Nakilala ko si kuya Celso
(hindi tunay na pangalan) sa dati kong pinapasokan na kompanya sa pinas. Isa siyang janitor-messenger doon. Isa siyang mabait, matulungin, masipag at makapakakatiwalaan na tao at ama. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. May apat na anak. Ang kanyang asawa ay dating ofw pero hindi siya nagtagal sa abroad dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya ng kanyang dating amo. Hindi pinapakain at hindi rin binibigay ang kanyang sweldo kaya napilitang umuwi sa pinas pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis at paghihirap.
Dahil sa kanyang kabaitan, naging malapit ako sa kanya at sa kanyang pamilya. At ganun din naman sila sa akin. Welcome na welcome ako sa kanilang tahanan. Si kuya Celso ang nagsilbing kaibigan, kapatid, kuya, tito at ama habang ako ay nasa maynila naghahanap buhay. Kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at humihingi ng mga payo. Buong buo ang tiwala ko sa kanya.
Bago ako umalis ng bansa, may isang bagay akong nilalakad na hindi ko natapos dahil na rin sa aking biglaang pag-alis at hindi ko na maaiskaso pa. Ito ay ang aking pagkuha ng bahay sa pamamagitan ng
pag-ibig housing loan. Nagpagawa ako ng SPA
(Special Power of Attorney) upang siya na lang ang mag-aasikaso at bahala sa paglalakad ng mga papeles habang wala ako sa pinas samantalang ako naman ang bahala sa usaping financial. Walang alam ang aking pamilya tungkol sa aking pagkuha ng bahay kaya sa ibang tao ko ipinagkatiwala ang pag-aayus nito.
Pagkaraan ng limang buwan, nakatanggap ko ang magandang balita mula sa kanya. Na turn over na sa akin ang bahay. Sa madaling salita may munting bahay na ako…wow!.lolz..hehe..pinaalam ko na rin sa family ko na may munting bahay na ako at ibabahay na lang ang kulang...oh! dba na surprise sila!.hehe..
March 2008 ng magstart akong magbayad ng monthly amotization sa
pag-ibig. Ang pera na pambayad sa amortization ay apinapadala ko kay kuya Celso buwan buwan through bank + pamasahe niya and keep the change pa. Buwan buwan akong nagpapadala ng pambayad kaya buwan buwan din akong tumatawag sa kanya upang alamin kung may problema sa aking ibinabayad. Kung ibinabayad ba o hindi? Ang kanyang laging sinasabi, wag daw akong mag-alala dahil updated naman daw ang aking account at sa katunayan advance pa nga daw ako ng 1 month which is true naman base na rin sa aking pinapadala. Kaya panatag ako na ayus ang lahat at walang problema.
Ngunit noong nakaraang lingo, isang txt msg ang aking natanggap mula sa pag-ibig. Isang mensahe na nakakagulat at tila magpapawalang saysay sa aking paghihirap at sa aking pangarap. Sinabi sa akin na ang aking account ay malapit nang macancell dahil hindi raw ako nagpapabayad. Nakakabigla ang pangyayari. Tumawag ako kay kuya Celso upang alamin ang katotohanan. Ngunit sa malas ni kulas hindi ko makontak ang kanyang celfon.
Agad kong pinaalam sa aking kapatid ang aking problema. Pinuntahan niya si kuya Celso sa kanilang bahay upang alamin kung ano talaga ang kaotohanan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa aking binabayaran. Sa kanilang paghaharap, napatunayan nga na hindi niya ibinabayad ang aking pinapadala. Base sa huling resibo na kanyang ipinakita, lumalabas na siyam na buwan siyang hindi nakabayad kaya siyam na buwan narin pala niya akong niloloko na walang kamalay malay. Magkahalong lungkot, galit, pagkaawa, ang aking naramdaman kay kuya Celso. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin iyon. Muntik na niyang sirain ang pangarap ko. Paano na ang pinaghirapan ko? Kuya,bakit?
Nagkausap na kami ni kuya Celso. Pinakinggan ko ang kanyang mga paliwanag at nakinig naman ako sa kanyang mga paliwanag. May galit akong naramdaman pero mas nangibabaw parin ang aking pagkamaunawain at pagkamatulungin. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at magkano lang ang kanyang kinikita? Hindi yun sapat para buhayin ang kanyang pamilya. Kung ikaw ang ama, gusto mo bang nakikitang gutom ang iyong mga anak? Hindi importante sa akin ang nawalang pera, ang kanyang mga paliwanag sa akin ay sapat na.
Hindi ko siya inobliga na bayaran ang nawalang pera, pero siya mismo ang nagsabi na papalitan din niya yun. Kung magbibigay siya,maraming salamat, kung hindi, ayus lang. marunong naman akong umunawa at umintidi eh saka alam ko kung anong klase ng buhay meron sila. Yung huli kong padala nong nakaraang buwan, hindi niya ibinayad dahil pinambili daw pala ng skul supplies. Ready to skul na mga anak..
Sa ngayon, medyo ayos na ang lahat. Nakapag apply na rin ako ng
condonation program ng pag-ibig sa tulong na aking kapatid. Tuloy tuloy parin ang aking pagpapadala ng pambayad buwan buwan pero hindi na kay kuya Celso, sa kapatid ko na......
"maraming namamatay sa maling akala"