ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)
taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….
“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”
taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….
“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”
kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya
“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”
ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.
kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..
dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.
mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.
pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.