Wednesday, 31 December 2008

huling bangon

Isang masayang gising ang aking umaga ngayon. Pagmulat ng aking malalagkit na mata dahil sa mga natuyong muta, agad akong bumangon sa aking pang prinsepeng papag para i-chek ang aking blog kung may nag comments sa aking pabolbol este pahabol at pinaka unang entry dito sa mundo ng blogosperyo…astig! isang mahabang WOOOOOOOOOOW karabaawwwww! ang aking sinigaw..hanep meron nga! nakakataba sa uhaw at payat na puso. May nakapagtiyaga na bumasa! salamat sayo Kosa at pareng RJ.sa akin kayo ang unang bida .pina saya nyo ang huling bangon ko sa taon na ito dahil pagbangon ko bukas baong taon na..sayang at maiksi lang ang oras ko ngayon dahil papasok pa ako sa trabaho..hanggang sa muli…isang malibog at masaganang bagong taon sa ating lahat!

2 Kumento Ng Mga Kupal:

RJ said...

Akala ko'y kung may terminal illness ka na! Whew! At na special mention pa ako rito! Salamat, bro pinasikat mo 'ko ng kaunti! Hahaha!

Iba talaga ang mga pogi, di nakakalimutang isali ang salitang 'malibog' sa pagbati ng Masaganang Bagong Taon. Ang tanong: POGI KA NGA BA TALAGA? Bakit nakatalikod sa profile?! Hahaha! Joke! Siguro dami kang pinagtataguan ano?!

Happy New Year, Poging (iLo)cano! o",)

poging (ilo)CANO said...

POGING POGI AKO...pg nakatalikod...hahaha

Template by:
Free Blog Templates