Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Saturday, June 6, 2009

Kuya, Bakit?

Nakilala ko si kuya Celso (hindi tunay na pangalan) sa dati kong pinapasokan na kompanya sa pinas. Isa siyang janitor-messenger doon. Isa siyang mabait, matulungin, masipag at makapakakatiwalaan na tao at ama. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. May apat na anak. Ang kanyang asawa ay dating ofw pero hindi siya nagtagal sa abroad dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya ng kanyang dating amo. Hindi pinapakain at hindi rin binibigay ang kanyang sweldo kaya napilitang umuwi sa pinas pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis at paghihirap.

Dahil sa kanyang kabaitan, naging malapit ako sa kanya at sa kanyang pamilya. At ganun din naman sila sa akin. Welcome na welcome ako sa kanilang tahanan. Si kuya Celso ang nagsilbing kaibigan, kapatid, kuya, tito at ama habang ako ay nasa maynila naghahanap buhay. Kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at humihingi ng mga payo. Buong buo ang tiwala ko sa kanya.

Bago ako umalis ng bansa, may isang bagay akong nilalakad na hindi ko natapos dahil na rin sa aking biglaang pag-alis at hindi ko na maaiskaso pa. Ito ay ang aking pagkuha ng bahay sa pamamagitan ng pag-ibig housing loan. Nagpagawa ako ng SPA (Special Power of Attorney) upang siya na lang ang mag-aasikaso at bahala sa paglalakad ng mga papeles habang wala ako sa pinas samantalang ako naman ang bahala sa usaping financial. Walang alam ang aking pamilya tungkol sa aking pagkuha ng bahay kaya sa ibang tao ko ipinagkatiwala ang pag-aayus nito.

Pagkaraan ng limang buwan, nakatanggap ko ang magandang balita mula sa kanya. Na turn over na sa akin ang bahay. Sa madaling salita may munting bahay na ako…wow!.lolz..hehe..pinaalam ko na rin sa family ko na may munting bahay na ako at ibabahay na lang ang kulang...oh! dba na surprise sila!.hehe..

March 2008 ng magstart akong magbayad ng monthly amotization sa pag-ibig. Ang pera na pambayad sa amortization ay apinapadala ko kay kuya Celso buwan buwan through bank + pamasahe niya and keep the change pa. Buwan buwan akong nagpapadala ng pambayad kaya buwan buwan din akong tumatawag sa kanya upang alamin kung may problema sa aking ibinabayad. Kung ibinabayad ba o hindi? Ang kanyang laging sinasabi, wag daw akong mag-alala dahil updated naman daw ang aking account at sa katunayan advance pa nga daw ako ng 1 month which is true naman base na rin sa aking pinapadala. Kaya panatag ako na ayus ang lahat at walang problema.

Ngunit noong nakaraang lingo, isang txt msg ang aking natanggap mula sa pag-ibig. Isang mensahe na nakakagulat at tila magpapawalang saysay sa aking paghihirap at sa aking pangarap. Sinabi sa akin na ang aking account ay malapit nang macancell dahil hindi raw ako nagpapabayad. Nakakabigla ang pangyayari. Tumawag ako kay kuya Celso upang alamin ang katotohanan. Ngunit sa malas ni kulas hindi ko makontak ang kanyang celfon.

Agad kong pinaalam sa aking kapatid ang aking problema. Pinuntahan niya si kuya Celso sa kanilang bahay upang alamin kung ano talaga ang kaotohanan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa aking binabayaran. Sa kanilang paghaharap, napatunayan nga na hindi niya ibinabayad ang aking pinapadala. Base sa huling resibo na kanyang ipinakita, lumalabas na siyam na buwan siyang hindi nakabayad kaya siyam na buwan narin pala niya akong niloloko na walang kamalay malay. Magkahalong lungkot, galit, pagkaawa, ang aking naramdaman kay kuya Celso. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin iyon. Muntik na niyang sirain ang pangarap ko. Paano na ang pinaghirapan ko? Kuya,bakit?

Nagkausap na kami ni kuya Celso. Pinakinggan ko ang kanyang mga paliwanag at nakinig naman ako sa kanyang mga paliwanag. May galit akong naramdaman pero mas nangibabaw parin ang aking pagkamaunawain at pagkamatulungin. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at magkano lang ang kanyang kinikita? Hindi yun sapat para buhayin ang kanyang pamilya. Kung ikaw ang ama, gusto mo bang nakikitang gutom ang iyong mga anak? Hindi importante sa akin ang nawalang pera, ang kanyang mga paliwanag sa akin ay sapat na.


Hindi ko siya inobliga na bayaran ang nawalang pera, pero siya mismo ang nagsabi na papalitan din niya yun. Kung magbibigay siya,maraming salamat, kung hindi, ayus lang. marunong naman akong umunawa at umintidi eh saka alam ko kung anong klase ng buhay meron sila. Yung huli kong padala nong nakaraang buwan, hindi niya ibinayad dahil pinambili daw pala ng skul supplies. Ready to skul na mga anak..

Sa ngayon, medyo ayos na ang lahat. Nakapag apply na rin ako ng condonation program ng pag-ibig sa tulong na aking kapatid. Tuloy tuloy parin ang aking pagpapadala ng pambayad buwan buwan pero hindi na kay kuya Celso, sa kapatid ko na......






"maraming namamatay sa maling akala"



Friday, June 5, 2009

The Manifesto


On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’
poging(ilo)CANO MANIFESTO
So that the bloggerworld and everyone may know....

We believe in the right to freedom of speech as a human right.

We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice.

We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information.

We believe that blogging is an expression of one’s opinions, personal experiences, hobbies, commentaries, diaries and we further believe that every blogger has the right to publish his personal expressions and opinions.

We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.

We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home.

We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work.

We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs.

We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect.

We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!

With these guiding beliefs:

We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.

We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.

We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.

We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.

We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.

We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger.

Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.

We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue.

We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.

We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!

We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!



Saturday, May 2, 2009

wakas ng paghihirap....

minsan sa ating buhay, dumarating yung punto na tayoy napapagod na sa ating mga ginagawa. gustohin man natin itong itigil ngunit kailangan natin parin itong ipagpatuloy dahil maraming maaapektohan lalong lalo na ang ating sarili. pagkapagod, sakit sa katawan, pagkainis, pagkayamot, at pati lahat na ng klase ng emosyon ay ating mararamdaman tuwing itoy ating ginagawa araw araw. kung itoy ating masobrahan, nagdudulot din ito ng sugat at tanong sa ating sarili, ano ba ang ginawa ko sa’yo at ako’y iyong sinaktan pagkatapos ang lahat? ngunit sa gitna ng paghihirap at pagtitiis, ang kapalit ay kaginhawaan, saya, galak at halakhak…..



mahigit isang taon na akong nagtratrabaho dito sa ibang bansa. mahigit isang taon na rin ang aking pagsasakripisyo at paghihirap na malayo sa aking tunay na pamilya, kamag-anak at mga kaibigan, isama ko na rin ang aking mga dating kainuman…miss ko na kayo guys… buhay OFW nga naman! mahirap…masaya…mahirap…mahirap..mahirap….mas maraming hirap kaysa sa saya…sa aking pangingibang bansa, hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong nasugatan, umiyak at nabasa sa sariling pawis sa sobrang hirap na aking pinagdadaanan araw araw mabawasan lang ang problema na aking pasan.. gayunpaman, kailangan ko parin ipagpatuloy ang pakikipaglaban dahil alam kong wala naman tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang…ako rin ang kawawa at talo pag itoy aking isusuko. buti pa kayo, kasama niyo pamilya niyo, may tumutulong sa inyo.




kahapon, isang bagong pag-asa ang aking nakita. nagbukas na ang pinto patungo sa kaginhawaan….ito na ang kasagutan sa aking paghihirap…. hindi na ako ulit masasaktan, masusugatan at iiyak pa sa tinding pagdurusa ….. simula bukas, hindi na ako mapapagod, iiyak, masasaktan, masusugatan at pagpapawisan ng bongga. hindi na ako magpapakahirap pa sa paglalaba at pagkukusot ng aking mga damit gamit ang aking mga kamay dahil nakabili na rin ako ng washing machine… …yahoooooooooooooo..lolz..








Friday, March 13, 2009

si cris, ruel at ako

nag-apply sina ruel at cris sa isang agency sa pinas patungo dito sa ibang bansa bilang office staff. pagkaraan ng isang linggo, nakatanggap sila ng tawag mula sa agency na kailangan nilang magreport sa opisina upang pirmahan ang kanilang job order dahil natanggap na sila sa isang kompanya at kailangan din magbigay ng downpayment ng kanilang placement fee para sa processing ng kanilang visa. ayun sa kanilang job order at visa, ang nakasaad na designation nila ay diesel engine operator o diesel attendant. sa kanilang pagtatanong sa agency kung bakit ganun ang nakalagay na position nila samantalang ang kanilang inaplayan ay bilang office staff, ang naging paliwanag ng agency ay sa visa lang daw yun pero ang magiging trabaho nila pagdating dito ay sa opisina. ginawa lang daw yun para mas mapadali ang kanilang pag-alis.

ngayon, nandito na sina ruel at cris sa kompanya na akin din pinagsisilbihan. ang kanilang problema, hindi nasunod ang kanilang inaasahan na trabaho. hindi sila sa opisina magtratrabaho kundi magtratraho sila gasolinahan bilang diesel attendant. Nakipag-ugnayan na rin kami sa P & A department tungkol sa kanilang sitwasyon, ayun sa kanila, ung nakalagay daw sa job order at nasa visa ang masusunod dahil un ang kanilang pinirmahan, bilang diesel attendant. ito ang nagpapatunay na niloko lang sila ng agency sa pinas. nanloko na naman ulit sila. hindi makapaniwala ang dalawa sa nagyari. umaasa na sa opisina sila magtratrabaho pero ang hindi nila alam babagsak lang pala sila bilang gasoline boy dito sa ibang bansa. hindi ko maipaliwanag ang naging itsura ng kanilang mukha nang nalaman ang kanilang magiging trabaho. saying din kasi ang kanilang pinag-aralan. maraming katanungan din para sa kanilang sarili. tatanggapin ba o iwan ang magiging trabaho at bumalik na lang sa pinas na walang dalang pera at may utang pang dadatnan na kanilang ginamit sa kanilang pag-alis ng bansa? matagal din silang nag-isip bago sila makapag desisyon na tatanggapin na lang ang kanilang magiging trabaho. nandito na sila kaya no choice kaysa naman umuwi sila na problema din ang dadatnan baka pati utang ay lalo pang di mababayaran.

sa araw ding iyan, isang masamang balita ang natanggap ni cris mula sa knyang pamilya sa pinas. pumanaw na ang kanyang ina dahil sa stroke. hindi pa nakapagsisimula sa kanyang trabaho, isa pang problema ang naidagdag sa kanya. kawawang bata, hindi man lang niya makikita ang kanyang ina sa mga huling sandali nito. ano bang kapalaran meron siya? sana maging matatag siya sa mga darating pang problema.


halos parepareho kami ng kwento nina cris at ruel. si cris namatay ang kanyang ina habang nandito siya sa ibang bansa at hindi na niya ito makikita pa. si ruel nong nasa Qatar naman siya, namatay din ang kanyang ina pagkaraan ng dalawang lingo mula iwan ang pinas, hindi rin siya nakauwi. ang nangyari sa kanila ay katulad din ang nangyari sa akin noon. iba rin ang aking naging trabaho pagdating ko dito sa ibang bansa, paggagasolina at hindi sa opisina ang aking napuntahan. tinggap ko rin ito dahil alam kung kaya ko naman basta ang importante may trabaho at makabayad sa aking mga utang na iniwanan. inisip ko rin na hindi naman cgro ito panghabang buhay na trabaho. isama na rin ang aking mga pangarap na gustong matupad. Hindi pa ako nakakatagal sa aking trabaho, isa ding masamang balita ang aking natanggap mula sa aking pamilya sa pinas, namatay din ang aking ama sa sakit na matagal na niyang dinadala. Nakauwi ako dahil na rin sa tulong ng aking mga kaibigan.

Dahil sa aking pagsusumikap sa trabaho, nakitaan nila ako ng potential kaya binago na rin ang aking position. Sa fuel section pa rin pero ang pagkakaiba lang ay sa opisina na ako naka assign. Ako ngayon ay isa sa mga in charge sa distribution ng gasolina ng kompanya. mas malaking responsibiladad...

cris, ruel at ako.....................kaya natin to....


"wag mong sasabihin ng hindi mo kayang gawin ang isang bagay kung hindi mo pa ito nasusubukan"…BATMAN

Tuesday, March 10, 2009

oks na!

hindi mapigilan ang pagtulo ng aking luha kanina nang mabasa ko ang isang mensahe galing sa aking tita. nag-aalala na daw kasi ang aking ina at kapatid tungkol sa aking kalagayan ngayon.

noong nakaraang linggo , tumawag ako sa amin para kumustahin sila at nabanggit ko sa kanila na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya iba at mahina ang aking boses pero sinabihan ko naman sila na wag masyadong mag-alala kasi kayo ko naman saka epekto lang ito ng pagbabago ng panahon. mula noon hanggang sa ngayon, wala na silang narinig na balita tungkol sa akin kung ayus na ba ako o hindi? pati mga txt msgs kasi nila hindi ko rin sinasagot.

malaki ang pinagbago ng aking katawan ngayon, pumayat lalo at gumaan din ang aking timbang. ikaw ba naman ang hindi kumain ng sunod sunod na araw at tanging tubig lang at kape ang nagpapalakas sayo kung hindi ka mangangayayat at manghihina? kumakain naman ako ng kanin paminsan minsan pero kunti lang dahil ayaw tlagang pumasok, wala akong gana kahit anong pilit kong kumain. hindi ko rin maintindihan kung bakit? marami ring nagsasabi na kakain ako pero hindi ko sila pinakinggan...wala kasi sila sa aking sitwasyon kaya hindi nila alam...

mahirap ang magkasakit dito sa ibang bansa, walang mag-aalaga sayo kundi sarili mo lang. kahit hindi mo na kaya, kailangan pa rin pumasok sa trabaho para may nakakakita sayo o may aalalay kung di mo na tlga kaya kaysa naman magmokmok ka sa kwarto na walang nag-aalaga at nakakakita. paano kung matigok ka dun at walang nakakaalam na andun ka? mahirap atang iuwi ang bangkay mo sa pinas na inaagnas na, bka pagdating mo dun buto n lang natira...hirap isipin noH? ito ang mahirap sa pagiging ofw, nagpapadala ka ng pera sayong pamilya sa pinas upang may pambili sila ng makakain para hindi magkasakit pero pag ikaw ang nagkasakit dito, padadalhan ka din kaya nila ng pera? malamag hindi! cgro ang maitutulong lang nila ay ang kanilang panilangin para sa mabilis na paggaling. gayunpaman, hindi ibig sabihin nun na hindi ka nila mahal, mahal ka din nila pero no choice kasi malayo kayo sa isat-isa. paano ka nila aalagaan?...sakripisyo lang..

magulo na ata ang aking mga sinasabi at tila nawala ako sa aking punto.
upang hindi na sila mag-alala pa. sinabihan ko na lang ang aking tita na im oks na at tatawagan ko na lang sila pag akoy magkakaload. delayed na naman kasi ang sahod.....(nasanay na rin)..



P.S.

pasensiya po sa aking mga kapwa blogero na nasasaktan o hindi natutuwa sa aking mga komento sa kanilang mga entry. hindi ko po intention na kayoy saktan o pagtawan. lahat ng itoy mga "lolz" lamang. utak ko kasi minsan ay wala sa katinuhan kaya kung ano ano ang pumapasok sa aking makitid na isipan. pinapasaya ko lang po ang aking sarili sa gitna ng kalungkutan na aking nadarama dito sa ibang bayan.




SORRY!.......poging(ilo)cano :(


Friday, February 6, 2009

Pogi, Nasan Ka Na?

hindi ako makakonek sa internet sa mga nakalipas na oras kaya napagpasyahan kung mag foodtrip na lang sana sa loob aking kwarto at kumain ng masarap na doritos, kahit sabihin pa ni yanah at madjik na mas masarap ang lays. langya, pinagkaisahan niyo ako ah! mas masarap pa rin ang doritos noh! kung ipagpipilitan niyo na mas masarap pa rin ang lays niyo kaysa sa doritos ko, “kayo na ang ako, para kayo na ang gwapo!”…lolz..ngunit nang aking buksan ang aking maleta, shetness! ubos n naman pala ang aking stock! ubos na naman ang aking paboritong doritos.

dahil wala akong ibang maisip na gawin, pinagtripan ko na lang na humarap sa aking mahiwagang salamin para kausapin at kumustahin ang aking sarili. ang salamin na iyan ay hindi pagmamay-ari ni boy abunda at hindi rin kay reyna dowager, ang malditang stepmader nina Julio at Julia – ang kambal ng tadhana. kilala niyo ba sila? sa aking pagharap sa salamin, maraming katanungan ang aking tinanong sa aking sarili. bukod sa bakit super pogi ako pag nakahaarap sa kanya kahit bagong gising pa lang ako, paano na lang kaya kung nakaligo at nakabihis na ako, eh di mas lalo na!…swak na swak…sa aking pagmumuni muni, tinanong ko ang aking sarili kung nasaan na ba talaga ako ngayon? may narating na ba ako at kung anu-ano ang mga dapat pang gawin?

mahigit isang taon na ako dito sa ibang bansa bilang OFW. magihit isang taon na rin ang aking pakikibaka, paglalakbay, pagtitiis at paghihirap para sa katuparan ng aking mga pangarap. sa mga panahong iyan, halo halong problema na rin ang dumating….personal, financial, at ang walang kwentang pag-ibig na malufet….tang-inang pag-ibig na uso pa..amf…dahil pursigido ako na makamtan ang aking mga pangarap, hindi ako nagpadala sa mga problemang iyan. rinesulba ko ang mga problema na mag-isa dahil wala namang ibang tutulong sa akin dito kundi sarili ko lang at ang Maykapal minsan tinatawag ko rin si batman... ito ang nagsilbing hamon kung papaano ko harapin ang mga pagsubok sa buhay upang maging matatag at matapang sa bawat hakbang ng aking paglalakbay. hindi madali ang magtrabaho dito sa ibang bansa. kung wala kang lakas ng loob, paninindigan, sipag, tiyaga at hindi marunong magsakripisyo, huwag ka na lang pumunta dahil tiyak talo ka sa pakikipaglaban dito.

masaya ako kung nasaan man ako ngayon….natutulungan ko na ang aking magulang sa usapang financial kahit kunti lang, hindi kagaya noon na kahit piso wala akong naibibigay. natuloy na rin ang aking pagkuha ng sariling bahay kahit rowhouse lang siya at buwan buwan ko na rin hinuhulugan (sa ngayon wala pang nakatira, baka gusto niyong upahan para kikita naman..heheheh). nakakabili na rin ng sariling gamit at hindi na nanghihiram…….iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang resulta ng iyong pinagpaguran na walang natatapakan na ibang tao…ang saya saya talaga! hindi ko pa masasabi na malayo na ang aking narating dahil marami pa akong bagay na dapat tatapusin at aayusin. sabi nga ni nanay, huwag daw muna ako mag-aasawa hanggat hindi ko matatapos ang pangko ko sa kanila. pangako ko kasi sa kanila na ipapagawa ko yung bahay kubo namin para mag mukhang bahay naman at palalagyan ko ng swimming pool sa underground…pressure ako jan ah! di pa kasi nauumpisahan til now, ala pa budget...hahaha..inay, gagawin ko yan in shallah, saka hindi pa ako mag-aasawa kasi kahit isang gelflen wala ako, lagi na lang kasi nila ako niloloko…toinkzz!…

alam kung marami pa akong kakaining kubos at biryani bago ko makamit lahat ang aking pangarap sa buhay. marami pang matitinik na daan ang aking tatahakin at problema na pagdadaanan. kahit ano pa man ang dumating, bagyo, ulan, ambon, lindol, tsunami nakahanda akong labanam yan para sa aking kinabukasan at pangarap gamit ang aking powers…..kasipagan at pananalig sa maykapal…

“pogi…..magsumikap ka…panatilihing nakaapak ang iyong mga paa sa lupa….habang buhay ka, pogi ka…ituloy mo lang ang iyong paglalakbay hanggang sa makamit mo ang tagumpay” - BATMAN....

Template by:
Free Blog Templates