Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Thursday, November 19, 2009

eraser



halos maghapon din akong tumunganga sa trabaho ngayon araw na ito. sunod sunod na araw na din kaming nawawalan ng supply ng kuryente. “maintenance” ang madalas nilang dahilan o di kaya ang kable ay naputol dahil nasagi na naman ito ng mga sasakyan na dumadaan. hindi pa kasi masyadong develop ang industrial area na kinatitirikan ng aming opisina. ang mga kable ng kuryente ay parang pinas parin na pwedeng sampayan ng damit dahil mababa lang nito. hindi kagaya ng ibang area na underground cable na.

kung wala ng kuryente tigil narin kami sa trabaho. ito ang simula ng pagtunganga sa loob ng opisina at pag-abang sa tagaktak ng pawis na dulot ng init dahil sa kawalan na a/c. kelangan din ihanda ang ilong sa amoy ng mga kasamahan sa trabaho dahil habang tumatagal lalong umaamoy (hindi sumasarap) ang debolyong amoy. kung may pawis, may power! san ka pa? dito lang yan.

gusto ko sanang ayusin ang aking magulong upang para mabawasan ang kalat kahit wanport lang ngunit bigla akong tinamaan ng katamaran. lumabas ako sa opisina upang magpahangin pero bamalik din ako kaagad dahil maalikabok…mdyo may sandstorm kasi. bumalik sa aking upuan. sinalpak ang headphone ng mp4 sabay patong ang isang paa sa aking lames….soundtrip na.

habang busy ang aking teanga, busy rin ang aking mga mata sa katititig sa mga bagay bagay na nakakalat sa saking lamesa. imbes na itoy aking ayusin, mas lalo ko pa itong ginulo. bawat bagay na aking nakikita at nahahawakan ay aking pinaglalaruan. bato dito, bato doon hanggang sa mahawakan ko ang isang eraser.

pinaglaruan ko ang eraser. ginawang micropono habang napapakanta sa musika. kinagat kagat na parang chocolate, ginawang bola, truck-truckan at kung anu-ano pa. nang wala na akong maisip na gawin sa kanya, naisipan ko itong i-ugnay sa king buhay. na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…







Thursday, November 12, 2009

Pahinga


"pagod ako"

Monday, October 5, 2009

in pain!


"wag ka sanang bumalik ulit, dahil masakit"


Tuesday, August 25, 2009

buhay hangang grade 6


ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)

taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….

“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”

kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya

“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”

ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.

kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..

dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.

mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.

pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.



Friday, April 10, 2009

Biyernes

Biyernes Santo, araw ngayon ng paggunita sa kamatayan ni Hesu Kristo. Kasabay din nito ay ang pagkamatay ng aking bulsa. Magsisimba sana ako ngayong araw na ito pero hindi ko nagawa dahil kulang ang aking pera na pamasahe patungong simbahan. Pati ang aking mga kasama hindi rin nakapunta dahil halos pare pareho lang kami ng problema. 10 dirhams na lang kasi ang natitirang pera sa aking pitaka at itoy hindi sapat upang akoy makarating sa simbahan. Hindi rin naman pwedeng lakarin dahil malayo ito sa amin. Kapag itoy aking lalakarin, parang nilakad ko na rin mula north edsa hanggang sa pasay rotonda sabay pasok sa may sogo hotel na malapit sa may mrt station taft para magpahinga. kulang na lang ay krus sa aking balikat para kasali na rin ako sa mga nagpepenitensiya sa Pampanga. Di rin kasi kaya ng powers ko na maglakad ng malayo baka kasi umatake na naman ang aking rayuma. Mahirap na, walang mag-aalaga sa akin dito pag hindi ako makatayo.

Kahit hindi ako nakapunta sa simbahan, hindi ibig sabihin na hindi na ako nagdasal. Nagawa ko pa rin naman na kausapin Siya sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal sa loob ng aking kwarto. Nagpasalamat sa mga biyaya na binigay Niya sa akin at sa aking pamilya at sa Kanyang sakripisyo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Dahil kumpleto kami ngayon dito sa aming kwarto, nagkaroon kami ngayon ng mas mahabang bonding. Tulong tulong sa paglilinis ng kwarto, pagliligpit sa mga gamit na laging nakakalat sa sahig..i.e.plato, baso, kaldero, damit, atbp….mahabahabang kwentuhan, tawanan, kantsawan at higit sa lahat ang magpapasaya sana sa lahat, ang inuman. Buti na lang walang mabilhan saka walang pera na pambili ng aming tiki tiki kaya walang tagay….hehehe…nakausap ko rin ang aking moder dear nitong araw na ito, not once but twice pa sabi ni susan roces kay PGMA. Buti na lang tumawag ako sa amin, kung hindi ako tumawag,hindi ko pa alam na hinihintay na pala nila ang aking ipapadala na pera na gagamitin sa nalalapit na ika-isang anibersaryo ng pagkamatay ng aking mahal na ama. Sa totoo lang, ngayon sana ako dapat magpadala pero sa malas ni kulas, gaya ng inaasahan, delayed na naman ang aming sahod. Sahod na dadaan lang sa aking palad na malapad.

SINGIT LANG
May pumasok sa aming kwarto na hindi kumatok. Hindi ako sure kung isa siyang itik o banggali. Siguro nadapa siya ng malakas o ewan ko lang kasi nakasemento ang kanyang kaliwang kamay. Humihingi siya ng tulong para daw sa kanyang gamot. Naawa ako sa kanyang kalagayan kaya agad ko siyang binigyan ng 5 dirhams. Yung 10 dirhams ko 5 n lang..pero okey lang sa akin,mabait ako eh, saka baka mas kailangan niya yun ngayon. Gamitin man niya yun sa mali o tamang paraan, ang sa akin lang ay naipamahagi ko na ang dapat kong ipamahagi sa aking kapwa na bukal sa aking puso, kabayan man yan o ibang lahi. Nagpasalamt naman siya sa akin sabay alis.

Hayss Friday! Ilang araw na lang ay Easter na. Sana, sa muling pagkabuhay ni Hesu Kristo, sasabay din sana ang pagkabuhay at pagbibigay ng aming delayed na sahod….wish ko lang…

HAPPY EASTER TO ALL…..



Sunday, February 8, 2009

Sigaw

ang mga naging presidente ng pilipinas ay may kanya kanyang sigaw para sa bayan pero ala itong kwenta...........panis........



hindi ako naging presidente pero may karapatan din akong sumigaw para sa bayan upang malaman ng buong sambayanan o mundo ang katotohan . itoy walang halong biro, hindi hakahaka lamang at chuba ek ek..totoong totoo as in trulalo......





BABALA: nakaka "INGGIT"







sigaw ni Marcos: "Mabuhay ang Pilipino"




sigaw ni Cory: "Laban, Pilipino"




sigaw ni Ramos: "Sulong, Pilipino"





sigaw ni Erap: "Casino Pilipino"




AKO: POGI AKOOOOOOOOOOO!!!!!!





kung gusto niyong sumigaw, sumigaw din kayo, basta sabihin niyo lang ang totoo.....kung may angal ka sa sinigaw ko, sisihin niyo mga magulang ko kung bakit ako pinanganak na gwapo.....lolz....



(lashing ako hik!)

Friday, February 6, 2009

Pogi, Nasan Ka Na?

hindi ako makakonek sa internet sa mga nakalipas na oras kaya napagpasyahan kung mag foodtrip na lang sana sa loob aking kwarto at kumain ng masarap na doritos, kahit sabihin pa ni yanah at madjik na mas masarap ang lays. langya, pinagkaisahan niyo ako ah! mas masarap pa rin ang doritos noh! kung ipagpipilitan niyo na mas masarap pa rin ang lays niyo kaysa sa doritos ko, “kayo na ang ako, para kayo na ang gwapo!”…lolz..ngunit nang aking buksan ang aking maleta, shetness! ubos n naman pala ang aking stock! ubos na naman ang aking paboritong doritos.

dahil wala akong ibang maisip na gawin, pinagtripan ko na lang na humarap sa aking mahiwagang salamin para kausapin at kumustahin ang aking sarili. ang salamin na iyan ay hindi pagmamay-ari ni boy abunda at hindi rin kay reyna dowager, ang malditang stepmader nina Julio at Julia – ang kambal ng tadhana. kilala niyo ba sila? sa aking pagharap sa salamin, maraming katanungan ang aking tinanong sa aking sarili. bukod sa bakit super pogi ako pag nakahaarap sa kanya kahit bagong gising pa lang ako, paano na lang kaya kung nakaligo at nakabihis na ako, eh di mas lalo na!…swak na swak…sa aking pagmumuni muni, tinanong ko ang aking sarili kung nasaan na ba talaga ako ngayon? may narating na ba ako at kung anu-ano ang mga dapat pang gawin?

mahigit isang taon na ako dito sa ibang bansa bilang OFW. magihit isang taon na rin ang aking pakikibaka, paglalakbay, pagtitiis at paghihirap para sa katuparan ng aking mga pangarap. sa mga panahong iyan, halo halong problema na rin ang dumating….personal, financial, at ang walang kwentang pag-ibig na malufet….tang-inang pag-ibig na uso pa..amf…dahil pursigido ako na makamtan ang aking mga pangarap, hindi ako nagpadala sa mga problemang iyan. rinesulba ko ang mga problema na mag-isa dahil wala namang ibang tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang at ang Maykapal minsan tinatawag ko rin si batman... ito ang nagsilbing hamon kung papaano ko harapin ang mga pagsubok sa buhay upang maging matatag at matapang sa bawat hakbang ng aking paglalakbay. hindi madali ang magtrabaho dito sa ibang bansa. kung wala kang lakas ng loob, paninindigan, sipag, tiyaga at hindi marunong magsakripisyo, huwag ka na lang pumunta dahil tiyak talo ka sa pakikipaglaban dito.

masaya ako kung nasaan man ako ngayon….natutulungan ko na ang aking magulang sa usapang financial kahit kunti lang, hindi kagaya noon na kahit piso wala akong naibibigay. natuloy na rin ang aking pagkuha ng sariling bahay kahit rowhouse lang siya at buwan buwan ko na rin hinuhulugan (sa ngayon wala pang nakatira, baka gusto niyong upahan para kikita naman..heheheh). nakakabili na rin ng sariling gamit at hindi na nanghihiram…….iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang resulta ng iyong pinagpaguran na walang natatapakan na ibang tao…ang saya saya talaga! hindi ko pa masasabi na malayo na ang aking narating dahil marami pa akong bagay na dapat tatapusin at aayusin. sabi nga ni nanay, huwag daw muna ako mag-aasawa hanggat hindi ko matatapos ang pangko ko sa kanila. pangako ko kasi sa kanila na ipapagawa ko yung bahay kubo namin para mag mukhang bahay naman at palalagyan ko ng swimming pool sa underground…pressure ako jan ah! di pa kasi nauumpisahan til now, ala pa budget...hahaha..inay, gagawin ko yan in shallah, saka hindi pa ako mag-aasawa kasi kahit isang gelflen wala ako, lagi na lang kasi nila ako niloloko…toinkzz!…

alam kung marami pa akong kakaining kubos at biryani bago ko makamit lahat ang aking pangarap sa buhay. marami pang matitinik na daan ang aking tatahakin at problema na pagdadaanan. kahit ano pa man ang dumating, bagyo, ulan, ambon, lindol, tsunami nakahanda akong labanam yan para sa aking kinabukasan at pangarap gamit ang aking powers…..kasipagan at pananalig sa maykapal…

“pogi…..magsumikap ka…panatilihing nakaapak ang iyong mga paa sa lupa….habang buhay ka, pogi ka…ituloy mo lang ang iyong paglalakbay hanggang sa makamit mo ang tagumpay” - BATMAN....

Template by:
Free Blog Templates