Friday, February 6, 2009

Pogi, Nasan Ka Na?

hindi ako makakonek sa internet sa mga nakalipas na oras kaya napagpasyahan kung mag foodtrip na lang sana sa loob aking kwarto at kumain ng masarap na doritos, kahit sabihin pa ni yanah at madjik na mas masarap ang lays. langya, pinagkaisahan niyo ako ah! mas masarap pa rin ang doritos noh! kung ipagpipilitan niyo na mas masarap pa rin ang lays niyo kaysa sa doritos ko, “kayo na ang ako, para kayo na ang gwapo!”…lolz..ngunit nang aking buksan ang aking maleta, shetness! ubos n naman pala ang aking stock! ubos na naman ang aking paboritong doritos.

dahil wala akong ibang maisip na gawin, pinagtripan ko na lang na humarap sa aking mahiwagang salamin para kausapin at kumustahin ang aking sarili. ang salamin na iyan ay hindi pagmamay-ari ni boy abunda at hindi rin kay reyna dowager, ang malditang stepmader nina Julio at Julia – ang kambal ng tadhana. kilala niyo ba sila? sa aking pagharap sa salamin, maraming katanungan ang aking tinanong sa aking sarili. bukod sa bakit super pogi ako pag nakahaarap sa kanya kahit bagong gising pa lang ako, paano na lang kaya kung nakaligo at nakabihis na ako, eh di mas lalo na!…swak na swak…sa aking pagmumuni muni, tinanong ko ang aking sarili kung nasaan na ba talaga ako ngayon? may narating na ba ako at kung anu-ano ang mga dapat pang gawin?

mahigit isang taon na ako dito sa ibang bansa bilang OFW. magihit isang taon na rin ang aking pakikibaka, paglalakbay, pagtitiis at paghihirap para sa katuparan ng aking mga pangarap. sa mga panahong iyan, halo halong problema na rin ang dumating….personal, financial, at ang walang kwentang pag-ibig na malufet….tang-inang pag-ibig na uso pa..amf…dahil pursigido ako na makamtan ang aking mga pangarap, hindi ako nagpadala sa mga problemang iyan. rinesulba ko ang mga problema na mag-isa dahil wala namang ibang tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang at ang Maykapal minsan tinatawag ko rin si batman... ito ang nagsilbing hamon kung papaano ko harapin ang mga pagsubok sa buhay upang maging matatag at matapang sa bawat hakbang ng aking paglalakbay. hindi madali ang magtrabaho dito sa ibang bansa. kung wala kang lakas ng loob, paninindigan, sipag, tiyaga at hindi marunong magsakripisyo, huwag ka na lang pumunta dahil tiyak talo ka sa pakikipaglaban dito.

masaya ako kung nasaan man ako ngayon….natutulungan ko na ang aking magulang sa usapang financial kahit kunti lang, hindi kagaya noon na kahit piso wala akong naibibigay. natuloy na rin ang aking pagkuha ng sariling bahay kahit rowhouse lang siya at buwan buwan ko na rin hinuhulugan (sa ngayon wala pang nakatira, baka gusto niyong upahan para kikita naman..heheheh). nakakabili na rin ng sariling gamit at hindi na nanghihiram…….iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang resulta ng iyong pinagpaguran na walang natatapakan na ibang tao…ang saya saya talaga! hindi ko pa masasabi na malayo na ang aking narating dahil marami pa akong bagay na dapat tatapusin at aayusin. sabi nga ni nanay, huwag daw muna ako mag-aasawa hanggat hindi ko matatapos ang pangko ko sa kanila. pangako ko kasi sa kanila na ipapagawa ko yung bahay kubo namin para mag mukhang bahay naman at palalagyan ko ng swimming pool sa underground…pressure ako jan ah! di pa kasi nauumpisahan til now, ala pa budget...hahaha..inay, gagawin ko yan in shallah, saka hindi pa ako mag-aasawa kasi kahit isang gelflen wala ako, lagi na lang kasi nila ako niloloko…toinkzz!…

alam kung marami pa akong kakaining kubos at biryani bago ko makamit lahat ang aking pangarap sa buhay. marami pang matitinik na daan ang aking tatahakin at problema na pagdadaanan. kahit ano pa man ang dumating, bagyo, ulan, ambon, lindol, tsunami nakahanda akong labanam yan para sa aking kinabukasan at pangarap gamit ang aking powers…..kasipagan at pananalig sa maykapal…

“pogi…..magsumikap ka…panatilihing nakaapak ang iyong mga paa sa lupa….habang buhay ka, pogi ka…ituloy mo lang ang iyong paglalakbay hanggang sa makamit mo ang tagumpay” - BATMAN....

20 Kumento Ng Mga Kupal:

RJ said...

1. Opo, kilala ko si Reyna Dowager. Hahaha!

2. Sana hindi ako matalo sa pakikipaglaban dito sa Australia. Nakalimutan ko 'atang magdala ng isang maletang puno ng karunungan o lakas ng loob sa pagsasakripisyo. Whew! Kakayanin sana ng sipag, tiyaga at paninindigan ko.

3. Good, may naipagawa at nabili ka na pala. Wow!

4. Ano ang kubos at biryani?!?!?

5. Ang ganda ng sinabi ni Batman. o",)

2ngaw said...

Wag mo lang tatanggalin sa isip mo na POGI ka at sigurado magtatagumpay ka...pero syempre piliin mo rin pagsasabihan mo at baka mabugbog ka lolzzz joke lang pre....

Ganyan talaga buhay abroad,taena ang hirap!!!sana alam ng mga nasa pinas kung ano buhay natin na malayo sa kanila...

eMPi said...

Nakakausap mo si Batman? Pano? para makausap ko rin siya... hehehe

Pogi, magsumikap para magtagumpay... hehehe

=supergulaman= said...

ang hirap maging pogi nu?...aheks... pero ganun talaga kailangan natin magsumikap para sa minamahal sa buhay..para sa sarili...

lahat naman kaya...pero ang unang galaw dapat maghanap ka muna ng syota...sayang naman ang rowhouse...ahahaha...:D

Bomzz said...

Anjan kana POgi? baka nag cocomen kami tapos wala ka pala nyahahahah..

pogi apir muna tayo! mas masarap ang Doritos kay sa Lays ni Madjik at Yanah kampihan nato hahahah try mo rin Cheetos Flamming HOt weww!....

in seryus pogi kahit wala tayong perang hawak hawak eh sino ba sa OFW ang meron?? kong meron man pang kain lang.. lahat naman napupunta sa ating mga mahal sa buhay... ok lang yung walang pera at least may hinuhulugan kana... basta kalimutan kahit mejo ungas,kulit,matanda batang isip tayo.. wag kalimutan ang sinasabi ni batman hehehe at sempre si papa lord

yun lang lol's

Anonymous said...

pogi, huling taga para sayo :)

yAnaH said...

kudos pogi!

wag lang mamihasa sa pagarap sa salamin at pagkausap sa sarili at baka sa iag lugar ka bumagsak hindi mo na mappagawa ung undergrond swimming pool nyo nyan..
ahihihihihihihihihi
ako,may tinatapos din akong rent to own na housing loan from PAG-IBIG...sana matapos natin

Kosa said...

Hinahanap mo si Pogi?
lols.. andito akooooooo...
taena..
sandali basa nga muna ako..
ako ba ang hinahanap?
hehehe

Ken said...

magcocomment din ako, kasi malay mo, ako pala yung pogi na hanap ni poging batman.

Teka, naguluhan ako, ikaw pogi ka, si batman, pogi din, si kosa pogi din, lahat ng nagcomment, pogi! except kay biibang yanahbestki at joshmarie...haha, daming poging bloggers ah!

Nais kong malaman mo na paborito ko DORITO's magkamatayan man ng lamok, wag lang mawala ang dorito's!

hehe, sori kong nahomesick ka sa post ko na Im Already there. Magpatawa ka na lang next time sa post mo, maiibsan ang homesick, or tawagan mo si Ever, may pamatay Homesick sia. :)

Love and Dreams keeps us alive,
Love fails, dreams shattered, pero we move on, we keep on loving and dreaming because in the end, how many times we may fail in love or fooled by our dreams, it is what makes us stronger, it is what sustains us, it is what gives us inspiration and excitement to have them...

Keep it alive!

poging (ilo)CANO said...

@doc aga,
kung kilala mo si reyna dowager, sino siya?..hahahaha

ang kubos ay arabic bread, gawa sa arina na pinabilog. parang pizza pero ala siyang toppings. ito ung nagsisilbing kanin ang mga arabo at ang biryani naman ay pagkain ng itik..may moton at chiken biryani..ang ulam ay natabonan ng kanin kaya hindi m makikita ung ulam pag hndi mo huhukyin..hahahaha.mas gusto ko chicken...hahah..ulit..

pareho kasi kamingpogi ni batman kaya dapat lang..


@LordCM,
baka sila pa bugbugin ko pag kinontra ako..joke!

hindi p kasi nila naranasan ang buhay dito kaya ganun ang sinasabi nila na masarap buhay ibang bansa.

@marcopaolo,
ibulong ko na lang syo kung paano makakausap si batman..baka kasi kausapin din nila eh..lolz..

@supergulaman,
talagang mahirap maging pogi..maraming naghahabol kaya napapagod na rin ako sa katatakbo...ewan ko ba kung bakit ako pinanganak na pogi..

dont wori about chicks, let chicks wori about you - batman..

@Bomzz,
buti naman at may kakampi na ako..masarap din yan Cheetos Flamming HOt - masarap na pulutan kasi maanghang.tagay na!

nakakahawak tayo ng pera pero dumadaan lang..buti pa sila may pera..

@joshmarie,
bat mo naman ako tinaga? toinkzzz..

@teletubbies,
galing na ako sa mental...dun kay ako nagtrabaho dati..hindi na nila ako tatanggapin dun kasi resigned na ako..hahahaha..

sarap mag swmming sa underground pool noh!..matatapos mo din yan...

@kosa,
ako yung pogi, hindi ikaw..hahahaha..

@mr. thoughtskoto,
sa mga nabanggit mo,ako pa rin ang pinaka....panis sila..hahaha..

go..go..go..ako sa mga pangarap ko..madapa man ako..bangon ako ulit sabay lipad...i am batman....

may doritos din b jan?

iamsupersam said...

Ah..ofw ka pala, naku! Mahirap nga ang mawalay sa pamilya...pero bilib ako sayo "POGI" mahilig ka sa doritos..eheks..kung si darna may bato ikaw may "doritos" at naniniwala ako diyan galing ang superpowers mo! Lakas ng loob at tiyaga! Saludo ako sayo pogi..(^^,)

madjik said...

lays pa rin hahaha tanong pa natin kay julio at julia hahaha!!


isang poging gabi para sa yo galing sa equally pogi na bumabati..,ehem.

Kosa said...

ahhhhh.. yun pala yun!
sobrang dami ko sanang gustong sabihin pero naisip ko.. hndi ko pala blog to..

oo kilala ko yung stepmother nila julio at julia.. dati kase akong nagka-cutting classs para lang mapanood yun. at nagbunga nman.. tulad ng pagiging-owepdobolyu, may mga bagay na dyan mo lang talaga matututunan..
ayus ayus..

Dhianz said...

yey! may bagong post si handsome.... hmmm.... daan lang akoh sa blogsphere... pero nde koh maiwasan ang magblog hopping... at nde koh maiwasan na nde magkomento especially kapag nabasa koh ang post... so etohhh.... hmmmnnzz... doritos... fave moh palah yan... first time i tasted it sobrang parang nasa heaven ang feeling sa sarap... ang korni!.. lolz pero yeah it tasted so good but i'm not big fan anymore... fave moh bah... gusto moh padalhan kitah nang maraming maraming doritos... mura lang ditoh eh... lolz... eniweiz.. hmmnnzz.... usapang you and ur salamin... 'ung salamin moh kumakapit nah sa dingding... kc muntik nang hanginin sau eh... lolz... well for sure lookin' wow feelin' wow kah naman eh... abahhh... kaw na ang version koh nang mr. fitrum... lolz... eniweiz... malufet naman 'ung papatayo mong house sa mom moh... may swimming pool pa sa underground... ang sayah.... pabisitah kme ha pag natapos... hehe... hayz.. usapang pag-ibig... darating den yan sau parekoy.... natawa akoh sa hirit moh... ni isang girlfriend nga eh walah eh...abah ilang bah gusto moh mr. handsome fitrum... lolz... hayz minsan ganyan tlgah sa buhay.... naiisip naten.... like sa age naten... ano na bah ang narating naten?... parang minsan walah.... parang maraming time minsan napuput lang sa waste... parang pinapatunguhan ang buhay... pero ba't bah tayo so focus sa destination... darating den naman tayo don.... ienjoy na lang naten ang moment natens... ang journey patungo don... wala kcng katapusan yan... kahit makamit moh ang gustoh mong makuha eh you'll be wanting somethin' new again... hanggang marealize moh na matanda kah nah and you'll look back na parang ba't nde koh atah na-enjoy gano ang buhay koh... somethin' like dat... kaya nga sabi nilah... seize d' moment... enjoy every moment dat u have... live everyday as if it ur last cuz one day it'll be... and d' thing is we dunno when will be d' last.. it could be anytime... kaya enjoy life lang... focus on d' blessings dat u still have... and always be thankful kay God... and juz trust Him all d' time... so 'unz... ingatz ka lagi handsome! GODBLESS! -di

PaJAY said...

lolz..

"QALIWALI" LAYS! ...Doritos ang masarap!...lolz...

Wag kang mag tiis sa kubos at beryani parekoy..mag saing ka...hahahahaha


Cheers poging Cano para sa Tagumpay mo!...

Admin said...

Buti ka pa POGI! Hehe :)


Naks! Yan din sabi ng Mom ko... noon!

poging (ilo)CANO said...

@hidden,
oo ofw ako. mahirap dito pero kailangang magtiis para sa kinabukasan..

@madjik,
basta doritos pa rin ako...

@kosa,
salamin..salamin..nasaan sina julio at julia....

@dhianz,
di salamat tlga sa yo...haba ng post mo este coment mo..hehehe..lolz....ingatz di...


@pajay,
masarap ang chicken biryani parekoy....tagay para sa tagumpay..lolz

@lionheart,
oo pogi ako..amf..

paperdoll said...

para sakin lang ah? snaku parin ang gusto co. . mura pa. . haha. .

bakit nasama dito ang kambal ng tadhana. . ?

bilib aco sayo sa maraming dahilan. . isa kang taong may pangarap at may pinanghahawakang lakas para magbuhat ng sariling bangko. . lol. . joke lang pogi ka naman talaga sabi ni batman eh. . hehe

poging (ilo)CANO said...

@paperdoll,
meron pa ba snaku?

Margaret T said...

mas masarap pink-nik KETSUP flavor!

Template by:
Free Blog Templates