Sunday, February 7, 2010

Larawan Noon at Ngayon

ang bilis talaga ng panahon. hindi ko man lang namalayan na pebrero na pala. at ilang araw na lang ang ating hihintayin eh araw na ng mga puso. araw ng mga pusong nagmamahalan. pero bago pa pam dumating ang araw na yan, aabangan ko muna yung lagi kong inaabangan, at sana late parin tulad ng dati. Baka kc maninibago ako kung mapaaga.

Medyo busy kc ako ngayon sa aking karir kaya hindi ako madalas makabisita dito sa aking bahay. Hindi na rin ako nakakabisita sa munting tahanan niyo. Xenxa na pogi lang, tinatamad. Masyadong hectic ang aking sked kaya wa time na magsulat at magbasa. windang ang utak na mag-isip ng matino. Kahit ngayon windang parin. kasalanan lahat to ni pareng fb. Ng dahil sa kanya, nakakarating ako sa ibat-ibang sulok ng mundo. Pinapagod niya ang aking katawan at utak sa pagbiybiyahe araw araw. Noong nakaraang araw, dinala niya ako sa paris at sa rome na balikan lang ang biyahe. Saan kaya ang susonod? Sana huwag sa pinas, mayayari kasi ako sa nanay ko pag makita ako, baka dalhin niya ako sa america. Ayaw ko dun!

Bakit nga pala ako nandito ngayon? Well, wala lang, napdaan lang cgro ako ng wanport. Medyo nakakaluwag lang at walang magawa sa mga oras nito. Naghahalungkat ng kong anu-ano dito sa magulo kung kwarto. Kinalikot ang pwedeng kalikutin. Kinalikot ang aking kinakalikot. Kong ano man yun,wala ka na dun..lols..

Dahil sa paghahalungkat, may napansin lang ako na kakaiba. tinitigan, kinilatis, minanmanan at inobserbahan ng husto. Parang ang daming nagbago. Ang awra, itsura, figura, awit titik bilang at iba pa. akalain mo yun? Ang dating mga baby is now a lady and mas pogi. Kung dati may agwat ngayon magkadikit na…ang salamin dati puti ngayon itim na at nagkaroon na rin xa..wahahaha…may mga pagbabago man pero ang pagmamahal ganun parin. ...tumitibay desite of the fact sa ma showbiz na intriga..toinkz!........Habang tumatagal lalong tumitibay ang samahan at pagmamahalan namin ng bebe ko sabi nga ni batman…..lols.

iKaw ano sa tingin mo, may pnagbago ba?


(paki pindot lang ang larawan para makita mo ang katibayan..nyahahah)





Wednesday, January 27, 2010

Lamesa Ko


Table ko sa tambayan...

maliit na kalendaryo
calculator
monitor ng computer (HP 7540)
pumbutas ng papel
isang jelfon
mga ibat-ibang papel
mga susi na nakasabit (drawer,sasakyan)
salamin
tissue box (pamunas ng kamay)
stapler na pink (pabotiro ni jentot)
bote ng tubig ginagawang mp4 holder
mga papel na nakasabit
air freshener (panlaban sa mabahong amoy ng katabi)
tea cap
stapler wire remover
ballpen
pen/paper clip holder
diary (tungkol sa gasolina)
foam na nilalagyan ng tubig
invoice book


Malinis ang lamesa ko....kasing pogi ko sa ayus..lols


ayan nakita nio na kung ano ang nilalaman ng aking lamesa...walang masyadong laman pero marami namang gawa..utos dito utos doon....waahahaha...si CM ang may pakana ang tag na ito..para makaganti nais kong ipasa ang tag na to kay Marco at Dhianz para masilip nating kung ano ang laman ng kanilang table..hehehe




Friday, January 15, 2010

Dagdag Isa

One


Two


Three


Blow….


Ayan..sa sobrang bilis ng araw, dumating na naman ang aking pinaka espesyal pandesal na araw sa aking mapoging buhay, ang aking kaarawan. Tumanda na naman ako ng isang taon, pero ayus lang yan, edad lang naman ang nagbabago eh, Yung itsura looking young and fresh parin like a virgin..wahaha..lols

Hindi man ako nakapaghanda dahil alam mo na (crisis). hindi kasi nakisama ang aming kompanya sa pagbibigay ng dapat ibigay sa mga tao na nagpapakahirap sa pagtratrabaho. Hindi na ito bago pero wat to do? Hope for the best na lang. kahit ganun nagpapasalamat parin ako kay Bro dahil binigyan niya ulit ako ng isa na namang taon na makulay na buhay na kasing kulay sa sinabawang gulay.

Sa mga bumati sa akin sa FB, at sa YM at sa family ko na hindi ata naalala sa beerday ko ngayon. Maraming salamat na rin. (hndi ako magpapadala..wahahaha). Maraming salamat din kay nene na nagpapicture pa ng may “HAPPEE BURRDEII” para greet lang ako. Love you too…nyaw!

Sa aking sponsor na si pareng gogel maraming salamat. Kung hindi dahil sayo wala akong handa ngayon. Maraming maraming salamat.hanggang sa susunod ulit ah…





(net wik ung totoong hanta..lols)





Wednesday, January 6, 2010

Unang Poste




hapi new year ka-blogs. muzta na dito sa mundo natin? ayus lang ba? matagal na kasi akong di gumala dito eh. bc kc si pogi sa kanyang karir. minsan idlip lang ang pahinga dahil tuloy tuloy ang taping.lols.

2010 na. ibig sabihin tapos na ang 2009 at ang kasunod nito ay 2011. ang nakaraan hindi pwedeng balikan. itoy isang ala-ala na lang na babalik balikan kung gusto mo, malungkot o masaya man yan. may natutunan man o wala.

Sa buong taon na ito, marami tayong aabangan na kaabang-abang sa ating lyf. mga espesyal pandesal na araw. yung araw ko, araw mo, araw nila, araw nating lahat. berpday, kasal, libing atbp.

kaya nais kong ibahagi sa inyo ang aking inaabangan na araw dito sa uae. mga araw na pwedeng matulog ng bonggang bonga dahil walang pasok sa trabaho. araw ito ng pahinga o pwede rin gawin na bonding moment sa iyong minamahal. more bonding more fun sabi nga nila..wahahahaha..lols..



Jan. 01 – New Year’s Day

Jan. 15 – Special Holiday

Feb. 26 – Prophet’s Birthday

Mar. 3 - JDC Day

Jun. 12 - Lovers Day

Jul. 09 – Al Isra’ Wal Miraj


Sept. 10-12 – Eid Al Fatr


Nov. 15 – Mount Arafat Day


Nov. 16-18 – Eid Al Adha


Dec. 2-3 – National Day


Dec. 7 – Hijra New Year



Aabutan pa kaya ako dito ng Mount Arafat Day?wahahaha


Wednesday, December 9, 2009

Gymnastic

Try JibJab Sendables® eCards today!





karirir na natin to nene...pang international pala ang talent natin...astig ang split..wahahaha.....nagawa ko to sa panahong wala akong matinong magawa sa kasaysayan ng blogging....lols


Friday, December 4, 2009

Paalala sa Pasko


alam nating lahat na ilang araw na lang ay magpapasko na. maraming party na magaganap. party sa bahay, sa kabilang bahay, sa tropa, sa kabilang bayan at kung saan saan pang party na yan. at siyempre kung may party, may pagkain at ang walang kamatayan na inuman. mula sa patikim tikim hanggan sa tuluyan ka nang malasing. kaya paalala lang sa mga kapwa tungero jan, na sana ang mga tips na ito ay makatulong sa inyo. isipin nating may bukas pa.


1. Don’t be “suwapang” in an inuman session. You’ll have your own turn to drink so don’t go grabbing someone else’s shot. Remember that you’re there to share the drink and you’re not drinking alone. Give your drinking buddies a chance to gulp.

2. Don’t eat the pulutan as if you’re in an eat-all-you-can resto.
An inuman session is half-fun without the pulutan. However, that doesn’t give you a valid reason to be a glutton. Get a spoonful of pulutan once every shot. Try to control your appetite or else go to the nearby carinderia. lols. Don’t wait for your deed get into their nerves and yell, “Wag mong gawing kanin ang pulutan” at you.

3. Don’t drink too slowly. Your thirsty drinking buddies are waiting on queue. Don’t keep on holding your shot for a long time. Keeping a good conversation is good but you should know when to stop yakking and drink your shot.

4. Drinking treats are fine but know when to chip in. If you have a few bucks in your wallet, spend some. It won’t hurt to spend when you’re having fun. Bring out the “galante” in you and give something back. It’s a sort of give and take.lols.

5. Try to control your “amats”. In other words, “ilagay mo sa tiyan at wag sa ulo”. Other people talk too much nonsense and act insensitively when they’re drunk. Don’t get nasty and talk about things which don’t interest your drinking buddies at all. Be a good listener and try to remain sober.

6. Inform your drinking buddies if you’re going home. Though it’s better to stay until the inuman session ends, it would help if you just go home when you know it’s the righ time. But you must inform the dudes where you’re going. It would give them peace of mind somehow. Don’t leave them guessing.

7. Set aside your pamasahe. Don’t go overspending, dude. If you have your full-tank wheels, then there’s no need to worry. If you’d still have to travel a few miles, then save something if you don’t want to be in serious trouble. It would be such a hassle to go walking when your head seems spinning and you can’t even walk through a straight path.

8. Don’t sleep in front of your drinking buddies. Like you, they’re also drunk. And drunk people can never be trusted. They’ll play you around and do silly things. They might make you a human canvass and paint everything they want on you. The worst is that they might pull your pants and brief down and take a pic of your naked body, which I’m sure you won’t like.

9. Make sure you enter the right door when you go home. Drunk people sometimes have a poor sense of direction. You might mistake your unit to your neighbor’s who’s a girl-next-door type that you fancy for a long time. Good thing if she favors the intrusion. If not, you’re more likely to wake up in prison the next day.

10. Don’t puke (don’t think of something else, please) on the dude beside you. It’s too gross to puke on someone. As much as possible, go out and rush to the nearest comfort room. You’re lucky if the victim is Mr. Patience who’s willing to accept your apologies.

11. Drink moderately and know when to say “ayoko na”. It’s pretty hard for drinkers to say that they can’t drink anymore. You know pretty well your drinking abilities. Thus, you should decide for yourself if you can still swallow your shot or not. Don’t fake your sobriety ’cause you’ll end up crawling on the ground. If you feel you’ll fall at any moment, sit still and avoid unnecessary movements. Don’t even dare to dive into a pool without your buddies around.

12. Keep your personal stuffs safe.
Believe me when I say that drunk dudes become inattentive of their personal things. They seem numb and don’t pay attention to their possessions. You can never blame your buddies if you lose them. And you’d surely be in drinking hiatus to save and buy those things again.


Pano ba yan? INUMAN NA!


Thursday, November 19, 2009

eraser



halos maghapon din akong tumunganga sa trabaho ngayon araw na ito. sunod sunod na araw na din kaming nawawalan ng supply ng kuryente. “maintenance” ang madalas nilang dahilan o di kaya ang kable ay naputol dahil nasagi na naman ito ng mga sasakyan na dumadaan. hindi pa kasi masyadong develop ang industrial area na kinatitirikan ng aming opisina. ang mga kable ng kuryente ay parang pinas parin na pwedeng sampayan ng damit dahil mababa lang nito. hindi kagaya ng ibang area na underground cable na.

kung wala ng kuryente tigil narin kami sa trabaho. ito ang simula ng pagtunganga sa loob ng opisina at pag-abang sa tagaktak ng pawis na dulot ng init dahil sa kawalan na a/c. kelangan din ihanda ang ilong sa amoy ng mga kasamahan sa trabaho dahil habang tumatagal lalong umaamoy (hindi sumasarap) ang debolyong amoy. kung may pawis, may power! san ka pa? dito lang yan.

gusto ko sanang ayusin ang aking magulong upang para mabawasan ang kalat kahit wanport lang ngunit bigla akong tinamaan ng katamaran. lumabas ako sa opisina upang magpahangin pero bamalik din ako kaagad dahil maalikabok…mdyo may sandstorm kasi. bumalik sa aking upuan. sinalpak ang headphone ng mp4 sabay patong ang isang paa sa aking lames….soundtrip na.

habang busy ang aking teanga, busy rin ang aking mga mata sa katititig sa mga bagay bagay na nakakalat sa saking lamesa. imbes na itoy aking ayusin, mas lalo ko pa itong ginulo. bawat bagay na aking nakikita at nahahawakan ay aking pinaglalaruan. bato dito, bato doon hanggang sa mahawakan ko ang isang eraser.

pinaglaruan ko ang eraser. ginawang micropono habang napapakanta sa musika. kinagat kagat na parang chocolate, ginawang bola, truck-truckan at kung anu-ano pa. nang wala na akong maisip na gawin sa kanya, naisipan ko itong i-ugnay sa king buhay. na sana ang eraser na ito ay pwedeng pambura sa mga binitiwang pangako sa mga mahal sa buhay upang walang masasaktan kung sakaling itoy hindi matutupad. na sana kaya niyang linisin o burahin ang bawat letra na nakatatak na sa kanilang utak….sana nga lang…







Thursday, November 12, 2009

Pahinga


"pagod ako"

Sunday, November 1, 2009

to dos los emos



mahigit isang buwan na rin akong walang communication sa aking pamilya sa pinas. walang tawag, walang text, walang sulat..kahit anong balita wala na akong masyadong balita tungkol sa kanila. kung apektado ba sila ng mga nagdaang bagyo? nasa mabuting kalagayang ba silang lahat? panalangin ko lang kay Big Bro. na nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya.

hindi naman ibig sabihin na kinalimutan o pinabayaan ko na ang aking pamilya. sa katunayan, buwanan parin naman akong nagpapadala ng pera na pambili ng mga kailangan nila sa bahay. pero sapat kaya sa kanila iyon? masaya ba sila sa ganong bagay na lamang?

may pangako sa aking pamilya. isang pangako na nakatatak na sa kanilang isipan. tuwing tumatawg ako sa amin, hindi nawawala ang katanungan na nasaan na? kailan ito uumpisahan? kadalasan dinadaan ko na lang sa pabirong salita o kaya binabaling sa ibang usapan upang maka-iwas sa usaping ito. hindi ko pa ito kaya.

ayaw ko silang biguin kaya akoy nagsusumikap sa pagtratrabaho at naghahangad na din ng mas magandang trabaho. minsan dumarating yung punto na gusto ko ng bumitaw sa aking pangako pero wala na akong magagawa, kailangan ko itong tuparin. mahirap naman bawiin yun lalot nat para sa sariling pamilya ko ito.

kaya ngayon, mas pinili ko munang manahimik para mapag-isipan ng mabuti ang mga gagawin kong hakbang tungo sa katuparan ng pangakong iyon. ayaw ko munang makarinig ng mga katanungan mula sa kanila at ayaw ko munang magbitiw ng salita. wish ko lang na sana sa pagbuka ng aking bibig ay may masasabi na ako sa kanila na magandang balita.

bahala na si batman……….

Friday, October 23, 2009

Para Kay Nanay



Mula pagkabata ikaw ang aking gabay
Naging inspirasyon upang maging matibay
Sa pagkakaroon ng sariling buhay
Mga pagsisikap ay nagkaroon ng saysay

Bawa’t araw aking binabalikan
Ang mga pangaral moý laging tinatandaan
At laging nakatatak sa aking isipan
Ang pagmamahal mo ay di kayang kayang pantayan

Buhay natiý mahirap lamang
Ngunit ikaý gumawa ng paraan
Maitaguyod lang ang aking pagaaral
Maraming salamat sa sakripisyong iyong ibinigay

Dakila ka aking INA
Maraming bagyo ang dumating sa aking buhay
Andyan ka na laging naka-alalay
Ang iyong pagmamahal, sakripisyo at pang-unawa ay tunay

Sa ‘yong kaarawan
Hangad ko ang iyong kaligayahan
Sanay bigyan ka pa ni Big Bro ng mas mahabang buhay
Maligayang kaarawan sa iyo aking nanay..



Monday, October 5, 2009

in pain!


"wag ka sanang bumalik ulit, dahil masakit"


Thursday, October 1, 2009

Oktober Na!



“Dear Customer, Your Wasel account renewal is due in 12 days. Kindly renew your account on or before 12-Oct-09”

October na!

unang araw ng buwan, nagparamdam sa akin ang isang pinakamayan na kompanya dito sa uae, si etisalat. nagpapaalala na kailangan ko na namang i-renew ang aking simcard upang tuloy tuloy parin ang aking pakikibagbulahan at pakikipaglampongan sa aking jelfon gamit ang kanilang network. 100 dirhams pa rin ang renewal fee, medyo masakit sa bulsa pero ayus lang magagamit ko naman ito ng isang taon ulit.

nagulat din ako ng wanport dahil oktobre na naman! ang bilis ata ng takbo ng araw sa kalendaryo naming mga pogi. ganun cgro kapag busy ka lagi sa buhay…sa trabaho at sa lablayf..nyaw!. hindi mo namamalayan ang paglipas ng mga araw..lolz….nadagdagan na naman ng isang taon ang aking pakikibaka dito sa mainit na lupain. maraming tenchu kay kay Big Bro dahil nakaka survive ako araw araw. binigyan niya ako ng maraming powers para amuyin ang kili-kili powers ng mga kasama sa trabaho at sa mga tao na aking nakakabanggaan sa araw araw na pakikibaka. infernes hindi nila ako napatumba…2 years na ako dito..whew!

dahil oktobre na naman, marami akong iseselebreyt ngayong buwan na ito. kelangan ko pa bang isa-isahin? ok fine! eto sila: bagong renew ang simcard ko, first beerday ng aking taptap, buwan ng una kong pagsakay sa erpleyn, 2 years old na ako dito, pista sa aming bayan at xempre beerday din ng aking nanay (di ko alam kung ilang taon na siya ). natatakot kasi akong tanungin kung gaano na siya katanda baka sapakin lang ako..hehehe

kung may selebrasyon xempre hindi mawawala ang handaan. lalong lalo ng ang mahabahabang inuman…apir tayo jan! 24 hours kaya mo? magpapa-inom ako.

October fest na, kaya inuman na to the 10th power.

PS..

happy beerday din pala kay batang kulot. beerday niya sa seven..magpapa-inum ka rin ba?hehe…happy 2nd monthsary din kina ano…more mansary to kam…and of kors golp kors, sa amin din na naka level four na..lolz







Wednesday, September 23, 2009

Magkano Ang Pangarap Mo?



Narinig mo na ba ito: “Libre lang ang mangarap.”

Pag mukhang walang direksyon ang buhay mo, sasabihin nila,“wala ka man lang kaambi-ambisyon!”

Pag andami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila,“ambisyoso ka!”
Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya’y pumunta sa Dubai , Qatar at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa bandang Libis o Ortigas? O kaya yung teller ng banko sa Makati . Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang hindi nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!

Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito – freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy, bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay? Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.

May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang kabuhayan. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way, nawala ang focus niya.

Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila, “black sheep” ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at pamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. Saan na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa bahay.” Sagot niya, “Ubingak pay! (bata pa ako).” Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!

Ano, hihirit ka pa?

Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, “Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari sa buhay ko!” Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun ah! I got scared. Sabi ko, “Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na puedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan.” Ang kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, “Busy ako sa work eh!” She was practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, “Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa susunod na mga taon?” Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing, “Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?”

The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where you want to be. It is owning it. ‘Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa halagang Php10,000 tapos ibebenta ka sa halagang Php100,000. Yan ang harap harapang prostitusyon!

Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon. Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko, kaya security guard na din ako. Sabi ko, “Ayaw mong maging chief of police?” But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and say, “Eto ang kapalaran ko.”

Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, “Sama-sama na lang tayo dito!” This one really scares me! O nagsasabing, “Ambisyoso ka!” ‘Tol, at the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong utangan sila. It’ not about lacking in resources, it is about resourcefulness.

I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, “Bat di mo ako kinakausap?” Sagot ko naman, “There is nothing good to say!” Lagi akong nagtatanong, “Is this person going to make a good influence sa buhay ko?” Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.

Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And you can’t go to the same school as the duck’s school.

Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is your life accelerating? Pareho ba max up credit card niyo? Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together? There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends, you better run away from them!

Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new canvass. Choose the colors! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa. Dapat may internal change muna. You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo. Everyday decision yan.

Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.

Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break you. Don’t let anyone live your life and drive you where they please. Like a boss with a stick and a carrot dangling at the other end. The only person who can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not between you and the other person. It’s the devil inside you that doesn’t want you to grow.

Make a decision to change wherever you are. Don’t wait for someday. Someday, someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!

Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I’ll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?

You already know everything you need to know about success. All you have to do is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from the couch and do something!

(nabasa ko lang to sa fs bulletin ....share ko din sa inyo para mabasa niyo rin..hehehe..kita kits na lang ulit tayo sa sunday mga ka-bloggers. medyo bc kc si pogi sa kanyang karir eh..wink)

Saturday, September 12, 2009

It's all about the right attitude

Here are some tips to increase your chances of being viewed as a valuable employee:

Do's
• Bring a positive attitude to work with you and be the friendly and considerate kind of person that people like to be around without overdoing it.
• Be a good listener, endeavoring to understand what your supervisor really wants you to do.
• Ask questions to make sure you understand what is expected of you.
• Prioritize your work, and ask your supervisor if you are not sure or if you have conflicting priorities.
• Show a willingness to take additional tasks over and above your job description (within reason).
• Be punctual and stay late if necessary in order to meet a deadline.
• Turn off your personal mobile phone while you are at work.
• Show respect to your boss and colleagues.

Don’ts
• Don’t be negative, overbearing and a “high maintenance” person (difficult to manage).
• Don’t get caught up in petty office politics and gossip.
• Don’t criticize the way the company does things.
• Don’t bring your personal life into the office.
• Don’t take or make personal phone calls at work.
• Don’t check your personal e-mail, surf the net.


When the cutbacks happen managers will naturally try to keep the best employees; those that have demonstrated respect and commitment to the company and that can do the job. They also look to keep those that they enjoy having around; employees who have a positive approach. My advice is to go out of your way to be that kind of employee.

(akala ko plane ticket ang pinamimigay kanina ni bosing sa opis. yun pala papel lang na ewan......no chance parin akong makauwi...tsk...tsk...)

happi mansari pala sa aking bebe...




Wednesday, September 2, 2009

i miss u



ala una y medya ng hapon kanina nang ako’y lumayas sa trabaho. diretso sa bahay tulugan... kumain ng patago.. nagbukas ng taptap. pindot dito, pindot doon hanggang sa ako’y dalawin ng antok at nakatulog…nag ring ang aking celfon. tumawag ang isang mabaho…hindi na ako ulit nakatulog pa….bumalik sa harap ng taptap..binasa ang isang pm ng isang umiibig mula sa sharjah heheeh.(offline na xa)…binuksan ang online radio..genre, lab songs..ayus db?..walang makakulitan sa chat, sa fezbuk at sa plurk…hanggang sa akoy humiga ulit….tinitigan ang kisame..napapangiwi at napapangiti sa bawat musica na naririnig dahil narin sa mensahe na ipinapahiwatig nito…may tama!..lolz….napunta ang aking kaluluwa pabalik sa pinas…sapul! nakaramdam ako ng homesick.....magdadalawang taon na ako dito sa ibang bansa... hindi pa ako nagbabakasyon. umuwi na ako isang beses pero hindi naman iyun bakasyon (emergency leave)…marami na akong na mi-miss sa pinas..mga tao, bagay at hayop..lolz..hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapag desisyon kung uuwi ba ako sa buwan ng ?????? upang magbakasyon ng bongga?…maraming mga tanong at dahilan na pumipigil sa akin….dahil walang pamasahe?...pinapa-uwi ba ako ng aking pamilya?.....o sadyang may hindi maiwanan lalo nat magpapasko na?...nyahahahaha…..ramadan…ramadan…..sana matapos ka na at makapasyal na ako(kami ng bebe ko)……para matanggal na rin ang pagka boring at pagka abnoy ko….

Dahil sa labis na pag-iisip sa pinas…namiss ko sila….

TABO – dati tabo ang ganagamit ko sa paliligo at paghugas ng pwet na may tae. dito buksan ko lang ang gripo makakaligo at mahuhugasan na pwet ko. walang kachalens chalens. ba!....iba parin kasi ang tabo. sa tabo pwede kang tumae, eh sa gripo pwede ka bang tumae?

LAMESA - sa sobrang sikip ng aking kwarto, ang lamesa ay walang pwesto. tuwing ako kakain, sa sahig lang at diyaryo lang ang sapin sabay tapon pagkatapos kumain. iba parin pag sa lamesa kakain. pwedeng magtago ng ulam sa ilalim.

ALAK – bihira lang akong makatikim ng alak ngayon. kung nakakatikim man, ito’y patago at linibre lang din ako. mahal at mahirap bumili ng alak dito.

ELECTRIC FAN – sa trabaho at sa bahay maghapon/magdamag nakabukas ang a/c. hindi kasi kaya ng power ni EF ang init dito sa disyerto. pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako pumuputi kahit laging nakakulong sa malamig ng kwarto?hehe..sa elctric fan, mas mababa ang konsumo ng kuryente kumpara sa a/c.

TV – wala akong tv dito. sa taptap lang ako nanood. kung minsan dumadayo pa ako sa kabilang bakod makapanood lang ng may bukas pa at only you sa tfc.lolz…(crush ko kasi si dimples romana pero hindi ko parin ipagpapalit si b2..hehehe)..yung tv may remote, pero yung taptap wala! (kaya wag kang magtaka kung napapansin mong hindi ako marunong gumamit ng remote ng tv niyo...hahaha)

mahigit isang taon na ako dito sa uae. ilang beses narin akong umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera (dapat lang), bumili ng pagkain at mga gamit. kung hindi sana ako umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera at bumili ng pagkain at mga gamit, malapit na sana akong maging...................…toinkz..hehehe.lolz....







Tuesday, August 25, 2009

buhay hangang grade 6


ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)

taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….

“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”

kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya

“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”

ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.

kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..

dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.

mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.

pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.



Friday, August 21, 2009

piso

nakapulot ako ng.......

PISO!



Wednesday, August 12, 2009

B1 and B2 @ 2



Second monthsary na natin ngayon. Dalawang buwan na din tayong nagkukulitan at nagbobolahan este nagmamahalan pala..hehe. Dalawang buwan pa lang tayo pero feleling ko 2 milyon years na tayong magkasama at magkakilala. I never tired looking at your pictures, reading messages you've sent to my china fon na binili natin sa Rolla, asaran and kulitan sa chat na kung minsan nauuwi sa tampuhan. All of these things keep me so happy and blessed (exclude tampuhan). Parang kaadikan pero totoo. My life is now full of promise, lahat ay may halaga and its all because of you. You made me become a better person now. My life would never be the same without you.

Our life togehter is amazing, and together it will only get better and better. Alam kong maraming pagsubok pa na darating. Kaya natin tong lampasan lahat na magkasama at di rin tayo pababayaan ni Big Bro. Kapit lang tayo B2. I will forever be greatful that you came into my life. Together we are perfect and i will enjoy enjoying spending the rest of my life with you.

in you...
i have found the greatest happiness in my life

and in you...
i have truly found the one person that i want to spend for the rest of my life


happy second monthsary B2. hay yab yu ng dami dami!


Wednesday, August 5, 2009

supalpal



sa trabaho, hindi natin maiiwasan na makasama yung mga taong nagmamagaling. yung tipong akala nila sa kanilang sarili eh alam na nila lahat ng bagay, sila ang boss, sila ang nasusunod, sila lang ang marunong pero kung tutuusin sila naman pala ang mga taong walang laman ng utak

tahimik akong tao pero hindi lahat ng panahon ay tatahimik na lang ako sa isang tabi at basta na lang magpapaapi sa mga taong walang masyadong alam sa trabaho. marunong din akong lumaban. kaya kong ipagtanggaol ang aking sarili lalo na’t alam ko na tama ang aking mga ginagawa at sila ang mali.

pinoy ako! palaban!


kaya ano ang napala mo? supalpal ka kay amo!

Monday, August 3, 2009

pang load!






"Kung may dagdag,
may pang-load" - BATMAN








Template by:
Free Blog Templates