ilang linggo na akong windang na windang sa trabaho. minsan pati pag-inum ng tubig at paglalaro ng demonstar sa ofis nakakalimutan narin dahil sa sobrang dami ng trabaho na pinasa sa akin ngayon. mula sa paggawa ng mga memo, work order ng mga na-break down na mga sasakyan hanggang sa distribution ng lintik na gasolinang yan. isama ko narin pati mga pasaway at mahirap umintinding mga diesel attendants at mga foreman sa sites na wala nang ginawa kundi umangal ng umangal dahil sa delayed na pagsusuply. dagdag trabaho, dagdag sakit ulo. Okey lang sanang dinadagdagan ang aking trabaho kung may dagdag din sa sweldo para matuwa naman ako kahit wanport at mabawasan din ang sakit sa ulo. nung nakaraang araw, kinailangan ko rin mag extend ng oras sa trabaho hanggang madaling araw dahil na rin sa kakulangan ng aming attendants na matagal na naming hinaing sa kinauukulan pero hanggang ngayon hindi pa kami binibigyan.
kaninang umaga, nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap ng aking visor. ang naging sentro ng aming usapan ay ang dagdag umento sa sweldo ng aming mga attendants at sa aking side na din. matagal na siyang may ginawang sulat tungkol sa aking dagdag na sahod at change of employment status pero hanggang ngayon wala parin balita kung ano na ang nangyari sa papel na yun. kung ginawa na nilang eroplanong papel at pinalipad sa labas ng opisina ng kinauukulan hanggang sa tangayin ng malakas na sandstom patungo sa boarder ng saudi at aue kaya tuluyan ng nawala sa kanilang paningin at ala-ala. napalitan na ang dating manager, naka hanap na rin ng bagong trabaho ang aking dating visor, samantalang kami, naghihintay parin sa mundo ng ka-dieselan. naghihintay sa wala!
“Your talented, hardworking and still young. You have a bright future. subukan mong mag-apply sa ibang kompanya na magbibigay ng mas magandang sweldo at benefits. Kung dito ka lang, walang mangyayari sa’yo. baka maghihintay lang tayo sa wala. ako nga, naka ilang taon at sulat na rin ako, wala pang increase sa aking sweldo. kaya kung may mas magandang oportunidad, grab it. I will call my friend if there is any available vacancy in their company". - VISOR
kaya next week, maglalaho ako ng isang araw sa aking trabaho. susubukan kong magpasa ng cv sa kabilang station. nandun yung kaibigan ni visor (dati kong visor). kaya goodluck sa cv ko. bahala na rin si batman.