Tuesday, 17 February 2009

tag ng tag...

tag na naman...grabe na itech. paano ko ba to uumpisahan? d ako alam. dahil sa inyo yanah at jentot, naninikip ang utak ko at parang mababasag na rin ang aking pustiso sa pagtatype ng kung ano ano. pero okis lang yan, sabi nyo nga simple lang naman. umpisahan ko na ba? cge na nga! mga sampung bagay tungkol sa myself at ang isa ay chuva ek..ek...kayo na lang ang kumilatis kung alin sa mga dun...its ur choice! so go go go na.

1. ako ang bunso at bansot na anak ng nanay at tatay ko. tatlo lang kami..ibig sabihin ako ung pangatlo.

2. nagka 6 gf na ako pero lahat hindi nagtagal. hindi nila kasi ako sineseryoso. tangznang pag-ibig na uso pa!

3. matulungin akong tao. basta kaya ko, ibibigay ko mapasaya lang ung mga tao na nangagailangan.

4. naging sakristan ako nung nasa elementarya pa ako.

5. pangarap kung maging pari noon pero hindi pumayag ang aking magulang nung gustuhin ko nang pumasok sa sementeryo este seminaryo dahil hindi daw kaya ng powers nila ang tuition. wala rin daw akong sponsor.

6. laking bundok ako pero takot ako sa ahas. malaki man yan o maliit basta ahas.

7. alcoholic ako. malakas ako sa inuman lalo nung nasa pinas pa ako. parte yan ng buhay ko. kung walang alak, walang buhay. narasanan ko nang nakipag inuman ng 60 hours na ihi lang ang pahinga.

8. hindi na ako mahilig sa mga alahas, dahil nung nag-aaral pa lang ako,mga alahas ko laging nasa pawnshop nakasanla para lang may pambili ng alak.

9. naging treausrer at auditor ako sa skul namin nung college pa ako. (commerce dept.) ung ibang pera kinukupit namin...hahaha...

10. artista ako dati pero sumabay ang aking pagbagsak sa pagbagsak ng industriya ng pelikula.

ay sa wakas naka sampu din...alin kaya jan ang hindi trulalo....bahala na kayo! ayun sa role, kelangan daw ipasa ito. pero kanino? sino kaya? ayun may naisip na ako, magpaputok ka na
bommz...
------------------------------------------------------------------------------------
dahil hindi pa ako pagod magsulat, diresto na rin ako sa "50 random things i lyk daw..tsk..tsk..
(1) alak-any brand, bestfriend ko yan (2) baso-tagayan (3) disco bar (4) internet (5) music-love songs (6) frenchfries-faveko yan (7) color na sky blue (8) sunglass na maliit lang ang salamin para cute (9) maglakad lakad na mag-isa (10) live bands (11) pansit canton (12) load ng celfon (13) chatting-nakaka baliw (14) suspens drama na movi (15) chocolates na matamis (16) pumunta sa ibat ibang lugar (17) picnic (18) number 15, (19) mang-asar (20) pabango-basta mabango (21) pantalon na levis (22) sapatos (23) tsinelas na walang kordon (24) magazine-babasahin pag naboboring (25) mapag-isa (26) salamin-laging nagsasabi na pogi ako (27) blogging (28) orasan-laging tinitignan lalo pag malapit na uwian (29) accounting 1 & 2 - mataas kasi grade ko jan (30) computer game na super mario (31) pipino-masarap na pulutan (32) kalendaryo-kailan ang sahod? (33) ballpen-para may magamit pag may nagpapa autograp (34) calculator-gamit sa trabaho,pangkwenta rin ng mga utang at pautang (35) kandila (36) digicams (37) manood sa youtube (38) itlog-laging ulam (39) air freshener (40) uminon ng tea (41) araw ng friday-washing day kasi (42) papel (43) batman toys.collection (44) big toys (45) food menu (46) kumain ng kwek kwek, fishbol sa UP (47) nag-iisip (48) tamambay sa park (49) plurk (50) flirting...hahaha.....

sa wakas natapus din..dumugo ang kuko sa pag-iisip nito...kasi? amf..ipapasa ko ba to? ayun sa batas, kailangan daw eh...kw naman ngayon
azel..its ur turn....
---------------------------------------------------------------------------------------------
kala ko tapos na, meron pa pala isa galing kay baklang
bibba...toinkz...ito daw ang name tag, mga pangalan ko daw na tawag sa akin at kung sinu sino ang mga taong yun ng tumutawag sa akin....pati to papatulan ko na rin total inumpisahan ko, tatapusin ka na din....alyas ni alyas...

JAMES - my real neym.halos lahat ng tao kasi yan ang neym mo
VINCENT - mga kaibigan na alam ang kumpleto kong pangalan
BULLDOG - mga tao sa lugar namin,mataba daw kasi ako nung bata pa ako
DOG - shortcut ng bulldog, close friends
GOC - tawag sakin ng sis ko, ewan ko kung san galing yan
ROVER - tawag naman ni ermat at erpat. pinagdugtong ang pangalan nila RO from Rogelio VER from Verena = ROVER
BOY TAE - tawag sa akin ng mga katrabaho ko dati sa philippine mental. nalaman kasi nila na once or twice lang ako tumae sa isang linggo
HONEY - tawag sa akin ng dati kung gf
ALAKBOY - mga katagayan ko sa bario
PAPA JAMES - tawag sa akin ng mga baklang tambay sa kanto malapit sa inuupahan ko
ADIK - tawag ng mga kapwa adik din,
yanah at jhen
BATMAN - tawag ko sa sarili ko...
POGI - ang itawag niyo sa akin....lolz...

tapoz na tapoz na....nakakapagod tlga...pasa ko din to kay
CM para mapagod din ang BLOGGYWOOD star fish... hehehe...

15 Kumento Ng Mga Kupal:

kosa said...

ang lufeeeeeeet parekoy!

kering keri ng Bonggang bongga ahh!

taena.. talagang kumarera ka sa pagsusulat ahhhh...lols

sige sige ayus yan!
hehehe
pinaka-astig yung Batman!

=supergulaman= said...

tag tag...whew! safe...aheks....

sakristan pa ha?....lasenggero naman....ahahaha....

bakit batman? sweet nman pla ni ex....honey...

aheks...gandang aga Pogi... :D

RJ said...

Hindi ko alam kung saan ang totoo dun sa unang sampu. pero sigurado akong 'yong anim na gf lahat hindi nagtagal ay hindi totoo. Hindi mangyayari 'yan sa isang Poging tulad mo. o",)

Dami mo palang pangalan, ah! Parang maganda ang James at Rover. Pero sigurado akong pinakamaganda para sa 'yo ang Pogi! U

~yAnaH~ said...

-parang di totoo ung numebr 2.. ahihihihi
-i can attest to number 3.. tested and proven... thank you James...
-sa numero singko..baka hindi kaya ng powers ng seminaryo ang i-handle ka.. baisip siguro nila na baka magiba ung kongregasyon nila kapag tinanggap ka nila ahihihihi
-kumustahin naman ang bahay alak mo? may espasyo pa ba?
-sumakit ulo ko sa number 10 hahaha
- french fries.. gaya-gaya.. di tayo pwede magkasama kumain sa mcdo or jbee... mag aagawan tayo sa fries tsk tsk
-meron bang pabango na hindi mabango? anu un? pabaho? hahaha
-accounting? anu un? ahihihihi
-anhin mo naman ang kandila?
-sinisinghot mo ang air freshner?
so, kelangan sa UP ka pa kakain ng kwek2 at pisbol? so maarte! hmp nyahaha
-toinks flirting bwahahahaha... wala ko masabi dito hahaha
-may lahing hayup ka pala ahihihi bulldog..dog... nyahahaha
-katrabaho sa phil mental? baka naman kasama sa loob talaga? sabi ko na nga ba eh.. bat kaya hindi tayo nagkita dun? ahihihih
ADIKKKKKKKKK ka den! bleh!

sana bago pinasa ung tag. tiningnan mo muna kung kanino ko pinasa ung saken hahaha

pis pogi...ahihihi

Lord CM said...

jan ka lang muna!!!gagawin natin yan...pahinga lang ang star ng bloggywood lolz

jEn said...

adiiikkk!!!!...

maganda naman pala ang naging produkto ng hindi mo pagkain kagabi. Hehe. hula ko ang hindi tot0o sa pers ten eh ung number 10? o hindi lang kita inabot na artista dahil mas matanda ka saken? piece !!!!(rong speling rong!).

aha..french fries pla ah! same same kayo ni biiba. naku naku..,

kawawa naman si azeL..parang nadobol dead dahil pinasahan mo pa ulet ng tag...=)

Everlito (ever) Villacruz said...

ang haba..iisa lang daw lahat ang katumbas....








pogi parin!..he he he

Mr. Thoughtskoto said...

halos sabay akong nagbabasa ng post niyo ni yanah.

marami akong natutunan about sa iyo...palainum ka, umiinum ka, at nagdrdrink ka , hahaha. ng water!

at kagaya ng sabi ni ever, gaano man kahaba, ang dulo nito, pogi ka!!! walang kokontra!

poging (ilo)CANO said...

@kosa,
oo kinareer ko muna ang pagsusulat kahit wala naman akong masyadong alam jan..hahaha

BATMAN IS BATMAN....ako un..lolz

@superG,
bakit batman ba kamo? ewan ko din...basta trip ko lang..pareho ata kasi kami pogi eh...lolz.

nagswit switan lang un kasi gusto lang niya makipagbalikan sa akin..asa pa xa! katawan ko lng naman ang habol niya sa akin..hahaha

@doc aga,
marami akong pangalan doc pero tama ka, pogi parin is the best policy..lolz..

@Teletubbies,
asus ung comment parang post na sa haba..hahaha..

nature ko na ung matulungin..toinkz..

accounting b kamo? debit + credit = kupit...un yun..

@lordCM,
talagang feel na feel pa rin ang pagiging bloggywood star..hahahah..

@Lulu amy B1 B2,
pano kasi sinabi niyo sa akin na kailangan ko gawin..so ayun natapos ko gawin to 12am na kaya nakalimutan ko na lumamon, nabusog ako sa katitipa ng mga letra..

bat ka umangal sa number 10? tanong mo na lang kay batman..toinkz..

ADIK!

@EVER,
korek! pogi pa rin ang ending..lolz..

@mr. thoughskoto,
hindi na po ako masyado umiinum ngayon...goodboy na kasi bawal dito...wag lang makita...hehehe...

ORACLE said...

Wala po akong angal.... hehe

One time big time sa mga tags aba!

eh bakit ang 25 naging 10? lolz....

ingats! =)

=supergulaman= said...

tag tagan nga.... "artista ako dati pero sumabay ang aking pagbagsak sa pagbagsak ng industriya ng pelikula."...uu nga eh...ako din umalis na din sa showbiz...ahehehe...:D

ayuz na zyuz to pogi....ahahaha...andami natin lilingon pag tinawag tayo nyan... :D

onatdonuts said...

mahilig ka rin sa alak.. yung kulafu? haha

magkakasundo tayo. :-)

PaJAY said...

taena!....ayos mga banat POGI!...

lolz....sagad hanggang boto ang tag...panalo lahat!...

pipino ampucha!..hahahaha..takte!...wooooooooooooooo!...ayos dre!...lolz..

madjik said...

pogi ang itawag nyo sa akin!! whahahaha! hayuf sa banat!!

r-yo said...

60 hours na inuman? Ok yun ah! wala bang naospital?

Template by:
Free Blog Templates