halos maghapon din akong tumunganga sa trabaho ngayon araw na ito. sunod sunod na araw na din kaming nawawalan ng supply ng kuryente. “maintenance” ang madalas nilang dahilan o di kaya ang kable ay naputol dahil nasagi na naman ito ng mga sasakyan na dumadaan. hindi pa kasi masyadong develop ang industrial area na kinatitirikan ng aming opisina. ang mga kable ng kuryente ay parang pinas parin na pwedeng sampayan ng damit dahil mababa lang nito. hindi kagaya ng ibang area na underground cable na.
kung wala ng kuryente tigil narin kami sa trabaho. ito ang simula ng pagtunganga sa loob ng opisina at pag-abang sa tagaktak ng pawis na dulot ng init dahil sa kawalan na a/c. kelangan din ihanda ang ilong sa amoy ng mga kasamahan sa trabaho dahil habang tumatagal lalong umaamoy (hindi sumasarap) ang debolyong amoy. kung may pawis, may power! san ka pa? dito lang yan.
gusto ko sanang ayusin ang aking magulong upang para mabawasan ang kalat kahit wanport lang ngunit bigla akong tinamaan ng katamaran. lumabas ako sa opisina upang magpahangin pero bamalik din ako kaagad dahil maalikabok…mdyo may sandstorm kasi. bumalik sa aking upuan. sinalpak ang headphone ng mp4 sabay patong ang isang paa sa aking lames….soundtrip na.
habang busy ang aking teanga, busy rin ang aking mga mata sa katititig sa mga bagay bagay na nakakalat sa saking lamesa. imbes na itoy aking ayusin, mas lalo ko pa itong ginulo. bawat bagay na aking nakikita at nahahawakan ay aking pinaglalaruan. bato dito, bato doon hanggang sa mahawakan ko ang isang eraser.
pinaglaruan ko ang eraser. ginawang micropono habang napapakanta sa musika. kinagat kagat na parang chocolate, ginawang bola, truck-truckan at kung anu-ano pa. nang wala na akong maisip na gawin sa kanya, naisipan ko itong i-ugnay sa king buhay. na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…