Wednesday, September 2, 2009

i miss u



ala una y medya ng hapon kanina nang ako’y lumayas sa trabaho. diretso sa bahay tulugan... kumain ng patago.. nagbukas ng taptap. pindot dito, pindot doon hanggang sa ako’y dalawin ng antok at nakatulog…nag ring ang aking celfon. tumawag ang isang mabaho…hindi na ako ulit nakatulog pa….bumalik sa harap ng taptap..binasa ang isang pm ng isang umiibig mula sa sharjah heheeh.(offline na xa)…binuksan ang online radio..genre, lab songs..ayus db?..walang makakulitan sa chat, sa fezbuk at sa plurk…hanggang sa akoy humiga ulit….tinitigan ang kisame..napapangiwi at napapangiti sa bawat musica na naririnig dahil narin sa mensahe na ipinapahiwatig nito…may tama!..lolz….napunta ang aking kaluluwa pabalik sa pinas…sapul! nakaramdam ako ng homesick.....magdadalawang taon na ako dito sa ibang bansa... hindi pa ako nagbabakasyon. umuwi na ako isang beses pero hindi naman iyun bakasyon (emergency leave)…marami na akong na mi-miss sa pinas..mga tao, bagay at hayop..lolz..hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapag desisyon kung uuwi ba ako sa buwan ng ?????? upang magbakasyon ng bongga?…maraming mga tanong at dahilan na pumipigil sa akin….dahil walang pamasahe?...pinapa-uwi ba ako ng aking pamilya?.....o sadyang may hindi maiwanan lalo nat magpapasko na?...nyahahahaha…..ramadan…ramadan…..sana matapos ka na at makapasyal na ako(kami ng bebe ko)……para matanggal na rin ang pagka boring at pagka abnoy ko….

Dahil sa labis na pag-iisip sa pinas…namiss ko sila….

TABO – dati tabo ang ganagamit ko sa paliligo at paghugas ng pwet na may tae. dito buksan ko lang ang gripo makakaligo at mahuhugasan na pwet ko. walang kachalens chalens. ba!....iba parin kasi ang tabo. sa tabo pwede kang tumae, eh sa gripo pwede ka bang tumae?

LAMESA - sa sobrang sikip ng aking kwarto, ang lamesa ay walang pwesto. tuwing ako kakain, sa sahig lang at diyaryo lang ang sapin sabay tapon pagkatapos kumain. iba parin pag sa lamesa kakain. pwedeng magtago ng ulam sa ilalim.

ALAK – bihira lang akong makatikim ng alak ngayon. kung nakakatikim man, ito’y patago at linibre lang din ako. mahal at mahirap bumili ng alak dito.

ELECTRIC FAN – sa trabaho at sa bahay maghapon/magdamag nakabukas ang a/c. hindi kasi kaya ng power ni EF ang init dito sa disyerto. pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako pumuputi kahit laging nakakulong sa malamig ng kwarto?hehe..sa elctric fan, mas mababa ang konsumo ng kuryente kumpara sa a/c.

TV – wala akong tv dito. sa taptap lang ako nanood. kung minsan dumadayo pa ako sa kabilang bakod makapanood lang ng may bukas pa at only you sa tfc.lolz…(crush ko kasi si dimples romana pero hindi ko parin ipagpapalit si b2..hehehe)..yung tv may remote, pero yung taptap wala! (kaya wag kang magtaka kung napapansin mong hindi ako marunong gumamit ng remote ng tv niyo...hahaha)

mahigit isang taon na ako dito sa uae. ilang beses narin akong umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera (dapat lang), bumili ng pagkain at mga gamit. kung hindi sana ako umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera at bumili ng pagkain at mga gamit, malapit na sana akong maging...................…toinkz..hehehe.lolz....







19 Kumento Ng Mga Kupal:

Yien Yanz said...

Hehehe, naalala ko lang yun post ko, dami ko din nami-miss eh... share ko alng din ikaw kasi eh...

(kinopy ko lang to sa post ko dati pa...http://wattuduyanie.blogspot.com/2009/02/i-mishu.html)

Nami-miss ko na ang pop-cola na binibili ko kina Auntie Julie pag may natitira pa sa baon ko galing sa eskwela. Nami-miss ko ang pee wee, si Panget, ang aso namin… nami-miss ko ang sakong duyan sa silong ng aming punong mangga, ang pangongolekta ng kaning-baboy sa mga kapit-bahay, ang pag-buga ng hangin para lumakas ang apoy sa kalan naming ginagamitan ng panggatong pag nagluluto ako ng kanin. Ang pakikipag-laro ng chinese garter at text sa kapitbahay…

pamatayhomesick said...

namiss kong maglaro ng sipa, barilbarilan at patentero.

kaya pag kinukwento ko dito sa kuwait sa anak ng kaibigan ko, yun naman ang gusto gusto nila malaman..di kasi nila naranasan dito.:)

bizjoker-of-the-philippines said...

Lakay, naisip mo pang abusuhin ang kapaki-pakinabang na tabo...hehehehe! dun ka pa u-uu!

Nakakamiss talaga umuwi
..miss ko na ang Eat Bulaga! wala kasing Pinoy channel dito sa Afghanistan...
..miss ko ang dalawa kong aso na sa webcam ko lang nakikita..si Kabul at si Afghan...

ang lahat na alak at pulutan, nakakamiss din...

miss ko ang bike ko, si Corpus Delicti..kahit 125cc lang sya...walang mag-dare humuli.. ...gwapong-gwapo sa kulay nyang Blue!

siyempre ang buong pamilya...

duboy said...

grabe naman ang tabo, dami palang gamit! pwede rin inuman ang tabo kesa gripo kasi mababasa ang fez mo pag sa gripo ka tumungga, kaya lang problema kung yung tabo rin na yun eh tinaihan mo! hahaha kadirs! hahaha


miss ko na kubeta sa amin. saka yung lilim ng punong kasoy sa itaas ng kubeta...(usapang tae na to! heheh)

i miss manila. i miss shang. i miss her..

Chyng said...

bakit di ka man lang umuwi?
uh, yung girls ba di mo namimiss? ;D

2ngaw said...

Toinks!!!Magdadalawang taon? Eh ako nga lagpas 2 years bago nakauwi.anim na taon na ako dito sa november at pangatlong uwi ko pa lang sa march2010, tapos may pamilya pa akong iniwan :(

Kaya mo yan pre, sa bakasyon mo magdala ka na ng tabo galing Pinas para may magamit ka pag tatae lolzz

eMPi said...

miss ka rin daw nila pogi.... :)

Dhianz said...

James!!! aliw tlgah akoh sa name moh.. wehe... teka naaliw ren akoh sa post moh.. lalo nah 'ung tabo part.. haha.. katawa kah tlgah... naks miss ang bebe nyah... yeah miss na miss na miss kah ren nyah lagi... sobrah.. naks naman!... teka hiritz lang.. nde ka naman nagplu-plurk ah? parang never kitang naka-plurk... eniweiz... hmnzz.. 'un na nga lang ang hiritz... at least nde akoh nahuli d2 sa post moh.. laterz tortol ni sis Jenskee... Godbless u two.. =)

Ruel said...

grabe naman yung tabo..pwede ka ba talagang tum@@& dyan?hehe

nakakamiss nga ang Pinas. Mahigit tatlong taon na rin ako sa Dubai at miss na miss ko nang ikutin ang isla namin na nakamotorsiklo at basang-basa sa ulan..

EǝʞsuǝJ said...

buhooooo....
para-paraan \m/
sabi naman kase sayo
pwede ka naman umuwi sa december...
kesa dramahan mo ko sa pasko
(babatukan lang kita gamit ang tabo, tortol)...
bwahahha...

hawa hawa lang ang homesick galore...
nyahahaha...
:P

A-Z-3-L said...

tragis... ang baho ng usapan ah...

pero nakakamiss nga ang Pinas.. gustuhin ko mang umuwi hindi naman ako makauwi.. sayang ang pamasahe, ipapadala ko na lang ang pera... sayang ang gagastusin ko dun... mas kailangan nila...

tiis muna... haaaayyy!! magtatatlong pasko na ako dito sa Dubai... magtatatlong pasko na rin akong absent samen...

hindi ko na nga alam kung pano icelebrate ang pasko.... haaaayyy!

cmvillanueva said...

oi mahirap ba ang alak jan sa inyo?? lipat ka na kasi dito sa malapit sa bilihan ng alak.. hehehe!

dito sa amin, lalakadain mo lang, bilihan na ng pangtoma, lolz!!

Kosa said...

hahaha taena parekoy.
mainggit ka ng bonggang bongga sa amin dito. Kahit anung oras, araw at lugar, pwedng pwede ang lumaklak ng alak.

yun.. yun ang hindi ko kayang iwasan..lols

uwi lang ng uwi Pogi. alam ko naman na marami ka ng ipon eh.
sabagay nasa sayo pa rin yun! masmaganda pa rin yung may kasabay.lol

talaga, umiiyak ka rin?
paano?lolz

poging (ilo)CANO said...

@Yanie,
may naalala ako sa pop cola. linalagyan namin nun ng cornbits sa sabay inum. lambot na cornbits..sarap..hehe

@Ever,
mga bata ngayon, marunong pa kaya nilang laruin ang patintero? o baka patinterong lasing na lang ang alam nila..hahaha...

@Bizjoker,
all around kasi ang tabo..dun kasi ako madalas jumebs dahil tamad akong pumunta sa kubets namin na pede kang mahulog.

may v-tek din ako sa pinas...bitekleta..hahaha...ginagamit ko pag bumibili ako ng bitamina A - lak.

masarap parin pulutan ang aso..hahaha...

@Chico,
tabo is the best policy...lolz..

pede naman hugasan ung tabo kahit dun ka umuu..gamitan mo na lang ng safeguard para 99.9% of germs ay patay...hahaha

@Chyng,
sinong mga girls? hayaan mo sila, hanggang sa pangarap na lang nila ako..nyahahaha..

@CM,
uuwi ka sa march? may alam din akong uuwi sa buwan na yan ah! magkikita ba kayo?..lolz.

@Marco,
sana nga miss nila ako...:(

@Dhianz,
masyado namang formal tawag mo sa aki...pogi na para mas may dating..lolz..may plurk ako dhi..bagsak nga lang karma pero try ko bumawi sa kaadikan..hehe..

@Ruel,
basang basa sa ulan, wlang masisilungan, walang malalapitan..napakanta tuloy ako..hehehe

@jenskee,
kaw na lang ang ako para ikaw na ang tumae sa tabo.nyahahaha...adik ak bebe...

@azel,
may hindi ka lang kasi maiwanan kaya ayaw mo din umuwi..hahaha..alam ko kung sino yun...lolz.

@batang henyo,
medyo mahirap dumiskarte alak dito parekoy kasi sa madilim na bahagi pa ng disyerto ka pupunta..nandun yung mga itik..hahaha..

malapit ka cgro sa spinneys no? punta na lang ako sa manila bay..hahaha..

@Kosa,
iba parin yung may kasabay kosa..nyahahaha

The Gasoline Dude™ said...

Ampf. Hagalpak ako sa tawa dun sa tabo! Pero ngayon hindi ko hinahanap ang tabo kasi mas masaya ako sa shower sa pwet. LOL

Balak ko umuwi ngayong taon sa Pinas. Hindi pa lang ako nakapagpa-book kasi naghihintay pa ng promo. Hehe. = P

poging (ilo)CANO said...

@Gas Dude,
mas astig parin ang tabo...lolz


ako naman eh wala pang desisyon kung uuwi ako o hindi..walang pangpromo eh..lolz.

EngrMoks said...

hahaha...ok site mo tol..salamat sa pag add sa link mo.. add na rin kita..yes, nadagdagan na naman ang magiging kaibigan ko sa blog...

Jez said...

hhmmmmmnn....di ko naisip ung gamit nga tabo ahh langya...
na try mo tlga un? hehehe

hayaan mo pre, namimiss ka rin ng pinas kaya quits lang kayo...hehehe

poging (ilo)CANO said...

@Mokong,
salamat din tol....

kita kits....

@jez,
oo na try mo yun..mas masarap tumae dun kaysa sa inidoro..hahaha

quits lang ba?...depende sa panahon...lolz

Template by:
Free Blog Templates