Tuesday, April 28, 2009

otso otsong late at award

bago matapos ang hindi pa natatapos, gagawin ko muna yung assignment na pinapagawa sa akin ni LordCM. yung walo walo at otso otso daw..lolz…tagal na to eh! xenxa na dre! medyo tuloy tuloy kasi ang aking taping kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para gawin to. super hectic kasi ang skedz naming mga taga showbiz eh…minsan idlip lang ang aming pahinga para matapos lang ang mga maseselang eksena. mararanasan mo rin yan pag pinasok mo ang buhay pagiging artista., kung papasa ka sa uadition…lolz….eto na siya

8 things I am looking 4wd to:
1. makapag-ipon ng pera para may pamasahe ako pauwi sa pinas..
2. makapagbakasyon sa pinas na walang nakakaalam…para surprise
3. malibot ang buong uae bago ako makauwi sa nepal
4. increment…increment..increment….
5. makahanap ng bagong trabaho
6. manalo kahit sa jueteng man lang
7. maipagpatuloy ang pagbabayad sa matagal ng loan
8. makahanap ulit ng bagong gf…toinkzzzz…

8 things I did yesterday:
1. 6:00am, tumunog ang alarm clock…..bangon..ligo…pasok trabaho….
2. walang almusal, cup of tea lang pagdating sa opis.
3. nag verify ng mga reports…..pasa sa kabilang lamesa
4. kumain ng tanghalian…blog hop…chat..blog hop…balik trabaho
5. nakipag meeting kay amo na mabaho…hehehe..
6. tumonganga, naglaro ng counterstrike sa opis nang patago…
7. kinalikot ang bagong mp4 ni amo, di siya kasi marunong kaya sa akin nagpaturo
8. umuwi ng bahay…nakipagkulitan sa chat, tumambling sa mga blog…naghapunan ng tinapay…..12:00am..bagsak ang katawan..pogi rest na…

8 things I wish I could do
1. maka-usap ulit si
moon ng mas matagal…lolz
2. laging busog kahit hindi kumakain
3. mapaayos ang aming bahay kubo sa probinsya pati na rin ang aking sariling bahay kubo sa may rizal ng sabay sabay
4. makabili ng bagong mobile…yung colored ah para maiba naman ang makikita ng aking mata…
5. matutong magsalita ng arabic at hindi na lengwahe. pati spelling na rin..lolz
6. maipagtanggol ang mga naaapi at mga naliligaw sa landas na OFW
7. makabalik ulit sa larangan ng pelikula…
8. ilipat ang pinas sa sa Iceland para makaranas naman tayo ng snow..

8 shows I watch:
1. The Happenings
2. Nakalimutan ko na titol
3. Ramboo 4, ulit
4. Poohkwang….super nakakatawa…download ko yan sa torrent
5. Wowowee na putol..…salamat pa rin sa pinoychannel.tv..wala kasi akong TFC eh.
6. Donking – Pinay Dubai scandal
7. sari saring palabas na nakita ko sa youtube…
8. alikabok sa ilalim ng dagat

hindi ko na ito ipapasa pa dahil sobrang luma na to..




PS...
maraming salamat sa'yo crisiboy sa 2009 Friendship Award na binigay mo sa akin. lagpas langit ang aking tuwa kaya pati mga anghel doon ngtataka kung bakit mas mataas pa ako kaysa sa kanila...lolz...isa kang mabuting nilalang at kaibigan. ipagpatuloy mo ang iyong mabuting gawain. payo ko lang sayo pre, MATULOG KA NAMAN! hahahaha..joke! ...salamat ulit....

sa lahat ng blogero at blogera na nasa blogroll ko, grab it na, as in now na para lahat meron tayo...baka magsisi ka kung hindi mo kunin yan..hindi natin alam baka yan ang pass para makuha yung cash na award...lolz...

Saturday, April 25, 2009

wag ka!


"Don't judge the book by its cover"

Tuesday, April 21, 2009

PEBA at Adik Award

akoy nagbabalik, mul!i pagkatapos mawala ng ilang araw...nawala nga ba ako?..oo nawala ako hindi niyo lang naramdaman kasi wala kayong pakiramdam, puso, baga at atay...lolz..sa loob ng isang buwan, dalawa o mahigit pa sa dalawa tatlo apat limang beses akong nawawalan ng net koneksiyon...tawag ako dito, tawag ako dun,..pati mga santo tinatawag ko narin tuwing akoy mawawalan baka sakaling silay makatulong na maibalik ang aking koneksiyon...isa, dalawa, tatlo, ang tatay kong kalbo..hindi parin ako pinupuntanhan ng siraulo, kumag, kupal at pangit na technician...(pogi ako eh!hehehe)...buti na lang pogi at mahilig akong mangalikot.....ayan naibalik ko ang aking konesyon...problema ko, solve ko.......ina naman...mas magaling pa ata ako kaysa sa technicinan at online support niyo..pasensiya kayo dahil kayo lang ang provider dito..kung meron lang...hahaha....lilipat na ako sa kapuso...toinkz....

dahil meron na ako..(parang girl na meron...hehehe)...yahoooooooo...bak to normal na naman ang boring na buhay pag-ibig na malupit....hehehehe...siningit talaga ang pag-ibig noh!....lolz....sabi kasi ni mr.kenj "its better t love and fall than to have never loved at all, at saka, love ka lang ng love, dont expect anything, someday dadating sau blessing mas sobra pa kaysa sa dream mo"............at ngayon, nandito na ako,,,,aheeemmmm aasahan niyo na naman ang aking pagtambling, pagsplit, tabling sabay split, at pagtagay sa mga c-bak niyo........pero teka...taka...nawala lang ako ng ilang araw at may kaguluhan nang nagyayari dito....tahimik akong pogi pero dinamay ako dito sa chuva ek...ek...na ano....adik daw ako..at hndi lang basta adik ah!, binigyan pa ako ng award na certified adik...ayun o nasa baba...eh sino nga ba nagbigay niyan sa akin? xempre isa ring adik...ang presidente ng mga adik...abnuy LordCM....takte...adik ka..hehehe...salamat kapwa adik...



at dahil sa parangal na ibinigay sa akin, nais ko rin itong ipamahagi sa mga kaibigan kong adik dito sa mundo ng blogosperyo...eto sila...kosapogi, jhosel, at bomzz....

______________________________________________

halo halo sa mga kapwa adik! busy ka ba? kung busy ka, stop at relax muna....pakinggan mo muna ang bagong kaguluhan dito sa mundo ng kaadikan..eto siya oh!...pindot mo lang to...PINDOT...wat pa gawa mo....dotpin na....


para sa mga listahan ng mga nominado sa award na ito, pindot mo din to...POGI AKO....oh diba astig....yan ang pinoy.......

Friday, April 17, 2009

Rogelio

Rogelio ang kanyang tunay na pangalan

Oh! lala siya ang aking katangi tanging ama

Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya upang

Edukasyon at pangarap na aking inaasam ay makamtan.

Laking pasasalamat ko na ikaw ang aking naging ama

Idolo kita, idolo ka rin nila dahil sa kabutihan na iyong ipinakita

Oh! aking ama, miss na miss na kita. Init ng yakap at halik mo’y gusto kong madama…mahal na mahal kita. Nasaan ka man ngayon, alam kong masaya ka sa piling Niya…


(1st death anniversary ni papang ngayon april 17, ika- 61st beerday din niya noong april 14.)

Tuesday, April 14, 2009

Tanong?

LordCM - Bakit ako nagba-Blog? (pangmahirap..hehehe...)

Ruphael - Why do I love blogging? (pangmayaman..hehehe..)

Pogi: (nag-isip)

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko napasok ang nakakaadik na mundong ito. Nag-umpisa lang ako sa pagbabasa ng blog ng may blog na aking nakita sa kaloob looban ni gogel nung panahon na wala na akong magawa dito sa mabuhanging lupa na aking kinalalagyan. Walang makausap, makakwentuhan, maka-inuman…. lahat wala as in walang wala talaga hanggang sa naisipan ko na gumawa ng sariling account.

Hindi ko hilig ang pagsusulat kasi hindi ko yan talent. Hindi rin ako poet kaya pwet lang ako. Pero dahil sa pagba-blog, ang hindi talent ay nagiging kunwaring talent na rin. Nakakawala ng kalungkotan at pangungulila sa mga mahal sa buhay lalo nat malayo ako sa piling nila. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na kahit hindi ko pa nakikta kahit buhok ng kanilang kilikili o ilong, eh feeling ko super close na kami ..feeling lang ah!.lolz..pero yung iba naman nakita ko na sila gamit ang aking 4 senses. Bakit 4 senses lang ang sinabi ko ‘di ba dapat five senses? Takte alangan naman na didilaan ko sila para malasahan..hahaha..lolz……at higit sa lahat, dito ko nailalabas ang aking mga saloobin na may kwenta at walang kwenta tuwing akoy nawiwindang sa kalungkutan.

Ang pagba-blog parang pag-ibig din, nakaka inlab….masakit iwanan pero masarap balik balikan pag nasubukan….lolz…
PS.
Salamat nga pala kay Ruphael sa Neno Award...saka na lang ung acceptance speech ko...toinkz...

Friday, April 10, 2009

Biyernes

Biyernes Santo, araw ngayon ng paggunita sa kamatayan ni Hesu Kristo. Kasabay din nito ay ang pagkamatay ng aking bulsa. Magsisimba sana ako ngayong araw na ito pero hindi ko nagawa dahil kulang ang aking pera na pamasahe patungong simbahan. Pati ang aking mga kasama hindi rin nakapunta dahil halos pare pareho lang kami ng problema. 10 dirhams na lang kasi ang natitirang pera sa aking pitaka at itoy hindi sapat upang akoy makarating sa simbahan. Hindi rin naman pwedeng lakarin dahil malayo ito sa amin. Kapag itoy aking lalakarin, parang nilakad ko na rin mula north edsa hanggang sa pasay rotonda sabay pasok sa may sogo hotel na malapit sa may mrt station taft para magpahinga. kulang na lang ay krus sa aking balikat para kasali na rin ako sa mga nagpepenitensiya sa Pampanga. Di rin kasi kaya ng powers ko na maglakad ng malayo baka kasi umatake na naman ang aking rayuma. Mahirap na, walang mag-aalaga sa akin dito pag hindi ako makatayo.

Kahit hindi ako nakapunta sa simbahan, hindi ibig sabihin na hindi na ako nagdasal. Nagawa ko pa rin naman na kausapin Siya sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal sa loob ng aking kwarto. Nagpasalamat sa mga biyaya na binigay Niya sa akin at sa aking pamilya at sa Kanyang sakripisyo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Dahil kumpleto kami ngayon dito sa aming kwarto, nagkaroon kami ngayon ng mas mahabang bonding. Tulong tulong sa paglilinis ng kwarto, pagliligpit sa mga gamit na laging nakakalat sa sahig..i.e.plato, baso, kaldero, damit, atbp….mahabahabang kwentuhan, tawanan, kantsawan at higit sa lahat ang magpapasaya sana sa lahat, ang inuman. Buti na lang walang mabilhan saka walang pera na pambili ng aming tiki tiki kaya walang tagay….hehehe…nakausap ko rin ang aking moder dear nitong araw na ito, not once but twice pa sabi ni susan roces kay PGMA. Buti na lang tumawag ako sa amin, kung hindi ako tumawag,hindi ko pa alam na hinihintay na pala nila ang aking ipapadala na pera na gagamitin sa nalalapit na ika-isang anibersaryo ng pagkamatay ng aking mahal na ama. Sa totoo lang, ngayon sana ako dapat magpadala pero sa malas ni kulas, gaya ng inaasahan, delayed na naman ang aming sahod. Sahod na dadaan lang sa aking palad na malapad.

SINGIT LANG
May pumasok sa aming kwarto na hindi kumatok. Hindi ako sure kung isa siyang itik o banggali. Siguro nadapa siya ng malakas o ewan ko lang kasi nakasemento ang kanyang kaliwang kamay. Humihingi siya ng tulong para daw sa kanyang gamot. Naawa ako sa kanyang kalagayan kaya agad ko siyang binigyan ng 5 dirhams. Yung 10 dirhams ko 5 n lang..pero okey lang sa akin,mabait ako eh, saka baka mas kailangan niya yun ngayon. Gamitin man niya yun sa mali o tamang paraan, ang sa akin lang ay naipamahagi ko na ang dapat kong ipamahagi sa aking kapwa na bukal sa aking puso, kabayan man yan o ibang lahi. Nagpasalamt naman siya sa akin sabay alis.

Hayss Friday! Ilang araw na lang ay Easter na. Sana, sa muling pagkabuhay ni Hesu Kristo, sasabay din sana ang pagkabuhay at pagbibigay ng aming delayed na sahod….wish ko lang…

HAPPY EASTER TO ALL…..



Wednesday, April 8, 2009

Semana

Gracious Lord Jesus, it's easy for me to speak of your forgiveness, even to ask for it and to thank you for it. But do I really believe I'm forgiven? Do I experience the freedom that comes from the assurance that you have cleansed me from my sins? Or do I live as if I'm "semi-forgiven"? Even though I've put my faith in you and confessed my sins, do I live as sin still has power over me? Do I try to prove myself to you, as if I might be able to earn more forgiveness?

Dear Lord, though I believe at one level that you have forgiven me, this amazing truth needs to penetrate my heart in new ways. Help me to know with fresh conviction that I am fully and finally forgiven, not because of anything I have done, but because of what you have done for me.

May I live today as a forgiven person, opening my heart to you, choosing not to sin because the power of sin has been broken by your salvation.

All praise be to you, Lord Jesus, for your matchless forgiveness! Amen.

Saturday, April 4, 2009

Huling Halik

Malalim na ang gabi.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng patay-sinding bumbilyang pinapaligiran ng mga gamu-gamo, tuluy-tuloy ka lang sa iyong pag-inom. Ako nama’y kinuntento na ang sarili sa mamantikang mani sa ating harapan. Tahimik ang buong kapaligiran maliban sa mga ingay na buhat sa ating munting inuman; ang kalansing ng tansan sa tuwing tatama ito sa lamesa bago tuluyang mahuhulog sa sahig at ang tunog ng maning dinudurog ng mga ngiping nanggigigil lang ang tanging bumabasag sa kapayapaan ng gabi. Ilang minuto na rin ba ang lumipas nang huli tayong mag-usap? Kasabay ng alulong ng isang aso sa may ‘di kalayuan, binaba mo ang isa nanamang bote ng beer na wala na’ng laman. Nagbukas ka muli ng isa pang bote. Pang-ilan mo na ba ‘yan? Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagpapak ng ating pulutan. Halos maubos ko na ang laman ng platito. Matapos pa ang ilang sandali ng walang imikan at ng ilang buwang pagpaplastikan, ako’y nagsalita.

“Itigil na natin ‘to.”

Binaba mo ang iyong bote at tinignan ako nang matagal sa mata.

Sa iyong mga labi namutawi ang isang ngiti.

Lasing na nga ako marahil. Hindi ko matiyak pero nakita ko’ng ngumiti ka.
Dahan-dahan kang tumayo at sa iyong pagtalikod ay napangiti na rin ako. Malamang ay pagod ka na rin.

Sa likod ng makapal na hamog at ng mga luha sa gilid ng aking mga mata, tinanaw kita habang ika’y naglakad palayo—pauwi—hanggang sa takpan ng mga ulap ang mapanglaw na’ng ilaw ng buwan at mga bituin. Hindi na kita nakita nang dagling bumalik ang liwanag sa kalangitan.

Nabaling ang aking pansin sa iyong huling bote. Nakakalahati mo pa lamang iyon. Gamit ang aking nanginginig pa’ng mga kamay, nilapit ko iyon sa aking labi at tinungga ko ang kung ano man ang natira mo roon.

Nilunok ko ang lamang beer ng bote, hanggang sa nasaid ko na ang bawat patak, at ito'y nilapag ko sa mesa. Pagkatapos ay umupo ako at habang nakatingin sa malayo, niyakap ko ang sarili at ako’y tuluyan nang nagpaalam sa iyo.

Wednesday, April 1, 2009

imelda papin

hoooo! sa wakas. nakabalik din ako dito sa mundo ng kaadikan. ilang araw din akong nawala dahil nawalan ako ng connection. nagbabayad naman ako buwan buwan kaya hindi naman siguro ito dahilan upang akoy kanilang putulan ng ganun ganun na lamang.

nawala nga ako dito sa mundo ng kaadiakan pero sa ibang kaadikan naman ako nawili at nagsayang ng oras. dati pagdating ko galing sa trabaho ay conchuter ang aking kaharap. sa nagdaang mga araw iba na ang aking kaharap at kausap, kalansing ng baso at bote ng alak ang aking kabonding pag sapit ng dilim. mahigpit na ipinagbabawal dito ang pag-inon ng alak lalo kung wala ka sa tamang lugar. pero sabi nga nila mas masarap daw gawin ang bawal, kaya sa bandang madilim na lugar kami tumutungga upang walang makahalata at makakita sa aming ginagawa. mahirap din kasing uminun dito sa aming kwarto dahil hindi naman kami dito lahat ay pilipinong POGI, may ibang lahi kasi kaming kasama kaya ingat ingat lang baka mapunta pa kami sa mga pulis pangkawakan at welcome pinas ang aming bukas...

malaking bagay din sa akin ang pagkawala ng aking connection. nagkaroon ako ng attention sa aking sarili. mas nabigyan pansin ang mga problema lalo na ang aking buhay pag-ibig...dati kasi, harap lang ako sa aking conchuter, oras at problema ay nakakalimutan ko na. hindi namamalayan, inabot na naman ako ng kasunod na petsa ng buwan dahil sa sobrang kaadikan pati probelma at forget na.

maraming katanungan sa aking puso at isipan ang lumalabas. katanungan na hindi ko alam kung ako ba o dapat siya/sila ang sasagot? marami ang nagsasabi sa akin na huwag ko daw ibigay ang aking buong puso 'pag ako ang magmahal, magtira naman daw ako para sa aking sarili upang hindi ako masasaktan sa bandang huli. sa akin kasi, hindi yun pagmamahal kapag hindi ko ibibinigay ang aking buong puso para sa taong aking minamahal..... okey lang na ako'y masaktan basta ang importante naibigay ko ang dapat kong ibigay...yun ang pagmamahal na walang katumbas na halaga at saya na naipadama sa puso ng bawat isa.....ganun ako pag nagmahal...

ngayon.....hindi ko pa rin alam alam kung sino ang aking dapat sundin? sundin ang sinasabi ng iba na magtira naman daw ako para sa aking sarili o mas susundin ko pa rin ang dikta ng aking puso at isipan na ibibigay lahat sa ngalan ng pag-ibig?

ilang beses na akong nagmahal...ilang beses na rin akong nasaktan.......dahil sa bote ng alak nakakalimutan kita/kayo..........pero hanggang kailan? hindi ako si imelda papin (hindi ako isang laruan)................

tang-inang pag-ibig na uso pa!

Template by:
Free Blog Templates