Tuesday, August 25, 2009

buhay hangang grade 6


ang cute cute mo! ito ang madalas kong naririnig sa mga taong nasa paligid ko noong akoy musmos pa lang. mula kay nanay at tatay, mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kalaro at kaaway. nakakasawang pakinggan pero masarap sa pakiramdam dahil totoo naman..lols (cute parin naman hanggang ngayon eh!)

taon 1988, pumasok ako bilang grade 1 sa isang pribadong paaralan malapit sa aming tahanan. hindi ako nagkinder dahil hindi pa uso noon (isipin niyo na lang accelerated ako). mula dito, unti unting nahubog ang aking kakayahan at talento hanggang sa akoy naging ganap na tao at tumalino..toinkz….

“Hindi lahat ng nag-aaral sa pribadong paaralan ay mayayaman”

kapos man kami sa pera pero hindi ito ang naging hadlang upang hindi ako mapag-aral sa pribadong paaralan. bagkus, lalong nagsumikap ang aking mga magulang sa paghahanap buhay para lang may pambayad ako ng matrikula . minsan malupit ang mga araw, dumarating yung punto na wala na kaming pambayad sa skwela. sagad na sagad na kami kaya nakikiusap na lang ang nanay ko sa principal payagan lang akong makakuha ng exam at nangangakong magbabayad sa susunod na buwan. halos buwan buwan laging ganyan ang eksena hanggang sa akoy nakapagtapos ng sa elementarya

“Tinapay! Bananacue! Balut! Puto”

ramdan ko kong anong hirap ng aking mga magulang sa paghahanap buhay kaya sa murang edad naranasan kong magtrabaho maka ipon lang ng pera pandagdag sa pambayad ng matrikula at kunting baon sa skwela. mula madaling araw, tinapay! tinapay! tinapay! ang aking sinisigaw….balut! balut! balut! naman pagsapit ng gabi. tuwing sadabo at linggo naman ,ibang produkto naman ang aking nilalako. mga lutong kakanin ni “aling monda”. minsan bananacue. kamotecue, sapin sapin, puto at donut na makonat ang aking iniikot sa aming baranggay. minsan nakakarating din sa kabilang baranggay maubos lang ang aking paninda upang hindi mabawasan ang kita.

kadalasan ay late at puyat pumasok sa skwela. inaantok sa klase. pinapagalitan ng titser. lahat yan naranasan ko. naging aktibo din ako sa school namin. sumali sa mga organizations. ay hindi pala ako sumali, mga adviser pala mismo ang kukumuha sa akin pandagdag sa kanilang grupo..lolz.. dahil jan lagi akong kasali tuwing may school presentations. sumasayaw tuwing may program (star dancer pa nga eh!). kumakanta pero hindi solo, hindi rin duet at trio. ang hindi ko lang matangap eh, bakit hindi nila ako sinali sa mr. pogi? takte! mga bulag sila..

dahil nasa pribado akong paaralan, syempre mas napalapit ako kay Papa God. laging nagdarasal at nagsisimba. naging sacristan ako, kwayr sa simbahan atbp. basta pambatang church-related activities at organizations present ako jan. marami kayang chibogan saka chika bebe na bata din....nyahahaha…..at dahil napalapit na ako kay Papa God, dito na rin nag-umpisa ang aking pangarap na maging isang pari.

mula grade 1 hanggang grade six. sa school namin ako lagi ang nangunguna. nangunguna pero hindi sa usaping akademya at hindi rin naman ako papahuli kung utak ang pag-uusapan. ako lang lagi ang nangunguna sa pila dahil ako ang pinaka-maliit na bata sa aming batch elemtarya.

pagkagraduate ko ng grade 6, nagdesisyon akong pumasok sa seminaryo pero hindi pumayag ang nanay at tatay.



Friday, August 21, 2009

piso

nakapulot ako ng.......

PISO!



Wednesday, August 12, 2009

B1 and B2 @ 2



Second monthsary na natin ngayon. Dalawang buwan na din tayong nagkukulitan at nagbobolahan este nagmamahalan pala..hehe. Dalawang buwan pa lang tayo pero feleling ko 2 milyon years na tayong magkasama at magkakilala. I never tired looking at your pictures, reading messages you've sent to my china fon na binili natin sa Rolla, asaran and kulitan sa chat na kung minsan nauuwi sa tampuhan. All of these things keep me so happy and blessed (exclude tampuhan). Parang kaadikan pero totoo. My life is now full of promise, lahat ay may halaga and its all because of you. You made me become a better person now. My life would never be the same without you.

Our life togehter is amazing, and together it will only get better and better. Alam kong maraming pagsubok pa na darating. Kaya natin tong lampasan lahat na magkasama at di rin tayo pababayaan ni Big Bro. Kapit lang tayo B2. I will forever be greatful that you came into my life. Together we are perfect and i will enjoy enjoying spending the rest of my life with you.

in you...
i have found the greatest happiness in my life

and in you...
i have truly found the one person that i want to spend for the rest of my life


happy second monthsary B2. hay yab yu ng dami dami!


Wednesday, August 5, 2009

supalpal



sa trabaho, hindi natin maiiwasan na makasama yung mga taong nagmamagaling. yung tipong akala nila sa kanilang sarili eh alam na nila lahat ng bagay, sila ang boss, sila ang nasusunod, sila lang ang marunong pero kung tutuusin sila naman pala ang mga taong walang laman ng utak

tahimik akong tao pero hindi lahat ng panahon ay tatahimik na lang ako sa isang tabi at basta na lang magpapaapi sa mga taong walang masyadong alam sa trabaho. marunong din akong lumaban. kaya kong ipagtanggaol ang aking sarili lalo na’t alam ko na tama ang aking mga ginagawa at sila ang mali.

pinoy ako! palaban!


kaya ano ang napala mo? supalpal ka kay amo!

Monday, August 3, 2009

pang load!






"Kung may dagdag,
may pang-load" - BATMAN








Wednesday, July 22, 2009

walang taytol



ilang linggo na akong windang na windang sa trabaho. minsan pati pag-inum ng tubig at paglalaro ng demonstar sa ofis nakakalimutan narin dahil sa sobrang dami ng trabaho na pinasa sa akin ngayon. mula sa paggawa ng mga memo, work order ng mga na-break down na mga sasakyan hanggang sa distribution ng lintik na gasolinang yan. isama ko narin pati mga pasaway at mahirap umintinding mga diesel attendants at mga foreman sa sites na wala nang ginawa kundi umangal ng umangal dahil sa delayed na pagsusuply. dagdag trabaho, dagdag sakit ulo. Okey lang sanang dinadagdagan ang aking trabaho kung may dagdag din sa sweldo para matuwa naman ako kahit wanport at mabawasan din ang sakit sa ulo. nung nakaraang araw, kinailangan ko rin mag extend ng oras sa trabaho hanggang madaling araw dahil na rin sa kakulangan ng aming attendants na matagal na naming hinaing sa kinauukulan pero hanggang ngayon hindi pa kami binibigyan.

kaninang umaga, nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap ng aking visor. ang naging sentro ng aming usapan ay ang dagdag umento sa sweldo ng aming mga attendants at sa aking side na din. matagal na siyang may ginawang sulat tungkol sa aking dagdag na sahod at change of employment status pero hanggang ngayon wala parin balita kung ano na ang nangyari sa papel na yun. kung ginawa na nilang eroplanong papel at pinalipad sa labas ng opisina ng kinauukulan hanggang sa tangayin ng malakas na sandstom patungo sa boarder ng saudi at aue kaya tuluyan ng nawala sa kanilang paningin at ala-ala. napalitan na ang dating manager, naka hanap na rin ng bagong trabaho ang aking dating visor, samantalang kami, naghihintay parin sa mundo ng ka-dieselan. naghihintay sa wala!

“Your talented, hardworking and still young. You have a bright future. subukan mong mag-apply sa ibang kompanya na magbibigay ng mas magandang sweldo at benefits. Kung dito ka lang, walang mangyayari sa’yo. baka maghihintay lang tayo sa wala. ako nga, naka ilang taon at sulat na rin ako, wala pang increase sa aking sweldo. kaya kung may mas magandang oportunidad, grab it. I will call my friend if there is any available vacancy in their company". - VISOR

kaya next week, maglalaho ako ng isang araw sa aking trabaho. susubukan kong magpasa ng cv sa kabilang station. nandun yung kaibigan ni visor (dati kong visor). kaya goodluck sa cv ko. bahala na rin si batman.



Template by:
Free Blog Templates