yung swine? kumusta na din pala sina stars at asteroids ngayon? naglalaro pa rin ba kayo araw araw? saya naman ninyo! sana nandiyan ako lagi at makipaglaro din sa inyo , para kahit papaano sasaya naman ako kahit panandalian lang, kaya lang hindi pwede kasi busy ako lagi sa aking trabaho eh. pero kapag nagkaroon ako ng oras, dadalawin din kita diyan kaya huwag kang mag-alala.

siguro nagtataka kung bakit ako nakapagsulat sa’yo ngayon at hindi ako personal na nakipag-usap sayo? nahihiya kasi ako eh, baka pag makita mo akong umiyak papagalitan mo na naman ako. alam mo, ang dami kong gustong sabihin sayo. mga pangyayari sa aking buhay na sa’yo ko lang pwedeng sabihin at ipagyabang. panatag kasi ang kalooban ko pag ikaw ang aking kasama at kausap hindi gaya ng mga ibang tao na pagtatawanan lang nila ako pag nagsabi ako sa kanila ng aking mga problema.

moon, natatandaan mo pa ba nung sinabihan mo ako na “don’t cry, may magmamahal din sa’yo”? oo, sinabi mo sa akin yun. kung hindi mo maalala, click mo lang to para maalala mo
(click). simula noon, hindi na ako umiyak nang dahil sa lintik na pag-ibig na ‘yan. inisip ko nalang na hindi pa talaga panahon ng tunay na pag-ibig para sa akin kaya hihintayin ko na lang yung proper time para diyan. yun din kasi ang sabi ng aking mga kaibigan eh! maghintay daw ako at huwag masyadong atat dahil darating din siya. pero huwag naman sanang masyadong matagal kasi, alam mo na, mabilis ang takbo ng panahon ngayon, baka puti na ang buhok ko wala parin siya. sayang naman ang kapogihan ko kung ganun. oh! wag mong sabihin na kontra ka sa sinabi kong pogi ako, kaibigan kita dba?..hehehe….

noong nakaraang buwan, nagkaroon narin ako ng mga kasamang pilipino dito sa aking accommodation. simula dumating kasi ako dito, wala pa akong nakasamang mga pinoy, ako lang mag-isa kaya medyo malungkot at laging homesick pero kahit papaano naka adjust at naka survive naman ako kahit ibang lahi ang aking kasamahan sa kwarto. nung dumating sila, naging masaya ako kasi may kakwentuhan na ako araw araw gamit ang aming sariling wika kaya hindi nagalit sa amin si jose rizal. takot kasi kaming matawag na mga poging malansang isda. dba ang sagwa pag ganun? pero sa pagdaan ng mga araw, isa isa naman silang nagsi-alisan hanggang sa ako lang na naman ang naiwan. kaya ngayon back to normal na naman ang lahat, poging lonesome na naman ang drama ko. ganun talaga, may kanya kanya kaming trabahao kaya kailiangan din nilang lumipat.

oi moon, may chismax ako sayo. si juday at ryan kinasal na. sina korina at mar ikakasal na rin pero wala pang petsa kung kailan. malamang bago mag election pa yun. Nakakakilig at nakakainggit nga sila eh! buti pa sila meron, ako wala! kaya minsan tinutulog ko nalang ang aking pagka-inggit. hihintayin ko na lang na magkaroon ako, sabi mo nga dba? at sa time na ‘yan sila naman ang mainggit sa akin ng bonggang bonnga.

siya nga pala moon, si
dhian at jez gusto karin daw maka usap. Si dhianz confused daw samantalang si jez naman ay lito…ewan ko ba sa dalawang beautician na yan. hinihingi nga nila sakin yung number mo eh, kaya lang di ko binigay kasi confidential un dba? kung may time ka, bisitahin mo na lang ang kanilang blog para malaman nila na okey lang sayo na maka-usap ka. pwede rin sa akin mo nalang iparating kung papayag ka para ako na lang ang magsabi sa kanila. send ka na lang ng message sa beeper ko ha! so paano yan. hanggang dito na lang muna ang aking sulat. masyado na kasing mahaba eh! Saka may lakad pa ako bukas ng maaga. pupunta ako sa aking frend, ipapakita daw niya kasi sa akin yung bagong brace ng ngipin niya..taray nga eh…joke…sa susunod kausapin na lang kita ulit ng personal. hanggang sa muli moon. salamat!


PS.
may bagong
washing machine na din pala ako. hindi na ako mahihirapan sa paglalaba ngayon hindi tulad noon. nakakatuwa nga eh! ganun pala yun? yung sabon pala bumubola pag umiikot na yung tubig na parang alon sa looob ng machine..hehehehe.. salamat din pala sa mga oras na nilalaan mo sa akin tuwing akoy nalulumbay dito sa mainit na disyerto na aking kinatatayuan ngayon. “kayo ni Papa God ang nagsisilbing liwanag sa mabuhangin kong dinadaanan…….” salamat..


ang iyong poging kaibigan,
poging (ilo)cano

Monday, May 4, 2009

when love begins

ala lang gusto ko lang......katatapos ko lang kasi manood ng betamax eh! kinilig kasi ako sa wento ni mitch at ben...parang feeling ko inlab ako...pero kanino?lolz...hehehe...



hanggang ngayon, hindi parin ako makatulog dahil sa movie na yan kaya dinaan ko na lang sa blogging. promis ko pa naman sa sarili ko hindi ak magba-blog ngayon pero andito ako ngayon......sana di na lang ako nanood para wala akong nararamdaman na kilig factor na yan...toinkz..





"when you know what will makes you happy, you grab the opportunity. sometimes there are no more second chances" - ano kaya yun?..lolz..





"thank you for giving me the happiest moments of my crazy life" para yan sa 'yo girl.....toinkz...




xenxa na kayo,, ngayon ko pa lang napanood yan, wala kasi akong sinehan eh, kaya sa betamax na lang ako nanood....lolz..


corni ko naman....lolz...















Saturday, May 2, 2009

wakas ng paghihirap....

minsan sa ating buhay, dumarating yung punto na tayoy napapagod na sa ating mga ginagawa. gustohin man natin itong itigil ngunit kailangan natin parin itong ipagpatuloy dahil maraming maaapektohan lalong lalo na ang ating sarili. pagkapagod, sakit sa katawan, pagkainis, pagkayamot, at pati lahat na ng klase ng emosyon ay ating mararamdaman tuwing itoy ating ginagawa araw araw. kung itoy ating masobrahan, nagdudulot din ito ng sugat at tanong sa ating sarili, ano ba ang ginawa ko sa’yo at ako’y iyong sinaktan pagkatapos ang lahat? ngunit sa gitna ng paghihirap at pagtitiis, ang kapalit ay kaginhawaan, saya, galak at halakhak…..



mahigit isang taon na akong nagtratrabaho dito sa ibang bansa. mahigit isang taon na rin ang aking pagsasakripisyo at paghihirap na malayo sa aking tunay na pamilya, kamag-anak at mga kaibigan, isama ko na rin ang aking mga dating kainuman…miss ko na kayo guys… buhay OFW nga naman! mahirap…masaya…mahirap…mahirap..mahirap….mas maraming hirap kaysa sa saya…sa aking pangingibang bansa, hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong nasugatan, umiyak at nabasa sa sariling pawis sa sobrang hirap na aking pinagdadaanan araw araw mabawasan lang ang problema na aking pasan.. gayunpaman, kailangan ko parin ipagpatuloy ang pakikipaglaban dahil alam kong wala naman tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang…ako rin ang kawawa at talo pag itoy aking isusuko. buti pa kayo, kasama niyo pamilya niyo, may tumutulong sa inyo.




kahapon, isang bagong pag-asa ang aking nakita. nagbukas na ang pinto patungo sa kaginhawaan….ito na ang kasagutan sa aking paghihirap…. hindi na ako ulit masasaktan, masusugatan at iiyak pa sa tinding pagdurusa ….. simula bukas, hindi na ako mapapagod, iiyak, masasaktan, masusugatan at pagpapawisan ng bongga. hindi na ako magpapakahirap pa sa paglalaba at pagkukusot ng aking mga damit gamit ang aking mga kamay dahil nakabili na rin ako ng washing machine… …yahoooooooooooooo..lolz..








Template by:
Free Blog Templates