Showing posts with label sorry. Show all posts
Showing posts with label sorry. Show all posts

Tuesday, March 10, 2009

oks na!

hindi mapigilan ang pagtulo ng aking luha kanina nang mabasa ko ang isang mensahe galing sa aking tita. nag-aalala na daw kasi ang aking ina at kapatid tungkol sa aking kalagayan ngayon.

noong nakaraang linggo , tumawag ako sa amin para kumustahin sila at nabanggit ko sa kanila na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya iba at mahina ang aking boses pero sinabihan ko naman sila na wag masyadong mag-alala kasi kayo ko naman saka epekto lang ito ng pagbabago ng panahon. mula noon hanggang sa ngayon, wala na silang narinig na balita tungkol sa akin kung ayus na ba ako o hindi? pati mga txt msgs kasi nila hindi ko rin sinasagot.

malaki ang pinagbago ng aking katawan ngayon, pumayat lalo at gumaan din ang aking timbang. ikaw ba naman ang hindi kumain ng sunod sunod na araw at tanging tubig lang at kape ang nagpapalakas sayo kung hindi ka mangangayayat at manghihina? kumakain naman ako ng kanin paminsan minsan pero kunti lang dahil ayaw tlagang pumasok, wala akong gana kahit anong pilit kong kumain. hindi ko rin maintindihan kung bakit? marami ring nagsasabi na kakain ako pero hindi ko sila pinakinggan...wala kasi sila sa aking sitwasyon kaya hindi nila alam...

mahirap ang magkasakit dito sa ibang bansa, walang mag-aalaga sayo kundi sarili mo lang. kahit hindi mo na kaya, kailangan pa rin pumasok sa trabaho para may nakakakita sayo o may aalalay kung di mo na tlga kaya kaysa naman magmokmok ka sa kwarto na walang nag-aalaga at nakakakita. paano kung matigok ka dun at walang nakakaalam na andun ka? mahirap atang iuwi ang bangkay mo sa pinas na inaagnas na, bka pagdating mo dun buto n lang natira...hirap isipin noH? ito ang mahirap sa pagiging ofw, nagpapadala ka ng pera sayong pamilya sa pinas upang may pambili sila ng makakain para hindi magkasakit pero pag ikaw ang nagkasakit dito, padadalhan ka din kaya nila ng pera? malamag hindi! cgro ang maitutulong lang nila ay ang kanilang panilangin para sa mabilis na paggaling. gayunpaman, hindi ibig sabihin nun na hindi ka nila mahal, mahal ka din nila pero no choice kasi malayo kayo sa isat-isa. paano ka nila aalagaan?...sakripisyo lang..

magulo na ata ang aking mga sinasabi at tila nawala ako sa aking punto.
upang hindi na sila mag-alala pa. sinabihan ko na lang ang aking tita na im oks na at tatawagan ko na lang sila pag akoy magkakaload. delayed na naman kasi ang sahod.....(nasanay na rin)..



P.S.

pasensiya po sa aking mga kapwa blogero na nasasaktan o hindi natutuwa sa aking mga komento sa kanilang mga entry. hindi ko po intention na kayoy saktan o pagtawan. lahat ng itoy mga "lolz" lamang. utak ko kasi minsan ay wala sa katinuhan kaya kung ano ano ang pumapasok sa aking makitid na isipan. pinapasaya ko lang po ang aking sarili sa gitna ng kalungkutan na aking nadarama dito sa ibang bayan.




SORRY!.......poging(ilo)cano :(


Template by:
Free Blog Templates