Wednesday, December 31, 2008

2008 - pahabol

Ilang oras n lang ay magpapaalam na tayo sa 2008 at atin namang paghahandaan ang pagdating ng 2009. Ano naman kaya ang idudulot ng taon na ito sa akin? Malamang anjan pa rin ang mga pagsubok, problema, suliranin, mga masasaya at malulungkot na araw na darating. Gaya ng dati, nakahanda pa rin akong wasaskin ang mga pader na humahadlang patungo sa aking paroroonan. Saan kaya iyon? Yun ay ang tagumpay..hehehehe.

Ating balikan

2008 – ANG NAKARAAN

AKOmaraming nangyari at nabago sa aking buhay sa taon na ito. may nakakatuwa, nakakaiyak, nakakalungkot, nakakahilo, nakakasuka, at kung anu-ano pang chuva ek ek na salita. Kung may lungkot, syempre nandyan rin yong tuwa. Maraming mga problema na dumating, ang iba ay nalampasan ko na at ang mga iba nama’y aking pang pinagdadaan kasalukuyan. Naging matatag at matapang na din ako. Yong mga pangarap kong iba, natupad na, yung iba, matutupad pa lng..sana…nxt yir! Kung may nabago, meron din yong hindi , ako parin si ako, maliit pero malaki na *%$#& pangarap. Tahimik pa rin kahit nasasaktan na, matulungin pa rin sa kapwa kahit alam kong minsa’y inaabuso na ang kabaitan ko. Basta importante sa akin, nakakatulong ako sa kapwa ko, pag yumaman ako magpapatayo na lang ako ng charity…

***EMO

PAMILYAmasakit para sa akin ang taon na ito kung pamilya ko ang pag-uusapan. Dito ako labis na nasaktan at hanggang ngayon ay aking pang dinaramdam. Ito ang taon ng pagkamatay ng aking mabuting ama dahil sa sakit na matagal na niyang dinaramdam. Ilang buwan pa lang ako dito sa ibang bansa nang makatanggap ako ng tawag mula sa aking pamilya na patay na daw ang aking ama. Nilisan na niya ang mundong ito na hindi ko man lang natupad ang mga pangako at pangarap ko para sa kanya bago ako lumayas sa ating bansa…hindi man lang niya masyado natikaman o nakita ang kunting tagumpay na meron ako/kami ngayon.. PAPANG…isa kang mabuting ama, sinakripisyo mo ang iyong buhay para mabuhay mo lang kami. Kahit may sakit ka, nagtratrabaho ka pa rin para lng may baon kami at pambayad ng matrikola sa skuwela..ikaw ang aking idolo..MARAMING SALAMAT SA IYO AKING AMA!Saludo ako sa’yo. kahit wala ka na, unti unting kung tutuparin ang mga pangako ko para sa ating pamilya…mahal na mahal kita.(habang sinusulat ko ang portion na ito, nahuli ako ng boss ko na lumuluha,tinanong niya kung ano daw porblema ko, sabi ko” ala boss, tumalsik kc ung bala ng stapler sa mata ko kaya napalumuha”d b lusot! naalala ko kc mga pangyayari eh!sa ofis ko kasi ginawa to habang wala magawa..nakakahiya.hahaha!)
**MALUNGKOT


TRABAHOokey naman ang naging takbo ng aking career. Super luwag talaga, as in maluwag na maluwag…dadalawa lang kaya kami sa opisina na visor ko! Di ba maluwag? Papetix petix lang sa opisina. Wala ding pressure dahil updated naman ang aking mga files..all complete from a-z parang centrum vitamins..sa isang buong taon ng aking pagtratrabaho, ilang beses ko din narinig mula sa manager at visor ko “you’re doing well poging(ilo)CANO, keep up the good works” lol..gasgas na yan, dapat sabihin niyo “you’ve got a salary increased” para bago naman marinig ko,..lol.

**EPEKTIB

PAG-IBIGhmmm…eto na….hahaha..”putang inang pag-ibig na uso pa” paano ko ba uumpisahan to? Basta ang alam ko, may iniwan ako, at meron ding nang-iwan sa akin..parang quits lng b o d kaya karma?..lol Ganun pala ang “feleng” ng maiwanan..mas masakit pa sa pusong luhaan o sugatan. D ma-explain ang sakit..para kang sinaksak ng sampung samurai dahil sa sobrang sakit eh pagkagising mo, nasa morgue ka na pala nakaratay….kala ko ik aw na pero…ewan…..lesson: “golden rule” wink..wink..

Patalastas:
Ma! kung nasaan ka man ngayon, magparamdan ka, hinihintay ko ang pagbabalik mo dito, sabi mo 20 days ka lang jan pero over due ka na,ano ba talaga? outside the kolambo ka na..lol.

**D PA RIN MAGANDA BUHAY PAG-IBIG


2009 – ANG AABANGAN

“Handa na ako para harapin ang bukas”

4 Kumento Ng Mga Kupal:

RJ said...

Seryoso, naiiyak naman ako sa kwento mo tungkol sa iyong Papang. Nakaka-relate ako kasi wala na rin akong tatay. Nakauwi ka ba nu'ng funeral niya?

Ayos ng trabaho mo Pogi ah! Swerte mo talaga, samantalang ako rito super hirap ang ginagawa kong mamulot ng maraming mga patay na manok araw-araw, at mag-drive ng traktora para maglibing ng mga 'to. Ikaw pa text-text lang. May salary increase pa! WOw!

"Happy Valentines Day" [ginaya ko lang si Joshmarie]

poging (ilo)CANO said...

idol ko kc erpat ko doc! sa awa ni batman, pinayagan naman ako na maka uwi agad para makapagtimpla ng kape ng mga naglalamay.pinautang din ako ni batman ng pamasahe at pabili ng kape.heheh..lolz.

tiyagaan lang yan, mas maganda na ung may pinagkakaabalahan kysa sa wala, as in ung walang wala na wala..daming wala..hanggang sa siyay mawala na parang bola..

"Happy Valentines Day" din

Polahola said...

Aysows akala ko ako ang unang tao na magsasabi na nakakaiyak ang post mo tungkol sa iyong amain. Teka, sino pala yung naiwan at iniwan mo? Kwento mo nga!:) hehe

poging (ilo)CANO said...

polahola,

cla ung mga chika babes na minahal ko pero dinurog nman nla ang aking mapagmahal sa puso!

Template by:
Free Blog Templates