Wednesday, September 23, 2009

Magkano Ang Pangarap Mo?



Narinig mo na ba ito: “Libre lang ang mangarap.”

Pag mukhang walang direksyon ang buhay mo, sasabihin nila,“wala ka man lang kaambi-ambisyon!”

Pag andami-dami mong gustong gawin, sasabihin naman nila,“ambisyoso ka!”
Ayos ba?

May mga nagtatagumpay sa buhay, may sumisikat at nalalaos, may gumaganda ang buhay pansamantala ngunit pagkatapos ay bumabalik sa dati at kung minsan ay mas masahol pa.

Tignan mo yung kapitbahay mong nag Saudi o kaya’y pumunta sa Dubai , Qatar at Italy o kaya si ate sa Hongkong. Wag na tayo lumayo…. Musta kaya ang buhay sa call center sa bandang Libis o Ortigas? O kaya yung teller ng banko sa Makati . Ano ba ang kasalukuyang sinasalamin ng buhay nila. Kaginhawaan? Kasaganahan? O kahirapan pa din.

Marahil marami ang nangarap sa buhay. Kahit siguro yung kaibigan mong ewan, marahil ay may pangarap din ngunit libre nga ba ito? At kung libre, bakit madami pa din ang hindi nakakaabot sa kanilang mga pangarap. Kasya ba ang take home pay mo? Musta ang credit card mo? Max up na yung pangatlo?!

Palagay ko hindi libre ang mangarap. Tulad na lang ng kalayaan, subukan mong isalin sa ingles ang salitang ito – freedom. Libre nga ba ito? Kung libre ito, bakit may Ninoy, bakit may Evelio Javier, at madami pang nagbubuwis ng buhay? Tsk tsk. Nakakatuwa ang paggamit ng ating mga salita.

May kakilala akong nag-Saudi. Nakapag pundar ng bahay, umabot sa mahigit isang milyon ang nahawakang pera. Tuloy tuloy na sana pero nalulong sa droga, nawala lahat ang kabuhayan. Nangarap ba siya? Marahil. Pero somewhere along the way, nawala ang focus niya.

Tapos si Manong Ed, istokwa, bata pa tumira na sa palengke. Sabi sa kanila, “black sheep” ng pamilya. Di na inintindi ng magulang. Ang batang palaboy-laboy sa palengke ng Surigao, kamuntik naging sundalo, kamuntik din nakatapos ng engineering at nag-mekaniko. Nasaan na siya ngayon? Nag-abroad na, tangay ang limang kaibigan at pamilya. Saan kaya niya hinugot ang kanyang lakas upang makaalis sa palengkeng naging kanlungan niya habang siya ay nag-iisa?

Listen, yung nanay ng friend ko at age 44, nag-nursing. Saan na siya ngayon? Nag to-tour na. She has all the money to do just that. Ano! matanda ka na? Eto isa pa. Yung lola ng friend ko, nag retire at age 65. Bumalik sa skul, kumuha ng Law. Sabi ng mga apo at anak, “Matanda na kayo. Pahinga na lang kayo sa bahay.” Sagot niya, “Ubingak pay! (bata pa ako).” Nakinig ba siya? Hindi! Ayun pumasa sa bar, lawyer na ang lola! Whew!

Ano, hihirit ka pa?

Minsan sa isang seminar, lumapit sa akin ang isang clerk, may konting luha at lungkot sa kanyang mga mata. Sabi niya, “Labing pitong taon na akong clerk, wala pang nangyari sa buhay ko!” Ako ay namangha at nabagabag. Anlalim nun ah! I got scared. Sabi ko, “Anong ginawa mo? Madami namang seminar na pwedeng puntahan, libro na puedeng basahin o kaya panibagong skills na pwedeng pag-aralan.” Ang kanyang tugon ay nakakalungkot. Sabi niya, “Busy ako sa work eh!” She was practically imprisoned sa lamesa niya for 17 years! Kaya ang mas malalim na tanong, “Are we busy with the right things? Does it make us grow? Does it make us a better person? May mas magandang pupuntahan ba ang ginagawa natin sa susunod na mga taon?” Ang karayom, pag tinusok sa'yo ay masakit. Mararamdaman mo ito. Kaya ang karayom itinali ko sa isang steel rod at itinusok sa dibdib niya, at sinabing, “Tignan mo yang isang officemate mo. Dati clerk din siya, ngayon Systems Administrator na. Pareho kayo ng simula diba?”

The desire to dream starts from the heart, it is a daily decision to be where you want to be. It is owning it. ‘Tol, wag ka umasa sa mana mo o kaya sa gobyerno o sa Boss mo. At the end of the day, commodity ka lang. Ang buhay kasi is buy and sell kaya dapat alamin mo ang tunay mong halaga baka na syo-shortchange ka! Bilhin ka ng boss mo sa halagang Php10,000 tapos ibebenta ka sa halagang Php100,000. Yan ang harap harapang prostitusyon!

Ask yourself. Masaya ka ba where you are? Ok ka na ba diyan? kumusta lineage ng pamilya mo? Is that what you want to see in your generation? Sabi ng isang guard sa akin noon. Junie, security guard na lolo ko. Security guard din tatay ko, kaya security guard na din ako. Sabi ko, “Ayaw mong maging chief of police?” But really, kung yung nagdaang henerasyon sa pamilya mo e puno ng kakulangan, would you even dream and act to change it? O you resign to it and say, “Eto ang kapalaran ko.”

Simulan mo. Minsan masarap maging discontent. Wag mong isiping bata ka pa o matanda ka na o may kakulangan ka. Ala akong pinag-aralan eh. Mahirap lang kami. Wala kaming pera. O nagpapadala ka sa mga taong nagsasabing, “Sama-sama na lang tayo dito!” This one really scares me! O nagsasabing, “Ambisyoso ka!” ‘Tol, at the end of the day, di naman sila ang magpapakain ng pamilya mo eh. Try mong utangan sila. It’ not about lacking in resources, it is about resourcefulness.

I started losing friends when I realize may mga taong excess baggage sa buhay natin. Minsan may nakilala ako, sobrang nega. Sala sa init sala sa lamig. Laging may problemang dala. Minsang kasama ko sabi niya, “Bat di mo ako kinakausap?” Sagot ko naman, “There is nothing good to say!” Lagi akong nagtatanong, “Is this person going to make a good influence sa buhay ko?” Syempre, yan din ang lagi kong tanong sa sarili ko.

Choose your friends. An eagle can not fly if he is dressed like a turkey. And you can’t go to the same school as the duck’s school.

Tignan mo if they have grown in the past few years kasi may tinatawag na Law of Association. Are they excited about life or they see it as drudgery? Are you in survival mode or is your life accelerating? Pareho ba max up credit card niyo? Do you hear more complaints than movements? Ang bakasyon ba mas pinagpla-planuhan kaysa sa buhay? Is happy hour better than growing together? There must be what they call the next level kasi ang buhay hindi dress rehearsal. Kaya if you see yourself in the bar every weekend with your friends, you better run away from them!

Start within you. Change the way you see things. Look at your life as a new canvass. Choose the colors! Wag mo nang balikan yung nakaraan. Di mo na mababago yun. Yung ngayon at bukas, may magagawa ka pa. Dapat may internal change muna. You have to start with your character. Be a better person everyday. Lahat ng gagawin mo should have an impact hindi lang sa buhay mo kundi sa mga taong nasa paligid mo. Everyday decision yan.

Pag-align na yung character mo, pag tama yang puso mo, everything will come into focus. Mas magaan ang buhay mo. Then yung sinasabi nilang, the whole universe will collide to give you what you deserve will definitely happen. Remember, the universe respond to deserved, not need, not want.

Finally, stretch yourself and your life like a rubber band. You will never know what your potentials are until you stretch yourself hard enough it's gonna break you. Don’t let anyone live your life and drive you where they please. Like a boss with a stick and a carrot dangling at the other end. The only person who can tell you na hanggang diyan ka lang is yourself so the competition is not between you and the other person. It’s the devil inside you that doesn’t want you to grow.

Make a decision to change wherever you are. Don’t wait for someday. Someday, someday, someday. Remove that from your vocabulary and say NOW IS THE TIME TO CHANGE!

Sama sama tayong mangarap. Mahal ang mangarap pero halika, I’ll walk with you. Ano, kelan tayo magsisimula?

You already know everything you need to know about success. All you have to do is to put the remote control down, scoop that bag of chips away, get out from the couch and do something!

(nabasa ko lang to sa fs bulletin ....share ko din sa inyo para mabasa niyo rin..hehehe..kita kits na lang ulit tayo sa sunday mga ka-bloggers. medyo bc kc si pogi sa kanyang karir eh..wink)

Saturday, September 12, 2009

It's all about the right attitude

Here are some tips to increase your chances of being viewed as a valuable employee:

Do's
• Bring a positive attitude to work with you and be the friendly and considerate kind of person that people like to be around without overdoing it.
• Be a good listener, endeavoring to understand what your supervisor really wants you to do.
• Ask questions to make sure you understand what is expected of you.
• Prioritize your work, and ask your supervisor if you are not sure or if you have conflicting priorities.
• Show a willingness to take additional tasks over and above your job description (within reason).
• Be punctual and stay late if necessary in order to meet a deadline.
• Turn off your personal mobile phone while you are at work.
• Show respect to your boss and colleagues.

Don’ts
• Don’t be negative, overbearing and a “high maintenance” person (difficult to manage).
• Don’t get caught up in petty office politics and gossip.
• Don’t criticize the way the company does things.
• Don’t bring your personal life into the office.
• Don’t take or make personal phone calls at work.
• Don’t check your personal e-mail, surf the net.


When the cutbacks happen managers will naturally try to keep the best employees; those that have demonstrated respect and commitment to the company and that can do the job. They also look to keep those that they enjoy having around; employees who have a positive approach. My advice is to go out of your way to be that kind of employee.

(akala ko plane ticket ang pinamimigay kanina ni bosing sa opis. yun pala papel lang na ewan......no chance parin akong makauwi...tsk...tsk...)

happi mansari pala sa aking bebe...




Wednesday, September 2, 2009

i miss u



ala una y medya ng hapon kanina nang ako’y lumayas sa trabaho. diretso sa bahay tulugan... kumain ng patago.. nagbukas ng taptap. pindot dito, pindot doon hanggang sa ako’y dalawin ng antok at nakatulog…nag ring ang aking celfon. tumawag ang isang mabaho…hindi na ako ulit nakatulog pa….bumalik sa harap ng taptap..binasa ang isang pm ng isang umiibig mula sa sharjah heheeh.(offline na xa)…binuksan ang online radio..genre, lab songs..ayus db?..walang makakulitan sa chat, sa fezbuk at sa plurk…hanggang sa akoy humiga ulit….tinitigan ang kisame..napapangiwi at napapangiti sa bawat musica na naririnig dahil narin sa mensahe na ipinapahiwatig nito…may tama!..lolz….napunta ang aking kaluluwa pabalik sa pinas…sapul! nakaramdam ako ng homesick.....magdadalawang taon na ako dito sa ibang bansa... hindi pa ako nagbabakasyon. umuwi na ako isang beses pero hindi naman iyun bakasyon (emergency leave)…marami na akong na mi-miss sa pinas..mga tao, bagay at hayop..lolz..hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapag desisyon kung uuwi ba ako sa buwan ng ?????? upang magbakasyon ng bongga?…maraming mga tanong at dahilan na pumipigil sa akin….dahil walang pamasahe?...pinapa-uwi ba ako ng aking pamilya?.....o sadyang may hindi maiwanan lalo nat magpapasko na?...nyahahahaha…..ramadan…ramadan…..sana matapos ka na at makapasyal na ako(kami ng bebe ko)……para matanggal na rin ang pagka boring at pagka abnoy ko….

Dahil sa labis na pag-iisip sa pinas…namiss ko sila….

TABO – dati tabo ang ganagamit ko sa paliligo at paghugas ng pwet na may tae. dito buksan ko lang ang gripo makakaligo at mahuhugasan na pwet ko. walang kachalens chalens. ba!....iba parin kasi ang tabo. sa tabo pwede kang tumae, eh sa gripo pwede ka bang tumae?

LAMESA - sa sobrang sikip ng aking kwarto, ang lamesa ay walang pwesto. tuwing ako kakain, sa sahig lang at diyaryo lang ang sapin sabay tapon pagkatapos kumain. iba parin pag sa lamesa kakain. pwedeng magtago ng ulam sa ilalim.

ALAK – bihira lang akong makatikim ng alak ngayon. kung nakakatikim man, ito’y patago at linibre lang din ako. mahal at mahirap bumili ng alak dito.

ELECTRIC FAN – sa trabaho at sa bahay maghapon/magdamag nakabukas ang a/c. hindi kasi kaya ng power ni EF ang init dito sa disyerto. pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako pumuputi kahit laging nakakulong sa malamig ng kwarto?hehe..sa elctric fan, mas mababa ang konsumo ng kuryente kumpara sa a/c.

TV – wala akong tv dito. sa taptap lang ako nanood. kung minsan dumadayo pa ako sa kabilang bakod makapanood lang ng may bukas pa at only you sa tfc.lolz…(crush ko kasi si dimples romana pero hindi ko parin ipagpapalit si b2..hehehe)..yung tv may remote, pero yung taptap wala! (kaya wag kang magtaka kung napapansin mong hindi ako marunong gumamit ng remote ng tv niyo...hahaha)

mahigit isang taon na ako dito sa uae. ilang beses narin akong umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera (dapat lang), bumili ng pagkain at mga gamit. kung hindi sana ako umiyak, nalungkot, nasaktan, nadapa, niloko, nagpadala ng pera at bumili ng pagkain at mga gamit, malapit na sana akong maging...................…toinkz..hehehe.lolz....







Template by:
Free Blog Templates