Friday, February 27, 2009

Unan!

Mensahe mula sa aking FS Msg. Inbox

"hi... napaka unfair mo s frend qo!!!! d aqo mkapaniwala n ikaw pa ang makakasakit s kanya ng matindi!!!!!!umalis k dto ng pinas ok pa tyong lahat pti keo...lam mo b iniiyakan p dn n kim (di tunay na pangalan, kahawig niya kc si kim chiu) ung pillow mo! nasasaktan me para s knya dhil nagbago kn! baket k ganyan??? d ikaw c pogi n nkilala nmin, d ikw ung pogi n minahal n kim sayang ang panahon naghintay xa syo!!!! napaka sama mo!!!!!!!!!!!!!!!!Ang laki ng pnag bago! asan n ung pogi n nkilala at minahal n kim????! sayang lhat ng pnasamahan nti pti keo n kim bigla k nagbago! hai sana masaya k nga! thanks s memories!"



---------------OoO---------------


hindi ako nagbago, ako pa rin ung pogi na kilala mo at minahal ni kim. kung may nagbago man hndi ko na yun kasalanan, itanong mo na lang ang iyong kaibigan kung bakit? nung mga panahong halos madurog ang buhay ko sa dahil sa kalungkutan at kinailangan ng karamay at masasandalan, nasan siya? hindi man lang niya ako dinamayan. masakit un para sa akin kung alam mo lang. umuwi ako jan sa pinas na wala sa oras at ang aking katawan ay parang lumulutang sa kalawakan dulot ng matinding kalungkutan. hinintay ko siya sa aming tahanan upang akoy damayan pero ni anino niya ay hindi ko man lang nasilayan. alam ko rin na may kasalanan ako dahil hindi ko rin siya nadalaw bago ako bumalik dito sa ibang bansa pero dapat mas maintindihan niya ako dahil sa mga problema na aking dinadala. masakit sa damdamin pero kailangang tanggapin. dapat ko munang ilaan ang aking mga oras sa aking pamilya dahil kailangan nila ako at mas kailangan ko din sila...


ang ipinagtataka ko lang, bakit ngayon ko lang siya narinig na umiyak? ngayon lang ba niya n realized na mali siya? masama na ako kung masama, gago kung gago at unfair kung unfair. oo, hindi ako masaya pero pinipilit kung maging masaya para sa aking pamilya...

(si kim ay ang aking gf na iniwan sa pinas more than 1 yr ago)

Tuesday, February 24, 2009

Condom!

sa dinami daming lugar na pwedeng pagkodakan bakit ito pa ang napili niya? di na lang siya pumunta dito sa bahay ko na bagong anyo at kasing "pogi" ko mas maganda pa ang view....
----------------------------------------------------------------------
maraming tenchu nga pala kay yanah at jentot sa pagpupuyat at pagdurugo ng kanilang mga koko sa paggawa na peyj ko...dahil sa inyo lalong pomogi ang bahay ko at tiyak matutuwa din si batman sa mga ginagawa niyong pagpapasaya sa mga taong katulad ko..
pasalamat kayo at marunong kayo niyan...hahahaha...ADIK.....

Tuesday, February 17, 2009

tag ng tag...

tag na naman...grabe na itech. paano ko ba to uumpisahan? d ako alam. dahil sa inyo yanah at jentot, naninikip ang utak ko at parang mababasag na rin ang aking pustiso sa pagtatype ng kung ano ano. pero okis lang yan, sabi nyo nga simple lang naman. umpisahan ko na ba? cge na nga! mga sampung bagay tungkol sa myself at ang isa ay chuva ek..ek...kayo na lang ang kumilatis kung alin sa mga dun...its ur choice! so go go go na.

1. ako ang bunso at bansot na anak ng nanay at tatay ko. tatlo lang kami..ibig sabihin ako ung pangatlo.

2. nagka 6 gf na ako pero lahat hindi nagtagal. hindi nila kasi ako sineseryoso. tangznang pag-ibig na uso pa!

3. matulungin akong tao. basta kaya ko, ibibigay ko mapasaya lang ung mga tao na nangagailangan.

4. naging sakristan ako nung nasa elementarya pa ako.

5. pangarap kung maging pari noon pero hindi pumayag ang aking magulang nung gustuhin ko nang pumasok sa sementeryo este seminaryo dahil hindi daw kaya ng powers nila ang tuition. wala rin daw akong sponsor.

6. laking bundok ako pero takot ako sa ahas. malaki man yan o maliit basta ahas.

7. alcoholic ako. malakas ako sa inuman lalo nung nasa pinas pa ako. parte yan ng buhay ko. kung walang alak, walang buhay. narasanan ko nang nakipag inuman ng 60 hours na ihi lang ang pahinga.

8. hindi na ako mahilig sa mga alahas, dahil nung nag-aaral pa lang ako,mga alahas ko laging nasa pawnshop nakasanla para lang may pambili ng alak.

9. naging treausrer at auditor ako sa skul namin nung college pa ako. (commerce dept.) ung ibang pera kinukupit namin...hahaha...

10. artista ako dati pero sumabay ang aking pagbagsak sa pagbagsak ng industriya ng pelikula.

ay sa wakas naka sampu din...alin kaya jan ang hindi trulalo....bahala na kayo! ayun sa role, kelangan daw ipasa ito. pero kanino? sino kaya? ayun may naisip na ako, magpaputok ka na
bommz...
------------------------------------------------------------------------------------
dahil hindi pa ako pagod magsulat, diresto na rin ako sa "50 random things i lyk daw..tsk..tsk..
(1) alak-any brand, bestfriend ko yan (2) baso-tagayan (3) disco bar (4) internet (5) music-love songs (6) frenchfries-faveko yan (7) color na sky blue (8) sunglass na maliit lang ang salamin para cute (9) maglakad lakad na mag-isa (10) live bands (11) pansit canton (12) load ng celfon (13) chatting-nakaka baliw (14) suspens drama na movi (15) chocolates na matamis (16) pumunta sa ibat ibang lugar (17) picnic (18) number 15, (19) mang-asar (20) pabango-basta mabango (21) pantalon na levis (22) sapatos (23) tsinelas na walang kordon (24) magazine-babasahin pag naboboring (25) mapag-isa (26) salamin-laging nagsasabi na pogi ako (27) blogging (28) orasan-laging tinitignan lalo pag malapit na uwian (29) accounting 1 & 2 - mataas kasi grade ko jan (30) computer game na super mario (31) pipino-masarap na pulutan (32) kalendaryo-kailan ang sahod? (33) ballpen-para may magamit pag may nagpapa autograp (34) calculator-gamit sa trabaho,pangkwenta rin ng mga utang at pautang (35) kandila (36) digicams (37) manood sa youtube (38) itlog-laging ulam (39) air freshener (40) uminon ng tea (41) araw ng friday-washing day kasi (42) papel (43) batman toys.collection (44) big toys (45) food menu (46) kumain ng kwek kwek, fishbol sa UP (47) nag-iisip (48) tamambay sa park (49) plurk (50) flirting...hahaha.....

sa wakas natapus din..dumugo ang kuko sa pag-iisip nito...kasi? amf..ipapasa ko ba to? ayun sa batas, kailangan daw eh...kw naman ngayon
azel..its ur turn....
---------------------------------------------------------------------------------------------
kala ko tapos na, meron pa pala isa galing kay baklang
bibba...toinkz...ito daw ang name tag, mga pangalan ko daw na tawag sa akin at kung sinu sino ang mga taong yun ng tumutawag sa akin....pati to papatulan ko na rin total inumpisahan ko, tatapusin ka na din....alyas ni alyas...

JAMES - my real neym.halos lahat ng tao kasi yan ang neym mo
VINCENT - mga kaibigan na alam ang kumpleto kong pangalan
BULLDOG - mga tao sa lugar namin,mataba daw kasi ako nung bata pa ako
DOG - shortcut ng bulldog, close friends
GOC - tawag sakin ng sis ko, ewan ko kung san galing yan
ROVER - tawag naman ni ermat at erpat. pinagdugtong ang pangalan nila RO from Rogelio VER from Verena = ROVER
BOY TAE - tawag sa akin ng mga katrabaho ko dati sa philippine mental. nalaman kasi nila na once or twice lang ako tumae sa isang linggo
HONEY - tawag sa akin ng dati kung gf
ALAKBOY - mga katagayan ko sa bario
PAPA JAMES - tawag sa akin ng mga baklang tambay sa kanto malapit sa inuupahan ko
ADIK - tawag ng mga kapwa adik din,
yanah at jhen
BATMAN - tawag ko sa sarili ko...
POGI - ang itawag niyo sa akin....lolz...

tapoz na tapoz na....nakakapagod tlga...pasa ko din to kay
CM para mapagod din ang BLOGGYWOOD star fish... hehehe...

Monday, February 16, 2009

happy beerday mulong!


Feb. 17, 196? - kasalukuyan


HAPPY BEERDAY ABE MULONG CARACAS!


dahil birthday mo, ipagkakalat ko sa buong mundo na hindi ka na bata.


at cgro naman hindi ka na mag Y oh Y? dahil halata naman..


dahil beerday mo, sayo ang handaan, sayo ang pulutan pati ang inuman


wag ka lang malasing at magsuka sa aming harapan.

ito lang ang maireregalo ko sa 'yo may kasama ng pulutan
"subukan mo lang...sakaling baka malasahan !"
hanggang sa muling tagay..happy birthday dre!......




Friday, February 13, 2009

sigaw part 2!

ano ba? talagang pilit niyo akong pinapasigaw ah! binabato ata ako ng tag ngayon..una si yanah, pati si bommzz umeksena...tinataga niyo tlga ako...grabe na itech..

sa totoo lang, ayaw ko nang sumigaw dahil alam na ng buong mundo ng blogospryo kung sino ako kaya hindi ko na dapat ipagsigawan pa. sabi nga ni rolan "ang kagwapuhan hindi na kailangan ipagsigawan... kasi nakikita nmn yan ng harapan!"....

pero dahil pinipilit niyo akong pasigawin....ayos lang...go..go..go..pa rin ako..hindi ko na ipagsisigawan na pogi ako at baka magising pa si kosa at umangal na naman dahil nabubulabog daw ang kanyang pagtulog sa mga sigawan ngayon.

eto na sisigaw na ako........

1........

2.......

3......


kayong may mga utang sa akin maaaaaagggbbbbbbbbbbbbaaaaaaaaayyyyyyyyyyaaaaaaaaadddddddddd na kayooooooooooooooooooooooo....para magkapera naman akoooooooooooo...

sana narinig nila yan para matauhan naman sila at maalala ako....

gaganti ako. gusto ka rin pasigawin si mulong kahit alam kung lashing siya ngayon...isama ko na rin si supergulaman at doc aga para sumigaw din sila...tag tag na to....taga taga lang kaibigan...lolz...

Sunday, February 8, 2009

Sigaw

ang mga naging presidente ng pilipinas ay may kanya kanyang sigaw para sa bayan pero ala itong kwenta...........panis........



hindi ako naging presidente pero may karapatan din akong sumigaw para sa bayan upang malaman ng buong sambayanan o mundo ang katotohan . itoy walang halong biro, hindi hakahaka lamang at chuba ek ek..totoong totoo as in trulalo......





BABALA: nakaka "INGGIT"







sigaw ni Marcos: "Mabuhay ang Pilipino"




sigaw ni Cory: "Laban, Pilipino"




sigaw ni Ramos: "Sulong, Pilipino"





sigaw ni Erap: "Casino Pilipino"




AKO: POGI AKOOOOOOOOOOO!!!!!!





kung gusto niyong sumigaw, sumigaw din kayo, basta sabihin niyo lang ang totoo.....kung may angal ka sa sinigaw ko, sisihin niyo mga magulang ko kung bakit ako pinanganak na gwapo.....lolz....



(lashing ako hik!)

Friday, February 6, 2009

Pogi, Nasan Ka Na?

hindi ako makakonek sa internet sa mga nakalipas na oras kaya napagpasyahan kung mag foodtrip na lang sana sa loob aking kwarto at kumain ng masarap na doritos, kahit sabihin pa ni yanah at madjik na mas masarap ang lays. langya, pinagkaisahan niyo ako ah! mas masarap pa rin ang doritos noh! kung ipagpipilitan niyo na mas masarap pa rin ang lays niyo kaysa sa doritos ko, “kayo na ang ako, para kayo na ang gwapo!”…lolz..ngunit nang aking buksan ang aking maleta, shetness! ubos n naman pala ang aking stock! ubos na naman ang aking paboritong doritos.

dahil wala akong ibang maisip na gawin, pinagtripan ko na lang na humarap sa aking mahiwagang salamin para kausapin at kumustahin ang aking sarili. ang salamin na iyan ay hindi pagmamay-ari ni boy abunda at hindi rin kay reyna dowager, ang malditang stepmader nina Julio at Julia – ang kambal ng tadhana. kilala niyo ba sila? sa aking pagharap sa salamin, maraming katanungan ang aking tinanong sa aking sarili. bukod sa bakit super pogi ako pag nakahaarap sa kanya kahit bagong gising pa lang ako, paano na lang kaya kung nakaligo at nakabihis na ako, eh di mas lalo na!…swak na swak…sa aking pagmumuni muni, tinanong ko ang aking sarili kung nasaan na ba talaga ako ngayon? may narating na ba ako at kung anu-ano ang mga dapat pang gawin?

mahigit isang taon na ako dito sa ibang bansa bilang OFW. magihit isang taon na rin ang aking pakikibaka, paglalakbay, pagtitiis at paghihirap para sa katuparan ng aking mga pangarap. sa mga panahong iyan, halo halong problema na rin ang dumating….personal, financial, at ang walang kwentang pag-ibig na malufet….tang-inang pag-ibig na uso pa..amf…dahil pursigido ako na makamtan ang aking mga pangarap, hindi ako nagpadala sa mga problemang iyan. rinesulba ko ang mga problema na mag-isa dahil wala namang ibang tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang at ang Maykapal minsan tinatawag ko rin si batman... ito ang nagsilbing hamon kung papaano ko harapin ang mga pagsubok sa buhay upang maging matatag at matapang sa bawat hakbang ng aking paglalakbay. hindi madali ang magtrabaho dito sa ibang bansa. kung wala kang lakas ng loob, paninindigan, sipag, tiyaga at hindi marunong magsakripisyo, huwag ka na lang pumunta dahil tiyak talo ka sa pakikipaglaban dito.

masaya ako kung nasaan man ako ngayon….natutulungan ko na ang aking magulang sa usapang financial kahit kunti lang, hindi kagaya noon na kahit piso wala akong naibibigay. natuloy na rin ang aking pagkuha ng sariling bahay kahit rowhouse lang siya at buwan buwan ko na rin hinuhulugan (sa ngayon wala pang nakatira, baka gusto niyong upahan para kikita naman..heheheh). nakakabili na rin ng sariling gamit at hindi na nanghihiram…….iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang resulta ng iyong pinagpaguran na walang natatapakan na ibang tao…ang saya saya talaga! hindi ko pa masasabi na malayo na ang aking narating dahil marami pa akong bagay na dapat tatapusin at aayusin. sabi nga ni nanay, huwag daw muna ako mag-aasawa hanggat hindi ko matatapos ang pangko ko sa kanila. pangako ko kasi sa kanila na ipapagawa ko yung bahay kubo namin para mag mukhang bahay naman at palalagyan ko ng swimming pool sa underground…pressure ako jan ah! di pa kasi nauumpisahan til now, ala pa budget...hahaha..inay, gagawin ko yan in shallah, saka hindi pa ako mag-aasawa kasi kahit isang gelflen wala ako, lagi na lang kasi nila ako niloloko…toinkzz!…

alam kung marami pa akong kakaining kubos at biryani bago ko makamit lahat ang aking pangarap sa buhay. marami pang matitinik na daan ang aking tatahakin at problema na pagdadaanan. kahit ano pa man ang dumating, bagyo, ulan, ambon, lindol, tsunami nakahanda akong labanam yan para sa aking kinabukasan at pangarap gamit ang aking powers…..kasipagan at pananalig sa maykapal…

“pogi…..magsumikap ka…panatilihing nakaapak ang iyong mga paa sa lupa….habang buhay ka, pogi ka…ituloy mo lang ang iyong paglalakbay hanggang sa makamit mo ang tagumpay” - BATMAN....

Monday, February 2, 2009

pebrero

pebrero
araw na naman ng mga puso,
araw ng pagtatagpo,
ng mga nagmamahalang puso

pebrero
malakas ang kita ng sogo, wise, at anito,
kahit kwarto sa kanto pwede na rin basta may pwesto
at magbabayad kayo pagkatapos niyo.

pebrero,
lagi na lang akong ganito
olweyz sugatan o zero tuwing sasapit ang buwan na ito
nakakainggit naman kayo!

pebrero,
sunod na buwan ay marso abril mayo at hunyo
hulyo ,agusto, septyembre at oktobre
nobyembre at sa disyembre uuwi na ako dahil magbabakasyon ako.


INUMAN NAAAA!!!!lolz.

Template by:
Free Blog Templates